Chereads / IT'S DEFINITELY YOU / Chapter 3 - Chapter 1

Chapter 3 - Chapter 1

Chapter 1

Savannah's POV

"Vannah!" pasigaw na tawag sakin ng pinsan kong si Scarlett pagkapasok ko palang sa loob ng cafe. Napatingin tuloy sa akin yung ibang costumers. Loka loka talaga. Nakakahiya sa mga costumers. Sabagay hindi naman siya nahihiya at nasasanay na ako sa sigaw na tawag nya sa akin. By the way, siya si Scarlett Nephele Riosmell. Ang aking pinsan slash bestfriend. Itinuring ko na rin siyang bilang isang kapatid. May kagandahan siya pero sobrang ingay naman. Siya 'yong tipong babae na kapag asarin mo siya ay mas gagantihan ka pa ng mas sobra pa kaya mapipikon ka nalang sa kanya. Siya ang palaging manalo sa asaran ehh kaya nasanay na ako sa kakaasar nya sa 'kin. Siya rin 'yong palaging nandyan kapag may problema ako at sya rin ang palaging sumuporta sa akin.

"Hinaan mo nga ang boses mo Scarlett nakakahiya ka sa mga costumers" mahina na sambit sa kanya.

"Ayyy! Hehehehe okey lang yan sabi mo sanay ka na? Kaya okey lang Hehehe peace na tayo Vannah" sabi nito at naka peace sign pa ang loka. Ang loka talaga nito. Tsk.

"Baliw! Tigilan mo 'yang kalokohan mo. Tara na nga sa loob baka madisturbo mo na naman ang mga costumers" sabi ko sa kanya at pumasok na sa mini office namin dito sa loob ng cafe.

"By the way Savannah, nagyaya nga pala si Xiantyl at Klare na lumabas mamaya. Ano? Game ka ba? Sasama ka ba?" Tanong nito sa akin habang umupo sa kanyang upuan.

"Nahh..." Maikling sagot ko. Bakit pa ako sasama? Ehh mapapagod lang naman ako nyan. Mas gustuhin ko pang matulog kaysa sa gala-gala na 'yan. Sabagay palagi naman silang gala ng gala at hindi agad mabawasan ng enerhiya. Hindi kagaya sa akin na madaling mawalan ng enerhiya at palaging pagod.

"Tss. Di ko alam kong bakit pa talaga kita tinatanong! Ehh obvious naman ang sagot mo. Alam kong magpapahinga ka lang. Bakit ayaw mong sumama sa amin?" nagkibit balikat nalang ako sa mga sinasabi nito.

"Kapag gala ang usapan, madali lang ako dalawin ng antok kaya mas gustuhin ko pang matulog kaysa sa gala na gala na 'yan" sagot ko sa tanong nya.

"Hayy nako Vannah... Ang boring ng life mo sa totoo lang. Puro ka lang tulog" napataas naman ang kilay ko sa sinabi nito. Well, I can't blame her kung ganyan ang iniisip niya. Bahala sya kung 'yan ang iniisip nya.

"By the way Savannah, labas muna ako dun. May ginagawa nga pala ako! Nakakalimutan ko na sa kakausap sa 'yo" sabi nito at lumabas na. Napailing nalang ako sa kanya.

Tsk. Tsk. Sige Scarlett unahin mo 'yang usap kaysa sa trabaho.

Napaisip naman ako sa sinabi nya kanina.

Tama sya, Matagal din nung huling beses akong sumama sa mga gala nila. Yun yong panahon na masaya pa ako. Paano kaya kung hindi ko siya iniwan? Masaya pa din siguro kami ngayon.

Such as a stupid thoughs!

Natawa na lamang ako sa aking iniisip. Savannah! Bakit ba naalala mo na naman siya?

Ibinaling ko na lamang ang aking atensyon sa mga bagay na kailangan kong gawin kaysa sa mga bagay-bagay na 'yan.

Nang matapos na ako sa aking ginawa ay tumayo na ako at lumabas na sa office. Nakita ko naman si Scarlett na kinausap ang 'yong isa sa mga staff namin. Tinawag ko siya upang mapalingon siya sa gawi ko.

"Scarlett! Una na ako. Sa susunod na lang ako gumala kapag nakapagpapahinga na ako. Ingat ka sa gala nyo" sabi ko sa kanya at nagpaalam na.

"Hindi ka ba talaga sumama? Sayang naman" tanong nya at umiling.

"Sige, palagi ka namang wala sa gala. Ingat ka sa pagmamaneho" saad niya at yinakap ako.

Lumabas na ako ng cafe at pasakay na sana ng sasakyan ko ng may makita akong isang pamilyar na tao. Ang taong matagal ko ng hindi nakita at makausap pang muli.

Nakatulala lang ako dun sa lugar kung saan ko siya nakita ngunit wala na doon. Baka namalikmata lang ako. Posible namang bumalik sa siya dito.

Bumalik na lamang ako sa wisyo ng may biglang tumapik sa balikat ko.

"Hoyy Vannah, anong tinignan mo dyan? Bakit ka nakatulala? Okay ka lang ba?" Tanong ni Scarlett na nag-alala. Tumango na lamang ako sa kanya bilang sagot.

"Bakit ka nga pala nandito sa labas? Tapos ka na ba? Uuwi ka na rin ba?" Saad ko sa kanya.

"Hindi , ipabibigay ko lang sana to nina Zhypherine at Zephyrine may gagawin pa kasi ako" ani nito at inabot sa akin ang box ng cake.

"Sige akong bahala" sabi ko at pumasok na sa kotse ko dala ang cake. Dadaan pa pala ako sa bahay.

Lutang ako buong biyahe kakaisip sa nangyari at nakita ko kanina. Posibleng namalikmata lang ako. Sayang nga lang at hindi ko ito nagawang lapitan kanina, pero parang hindi ko naman kaya. Ano ba talaga Savannah?!

Dumaan muna ako sa bahay nina Zhyperhine at Zephyrine upang ibigay sa kanila ang box ng cake na naipadala ni Scarlett sa akin. Si Zhypherine at Zephyrine ay magkambal at kaibigan ko rin. Pagkatapos ay dumeritso na ako sa condo ko upang matulog. Pero hindi kaagad ako nakatulog.

Hanggang ngayon hindi pa rin mawala sa isip ko 'yung nakita ko kanina.....

-WINTERBE4RY