EPISODE 0,
GRAND ASIAN HOSPITAL ALABANG, MUNTILUPA CITY.
ICU ROOM 19, nagging pribado ang isang silid na ito sa hospital dahil sa dami ng espesyal na apparato sa paligid kahit sa laki nito ay isang pasyente lamang ang maiging tinigtignan ng mga doktor na espesyalista sa ibat ibang larangan ng medisina. Ang pasyeteng ito ay isang mumunting sanggol na lumalaban sa buhay nya at nasa loob ng isang incubator. Habang ginagawa ng lahat ng doktor na makakaya nila tila isang stalemate ang labanan sa buhay ng sanggol, biktima sa aksidente ang nangyari sa sanggol. isa ito sa mga nasagip ng militar sa engkwentro ng mga terrorista sa cavite na puputulin ang ruta sa kawit upang matigil ang ekportasyon ng supply ng mga asianong bansa kagaya ng China, Korea, Japan, Russia at continenteng middle east kasabay pa nito ang pagusbong ng mga kwebang tawag na ngayong mga 'dungeon gates' kaya't nagpatong ang problema sa kawit. Parehong sundalo ang magulang na maituturing sikat at mataas ang kinauupuan sa militar.
Theresita De Leon – Lopez. Ang colonel na matalino sa istratehiyang pananakop at may hawak sa pangalang "apoy ng impeyerno" naabutang sa ekwentro sa pagbubuntis nito habang nakadestino sa kawit. Kasama sya sa nakaligtas at naipanganak nang maaga ang sanggol pero yumao ito dahil sa mga natamo nitong sugat at may dumadaloy na tinatawag na Miasma sa katawan kaya kailangan nya matanggal ang sanggol sa kanya. habang ang ama, Genaro Luzano Lopez ay isang lieutenant na kasama sa mga sundalong tinatawag na mga "UN Military" na nagpupuksa ng mga terrorista sa pilipinas na tumutigil sa supply routes ng bansa. Masasabing syang ang taong magaling sa istratehiyang pang depensa at tinatawag na "Pader ng Pilipinas", ay namatay habang pinrotekta ang mag – ina sa gulo. Base sa inbestigasyon ay gulo lamang ang nangyare sa kawit at napatong pagusbong pa ang dungeon gates na mas lalong pinalakas ang dahilan na pinunterya ang mag-asawa upang bumaba ang lakas ng militar ng pilipinas sa strategy at tactics sa mga susunod na mga taon. May mga nagsaasabing kaya tumagal at mapagkatiwalaaan ng pilipinas ang buong mundo na kahit na walang kwentang bansa ito dahil sa istratehiyang pinalamas at nabuo ng magasawa na di kayang lamunin ng teknolohiya at salamanka, gamitin ng maayos ang mahihinang sundalo sa pakikipaglaban at pamemeke ng impormasyon sa kalaban.
Pagkapaanak ng sanggol ay naibalita ito sa Ninong at Ninang ng bata. Ang magasawang Virata, si Maria Frances De Leon Virata at Jin albert kazuki Virata. Parehong doctor sa Pedia at General Medicine surgeon. Dinala ang 6 na buwang sanggol na nakatago sa portable incubator sa GAHA at nilagay agad ito sa ICU.
Lumabas sa pintong ng kwarto si Dr. Charice Salamanca, ang magic circuit doctor ng militar ng pilipinas upang ibalita ang nangyayari sa bata sa magasawa.
"Maraming problema sa sanggol na tila ba stalemate ang buhay bata dahil ang mga apparato lang ang bakit buhay pa bata. Una sa lahat natamaan ng Miasma kahit maagang naipanganak ang sanggol na dumudumi sa dugo ng bata sunod nito ang pagsira ng mga organs nito dahil yun ang gusto mangyare ng mismong parasito, pangalawa ay tanging ang kidney nito ang lumalaban sa dugo at sinusustento ang mga organs para maging malinis dugo nito ay directang nilalabanan kaya sinusuportahan ng dialysis pero kapalit nito yung mana circuit ng sanggol ay naglalaho. Pangatlo, kaya parang istatua ang bata ay ang nerve cells ay napuputol dahil sa immaturity nito at mas lalo pang lalo pa lala sa pagtagal nito dahil hindi na makapagcreate ng nerve cells sa katawan dahil sa butong apektado ng miasma. Ang taning na lang ng sanggol ay 3 buwan, dapat magawa tayo sa miasma at sa mismong buto ng bata para makapag produce ng nerve cells mula sa utak." Lungkot na sabi ng doctor na kaibigan ng ama ng bata.
"dpat may gawin tayo sa inaanak natin, di ko makakaya ang anak nila na pinrotekta nila ni Tesha ay masasayang dahil lang sa pesteng bioweapon."Naguumiyak na sabi ni Frances sa asawa nya.
