Chereads / Akin Ka Lang / Chapter 11 - Chapter 10

Chapter 11 - Chapter 10

SVEN's POV

I totally forgot na minsan talaga masyadong sinsitibo ang kapatid ko.

Minsan? Sabihin mo lagi pag-ikaw na ang pinag-uusapan.

Ok... pero hindi ko akalain susundan pa ako doon ni Fointess. Akala ko nakatakas na ako sa kanya kaya nga di ko na pinatulan kanina ang kasama nya, eh.

At Tita pala nya yon? Too young para maging tita ni Fointess. Well, malawak ang mundo eh... kaya marami pang di ko alam.

And to think na mag-aaway sila ni ate Cassie 'nak tupa kakatakot sila!

Buti na lang tumigil din sila...

'Ba syempre sino ba naman di titigil kung may isang sira ulong tao bibigay sa kanila ng kutsilyo para lang manuod na magpatayan sila? 😑😓

Anong sira ulo?😠

Kita mo ngang effective, eh... tumigil din sila. Ayaw magpa-awat kaya ayon, di ko talaga akalain na effective yong nakita ko noon kay tita Zuraidah sa Marawi... tsk! Tsk! Saludo ako sa kanya, napatigil nya kasi yong nag-aaway nyang pamangkin at anak gamit nong ginawa ko.

Sira! Nagawa mo pang masamang tao si tita when infact panakot lang nya yon sa mga bata at walang ibinigay na kutsilyo! Eh, ikaw? Anong ginawa mo? 🤨😑

Ah... basta effective pa rin ang ginawa ko!

Haist... may turnilyo na yang utak mo... kailangan mo ng magpatingin!

Hmm... maglalakad na lang ako patungo sa bahay ni Noreen after all yon ang sabi ko kay ate, eh... malapit din naman sa kabilang kanto lang naman 15 minutes papunta sa kanila pag nilakad.

Kung di lang dumating si Fointess di na ako lalabas at mamayang pananghalian pa ko pupunta kay Noreen.

Panigurado dadakdakan na namn nya ako ng sermon about my health... 😓

Ilang beses ko na rin sa kanya sinabi na magaling na ako at kaya ko na ang sarili ko... na no need for her to look after me.

Pero ang ateng luka nyo ayaw makinig! May pagkapareho sila ni Noreen.

Kung si Fointess need nyang itake care ako si Noreen naman sorry ng sorry dahil siguro sa guilt at utang ng loob.

Di ko mapigilang alalahanin how I saw her again here sa village.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Naglalakad ako sa may park mga 6 pm ng hapon pano ba naman kasi di ako mapakali dahil nandoon buo ang pamilya Madrigal.

Madrigal... itinapon ko na ang pangalan na yan when I was 8 years old.

They kept me waiting 'till marealize ko sa murang edad na keeping waiting for something won't come is stupid and idiotic, so since si lolo lagi kong kasama I request for him to change my surname into his.

Shocking diba? Yeah, pagkabata-bata ko pa napag-isipan ko na yan.

Who wouldn't if makita mo ang isang bagay na magpapasakit sa mumunting puso ng isang bata?

I kept asking them. Kept begging them yet they only give excuses sa batang di nila alam na nasasaktan na nila.

Lagi kong tinatanong sa sarili, minsan kay lolo pa nga eh... if naging bad ba akong bata? Ayaw na ba nila sa akin? Or did I do something wrong that I can't be forgiven? With that in mind when I was a kid I cried gabi-gabi hanggang sa makatulog ako.

That day nakita ko lang naman ang isang litrato na ipinadala sa akin ni ate Cassie where they are smiling without me.

I know now that Cassie only meant good and wanted to share her happiness to me pero sa oras na yon iba ang nakita ko at naramdaman ko. Till now di ko pa rin 'to sinasabi sa kanya baka maguilty pa sya.

So ngayon, well... every Sunday, buo ang pamilya ng Madrigal lumabas ako with some lame excuses to be not with them para di makasabay sa family dinner nila.

Sounds bitter? Hahaha... bitter na kung bitter pero ayaw kong ma-out of place ako, no? That would only make me more feel bitter.

