Chereads / PARNASSUS || POETRY / Chapter 28 - PAALAM

Chapter 28 - PAALAM

Unang salita ng pamamaalam

ay ng sabihin mong uuwi na tayo sating tahanan.

Hindi pa kita maiintindihan

Putol putol mong mga salita'y pilit kong inuunawa, kahulugan ng iyong binigkas na salita,

hindi ko mawari ang bawat paksa.

Isa lang naman ang naiintindihan ko.

Isa lang din naman ang patutunguhan nito.

Isa kana naman sa taong pinasaya ako pero sa alam ko

Alam kong magkakalayo na din tayo.

Na alam ko na sa paglipas ng panahon

Ang kung ano mang meron tayo ay maglalaon.

Mula ng bata pa ako.

Isa ka sa mga palaging kasama ko.

Isa ka sa mga taong inilagay ako kung sino man ako sa ngayon.

Ako na walang ilusyon. Ako na isang buong version.

Walang maskara walang halong pagkukunwa.

Iilang taong naging totoong parte ng buhay ko.

Kasama at kasama sa ginhawa o hirap na pinaparanas sakin ng mundo.

Tagabantay tagagabay, hatid sundo, nangsisita, nangagaral, inaampon, pinapakain, taga pektus, kaasaran.

Ganyan ka para sa akin. Strikto na maalalahin.

Masungit pero malambing.

Mukha man akong tangatanga minsan.

Atleast alam kung akoy iyong napagtitiisan.

O mas tamang sabihing ikay napipilitan lamang.

Ugali kong di mo mawari kong may sayad o sadyang may topak.

Basta para sayo tanggap moko kahit anong version pa ko ng aking kagaguhang magwala o manahimik na sa madla.

O Hahayaang mawala sa ikot ng mundo.

Ipaparanas ang realidad ay kabaliktaran ng iyong ilusyong pinapangarap ko.

Ngunit hindi hahayaang maligaw.

Sapagkat akoy iyong pilit hinihila pabalik sa tamang landas, kahit pilit akong umaayaw.

Ibabalik sa tamang axis ng pagikot ng earth.

Bago mo paman ako bitawan alam mong alam ko na ang guhit na dapat susundan, na kaya at nakikisabay na ako sa tang inang joyride ng mundo.

Oo, masyado na kong namihasa sa lupit na kayang ihagis ng buong sanlibutan.

Sa sistemang bulok, pero inuulit ulit naman.

Sa pakikisamang alam mong peke pero sinasakyan.

Sa taong dadating pero saglit lang.

Sa mga bagay na inakala mong para sayo, pero pinatikim kalang.

Sa mga taong dumating na akalay tinadhana pero pinadaan lang.

Sa kaaway na walang katapusan. Mas lalo lang nadaragdagan.

Masyadong marahas ay lipunan

Ibabato sayo ay mga pagkakataong kailangam maimili ka o mawawala lahat sayo.

It will always be a choice.

Choosing will always test your principles over your desire. Your mind versus your heart.

Akala mo ang dali pero hindi.

Choice mo yan panidigan mo naman.

Sana nga madali, kasi yung ang mahirap mamimili ka sa bagay na gustong gusto mo pero....

Pero kailangan mong gawin ang dapat at mas tama sa paningin mo.

Mas may patutunguhan ka kaysa sa walang deriksyong ginusto mo

Pero di mo pala kayang tapusin hanggang dulo.

At isa ka sa nqging ilaw na sisusundan ko

Kahit ang dilim na ng kalangitan

Isa kang bituing sa kadilima'y kumikinang.

At binabalik ako sa landas na dapat kung inaapakan. Sa'kong saan ako nararapat at hindi hinuhusgahan.

Ikaw din ang dahilan bakit ko kinakaya ang dulot nilang pasakit.

Kasi para saakin mas marami ka nang karanasan pero never kitang nakitang may inuurungan.

Dapat laban, kung matalo ayos lang kung panalo, o di natyambahan.

Life will always be a gamble.

Youll bet, its either youll win or might lose.

Just play your cards right ang forget those deepshits piece.

Alamin mo lang kung hanggang saan ka matatag

Kung kailan mo nararamdaman mong malapit ka ng sumuko.

Kung natitibag na ang tapang na meron ka.

At dapat alam mo kung kailan tama na.

At kung ano ang kahulugan ng salitang.

'Suko na, tama na.'