"Kumalma ka. Miasma lang yung problema kaso mataas ang potency nito sa sanggol kaya lumala ang sitwasyon." Seryosong sabi ni Albert.
"di ko alam kung may solusyon dito dahil iba to sa lahat ng pasyete dahil ang bilis kumalat sa dugo nito, di sya kaya ng anti-potency solutions dahil regeneration ng miasma sa kanya. kung mas matanda lang sya ay mareresolba gamit nito."
"Cha, wag ka magsabi ng ganyan. Anak yan ni tesha at ni genaro. Meron tayong magagawa."
"Albert, STALEMATE ang buhay ng sanggol. ang tanging nagpapabuhay lang sa kanya ay yung kidney nya at yung mga apparato nakakabit sa kanya."
"Cha, kidney nang sanggol muna tayo magsimula since ito lang naman ang nagpapabuhay sa bata" sabi ni France at tingin kay albert.
"Anong gagawin ni Samantha eh pedia ka na?" pagalit na tanong ni Albert sa kanya.
"Basta! tatawagin ko si Eichi."
"Anong gagawin naman ni Furukawa !? Chemist yun! Eh tpos nasa US pa yun." Sabi ni cha kay france.
"Kausapin mo JR tungkol dito." Nung sinabe ni cha yun, napanganga si albert.
"No way, gagawin natin yun? Nababaliw ka naba?" Albert
"Sandali, masyado mabilis. Anong meron kung itatawag yang pedia, hema, at chemist?" nalilito na sabi ni cha
"Mamaya na, okay na yung dugo ano ang sunod na problema?" France
"yung buto at yung nerves cells." Albert
"yung buto ay ikaw na bahala at yung nerve cells ay sa kambal." cha
"Ano!? Di ako ortho!"
"Yung thesis research natin, di mo naalala?"
Iniisip ni albert kung ano yun. "Yung synthesized bone tissue engineering? Binasura yun eh tska kailangan ko ng ortho surgeon."
"Akong bahala doon, nasa kabilang hospital lang sya." Sabi ni cha, ang taong tinutukoy nya ay si Aaron Quizon. Weirdong doctor pero sya ang batikang doctor ukol sa BTE habang yung kambal ay sina Jenna at Jessa Montemayor na military neurologist at neurosurgeon.
"Alam ba ni JR kung nasaan ang mga dugo ni tesha at genaro?" tanong ni france kay cha
"Oo, alam ko din. Nasa camp crame, pinagaaralan ni JR." sabi niya.
"kunin mo lahat."
"Anong sasabihin ko! Hawak ng gobyerno yung kay tesha habang kay genaro ay sa UN."
"Since mataaas posisyon ni Hank sa UN makukuha, baka nga magkasama pa sila ni Eichi." Sabi ni france
"summary tayo aaah. Ako, ikaw, si cha, sam, Eichi, JR,hank, yung kambal tska si aaron. WHAT!! SA BAHAY NATIN GAGAWIN YUNG OPERASYON!" Sabi ni albert, nabigla sya dahil alam nya kung anong iniisip ni france na gagawin since lahat nang yun ay nasa clinic nya katabi ng bahay nya.
"hussshhhh!!!! Anak ka ng.... cha dpat makuha nating lahat ng dugo na yun aaah." france
"70 porsyento lang ang makukuha ko since sa anak naman ni tesha makukuha yung dugo, yung kay genaro?." cha
"makukuha yun lahat ni hank tutal konti lang naman yun."
Namilog yung mata ni cha dahil naisip nya kung gagawin. Kung magooperasyon sa clinic ni france. Yung buto, dugo, at nerves ay kailangan ng laboratoryo nun at kailangan legal yung lab.
"may laboratory na kayo france? Kalian pa? france! Bakit ka aalis, sagutin mo tanong ko!" bawal gumawa ng lab ng di alam ng gobyerno kundi mapapatawan sila ng kaso at chinecheck ang medical legalities para sa safety research purposes para sa medical innovation since nagbago ang lahat nung nagkaroon ng changes ng density ng gravity tska maraming illegal human experiments sa pagdaaan ng taon.
Sumakit sentido ni albert habang naglalakad palayo si france para ilabas ang sanggol at si cha ay hinahabol si france.
Makalipas ng 4 na lingo. June 12,2400. Lunes ng hapon nagsimula ang operasyon, nandoon si france,albert,aaron,sam,jessa at janna. Si janna ang panganay ng kambal na anesthesiologist sa gagawin ngayon habang ang 5 natira ay nasa labas ng OR ng clinic nakikita sa salamin ang unang operasyon na mabibigay pagkakataon mabuhay ang sanggol ng magasawang sinakripisyo ang buhay upang protektahan ang anak nila.
At ang pangalan ng sanggol ay Jean Claude Deleon Virata.