Walang masyadong katao-tao ngayon napatingin-tingin ako like the usual na ilang beses na napunta ako dito aside for the days na di ako tinatantanan ni Cassie at Fointess na wag lumabas ng mag-isa.

Kung di lang exclusive area ang subdivision na 'to siguradong walang mag-aatubiling maglakad-lakad dito sa park o tumambay man lang.

Mailaw dito kaya kahit gumagabi na medyo tanaw mo parin ang daan so I went and look for a bench where I can sit.

Sa kahahanap ko ng mauupoan may nahagilap akong pamilyar na mukha.

Well di ko makita ang face nya pero ang pigura nya mismo ang kita ko.

Babae, blonde ang buhok na slightly waivy hanggang likod o balakang ata, na nakayuko.

Tingin ko nakita ko na sya eh... pero saan?

Iiwas sana ako dahil baka nagkakamali lang ako at imahenasyon ko lang na nakita ko sya dati pero di maalis ang mga mata ko sa kanya.

Parang may mali, eh. Her shoulders are shaking at may naririnig akong... paghikbi?

Something flashed sa isipan ko and that's when I realize kung sino sya at dali-dali akong lumapit.

"Um... ito, oh..." sabi ko na lang sabay abot sa kusot kong panyo.

Hoy, wag kayo mslinis yan ah! Di lang ako masyadong nag-ingat ibulsa no.

Tiningnan nya ang panyo then napatingala sa akin pero nanlaki ang mga mata nya. Tila kumislap at nabuhayan ang mga ito.

"M-michael? Michael! I know-"

Napangiwi ako sa narinig at agad ko sya pinigilan ng mapatayo sya at akmang hahagkan ako.

"Miss sa tuno ng boses ko tunog lalaki ba ito?" Tipid na ngiti ang naipakita ko sa kanya. "And we've meet again miss."

Di sya sumagot at tinitigan lang nya ako ng maigi.

"Kumusta?" Tanong ko na lang sa kanya when she didn't talk. "Sven Alexandria Samañiego at pangalawang beses mo na akong mapagkamalang si Michael."

Nanlaki ang mga mata nya siguro naalala na nya kung sino ako kaya ngumiti na lang ako ng makita ko ang takot at alanganin sa kanya at di rin pahuhuli ang guilty look, para ipahiwatig sa kanya na wala syang ipangamba mula sa akin.

"I saw you sa ospital pero nawala ka agad at di rin kita mapuntahan dahil need kong magpa-check-up." Tuloy kong pagsasalita. "At di ko rin alam kung saan ka nakatira to check kung okay ka ba."

Oookaayyy? Di pa rin sya nagsasalita. Di ba sya nakaintindi ng tagalog? Pero sa pagka-aalala ko nagawa nyang managalog that day?

Maybe not?

"Um... I... think I should be going na. I just want to know if you're okay and I'm glad to see you again. Uh... um... if you need anything-"

"... sorry."

"Huh?" Napatingin na lang ako sa kanya when she said something.

"I'm so sorry." This rinig ko na ng maayos at nakatingin sa aking mga mata. "I didn't meant to hurt you. I didn't meant to shot you that day...."

Um... phew... namamawis na ako sa kaka-english nya. May accent sya mga te! Di tulad pagkausap ko sina Fointess at Cassie kahit pa may accent mga pre di ako na-o-op dahil kahit mistisa ang mga pagmumukha nila di ako ilang! Alam nyo ba kung bakit? Eh, di dahil sa kulay ng buhok nila mga te!

Eh, ang nasa harap ko ngayon blonde ang buhok! Matangos ang ilong, maputi, matangkad, at kahit di ko mawari ang kulay ng mga mata nya ngayon dahil gabi na alam kong pang kano ang kulay ng mga non! Pre literal na foreigner ito!

Um... teka anong pinagsasabi nya? Di ako kasi nakikinig dahil lumipad ang pag-iisip ko.

