Chereads / Akin Ka Lang / Chapter 8 - Chapter 7

Chapter 8 - Chapter 7

SVEN's POV

Hahhh... malamig ang simoy ng hangin at maganda ang umaga ngayon.

Mag-iisang buwan na ako ngayon sa pudir ng mag-asawang Madrigal kasama ang iba ko pang mga kapatid.

Well, some of them ay laging nasa kani-kanilang condo like Michael at ate Catherine. Si ate Cassie ang lagi kong kasama sa bahay.

Duh... simpre bantaan mo ba naman.

Hm? Nag-imbita sya tapos sa condo nya sya tutuloy? Nah... magtiis sya kundi aalis ako mismo! Lalo na't napilitan lang akong makituloy sa bahay ng mag-asawa which is mga magulang ko.

Ano ba naman 'to maganda na nga ang panahon binabad-trip ko pa sarili ko.

I-enjoy ko na lang ang park dito sa subdivision. Ah... namiss ko tuloy ang Davao, hindi yong city kundi kung yong province kung saan meron may kalakihang lupa doon si lolo.

Through out since napunta ako kay lolo di na ako nakakapunta dito sa Manila kahit na bakasyon. Ni hindi ko rin madalas makasama ang mag-asawang Madrigal liban lang kung ang pag-uusapan ay bussiness, doon ko sila laging nakikita.

As for vacation? Naku doon ako sa rest house ni lolo sa Tawi-Tawi.

Haha... dangerous? Maraming terrorist sa Sulo malapit sa Tawi-Tawi?

Hahaha... ni nagawa ko ngang pumunta at manatili sa Marawi, 'nak tipaklong naman, kung tutuosin it's normal kahit saang dako ng Mindanao. Hindi sa lahat ng pagkakataon laging may barilan lalo na sa Muslim's area that was just people's prejudice.

Namiss ko tuloy ang Mindanao, Muslim's land territory are underdeveloped full of trees parang un-explored land nga, eh.

Next time magkukwento ako about jan, for now kuntinto na ako dito sa park na 'to.

Anong ginagawa ko dito?

Eh di nagjogging! Uh... di literal na jogging but walking exercise. 😅

Di pa kaya ng katawan ko ni di pa naaalis ang sling ko, eh.

Hmm... di masyadong madami ang tao dito puro mga nag-i-ehersisyo lang. Di rin naman masyasong malawak ang park sakto lang para mag-picnic ang ilang tao dito at makapag-laro some of the kids here. Mapuno rin at maraming bulaklak for good scenery at para di rin masyadong mainit.

"Haist... tumitirik na ang araw kaso ayaw ko pang bumalik." Nasabi ko na lang sa kawalan.

For one whole month iniiwasan kong maka-usap sila ng matagal o makasabay sa breakfast at dinner. Makasabay ko man sila sa agahan o dinner binibilisan ko na lang kumain after that aalis na ako.

"Oh, Sven nandito ka pa? Don't forget now is your check-up sa hospital sasabay ka pa sa akin." Baglang sabi ng sumulpot na babae.

Ako ang naiinitan sa kanya kahit na naka sport bra, fitted shorts at running shoes lang si Fointess.

Ako ngang simpleng white shirt, loose jogging pants at naka Nike black shoes... eh, di masyadong pawisan kahit naka-ilang ikot na akong naglalakad ng walang pahinga. Eh, sya? Halos maligo na sya sa kanyang pawis. Ano bang ginawa nya para pawisan ng subra.

Duh... na hiya naman ako sayo 'kala mo kung sinong tumakbo ng ilang milya paulit-ulit... naglakad ka lang naman. Eh, sya... siguradong nagjogging di tulad mo!

"Ahem, I know maganda ako kaya don't stare too much." Sabi nya sabay kindat sa akin.

