Episode 1
June 12 ,2405
Ikalimang kaarawan ko sa taon sa katawan na to. Mula ng nagkaroon ako ng malay kahit na sanggol ako ay mararamdaman ko ang mga problema sa katawan ko. Una, ang hirap igalaw ang katawan ko na sumasabay pa sa lakas ng paligid. Di ko maintindihan kung anong nangyayare sa mundong to pero kamukha nya ang mundong kinagisnan ko kaso mas moderno at napupuno ng di ko maintindihan na bagay sa paligid ko. Narinig ko lang sa magulang ko na nabuhay lang ako sa operasyon at patuloy pa rin ako inoobserbahan sa clinic ng tumatayong ina ko.
Pangalawa, di ako makapagsalita. 5 taon gulang na ako pero di kaya ko maigalaw ng maayos ang katawan ko, may problema sa mga katawan ko pero ang nadiskubre ko na kahit alam ko kung anong gusto kong gawin ay di ko magagawa dahil may mga kulang sa pisikal kong katawan, kaya dinaanan ko sa pagbabasa. Naiintindihan ko ang lenggwahe tutal halos kapareho ito at nadisukbre ko ang pagkakaiba nito sa mundo ko at sa mundo na ito.
Pangatlo, maagang namulat ako sa tinatawag na dungeons dahil doon lang ako naunang gumalaw ng katawan dahil mababa ang gravity ikumpara sa kasalukuyan dahil pumapasok ako sa ibang dimension kaya iba ang properties ng kada dungeon na pinapasukan ko. Lagi ko kasama ang tatay at nanay ko tuwing pumupunta sa mga ganitong lugar, di pa kinakaya ng katawan ko ang lakas ng gravity doon kaya dito akong natuto sa lahat ng bagay sa katawan ko pero pagbalik namin sa bahay ay sinusubukan kong gumalaw ng karaniwan kaso sobrang bigat. Para akong lampa kumilos dito, pero dadating ang panahon na makakatayo ako kaya pinusige ko at napahiyaw sa tuwa nung ako'y nakatayo at nakalad sa edad na 4 na taon. At ngayong 5 na taon na ako, patuloy pa rin ako sa labas pasok ko na kahit pinagbabawal pa dahil kailangan ko ipagpapatuloy dahil napapababa ng adaptability rate ko kahit mas malakas pa ako sa karaniwan bata.
Huli ay ang sakit ko, sa katawan ko ay may bumabalot na miasma pero hindi ito nakadikit sa kahit anong organ sa katawan ko pero sa mana circuit ko. Dahil dito, hindi ako makapaggamit ng salamangka na dapat ay natuto na ako sa edad ko ngayon. 4 na taon na ako nag - hohome schooling at ipapatuloy ko ito hanggang sa mag secondary level ako dahil di ko pa rin lubusan maigalaw at nakakapanakit ako ng di sinasadya dahil sa sakit ko. Ang mga magulang at mga kaibigan nya ay gumagawa ng paraan upang manatili lang sa mana circuit ang miasma.
At ngayon dinidiwang ang aking paaralan sa loob ng dungeon. Lahat ng taong lagi kong nakikita ay naandito, Nanay at Tatay ko, paborito kong tita na si tita Sam at asawa nyang si tito Hank na kausap nya si tito JR at tita Cha habang magkayakap, eichi at janna na kasma ang kambal, at hindi magpapahuli ang iniidulo kong si tito Aaron. Nakahandang mga pagkain sa isang mahabang mesa at kinakantahan na nila ako, bago ko hinipan ang kandila sa cake ko ay nagpapasalamat ako kung ano man meron ako ngayon tska ko hinipan iyon at nagpalapakan na sila.
Nakikisabay ang panahon sa tamang sikat ng araw ng tumatama sa bahay at tumatawang mga tao sa paligid. Nagpapahangin lang ako habang nakaupo ako sa damuhan malapit sa hapagkainan ay lumapit ang dalawang pinakamalapit na tao sa buhay.
"ok ka lang ba dyaan, 'nak?" France
"oo naman po."