"... sorry if you  want luluhod ako sayo mapatawad mo-"

"Nak ng tipaklong oh... pinag-alala mo ako! Namamawis na ako rito, akala ko di ka maka-intindi ng tagalog, eh... marunong ka palang managalog!" Sabi ko sabay agaw sa panyong bigay ko sa kanya at ipinahid ko sa noo ko. "Pinakaba mo pa ako. Akala ko napasubo ako sa di oras at maubusan na ako ng english."

Nakakatawa ang hitsura nya dahil naka-awang o laglag ang baba nya mga te!

"You're not angry?"

"Hmm? Why should I? Di mo naman kasalanang maluko pero aaminin ko galit ako- no no not that- galit ako dahil naiinis ako sa walang man lang gustong makinig sa sinasabi ko! At napag-kamalan nyo pa akong si Michael! Naman o... kitang haba ng hair ko tapos sasabihin nyong mukha akong lalaki?" Sabi ko at nagbiro sa huli sa kanya pero sa totoo nyan galit talaga ako that time dahil gulong-gulo ang isip ko at I felt betrayed and toyed by my family.

Iba ang pakiramdam ko sa araw na yon kaya di ko sila magawang tingnan at nagban ako ng visitors baka may masabi akong di dapat.

"Thank you ms. Samañiego. Really salamat at di mo ako ipinakulong." Sabi nya sa akin kaya napakamot ako sa ulo.

"Malamang sa gawin ko yon, eh... ina ka ng pamangkin ko at alam kong nadala ka lang sa galit at di mo ginustong barilin ako." Nakangiti kong sabi.

"And you are?" Tanong ko. "Ayaw kong tawagin kang miss sa tuwing magkikita tayo kaya wag mo akong tawaging Samañiego, Sven o Alex nalang."

"Danniela Noreen McKenzie and I'm sorry for not visiting you in before in the hospital. I don't know where you got admitted and your family won't tell me where you are." Nahihiyang sabi nya at naglahad ng kamay for me to shakehands with her.

"Nah... it's ok, naiintindihan ko. And nice meeting you ms. Danniela Noreen McKenzie.

.

.

.

.

.

.

.

Nakakatawa ang hitsura nya ng oras na 'yon. What can I say akala ko mauubusan ako ng english at napasubo ako ng wala sa oras. Ok lang kina Cassie at Fointess dahil alam kong maiintindihan nila ako pag nanagalog ng pagsagot sa kanila.

"What so funny? And put this sling on! Baka gusto mo baliin ko nalang yang kaliwang kamay mo para wala ka nang mairason pa to put this on your arm."

"Foint-"

"How many times do I have to tell you Sven it's Isabelle! Isabelle or Kristine and Kris for short! Like what others calls me."

"Di tayo close para tawagin kang Isabelle at ayaw kong tawagin kang Kris o Kristine baka mapagkamalan mo pa akong si Michael!"

Kabute ba sya? Dahil lagi na lang sya sulpot ng sulpot sa tabi ko ng di ko inaasahan.

"Look I'm sorry sa mga sinabi ng tita ko, okay? And you don't have to feel insecure about yourself dahil lang sa napagkamalan kang si Michael." Sabi nya at pagtigil sa nya rin akin ng napahawak sya sa balikat ko.

"No need to listen what others say because you're not him and you don't look like him- ok my bad- the two of you do have similarities at first glance. Ikaw pa nga ang nagsabi ng pakaka-iba nyo so where's that confident angry attitude you have that day?" Sincere nyang sabi na nakatingin sa mga mata ko.

Napabuntong hininga ako sa sinabi nya.

"Unti-unting nawawala dahil mula ng mapunta ako rito walang di nagkamali sa pagtawag sa akin aside sa pamilya ko. Even that assistant o secretary of yours sa ospital? Kita ko ang pagkagulat nya ng makita ako then tawagin ba akong gandangpogi na syang nagplant ng seed of doubt sa isip ko but I ignore it. Tumubo lang naman doubt ko when that tita of yours came into the picture." Isahang hininga kong sabi at di ko maiwasang magmaktol sa bandang huli.

