Chereads / IT'S DEFINITELY YOU / Chapter 4 - Chapter 2

Chapter 4 - Chapter 2

Chapter 2

Savannah's POV

Inabot ako ng madaling araw sa kakaisip sa kanya. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi kakaisip sa nangyari. Bakit ba kasi hindi siya mawala sa isip ko ayun tuloy siya ang dahilan sa kakapuyat ko. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko. Bakit ba kasi nakita ko siyang muli? Sabagay masaya naman ako dahil nakita ko siyang muli kahit hindi ako sigurado sa nakikita ko, malungkot rin isipin dahil nong nakita ko sya ay biglang bumalik ang lahat ng mga alaala na pilit ko nang binabaon sa limot.

I.... I just miss him so much....

"Earth to Vannah!" Scarlett snapped me back to reality. Grabe makasampal si Scarlett parang sinampal ang kaaway nya muntik na ako mahulog sa kama.

"Arayy Scarlett! Kung ikaw kaya ang sasampalin ko? Ang sakit ng pisnge ko" galit na sambit ko sa kanya.

"Kanina pa kasi akong bunganga ng bunganga dito eh hindi ka naman nakikinig sa akin. Kaya ayun sinampal kita para mabalik ka sa sarili mo. Ano ba kasing pinag-iisip mo dyan? Kahapon pa yan ahh? Okey ka lang ba?" tanong niya.

"O-okey lang ako, hindi kasi ako nakatulog kaagad kagabi kaya napupuyat ako" pagsisinungaling ko sa kanya at hinila na para pumasok na sa cafe.

Kasalukuyan na akong nasa cafe kasama si Scarlett. Kanina pang titig ng titig siya sa 'kin. Nakakailang kaya! Siguro nag-alala na naman siya sa awra ko ngayon?

I sigh.

"Tigilan mo nga 'yang pagtitig mo sa akin! Nakakailang kaya! Kung nag-alala ka man sa 'kin, I'm fine, Carlett" tamad kong sabi.

"Parang may problema ka eh. Kanina ka pa, sabihin mo sa akin" umiling lang ako sa kanya.

"Okay lang ako Scarlett sadyang napuyat lang talaga ako kagabi" sabi ko at pumasok na sa office.

"Hayy bahala ka ikaw pa ang tutulungan ko ayaw mo pa" nagtatampong sabi nito.

And for the nth time I sigh.

"By the way, kasal na nila Maxine at Ratlei bukas. Pumunta ka daw sa kasal nila kung hindi magtatampo sila at malulungkot. They really miss you na daw sabi nila" sabi nito.

Ratlei Ty and Maxine Dominique Monteverde are my highschool friends. Masaya rin silang kasama. Ang bilis ng oras, ikakasal na din pala sila. Well, matagal na din naman silang may relasyob at nasa tamang edad na din sila para magpakasal. Siguro kung hindi sana kami naghiwalay malamang kasal na kami ngayon, pero hindi eh. Hindi talaga kami para sa isa't-isa.

Tsk. Kung anu-ano na lang ang iniisip mo Savannah. Balik nga sa ginagawa ko.

"Ano pa ba ang mamagawa ko? Sige, pupunta ako" tamad kong sabi.

"Very Good! Now, tatawagan ko na sila para masabi ang Good News na galing sa 'yo Hihihi" sabi nito at agad na tinawagan ang mga kaibigan namin. Nagsign siya na lumabas muna siya dahil medyo maingay dito sa loob ng cafe at hindi nya maririnig ang tawag nila.

At ito ako, habang ako naiwan nakatulala na naman sa kung saan-saan. Ano ba kasing ginawa mo sa sarili mo Savannah?

"Vannah , let's go na. Nasarado ko na ang Cafe" sabi nito. Pumunta na kami sa parking lot at pumasok na sa kotse nya. Ganun na din ang ginawa ko.

"Ingat sa pagmamaneho Vannah ah napuyat ka pa naman baka bigla ka nalang makatulog sa mamaneho mo at bigal ka nalang maaksidente. Ano nalang kaya ang sasabihin ko sa daddy mo" sabi nito. Grabe naman ang aksidente na iyan! Ang concern nya masyado.

"Tigilan mo nga 'ko! Ikaw din ingat ka, Carlett baka maaksidente ka sa maling tao" ani ko at pinaandar na ang kotse ganun din siya.

"Savannah! Lagot ka talaga sa 'kin bukas!" narinig kong sigaw nya at tuluyan ng nagmaneho.

Habang nasa daan ako, naisipan ko munang dumaan sa isang convenient store. Sumakit ang ulo ko kakaisip. Ikain ko lang kaya ito baka mawala.

Pumasok na ako sa loob at nagsimula ng kumukuha ng kung anu-anong makakain at kumuha na din ako ng canned coffee. Pagkatapos ay pumunta na ako sa counter para bayarin ang ipinamimili ko.

"Ito lang po ba lahat, miss?" Sabi ng cashier.

Miss...

Natawa na lamang ako sa 'king iniisip. Tumango na lamang ako bilang sagot. Wala akong ganang makipag-usap ngayon kaya tigilan mo ako. Binayaran ko na ang lahat ng binili ko at naglalakad na palabas ng may nakasalubong ako.

* Booooooooggsshh! *

"Shit! I'm so sorry" paumanhin ko sa nakabunggo ko.

"It's okay".

I froze.

I know that voice so damn well....

Parang nagslow motion ang pag angat ko nga tingin dun sa taong nakabangga ko.

" Josiah..." wala sa sariling sambit ko.

"Long time, no see... Savannah..." That baritone voice, it's like music to my ears.

His deep brown eyes, his pointed nose, and those red and kissable lips.

Nothing Change....

He just patted my shoulder then pumasok na sya sa loob ng Convenient Store. Iniwan nya ako doon na nakatulala.

Habang lumuluha.....T_T

-WINTERBE4RY