On our way home. Tahimik. Walang nangahas na nagsalita kahit ramdam na ramdam ko ang pagpipigil nila. "Ganun ba ako katanga?." I spill these words from the deepest core of me. Sa labas ako tumingin kahit na alam kong sakin sila nakatingin. "Huli na ba ang lahat?." Sana nga. Di pa. I keep on asking this question these past few days. Sirang plaka na ata sa utak ko. Sa kagustuhang gustong malaman ang kasagutan. Pilit kong hinahanap ang sagot sa mismong tanong. Nakakabaliw din pala minsan ang mag-isip noh?. Kulang nalang ngumiti ako kahit walang dahilan.
"Di ko din alam e." si Winly ito. Mabuti nalang, naisipan na nyang magsalita. Nakakatakot minsan ang pananahimik ng kanyang labi. Anumang oras ay isang pasabog ang lumabas dito. Baka di ko kayanin.
Walang komento si Aron. Matapos naming ihatid si Winly. Duon lamang nya piniling kausapin ako. "Sa totoo lang Karen. Mali kapag umasa ka pa."
Anong mali duon?. Tsaka. Di ko naman sinabing guguluhin ko ang pamilya nya.
Gustuhin ko mang ipakita ang pagkadismaya sa kanya. Mas pinili ko ang pakinggan muna ang paliwanag nya. "Hindi ka pa ba napapagod kakahabol sa taong tumatakbo palayo sa'yo?."
Nagpakawala ako ng malalim na hininga. "Siguro hinde. Hindi pa." sagot ko sa tanong nya.
"Maghihintay ka pa bang may mangyari sa mismong mga mata mo bago ka magpasya sa kung ano ang gagawin mo?."
"Baka nga.." sa labas pa rin ako nakatingin. Nakakatakot lumingon sa gawi nya. Ramdam ko na kaya ang awra nyang nagbabaga. Kulang nalang, matunaw ako sa kinauupuan ko.
"Hindi ka pa ba nadadala ha?." may halo nang galit ang tinig nya. Nauubusan na ng pasensya sa akin.
"Maaari.." may biro ko pang sagot subalit ang di ko inaasahan ay ang sumunod nyang ginawa. Mabilis syang nagpreno kaya nagulat talaga ako. Ang suot kong ngiti ay unti-unting natunaw dahil sa mga mata nyang walang takot ngunit puno ito ng galit. Sandali akong nangilabot!.
Ako ang unang umiwas ng tingin dahil di ko kayang tumingin ng matagal sa kanya. Nahihiya ako sa totoo lang. "Ngayon ko lang nalaman kay Jaden."
"Ang alin?. Ang mahal ka ng taong kaibigan nya?."
Makapagsalita sya. Parang di nya rin kaibigan si Kian?. Tsk!.
Kagat labi akong tumango. "Oo. Hindi naman na ako nagulat sa bagay na iyon. Sa totoo lang. Sa pagdaan nga ng panahon. Napatunayan ko pa ang tunay na ibig sabihin nya.."
"Baliw ka na nga!." nauubusan na sya ng pisi ng pasensya.
"Tawagin mo na akong baliw. Ngunit, hindi ba mas nakakabaliw kung magpapatuloy akong kumilos na parang walang alam?. Masisiyahan ka bang makita akong nakangiti ngunit may luha saking labi?." mas baliw na siguro ang ganun. "Alam kong hindi biro ang lahat Aron. Sya at ako. Walang madali sa daan na pinili naming tinahak.."
Katahimikan ang bumalot muna. Pinaandar na nyang muli ang sasakyan. "Anong balak mo kung ganun?."
"Hindi ko pa alam." ito ang pinakatotoo sa lahat. Dahil lahat ng salita na binigkas ko. Hindi ako sigurado kung anong ibig sabihin ko dun.
He didn't bother to answer again. At ang takbo nang kotse ay dumoble ang bilis. Pagkarating sa bahay. Ang liwanag. Mula sa ilaw sa labas. Sa lamp post at sa may damuhan. Lahat nakasindi. "Anong meron dito?." tanong ko sa sarili. Nakakapagtaka!. Tipid kami sa ilaw. Ang madalas lang naming gamit. Sensor lights na solar pa. So what's the meaning of this?.
Mabilis akong bumaba. Sumunod din naman agad si Aron. At sa bungad palang ng sala. Nadatnan ko silang nag-iiyakan. "Ma!?." si Mama ang una kong dinaluhan. Nasa ibaba ito ng sofa at nakalumpasay sa sahig. Habang sina Ate ay paikot ikot na umiiyak din. "Anong nangyari dito, Ate Ken?." sya ang tinignan ko. Kumpara sa kay Mama at Ate Keonna. Sya ang mas kalmado sa kanilang tatlo. Huminto ito sa paghakbang at para pang nagulat sa presensya namin ni Aron.
Imbes ako ang puntahan nya. Sa pinsan namin sya lumapit. "Aron, buti nalang dumating ka." nanginginig nyang sambit. Hinawakan nito sa kamay ang pinsan naming gulat din. Tinulungan ko si Mama sa pagtayo ngunit hindi man lang ito gumalaw. Sa madaling salita. Ayaw tulungan ang sarili na bumangon.
