Pemos (pe.mos) - means beginning or first.
~~~~~~•••••~~~~~~~
Sa ikalawang kaharian / Kaharian ng Puraw..........
Kaharian ng Puraw (means white)
(pu.raw)
Nakatatag sa Hilagang Bahagi.
Sentrong tirahan ng Ora mizer o diyosa at Ora mo zarl o diyos.
Purayaw ang tawag sa mamayan rito.
Kasalukuyang namumuno sa buong meralias.
~~~~••••~~~~~
"Liya!! des do pwerma dure bas werum drel um eum ilik huraw!" (Liya!! hindi ba't ipinag utos na ng ina mo na mag ayos kana!) .
Sigaw ng isang Lera (Alipin) habang hinahabol ang alaga nito.
"Bera! HAHAHA m-mwesto derim dus revir eum ilik hahahaha" (Bera! HAHAHA h-habulin mo muna ako at saka ako mag gagayak hahahaha).
wika ni Liya habang tuwang tuwa sa pinag gagawa niya.
napatigil naman nasi bera sa pagtakbo at bumuntong hininga.
"Raya um de Meremba lis Puraw hin kurey wes merembali im kuryeretum dera bes dukarawe um puraw "
(sa totoo lang kung ikaw nga ang susunod na namumuno sa ting kahariang. di ko batid kung ano ang mangyayari sa kaharian ng puraw).
bulong nito sa kanyang sarili ng naka ngiti. Saka siya tumalikod na at nag lakad papalayo.
napatigil narin ang diyosa sa pagtakbo nang hindi niya na maramdan si bera.
Maglalakad nalamang sana siya patungo sa gubat.
Ngunit napatigil siya ng may maramdaman siyang kakaiba sa paligid niya.
"Mwesta rum!?" (Sino yan!?)
"Deremdus te ro le!" (mag pakita ka!)
"Abe! Hahahaha..." (Ate! Haha...)
"Napaka alisto naman ng susunod na mamumuno ri-" nakangising sabi nito ngunit di na natapos ng kapatid ni liya ang sasabihin nito sapagkat tinakpan na nito ang bibig ng kanyang kapatid.
"shhhhh..... kim um desbi" (shhhh.....wag kang maingay).
"bwakwit bwa abwe!?" halos di maunawaan na sabi nito.
"basta" sunod na sagot ng ate niya.
Ngunit nagulat ang kapatid niya ng biglang tumakbo si liya at hawak nito ang braso ng kanyang kapatid.
"Abe!! anong ginagawa mo!? hindi ba't pinag bawal ng amang hari na wag kang lalabas " sabi ng kapatid nito ng natanaw ang isang dambuhalang pintuan na naka direktang palabas ng kaharian.
"Abe! paniguradong pati ako'y madadamay sa binabalak mong gawin" nag aalalang sabi ni hira
"Malalagot lamang tayo kung mahuhuli tayo" nakangising sabi ng kapatid.
Napabuntong hininga nalamang ito.
Wala na itong nagawa kundi ang sumunod sa mga yapak ng paa ni liya na patuloy na tumatakbo papunta sa gubat.
****
"Abe! halikana't mag balik na tayo , Tiyak na malalagot tayo sa amang hari sa oras na di pa tayo nag balik" natatarantang sabi ng kapatid ni liya.
"Wag kang mag alala Hira ligtas tayo rito."
"HA!? ligtas? eh dito nag kukuta ang mga "Buraw" ( bandido) eh!"
"At isa pa abe maraming mga mababangis na Pimus ( Hayop) rito"
Sunod sunod na sabi ni Hira
"Maari mo naman silang lunurin, o di naman kaya ay kunin ko ang hangin na dumadaloy sa kanila. Ano pa nag naging silbi na ikaw ang diyosa ng karagatan!?" panumbat ni liya.
"huh!? abe (ate) nagpapatawa kaba?,hindi ba't kautos-utusan ng kataas-taasang panginoon na wag saktan ang mga walang kakayahang lumaban,at isa pa kung gagawin mo yun ay di ka na malalayo sa mga Dagtumian." Mahabang salaysay ni Hira.
Nakita ni Hira ang marahang pagngiti ni liya.
