Akala mo bay nagbibiro ako?
Noong ipagtapat ang damadamin ko sayo?
Ang lakas pa nga ng naging tawa mo
Na siya naman pagkabiyak ng puso ko.
Hindi mo ba ako kayang paniwalaan?
O sadyang ayaw mo lang akong patulan?
Pagmamahal ko ba'y di mo maramdaman?
O magpapanggap ka lang at nagmamanhid-manhiran?
Ang hirap naman kasi sayo
Lahat nang sasabihin ko
Katumbas nito'y sayo'y ay isang biro ko
Di mo lang alam, ipanagtapat ko na ang pagibig kong ititinago.
Damdaming pinaghirapang ipagtapat ng malugod
Isang nakakainsultong tawa mo lang ang nakuha kong sagot
Grabe-grabeng inipon kong lakas ng loob
Na sa huliy isa lang sampal at kahihiyan pa mula sayo ang aking inabot.