"Ate Ken, anong nangyayari?. Si Tito, umuwi na ba?. May sasabihn kasi ako." he look around para hanapin si Papa.
"He's not here." si Ate Keonna to. Humihikbi pa rin. Si Mama naman ay di na nga umiiyak. Tulala naman.
Ano ba kasing nangyari!?.
"Bakit, di ba tapos na ang duty nya kapag ganitong oras?." ako na ang nag-usisa nito. Umiling lang sila. Halos sabay pa.
"Karen, inaresto ng NBI si Papa.." para itong baril na pumutok sa mismong likod ng tainga ko. May tunog akong naririnig ngunit iisa lang iyon at nakakabingi. Hindi ko matukoy kung saan nanggaling ngunit alam ko sa sarili ko na baka dala lang iyon ng emosyon ko.
Umawang talaga ang labi ko. Literal na nabitin ito sa ere sa narinig. "Ano?. Pakiulit nga po Ate?." tumayo ako para harapin sya. Aron looks confused too. Nagtaka kung bakit nila inaresto si Papa.
"Inaresto nila si Papa Karen."
"At bakit?. May dala ba silang arrest warrant?." maingat itong tumango sakin.
"Para saan ang warrant nila?. Tinanong mo ba?." dito sya umiling. Dito rin ako nagwala.
"Ano!?. Ate naman!!. Pumayag kayong arestuhin sya without asking why?. Ano ba naman kayo?!!.."
"E sa hindi nga namin alam ang gagawin!. Kung saan saan ka kasi nagpupupunta. Sana. Kung sana andito ka para alam mo ang pakiramdam namin kanina." takot ang naramdaman ko galing sa kanya. "Hindi namin alam ang nangyayari Karen. Kaya sana, wag kami ang puntiryahin mo." si Ate Keonna ito.
Hinawakan ko ang ulo dahil bigla itong sumakit. Ito ba yung sinasabi kanina ni Aron?. Ito ba yung pinupunto nyang kailangang makita ng dalawa kong mata bago magpasya?. Kingwa!. Ito ba!?.
No way!. Wag naman sana!.
"Nasangkot ang Papa nyo sa isang drug incident." sa kabila ng nagliliyab na hangin na umiikot samin. Pare-parehong pag-iisip sa kung anong paraan ang gagawin para tulungan si Papa. Heto si Mama at nagsalita. At iyon ang di ko inasahan sa lahat.
Anong drug incident?. Si Papa?. Sa drugs?. No way!. No way in hell!!..
"Sinet-up lang sya at walang kinalaman ang Papa nyo tungkol dun."
How come?. Hindi ba sangkot sya?.
Set up nga Karen?. Ano ka ba?.
"Ito ang pinag-aalala nya noon pa. Na baka raw isang araw bigla nalang syang mahulog sa prisinto at di na makalaya pa."
"Impossible ang ganun Mama. Lalaban tayo.." mabilis kong kontra sa kanya kahit napakaimposible rin ng iniisip ko. "Wala namang kasalanan si Papa hindi ba?. Papatunayan natin yun." lakas ng loob ko dito. Sana lang. Mapanindigan ko to.
Umiling si Mama habang nakayuko. That broke my heart. Hindi ko pa kailanman nakita si Mama na ganito kalugmok. Not until now. At sana. Di ko rin nakita dahil nadudurog ang puso ko sa bawat luhang pinapakawalan nya. "Mahirap yata ang ganun anak. Makapangyarihan ang may gawa nito. May kaya. Nasa posisyon at may mga koneksyon. Imposible na ang sinasabi mo.."
"Pero Mama!. Susuko nalang ba basta tayo?. Paano naman si Papa?. Ganun ba natin sya kabilis bitawan ng wala man lang ginagawa?."
"Hindi ko na alam ang gagawin anak ko. Lahat naman ginawa namin para sundin ang gusto nila pero bakit nagawa pa rin nilang lokohin ang Papa nyo?."
Anong ibig nyang sabihin dito?. Na may tao sa likod nila?. Sino kung ganun?.
"Sino sila Ma?. Anong karapatan nilang sumira ng buhay ng iba?."
"Si Madam Ruffa Lim, Karen. Sya ang Mommy ni Kian.."
"Ano!?. Di nga?. Ma naman!. Wag ka namang magbiro ng ganyan.." di makapaniwalang sambit ko.
"Sya ang nasa likod ng lahat ng to.." Mama declared a war in me. I don't know how to explain it but I feel like, someone is awakening in me. Di ko maipaliwanag. Pakiramdam ko. Gusto kong sumugod at magwala sa kung saan ang taong tinutukoy ni Mama. "At please anak. Wag kang gagawa ng hakbang ng di ko nalalaman. Baka lalo lang nating ikapahamak.." my nerve is shaking knowing that Mama is too damn scared sa bagay na wala namang kasiguraduhan. Ano bang itinatak ng taong iyon sa magulang ko para ganito sila katakot sa kanya?. Anong dahilan nila?.