"Asumera... di kita tinititigan dahil maganda ka kundi para kang asong basa sa ulan." Sagot ko sabay takip sa ilong. "Subrang pawis na nga umaamoy pa. Isa pa kaya ko ng mag-isang pumunta doon sa hospital no need na makisabay pa sayo."

Kung di ko pa nasasabi sa inyo, dito rin sa subdivision na 'to nakatira ang parents ng babaeng 'to. Dalawang bloke lang ang layo ang bahay nila sa mga Madrigal.

Di ko pa rin sya napapatawad sa pagpingot nya sa akin that day. Ang sakit at halos mamaga na ito kung di ko lang nilagyan ng yelo.

Isa pa sya rin ang may kasalanan kaya di na ako nakaalis sa bahay na 'yon.

Sus, takot mo lang!

And worst lagi syang nakabantay sa akin this past few days.

Paano ba naman kasi may mga oras na pinupuntahan nya ako sa kwarto liban lang nong una she really went at the earliest hour 7 am, her reason? To check up on me! Ano ako bata? The rest? Before going to work pinupuntahan nya ako.

Sinabi ko na sa kanya na di na nya kailangan gawin lahat ng 'to, and guess what ang sagot nya? She owe her life to me kaya hangga't di pa ako gumagaling.

Ang pinaka-worst sa worst! Hatid sundo nya ako sa university mula ng samahan nya akong mag-enroll three days after masettled na ako sa bahay ng mga Madrigal! And it's been a week ng simulan nya akong ihatid at sunduin sa eskwela! Kina-usap raw sya ni ate Cassie at ng mag-asawang Madrigal to do that dahil wala akong kotse!

At ayaw ko rin naman magpahatid sa driver nila dahil di ako sanay.

Sus, nagsalita ang di sanay!

Well, after that military training as a reserve soldier natuto na akong magcommute, no! And I started to like it. Sabi ko nga gusto kong maranasan ang maging normal dahil over protective si lolo, ngayon pa na malaya na ako sa gusto kong gawin? No way!

"Isa pa Fointess tawagin mo akong Alex o di kaya Samañ-"

"No, I already told you maka-ilang beses na... that I am going to call you Sven!" Pagpigil nya sa pagsasalita ko. "Also call me Isabelle o Kristine or Kris for short not Fointess nakakatanda. Nagawa mo akong tawaging Isabelle minsan so no backing out." Maarte nyang sabi. "O di kaya naman tawagin mo nalang akong ate, tutal matanda ako sayo ng ilang taon."

"Never!" Walang pagdadalawang isip kong sagot.

Dali-dali akong tumalikod at umalis baka humaba pa ang usapan.

Narinig ko pang ang pahabol nya na di daw sya umaamoy tulad ng sabi ko at sabay daw kami pumunta sa ospital.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Hindi ka ba na a-awkwardan sa pagpunta mo sa bahay? Di na kayo enggage ni Michael but you always coming here is giving Michael mixed meaning." Naiirita kong tanong.

Akalain ko bang maabutan ko sya sa living room pagkababa ko. Akala ko mauuna ako kaysa kanya hindi pala!

"At naligo ka ba? Parang hindi dahil sa bilis mong pagsulpot." Pang-aasar ko pa.

"Maligo man ako o hindi mabango pa rin ako because I am beautiful!" Irap nya lang sa akin na sinagot ko naman ng sarkastiko kong tawa.

"Yes, it's awkward but I have to thicken-up my face to check up on you." Sagot nya sa una kong tanong.

"Naks naman dapat ba akong maflattered? God... Foi-"

Binatukan nya ako sa ulo dahil di nya ako pweding hampasin sa kaliwa kong kamay. Putek! Masakit!

"Isabelle nakaka-ilan ka na, ha?" Pagalit kong sigaw dahil pang-apat beses na nya akong batukan sa ulo ngayon.

Pero parang wala lang sa kanya ito.

"See? It's not that hard to call me by my name, di ba? At isa pa nasa sa kanya na yon. Ang mahalaga I already told him na di na kami magkakabalikan pa."