Uh... ako ba to? Kakasabi ko lang na di kami close nitong babaeng 'to pero nagawa kong magmaktol sa harap nya at hinayaan ko pa syang tawagin akong Sven!

Bahala na nga! After all inalagaan nya rin naman ako so maybe we could be... friends?

Haist... maikling panahon ko lang sya nakilala but lagi ko syang nakasama almost araw-araw sa ospital at dito sa village at bahay ng mga Madrigal.

Then kakaibiganin ko sya simula ngayon dahil sa ayaw kong magmukhang walang utang na loob.

Humarap ako sa kanya at huminga ng malalim.

"Then don't doubt yourself and believe in yourself dahil gusto kita."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig at biglang kumabog at di mapakali ang puso ko sa sinabi nya.

"I like you just the way you are as a person Ven at di ako sanay na ganito ka na nawawalan ng self-esteem sa sarili."

Di nawala ang pagkabog at di pagkamapakali ng puso ko but masaya ako ito ang nararamdaman ko.

Bakit kaya?

Di naman sa sya lang ang nakapagsabing gusto nila pagkatao ko pero bakit natutuwa ako at ganito ang pakiramdam ko?

I look intently at her bluish eyes at kita ko ang sinsiridad nya sa mga sinabi nya.

Sa unang pagkakataon ng pamamalagi ko dito napangiti ako at napahalakhak sa tuwa na mula mismo sa aking puso.

Siguro dahil sa malapit sya sa mga Madrigal at matagal na nyang kilala sila kaya I feel this way dahil sa she see me as I am and accepts me.

At ito ang masasabi mong malapit sa pagtanggap sayo ng mga Madrigal dahil sa tinuring nila syang kapamilya.

Aist... ang mapaghinala kong utak oh... 😕

"W-what so funny?"

"Since sincere ka from now on I accept you as my friend. Mag-kaibigan na tayo sa araw na ito." Sabi ko at niyakap ko sya dahil sa tuwa. "At dahil sa friends kayo ni ate Cassie at matanda ka ng ilang taon I'll call you ate Uno."

"What? Ate? Uno? Yuck! Just call me Isabelle and I prefere that kaysa Uno. And don't ever call me ate matanda lang ako sayo ng 3 taon." Napabalikwas nyang sabi at pagalit nyang sabi.

"Yaw ko ang haba ng Isabelle at maganda kaya ang uno dahil unique galing sa pangalan mong Isabelle." Natatawa kong sabi.

"Then I don't want to be your friend then just call Isabelle o Fointess na lang."

"Nah... wala ng bawian. I already declare na friends tayo kaya wala kang magagawa."

"Then don't call me Uno! And it's not unique name but a lame one!"

"Anong masama sa Uno mga friends ko nga lalo na sa militar nong nagvolunteer ako tawag nila sa akin Pito. At ayaw kong tawagin kang Isa for short ng Isabelle kasi masyadong-"

"I'd rather you call me Isa than Uno tutal sabi mo naman tawag sayo ng friends mo Pito and that's final!"

Di na ako nakaangal pa dahil sa nakakatakot nyang pagtingin sa akin para nya akong sasabunutan if I say otherwise.

"Ok... tatawagin na kitang ate-"

"Don't add ate!"

"Eh matanda-"

"Sinong matanda, ha?"

"Uh... nan-nandito na pala tayo, oh." Sabi ko na lang. "A- I mean Isabelle please lang wag ka sanang makipag-away-"

"Do I look like mahilig makipag-away?"

Napaismid na lang ako. Bakit ba lumalabas na naman ang pagka-maldita nya? Bahala na nga.

"Basta Isabelle-"

"Isa."

Napakunot noo ako sa sabi nya. Binibilangan nya ba ako?

"Call me Isa."

"Naman o kanina gusto mo Isabelle tawa-"

"Basta yon na gusto kong tawag mo sa akin."

"Ok... Isa..." pagsang-ayon ko na lang dahil hahaba pa ang usapan. "Basta ayaw ko ng away o bangayan ngayon hah?"

Paglilinaw ko sa kanya dahil di ko akalaing susundan nya ako hanggang dito sa bahay ni miss Noreen.