"Damn it, where the hell am I?" Unang lumabas sa bibig niya nang magising siya.
Pink curtains, pink pillows, pink bed.
'Seriously? Masakit sa mata,' pagrereklamo niya sa isipan.
Sa unang tingin mo pa lang ay alam na niyang babae ang may ari ng kwarto na kung saan siya naroon. Medyo may pagkalawak siya. Sa pagtingin niya sa likod ng pintuan may nakadikit dito ng mga litrato. Kailangan niya pang makalapit para maaninag ito ng maayos kaya bumaba na siya sa kama.
Napansin niya din na nag iba na ang damit niya, pink plain v neck t-shirt at black na short. He wondered kung sino ang nagbihis sakanya. Pumasok sa ilong nya ang bango ng damit na naghahalo sa mabangong kwarto na ito.
Ihahakbang na sana ng binata ang mga paa para makalapit sa may pintuan nang biglang may tumayo nang tuwid sa harapan niya. Nagulat siya, sobra. Kung ibang tao ay baka nagtitili na, iba talaga siya.
"Hey," matipid na pagbati ng dalaga. Hindi sa pagsulpot ng dalaga siya nabigla kundi sa mukhang pamilyar at presensya na hatid nito.
He stares at her, he really think that the girl is familiar with him. Saan niya ba ito nakita? Mahabang buhok na itim, her pale lips, and her black eyes. She is more or less 5 feet, and have a chubby face and body. She looks younger than him, He can't read her thoughts. Obviously, she is not an open book. One more thing bother him ay kanina hindi niya talaga naramdaman na nandito ang dalaga. Mukhang nakahiga ito kanina sa sahig. He is curious about her and he want to know why he feel a lil' goosebump.
Pinitik ng dalaga ang mga daliri nito sa harap ng mukha niya dahilan para mapaatras siya nang kaunti sa pagkabigla. Ganon ba kalalim siya magisip?
"Are you okay?" In that question he came back to his senses.
"I'm okay. Where am I?" Sa wakas may lumabas na ding salita sa bibig niya na tumiklop kanina, "And who are you?" Ngayon ang dalaga naman ang nakatitig sakanya kaya napaiwas siya ng tingin. Hindi siya nahihiya kundi ayaw niya lang malunod sa mga mata nito.
"Maupo ka na muna," pagaalok nito na magiliw niyang tinanggap. Pagkaupo niya sa sofa ay umupo rin ang babae sa kama at humarap sa kanya.
"I'm Eleuthera Augustine," napakalamig ng boses na may kaunting ngiti na lumabas saglit sa labi ng dalaga. "At nandito ka sa bahay ko, ng pamilya ko pala. May naaalala ka ba na nangyari bago ka nakapunta dito?" because of her question ay napamura siya.
Bakit ngayon lang niya natandaan? Paano siya nakaligtas sa daming tama ng baril ang natamo niya? Napatingin siya sa katawan. Wala, walang kahit na anong sugat akong nakikita at wala akong nararamdaman na kahit anumang sakit, 'yan ang nasa isip niya ngayon.
"How?" Napangisi si Eleuthera sa tanong ng mas ikinabalik ng memorya ng lalaki. "I..ikaw ang babae na nagpatumba sa mga kalaban ko." Hindi ako maaring magkamali, siya ang babaeng nagligtas saakin pero paanong wala man lang akong sugat?
"Nandito ka sa panahon ko, Eros," heto na naman ang kanyang pagtitig kay Eros. This woman is really something.
"Anong ibig mong sabihin na nasa panahon mo ko? At paano mo nalaman ang pangalan ko?" Para kay Eros its either he is dreaming or this woman is crazy and a stalker.
"March 08, 2020. Philippines. Iniligtas kita nang hindi sinasadya sa future, May 07, 2025 sa USA. Basically pala, hindi ko lang 'to panahon, nabuhay kana dito. Kaya lang 'yang katawan mo ay hindi na dapat na nandito, bumalik ka sa panahon ng nakaraan mo at hindi dapat." Pinakita ni Eleuthera ang oras sa cellphone. "Sa tanong mo if paano ko nalaman ang pangalan mo, secret." She smiled.
"Stop playing around, woman. Napakaimposible ng mga sinasabi mo, I'm about to thank you for saving my life but why you still need to say those lies? We are not in the fairytale and not a single of it is even true."
Bahagyang napaawang ang bibig ni Eleuthera matapos marinig ang mga sinabi ni Eros. Wala siyang oras para iligtas ang nilalang na 'to para magsinungaling lang. Totoo naman kasi lahat na sinasabi ni Eleuthera na 'di niya din alam kung paano ipaliwanag. Hinihiling nga niya na sana panaginip lang ang lahat. Sinampal na niya ang sarili niya, hindi pa rin siya nilamon ng realidad. In another words, totoo ang lahat.
Maikli lang ang pisi ng pasensya ng dalawang tao na ito kaya kailangan nilang magtimpi sa isa't isa.
"Hear me laugh, Eros. Ha Ha Ha." Siya si Eleuthera, sarcastic na tao sa oras na napipikon. Wala siya sa wisyo ngayon para magtimpi. Kung maari nga ay kanina pa niya tinapon sa pader ang lalaki pero hindi niya ginawa. "I'm not jerking 'ya, dude. Maniwala ka sa hindi ay wala na akong pakealam dahil realidad na mismo ang gagawa ng paraan para makita mo kung ano ang pinagsasabi ko. Sa oras na malaman mo ang totoo ay narito lang ako para bigyan ka ng malakas na palakpak na sa wakas ay naniniwala ka na. Sa ngayon, maiintindihan ko kung nagdadalawang isip ka pa, napakabilis nga naman ng lahat. Kaya let me tell to you everything I know that was enough for you to believe me."