Kung kaya't pinag taka ito ng orazer .
(munting dyosa).
"Abe! (ate!) Ayus ka lamang ba?" Tanong nito ng nakita ang ekspresiyon ng mukha ng kanyang nakakatandang kapatid.
"Kung susundin ang kinaugalian ng ating lahi ay ako ang nararapat mamuno. Ngunit kung susundin kung sino ang mas karapatdapat at mas responsable ay masasabi kung ikaw iyon Hira."
"h-huh!? ano bang sinasabi mo? , esdu bwente urat uy dem meremba abe"
(ikaw ang maskarapatdapat mamuno sa kaharian ate.)"
Napailing nalang ang panganay.
"uhmmmm.....esdu bwente urat uy hira."( ikaw ang mas karapat dapat hira)
" Bukod sa pagiging masunurin sa batas ng ating kaharian,gayon narin ang katalinuhan bukod rito ay na sasa iyo rin ang katangian ng isang pinuno, hindi lang basta pinuno, kundi isang napaka husay na pinunuo. Tulad ng ating ina at ama."
nakangiting paliwanag nito sa kapatid
Napangiti na rin si Hira dahil sa matatamis na sinabi ng kapatid.
Ngunit agad rin siyang nabahala ng naging seryoso ang mukha ng kapatid.
"Nararamdaman mo ba yun? " Alertong tanong ni Liya sa kapatid nito.
"Mwesta rum!?" (sino yan!?).
Ika ni liya na nag aabangan kung may lalabas na kalaban.
"Abe! " sigaw nito sa kapatid ng nakitang may bumubulusok na Ngura sa likod nito.
(Ngura-Isang uri ng sandata ng mga bandido na gawa sa pangil ng mga malalaki,mababangis at makakamandag na hayop.
Kadalasang may haba ito ng isang braso.)
Agad namang naging alerto si liya at iniwasan ito habang hawak na rin ang braso ng kapatid.
"Abe!Tara na!? " patanong ngunit natatarantang sabi ni hira.
Binitiwan ni liya si hira habang inaabangan ang susunod na gagawin ng isang bandido.
Naging alisto siya at nang nakitang susugod na ito ay agad niyang hinawakan ang magkabilang braso ng kapatid at marahang pumikit.
Nakaramdam si Hira ng kakaibang lamig na parang bumabalot sa buong katawan niya.
"Deshar....." Bulong ni hira sa sarili niya
Si Liya ang diyosa ng hangin kung kaya't nagamit niya ang deshar o ang pakikipag isa sa kapangyarihang taglay ng diyos o diyosa. At ang kalalabasan nito ay isang dalisay na elemento nalamang.
Tumakbo ang dalawa ng di man lang namamalayan ng bandido ng nakalayo na sila'y nakarating sila sa Isang bahagi ng gubat na hindi pamilyar sakanila.
Agad namang naganyong dyosa na muli ang dalawa ng naramdamang wala na ang panganib sa paligid
"a-abe p-panong nagamit m-mo ang
d-deshar." gulat na tanong ni hira sa kapatid nito.
"I-ibig kung sabihin....H-hindi ko minamaliit ang iyong kakayahan ngunit......p-paano!? mahigit maraming taon na ang nakalipas ng huling gamitin ang deshar.Dahil hindi sapat ang ating kakayahan at kaalaman sa pag gamit nito n-ngunit...p-paano!?" Halata sa mukha nito na naguguluhan siya at nababakas parin ang gulat rito.
"Maari bang wag na nating pag usapan ang ukol sa bagay na yun Hira!?"
"I-ukol mo nalamang ang atensyon sa bahagi ng gubat na ito" dugsong nito
"pamilyar kaba? " tanong pa nito sa kapatid.
"a-abe patawad ngunit ngayon ko lang ren nakita ang bahagi ng gubat na ito." Agarang sagot ng kapatid nito.
"Nasaan tayo!? Saang parte to ng Meralias" Kinakabahang tanong ni Liya .
Di man niya tanungin ang kapatid ngunit batid niya na ganoon rin ang nararamdaman nito.
Kinakabahan, Nababagabag, at maraming tanong.........
****