Napa-eye roll na lang ako sa sagot nya at di nagtagal nakarating na kami sa hospital.

Sinamahan nya rin ako sa clinic ni doc Reyes. Her reason? Gusto nyang malaman ang kundisyon ko.

Di ko sya mapigilan kaya hinayaan ko na.

"Um, doc ano na po? Pwede na po bang tanggalin itong sagabal na sling na 'to?" Tanong ko kay doctor Reyes sabay turo sa sling ng kamay ko.

Itataas ko sana ang kaliwa kong kamay kaso si madam inirapan nya ako at nagbantang batukan nya ako ng makita kong iginalaw nya ang right hand nya.

So takot ka nga!

Hindi ah! Mapisikal lang na tao sya lahat nang naranasan ko sa kanya sakit sa katawan. Baka nakakalunutan mo, pero ako hindi, una palang nyang pagpapakilala halos- haist... inisip ko pa lang parang bumabalik ang sakit na naranasan ng katawan ko sa kanya.

"So far maayos ang pagrerecover mo hija but no you can't-"

"Doc naman, eh... nakakabagot na ang di ko pag-galaw nitong kamay ko!" Reklamo ko kay doc.

"Di mo pa ako pinapatapos ms. Samañiego."

"So tatanggalin nyo- aray! Ano ba? Ba't ka na naman nambatok? Pang-lima na yan, ah!"

"Let doc Reyes finish wag mong pangunahan."

"Uh..."

Napabuntong hininga si doc Reyes sa kakulitan ko.

Hehe... 😅 atat lang alisin itong sling, eh... pasinsya na.

"Ahem... as I was saying hindi mo pa maaalis yang sling ng left hand mo. Not for now but come back next week and we'll talk again after ng first therapy mo dito."

"Whoa! 😲 Next week na pala ang therapy ko? Ba't di na lang- sabi ko nga next week, eh. Sige doc kita kits na lang tayo ulit next week! 😓"

Di ko na naituloy ang balak ko dahil sa nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Fointess.

"Thanks again doc!" Sabi ko at lumabas na ako.

Nagpunta ako sa assistant o di kaya secretary ni doc Reyes para magbayad.

Hmm? Saan na yong bossy na babaeng yon? Napalinga-linga ako.

Heh... makakaalis na ako ng-

"Oh, what are idiotically smiling about?" Sabi ng nasa gilid ko.

"Uh... may pinag-usapan ba kayo ni doc?" Ang nasabi ko na lang dahil paglingon ko kakalabas lang nya sa room na pinanggalingan ko kanina.

Akala ko pa naman umalis na sya at di ko na sya makikita pa at ng makagala naman ako nang walang magrereport kay ate Cassie.

"Wait ka sa clinic doon mo na hintayin ang sundo mo." Sabi nya at naglakad na.

Ako naman naka-tayo pa rin sa kinatatayuan ko.

"What are you standing thete for? Hali ka na!"

"What?" Ang naibulalas ko sa kanya.

"Sabi ko hali-"

"Di yan! Anong sundo?" Tanong ko.

"Susunduin ka ni ate Catherine mo di ka mapupuntahan ni Cassie busy sa photo agency nila."

"Photo agency?" Takang tanong ko. "Photographer ba sya? Akala ko modeling ang trabaho nya? Teka... anong sabi mo si ate Catherine ang susundo sa akin?" Sunod-sunod ko pang tanong.

"Well, Cassie owns a photo shop and studio for her models. Side line lang nya ang pagmomodel, maraming nakakakilala sa kanya as a photographer at ang shop nya, di mo ba alam?"

Napailing-iling na lang ako na sya ring ikakunot noo ko.

"And yes si ate Catherine ang susundo sayo." Pag-confirm nya sa huli kong tanong. "Di ba close kayo ni Cassie? Ba't di mo alam? Magkapatid ba kayo?" Nagtatanong nyang sabi na may panunumbat.

