(Fril.nya.ma)
~~~~~~•••••••~~~~~~~
"pamilyar kaba? " tanong pa nito sa kapatid.
"a-abe patawad ngunit ngayon ko lang rin nakita ang bahagi ng gubat na ito." Agarang sagot ng kapatid nito.
"Nasaan tayo!? Saang parte to ng Meralias" Kinakabahang tanong ni Liya .
Di man niya tanungin ang kapatid ngunit batid niya na ganoon rin ang nararamdaman nito.
Natataranta na ko. Saan ba kasi kami nag sususuot eh.
Sinubukan nitong gumamit ng kapangyarihan para mang hingi ng tulog o ng gabay para makalabas.
Ngunit nagulat nalanmang siya nang nakaramdam ng parang pang iipit sa kapangyarihan nito.
"Hira, maari mo bang gamitin ang kapangyarihan mo" Pagtatanong nito.
Napatango naman ang kaniyang kapatid.
Nilahad nito ang kanyang kamay upang bumuo ng tubig ngunit ganoon rin ang kanyang naramdaman.
"A-abe, !?" Patakang sabi nito .
Lumingon-lingon sa paligid si liya kung may makikitang ibang daan.
"Abe! Ba't hindi nalamang tayo bumalik sa dati nating dinaanan.!?"
"Di maari! Baka naka abang paroon ang bandidong iyon, Tiyak na na hinihintay niya ang ating pag babalik sapaglat ito lang ang natatangin daan."
Naglakad ang mag kapatid hanggang sa lumiko sila sa isang makipot na bahagi ng gubat.
"Sa tingin ko'y mayaman ang lupain rito" Pag basag sa katahimikan ni liya.
"Maari iyon abe, sapagkat kay yayabong ng mga halaman rito."
"psstt....Hira, Tingnan mo may isang kwayra (kweba) "
"Ftt... Hindi, di ako papayag sa iyong inii-"
Di niya natuloy pa ang sasabihin sapagkat nahila siya nang kaniyang kapatid na kinabigla niya.
~~~~~~~~••••••••~~~~~~~~~
"Abe!!! Kay dilim, bat ba kasi gustong gusto mo pumunta rito."
" Hira, may natatanaw akong liwanag mula roon, halika't ating tunguhin."
Sinundan ng dalawa ang liwanag na nag mumula sa dulo ng kweba.
Sa pag tahak nila sa madalim na pasilyo ng kuweba ay lubos na kinakabahan si liya sa maaring abutan sa dulo ng kweba.
Ngunit parang kung may anong pwersa ang humihila sakanya na ipag patuloy pa ang pagtahak niya rito.
"Hira natatanaw ko na ang labasan.!"
malugod na sabi nito sa kapatid.
"paniguradong lagot nanaman kami nito." Pabulong na sabi ni Hira sa kanyang sarili.
"H-h-hira.! K-kay ganda"
Agad na napatingin sa paligid at namangha ito sa mga nakita.
may isang napakalaking puno na parang ugat ang mga sanga at napakataas nito at nag liliwanag rin
Ngunit ang kanilang lalong pinagtaka ay nasa dulo ng bangin ang puno.
Bangin na may umaagos na tubig.

"A-abe liya! ngayon ko lamang ito nasaksihan sa talam buhay k-ko"
"bwera dus " (nakakamangha)
"Hira! sa tingin ko ay lihim ang lugar na ito"
"Abe! Ano naman ang kanilang dahilan upang ilihim ito."
"Di ko rin batid nguni-"
"maaaring wala pang nakakadiskubre sa lugar na ito, o di naman kaya'y matagal na itong kinalimutan!?"
Tanong ni hira.
***
"Naroroon ang dalawang beha!"
Nagulat nalamang ang dalawa ng marinig ang sigaw na iyon.
"P-paanong!?? "
Gulat na tanong ni Hira habang nakatingin kay liya na para bang sobrang nagulat.
"Hin.....di....ko rin ba....ba....batid abe!"
agad na tugon ni hira.
Hindi na nila namalayan na nakatabi na nila Darag ( Pinuno ng hukbo) .
"Beha Liya! , Beha Hira! " sabay yuko nito upang mag pakita ng paggalang.
"Kanina pa po kami nag hahanap sa inyong dalawa. At di naman namin akalain na dito lamang namin kayo matatagpuan.-"
sabay putol nito sa sasabihin.
"-Sa isang liblib na kagubatan!?"
Pagtataka at may halong pagtatanong na bigkas ng Pinuno ng hukbo o darag.
"orie kuwar myes tu derlu be me mues puraw dew mwe ke rulasre dagtumia!?"(at ano naman ginagawa ng mga taga puraw sa lugar na nasasakop ng dagtumia!? ")
tanong ng isang nilalang at naputol ang pag uusap ng dyosa at darag.
Nagulat ang dalawang beha nang matunghayan ang wangis ng nilalang may mga mahahaba itong tenga, mga pangil na matutulis , at ang dila nito ay mahaba na halos sumayad na sa lupa.
May katawan rin ito ng tulad nila ngunit walang mga buhok at ilong. Itim ang kulay nito.
"T-tugmara" Bulong ni gum sa sarili ang darag o pinuno ng hukbo.
(NOTE: Ang bigkas po dun sa Gum sa As in G.U.M gum na matigas at hindi po gam .sorry sa abala ehehhe)
Tinutok nito ang kanyang sandata na parang may nag babadyang panganib.
At hindi nga siya nag kamali sapagkat inangat ng Tugmara ang mga kamay nito at unti unting tumubo ang pagkahaba habang mga kuko.
sumugod ito sa direksyon nina liya ngunit agad silang pinalibutan ng mga kawal at sinangga ang atake ng tugmara.
Mabilis na kumilos ang ilan upang makipag laban.
Sa di inaasahang pang yayare tumulon ang isang tugmara at agad na tinusok ang mahahaba nitong kuko sa ulo ng ilang kawal na nakapalibot sa mga dyosa.
Agad naman umatake ang tugmara at nag karoon ng maliit ng sugat sa pisngi ng dyosa ng hangin...
Hinawakan niya ang kaniyang pisngi at tiningnan ito napangiti siya nang may nakitang dugo rito.
"Anong karapatan ng isang mababang uring katulad mo na lapastanganin ang mukha ng isang dyosa !?"
Halata sa boses nito ang pang gigigil.
Akmang susugod na muli sakanya ang tugmara ngunit tinulak siya ng isang malakas na pwersa ng hangin at tumalsik palayo.
Agad na ibinuka ni Liya ang kanyang mga palad at unti-unti itong lumutang. Nabalot ng puting liwanag ang kanyang mga mata.
Nag karoon ng bilog na hangin sa kamay ni liya at unti unti nitong hinigop ang hininga ng kanilang kalaban.
"a-a-ahhh..." paputol na sigaw ng isa.
Hanggang sa nawalan na ito ng hininga.
Agad naman na sinaksak ni gum ang isang tugmara sa likod ng beha hira
"Beha!" sigaw nito.
Napalingon naman si hira kay gum na ngayoy patuloy na nakikipag laban
Gumawa ng isang pananggang kapangyarihan (barrier).
Agad na tumalsik ang lima pang tugmara dahil sa lakas ng pwersa ng hangin na ginawa ni liya.
"Mas mabuting tumakas na tayo!" sigaw ng Darag.
"Mabuti pa nga!" agad na tugon ng mag kapatid.
"Paniguradong lagot tayo nito sa amang hari" Nag aalalang saad ni hira habang tumatakbo sa isang Urabe(dragon)