May gusto sanang sabihin si Tay sakin pero pasimple lang nyang sinabi. "pasensya na anak ha." Lungkot na ngiti nya, dahil sa mga komplikasyon ko sa katawan ay di ako namuhay ng normal.
"ok lang po, ang mahalaga nandyaan kayo lahat para samahan ako kahit ganito ka."
"ito tlga oh, halika nga dito." Paiyak na sabi ni Nay sakin at niyakap nya ako ng maghigpit. Kahit na tumayong magulang ko lang sila ay pinaramdam nilang hindi sila nagkulang sa pamgmamahal sakin. Ganito pala ang pakiramdam na may pamilya, may nagaalala at patuloy na di pinababayaan sa bawat tapak ng buhay mo. Ang sarap sa loob na nandito sila, pinagdidiwang ang mga importanteng bahagi ng buhay mo kahit na minsan ay inaabuso lang para makabakasyon sila (tingin kay tito Aaron. -.-').
"MAY PAGKAIN PA!?" naghuhumiyaw na sa sigaw na napatingin ang mga tao sa paligid.
"oh ayan na pala si dela rosa at park"
"JOSE!!!!!" sumigaw din si tito Aaron at nagsalpukan sila ng dibdib nila, nagkakilala sila dahil si Aaron ang gumamot sa mga buto ni kuya Jojo habang si Ate Park ay guro ko sa homeschool.
"Kamusta ang paborito kong estudyante?" pangiting sabi ni Ate Park
"Ate Park!" papunta ko sa kanya para makayakap siya.
"Ang mga tingin ni Jojo oh." Eichi
"wag ka ngang ganyan, hot issue tlga to." Janna
"aba, bagay naman sila aah." Sabi ni jessa at pagsangyon ni jenna
"wag nyo nang pagchismisan, masyadong busy iyang si dela rosa. Walang oras yan kay Park, di marunong manligaw." Malamig na tono ni Tita Cha
"oh come on love, don't be like that. Give them some time to grow." Kalmadong sagot ni Tito Hank at niyakap nya si Tita habang si Tita ay naglalaban sa mga bisig kaya napuno ulit ng tawanan ang hapag.
"Since we are all here then, we have a surprise for you Claude." Hank
"Whoaaa! Really? A gift, for me?"
"Of course, this time I have a present for you."
Excited akong makita ang regalo sakin ni tito Hank, di kase nagbibigay ng regalo yan kaya nagulat ako na sya pa unang magbibigay sakin.
Pinakita nya sakin ang isang black case, mabigat sya kung tutuusin sa liit niya pero kaya ko tong buhatin. Pagbukas ko ng regalo ay nakita ko ang itim na iturang fidget spinner pero hindi siya naikot pero umiilaw at may laman ang tatlong malalking butas nito, saktong-sakto ito sa kamay ko pero may kasama pang extendable strap na nakatago sa bawat arko nito.
"tawag dyaan 'nak ay Bracer, since di mo kaya mag wield ng mana ay gumawa kami ng paraan para magawa mo iyon." France
"kumukuha sya ng mana sa paligid at sayo para mastable yung miasma sa circuit mo para makagamit ka ng mana, may ginawa kami para dyaan na pwede mo ito itago ng permanente at dumadami hangga't di mo ginagamit kaso ang problema ang limitado ang pagpreseso nito kada oras kaya kung gagamit ka ay gamitin mo ng maayos at nakadepende kung gaano kamarami ng mana kaya mong gawin naayon sa kakayahan mo sa mana wielding." Paliwanag ni tita Cha.
"Di pa dyaan nagtatapos, meron pa kaming isa." Albert
"Syempre di kami magpapahuli no." nakangiti na sabi ni Nay sakin at nagpakita ang aso sakin. maliit pa lang sya pero ang sigla nya, niyakap ko siya at di pumalag.
"di sa lahat ng oras ay naandito kaming magulang mo nakabantay sayo kaya naandito itong aso na to, pangalan nya ay Arca." Albert
"Bakit may pangalan sya kaagad? Di ba kapag nagregalo ng hayop ay sa mismong niregaluhan nito ang magbibigay ng pangalan?" dismayado kong tanong.