"No time for that busy for work kaya di na ako nagtatanong pa ng mga bagay tungkol sa kanila." Flat kong sabi.

"Busy for work?" She smirked and give me are you kidding me look. Klarong di sya naniniwala.

"Yes." Yan lang ang sagot ko at nilagpasan ko sya.

"Look, Sven, alam kong di mo masyadong kasundo ang mga kapatid mo at ayaw kong mangngi-alam but try to mingle with them." Pigil hawak sa akin ni Fointess at naglakad na kasabay ko.

"Try to talk-"

"I am..." nawala na ako ng gana pang makipagtalo sa kanya pero may nararamdaman akong inis na di ko maipaliwanag after learning something I don't know kay Cassie.

"Pagkaka-alam ko apple of the eye ka raw ng grandpa mo kaya ka nya kinuha but that does no mean na malayo ang loob mo sa mga kapatid mo. Why not try, Sven, to talk with your other siblings? Ate Catherine and Michael are not that bad-"

Sumobra na ang inis ko sa mga pinagsasabi nya kaya napagsabihan ko sya dahil kunf hindi baka magalit na lang ako ng tuluyan sa kanya.

"You meant well ms. Fointess and I appreciate that pero sana ito na ang huli mong pangingi-alam sa pakikitungo ko sa mga kapatid ko." Pormal kong sabi sa kanya.

"Hindi sa nangingi-alam ako pero si Cassie lang ang lagi mong kinakausap yet you don't-"

"Shut up Fointess! Don't meddle into something you don't know! Natutulerate ko pa ang pambubulabog mo sa akin araw-araw but this is private wala kang karapatan sabihan ako kung paano ko pakitungohan ang mga kapatid ko." Galit kong madiing sabi dahil ayaw ko syang sigawan dahilan lang dito.

Wala syang alam kaya lang nya ito sinasabi because I saw concern flashed in her eyes and she meant well but she touched my line limit at kunti na lang she'll cross it at baka mauwi pa ito sa di kaaya-ayang sitwasyon.

Nasa harapan na kami ng clinic nya at biglang lumabas ang isang babae mula roon sa loob.

"Oh, doc nandito ka na pala? Sya ba ang sinasabi mong sinamahan nyo?" Nakangiting tanong  nya kay Fointess. "Naku... salamat sa pagligtas kay doc! At ang gandapogi mo pa! Kayong mga Madrigal talaga lahiin kayo ng magaganda at gugwapo!"

I stiffen ng marinig kong tinawag akong Madrilgal but I can't help myself na mapa-ubo sa sinabi nyang gandangpogi ko raw.

"Uh... naku Maria flattery won't get you anywhere! Don't just stand there and block the way at ng makapasok kami."

"Sorry doc!" Maria smiled pero di mukhang apologetic at tumabi para makapasok na kami. "Oo nga po pala napatawag ang dad mo doc kinukumsta ka at nagpapasabi na sunduin mo raw ang tita mo sa airport this 8 pm. Gotta go doc natures calling me!"

Ng paalis na sya winked at my direction.

Napaka-hyper nya kumbaga naka-enervon! 😅😅😅

She has a pixie cut hair nabumagay sa active aura nya na parang di makikitaan ng pagod.

5'5 ang height siguro dahil 5'6 and 1/2 ang height ko at nagmukha syang pandak because Fointess is here na 5'7 ang katangkaran nya pero nagmumukhang amazona sa suot nyang heels.

"Ahem! Upo ka lang jan Catherine will arrive in ten minutes magpaparking lang sya."

Rinig kong sabi ni Fointess at naupo na sya sa swivel chair nya behind the table.

Napaka-awkward ang katahimikan at sinisisi ko ang napag-usapan namin kanina. Every minutes felt hours o di kaya ay days!

Saan ba ang sundo ko? Bakit kailangan may sundo pa? Kaya ko naman ang sarili ko?

Nong akala ko di na darating si ate Catherine bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang nakakatanda kong kapatid.

Doon lang ako nakahinga ng maluwag. Si ko akalaing sasaya ako makita sya makalabas lang ako awkward situation na 'to!

Nag-kumustahan at nag-usap sila sandali, di ko na sila pinapakinggan dahil sa atat akong makaalis dito.

Papalabas na kami ng magsalita si Fointess.

"I'm sorry about earlier Sven but I hope you will think about it."

Napatitig ako sa kanyang mga mata at kita kong seryuso sya sa kanyang sinasabi.

"Hmm..." napatungo ako sa gawi nya at tumalikod. "I'll consider thinking about it." Yan lang ang sabi ko bago ako makalabas.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Naglalakad kami ni Catherine ng may nahagilap akong babae  na .

Napakapamilyar ang mukha nya like Fointess may katangkaran rin sya. Mahaba ang bukok pero blonde ang kulay unlike kay Fointess na maitim at straight... eh, yong blonde na babae may pagka-slight curly na bumagay sa well shape nyang mukha at kulay light green na mga mata.

"Sino tinitingnan mo?" Tanong ni ate sa akin na syang nagpa-alis ng tingin ko sa babae.

"'Yong babaeng yon. Pamilyar ang mukha nya sa akin." Sabi ko sabay turo sa pamilyar na babae.

Napakunot noo ako. "Di ko matandaan kung kilala- teka! Sya yong babae!" Bigla kong nasabi dahil nakilala ko na sya.

"Sya yong-"

"Sv- Alex halika na." Napatingin ako sa kanya ng hawakan nya ako at hilain.

"No, puntahan-" saway ko pero humigpit ang pagkahawak nya sa akin.

"Lex, hindi sya-"

"Sya yong babaeng yon ate! Sigurado ako don!" Pigil ko sa kanya ulit.

Sa inis tumingin sa akin Catherine ng naiirita ang mukha. "So? Ano naman kung siya si Noreen? Anong gagawin mo, ha? Lalapitan mo?"

"Oo, simpre! Mali ba?" Walang pag-atubili kong sagot.

Kita ko namanng na patampal sya sa noo. Mali ba akong gusto ko syang lapitan?

"Wala naman naman masama don. Isa pa mukhang magpapa-check-up sya para sa baby nya, we need to be there for her." Naglakad na ako palapit sa Noreen na 'yon pero napatigil ako ng makita ko nakatayo lang si ate Catherine.

"Wag nyong sabihing wala kayong balak kilalanin ang bata? Balik-baliktarin man natin ang mundo may malaking chance pa rin na anak ni Michael ang bata, ate Catherine." Sabi ko at tinitigan ko ng maigi sya sa mga mata.

Wala pa rin syang imik at nakatingin lang sa akin.

The answer is so obvious! It's clear as the sky under the sun and it pisses me off!

Wala akong nagawa kundi ang matawa ng pagak.

"Makaka-alis ka na... kaya kong nang mag-isa." 'Yon lang ang sabi ko sa kanya at tumalikod na.

"Cassandra entrusted you to me so whether you like it or not-"

Pinigilan nya ako pero kumawala ako sa pagkakawak nya. "Wala akong paki alam! Kaya ko ang sarili... don't worry ako na magpapaliwanag kay ate Cassie."

Pero mapilit ang linta ayaw paawat, eh.

"Look, Sven-"

"Don't call me that!" I hissed as I glare at her.

"Alexandria I mean... dad won't like it 'pag nalaman nyang-"

"Wala akong paki alam! Alin ba don ang di mo maintindihan... ha, Catherine? Ako? Maliwanag pa sa buwan ng gusto nyong ipagtabuyan ang mag-ina tulad ng pag-abandona nyo sa akin!" Wala akong magawa kundi ang makita ang sarili ko sa dinadalang anak ni ms. Noreen kaya nag-iinit ang ulo ko sa galit!

Kung si Fointess is behind the line of my boundary pwes sya kusa syang tumalon sa kabila!