"Ano kase anak, may sariling pangalan na yan pagkapanganak nito at mismong ina nito nagpangalan."
"oh! Ibig sabihin nagsasalita ang lahi nito?" paasang tanong ko.
"at yun ang problema, sa lahat ng pinanganak ay siya lamang ang di nagsasalita. Yan lang ang nakuha namin, pasensya na anak."
"ok lang po, at least may kalaro na ako sa bahay."
"Di pa nagtatapos dyaan, ilagay mo sa kaliwang dibdib mo na dumidikit ito sa balat mo."1 sabi ni tita cha.
Kaya sinunod ko ang inutos ni tita.
-------------------------------------------------------------------
"ito na, makikita natin kung gagana." Sabi ni Eichi sa lenggwaheng nihonggo (italic font = different language)
"Wag kayong magalala, gagana yan. tayo pa ba?" Aaron
"ewan ko lang aah. Kapag ikaw nagsabi ng ganyan parang di gagana." sabi ni jenna habang si Jessa ay naghihinala sa kanya.
"bakit proud na proud itong si Dr. Aaron?, di naman yan ganyan sa mga ginagawa nyang mga imbensyon sa military."Sabi ni Yi-chul Park sa lenggwaheng hanguk tska napatingin sya kay Jojo at sumakit ang sentido nito dahil may ginawa din sa kanya noon pero kahit hindi pumalpak ito kaso ang ginawa sa kanya ay nagpalakas pa lalo kay Jojo kaya naalarma ang lahat habang si Cha ay pagalit ang tingin kay Aaron.
Naalarma ang dalawang magulang ni Claude kaya biglang ninierbyos at di nakikita ni Claude ang istura nila dahil nilalagay na nya ang Bracer sa katawan nya.
-------------------------------------------------------------------------------------------
Pagkalagay sa dibdib ko ay pumalibot agad sa kanya ang strap na nagpapahipit nito sa dibdib ko at nagulat ako na parang may tumusok na mga sinulid sa dibdib ko ang biglang umilaw ang Bracer. Masakit sya dahil maliliit to pero nawala agad ang sakit at ilang sandali ay sobrang gaan na ng katawan ko. Sa kadahilanang ito ay napatayo ako at sinubukan kong tumalan tpos nakakapanggulat na nakakatalon na ako.
Napaiyak na si tita France sa harap ko na nakakatalon na ako pero nagtataka si Tito Albert. Pero may isang lumitaw sa mukha ko.
P.S Regalo ko sayo Claude. Your idol, Tito Aaron tip : say status> Pagkabasa ko nun ay tumungin ako ng matalim at ngumiti sya habang kinakaladkad sya ng kambal para bugbugin sa kakahuyan, sumama si Hank at Cha. Niyakap ko silang lahat maliban doon sa umalis papuntang kakahuyan para magpasalamat sa mga regalong makakatulong sakin mamuhay ng normal, lagi sila nagreregalo ng mga bagay tulad ng libro, gamit, atbp. Na tumutulong sakin sa pang araw-araw. Pero ngayon mga to ay magkakaroon ako ng laya gumalaw at makalabas sa bahay. "status" < NAME: Jean Claude D. Virata GENDER: Male Age: 5 Height: 4'3"/ 129.54 cm Weight: 237.5 lbs./ 523.59787 kg. (normal gravity weight) {scroll up to hide general info} Numerical values: CANNOT EVALUATE DUE TO YOUNG AGE (requires 18 years of age) Constitution: - Strength: - Magic: - Agility: - Speed: - Intelligence: - Defence: - Sense: - Body grade – Abilities - > Nung nakita ko to ay nagtataka ako sa weight ko eh hindi naman ako obese pero ang bigat ko kaya tinanong ko si Tay. "Tay, bakit ang bigat ko? na kailangan ko pang gumamit ng bracer." "Anak, noong sanggol ka pa kase ay may ginawan kaming operasyon sayo dahil sa sakit mo kaya kailangan namin magawan ng paraan na lumaki ang bigat mo." "Eh paano yun tay, di naman ako mataba." Pinakita ko sa kanya ang braso kong payat at konting laman. "Hay nako, mahabang usapan