"Is this all about that same old-"

"Apple of the aye ng lolo nya kaya sya kinuha! Ang swerting bata sta ang pinakagusto ni Lucas Samañiego sa lahat ng apo nya! Lalaking taga-pagmana ni Lucas Samañiego ang bunsong anak ng mga Madrigal!" Sinabi ko lahat ng mga naririnig kong sabi-sabi o bulong-bulongan ng ibang tao.

"Sa tingin mo tama ba lahat ng sabi nila? Yes, lolo give me everything but in exchange of me. But still I am me now. The me before and the me now is the same and only one person, you get me?"

Natawa ako sa blankong mukha nya.

"Of course not! That child in ms. Noreen's womb will grow up full of questions... kung bakit ganito sya at walang ama. At marami pang susunod na mga bakit na tanong!"

Hindi akalain natriger ako dito mismo sa ospital.

"Ba't ko nga ba sayo 'to sinasabi?" Iniling-iling ko ang ulo ko. "Any way just forget what I've just said. Isipin mo na lang nonsense lahat ng sinabi ko... well,  nonsense naman talaga lahat ng yon."

Tumalikod ulit ako para puntahan ang babaeng nag-ngangalang Noreen pero wala na sya roon.

"Haist... wasted my time for nothing." Himutok ko. "Wala na sya... ibalik mo na ako subdivision."

"Dadaan muna tayo sa office." Sabi nya sa akin which means di pa ako makakabalik doon sa lugar na 'yon. 😀

Habang nakasakay kami sa kotse nyang mamahalin na... uh, mini cooper ba 'to? BMW? O baka naman... ay, ewan! Wala akong hilig sa mga kotse! Parepareho namang sasakyan, eh.

Ayon habang nakasakay kami lagi nya akong sinusulyapan. Hindi naman sa awkward pero mas malala pa ito dahil ang heavy! Parang may wall na naka-hadlang sa pagitan namin.

"Ano?" Pagbabagsak ko ng katahimikan.

"About that Noreen-"

"Wag kang mag-alala di ka madadamay but that does not mean na titigil at di na ako mag-i-inquire tungkol sa kanila because they are family as you are a family to me."

Good thing red light kundi baka nadisgrasya na kami!

"O ba't ganyan ka makatingin? Ayaw ko man... pamilya ko pa rin kayo at magulang ko pa rin ang mag-asawang Madrigal. Balik-baliktarin ko pa ang mundo walang maka-kapag-bago don tulad ng walang maka-kapag-bago na si Michael ang ama ng bata kung sakali." Pranka kong sabi.

Totoo naman dahil lagi sa akin sinasabi 'to ni lolo. Galit o kamuhian ko man sila pahalagahan ko raw ang pamilya ko dahil walang maka-pagba-bago na sila rin mismo ang pamilya ko at anak nya mismo ang ina ko.

Pagdating kay lolo di ko mawari kung ano ang nararamdaman ko sa kanya. Nandoon ang galit at pagka-muhi dahil kinuha nya ako at inilayo sa mga magulang ko pero nandoon din ang respeto at pagmamahal dahil sya ang umaruga at nagpalaki sa akin.

"Uh, we're here na." Pagpukaw ni Catherine sa naglalakbay kong diwa.

Nanigas ako at gusto kong mapamura! Office! Ba't ko ba nakalimutang sa kumpanya nagtatrabaho si Catherine at sya mismo ang COO dito.

"I'll here na lang at kung matatagalan ka mag-ta-taxi na lang ako."

"Okay, be back soon, di ako magtatagal." Sabi nya at umalis na.

Sinadya ba nya ito o nagkataon lang? May ibig bang sabihin ang pagdala nya sa akin dito o wala?

Di ko mapigilang mapa-isip ng kung anu-ano but no matter what it is wala na ako roon. Nag-aaral na ako ng teaching profession na syang ikina-bi-busy ko.