yan. nahirapan din kami sa mga nangyari at halos mamatay ka na kaya wala na kaming pake sa bigat mo kung ito lang kapalit para lang mabuhay ka." Pangiting sabi ni Tay. Kaya niyakap ko siya ulit at sinabing "salamat Tay." "walang anuman 'nak." Pangsusumamo nya sakin. "Pero Dad may nilagay ata sa Bracer, pangalan daw niya ay Ailee at tawag sa kanya ay 'adjutant' at sabi niya ay regalo daw to ni tito Aaron." Nung sinabi ko iyon sa kanya na namilog ang mata niya at pumunta rin sa kakahuyan habang si Nay ay natawa na lang. Lumapit siya sakin, "Alam mo 'nak, ang ginawa ni tito Aaron mong regalo para sayo ay napaganda at sa baka ikaw pa lang ang may ganyan sa lahat ng kahenerasyon mo. Pasalamatan mo si Tito mo, ang lakas mo kay tito Aaron mo aah." Napangiti na lang ako at kiniliti nya ako sa gigil nya sakin. ----------------------------------------------------------------------- Gumabi na dito sa dungeon. Sa mga bituing na nagiging ilaw sa lalim na gabi ay gumising ako at umalis ng bahay na tinutuluyan namin sa kalayuan nito sa military base kung saan nandoon ang mga karamihan ng tao upang mamuhay at galugarin ang lahat ng bahagi ng dungeon na ito ay napapaligiran ako ng mga matataas na puno sa kakahuyan at damo na sumasabay sa simoy ng hangin. Ako'y nag - eensayo sa gitna ng gabi at sinsanay ang katawan ko sa simpleng mga suntok at sipa sa huli kong karanasan bilang sundalo. Malaking bagay ang Bracer na binigay sakin, nagagamit ko na ng maayos ang aking katawan at nagagalaw ko ito na buong laya kaya ang sarap mag – training. Ang kailangan ko lang gawin ngayon ay ulit – ulitin ko ang mga drills sa para makaakma at hindi magcramps ang aking katawan ko, ngayong naging normal na ako ay gusto ko sana sumubok ng mag – dungeon. Kakausapin ko si Ate Park at Kuya Jojo ukol dita kasama ang magulang ko, gusto kong maglakbay sa dungeon na to tutal naandito naman na kaming lahat. Habang nag-didrill ako ay nakita ko si Arca nakatingin sa akin, nakangiti lamang siya at tinuloy ko lang ang ginagawa ko. ilang oras na ko nag – eensayo at nagdidrill Kahit hinihingal ako ay parang di ako napapagod at mas lalong bumibilis ang mga galaw ko sa mga drills. Pwede ko bang itanong ito kay Ailee "Ailee." At biglang nagsalita sya "What limit can you know about my body?" "So I can question what is happening to my body?" "very well then, can you scan and describe to me the state of my body." "Yes, understood." Ilang minuto lang, ay natapos na ay may lumabas na biological structure at papaliwanag na ang nagyayari sa aking katawan. Base sa sinabi ni Ailee, Napakataas ng adaptability rate ng katawan sa kadahilanang napakabilis kahit na napakakapal ng dugo ko sa katawan na tumutulong ito sa ibang katawan kong mag-buo ng nerve walls ko sa muscles ko kaya bumibilis ang mga drills ko, pero dahil sa edad ko ang aking muscles ay namamaga at adrenalin lang ang sumasalba sa di ko pagramdam ng sakit nito kaya kapag kumalma ako ay tatlong beses ang sakit daw nito mamaya. Ang nakakapagtataka lang ay may humaharang sa scanning ng katawan ko, tanging napaliwanag lang niya ang dugo ko dahil ang dugo ay may kasamang nanomachine kaya kahit harangan to ay nadedetect dahil sa kaya ni Ailee magdetect ng nanomachine atoms. Okay na ako sa mga sinabi ni Ailee, kakausapin ko na lang magulang ko ukol dito at ihinto ko na dahil baka di ako makatayo bukas gusto ko pa man din magjogging bukas.