Should he believe her? Walang makitang rason si Zayn Eros para magsinungaling si Eleuthera sa isang bagay na alam niyang wala naman makukuha ang dalaga kung tutuusin.
Kung totoo nga ang lahat, bakit nanyayare 'to? Bakit kailangan pa na si Zayn Eros ang mapunta sa lugar na ito? Sa panahon na ito? He looked around, puzzled at the calendar. It was quiet outside, as if they are just the two of them.
"Eros, napunta ka sa nakaraan mo na kasalukuyan ko, ako ang may kasalanan kung bakit ka nandito. Hindi ko akalain na lilitaw ako sa gitna ng labanan niyo, kung hindi ako dumating at hindi kita naisama agad dito sa panahon ko baka... " Napatingin na si Eros kay Eleuthera. "baka namatay kana. Malala na ang lagay mo noon. Kung paano ako nakabalik sa panahon ko kasama ka? Hindi ko din alam, basta kinain na lang tayo ng liwanag."
Hindi niya alam kung pagkakatiwalaan niya ang sinasabi ni Eleuthera. Kailangan niya ng tulong nito. Actually, napakacomfortable niya sakanya, sobra at there's a part of him na gusto pang makilala ang babae. Who are you Eleuthera Augustine? Why he is so curious about you? Dahil ba nailigtas mo siya sa panahon kung na saan siya nabibilang? Noong nakikipaglaban pa lang si Eleuthera, hindi alam ni Eros kung paano nakikita nang sobrang linaw ang bawat galaw nito kahit hinang hina na siya noon, mga galaw na walang mintis, you are a merciless angel Eleuthera.
Napangiti na lang siya habang nagpplayback sa utak ang mukha ng dalaga.
Damn, masama ito. Ano bang nangyayari sayo Zayn Eros? Tumigil ka, pagsasaway niya sa kanyang sarili sa utak niya.
"Hoy Eros, okay ka lang ba? Tulala ka, dude, " hindi niya alam kung naiinis ba si Eleuthera o nagaalala. Kanina pa kasi siya nito kinakausap pero ito siya naglalakbay ang utak.
Ngumiti si Eros na ikinalaki ng mata ni Eleuthera. Bakit nga ba siya ngumiti? Bihira lang siyang ngumiti kaya nakakapagtaka.
"Err." Napakamot ang dalaga sa batok.
"Marunong ka pa lang ngumiti. I'll take that as a yes na you are already believing me, Zayn Eros. Huwag kang magalala, tutulungan kita makabalik sa panahon mo." Hindi magawang maging masaya ni Eros sa ideyang hindi ito ang panahon niya at aalis din siya dito ngunit winaksi na lang niya ang kakaibang pakiramdam. Hindi siya dapat magtagal dito, kailangan niyang umuwi agad para sa pamilya niyang naghihintay sa kanyang paguwi.
"Thank you," pagpapasalamat niya na ikinangiti saglit ni Eleuthera pero bumalik din sa walang emosyon na mukha.
"Walang anuman, Eros. Lahat ng tao na makakakita sayo sa gaanong posisyon ay gagawin din ang ginawa ko," tumayo ito.
"Kailangan mong makabalik as soon as possible kung hindi ka makakabalik agad maaring mamatay ka dahil hindi nabibilang ang katawan mo na 'yan dito sa panahon ko , magugulo lang ang lahat. Zayn Eros, gagawin ko ang lahat para 'wag kang mapahamak. Kung maari lang sana ay iwasan mo na magkita kayo ng sarili mo."
She didn't let him respond, naglakad na ito papuntang pinto bago siya lumabas ay lumingon muna siya. " Sa ngayon, namnamin mo muna ang pagkakataon na nandito ka sa nakaraan. Ang bilis lumipas ng oras kaya i-enjoy mo muna habang naghahanap ako ng paraan para makabalik ka. Eros, sumunod ka na lang sa kusina tutulong lang ako sa pagluto." Pagkasabi niya non ay lumabas na siya at sinara ang pinto.
Zayn Eros stared into nothingness, savoring slowly the every details he learned from Eleuthera.
Hindi niya aakalain na posible 'tong mangyari sa buhay. Simula pa lang ng araw niya dito sa panahon kung saan nalampasan na niya, sa panahon ni Eleuthera Augustine ang babaeng hindi niya inaakala na darating sa buhay niya. Since he first saw her, he already know to himself that she is not just an ordinary lady. She's different too, it is because she save him or may iba pang dahilan? No one knows.
"Argh! Paano ba ako makakabalik?" Before its too late.
Madami pang katanungan sa isip niya. Mga katanungan na hindi basta-basta masasagot. Kung malaman niya ang sagot sa isa, mas magiging kumplikado ang lahat. The more he seek for the answers are the more his life will be in trouble. He don't care at all, he is not Zayn Eros de la Vega without trouble.
Kumusta na kaya ang Mom at dad? Lagot ako nito, I should be home by now but here I am nasa ibang panahon. Panahon kung saan may masungit na delikadong babae na anytime ay baka sasaksakin ako ng dagger niya. Of course hindi ako magpapasaksak, marunong akong umilag. But it seems that she's really not dangerous if hindi ko lang nakita ang ginawa niya sa mga kalaban ko. Hindi ko napansin na lumipas na pala ang kalahating oras. Ang lalim ko talaga magisip kasing lalim ng kagwapuhan ko, mahabang lintanya niya sa isip.
"A-arayyy!" Naiinis na tumingin siya sa babaeng, malapit na niyang kalimutan na ito ang nagligtas sa kanya.
Binato ba naman siya ng tsinelas.
"Lumabas ka na d'yan." Sinarado nito ang pinto ng malakas.
"Damn. Hey, bumalik ka dito! Bakit mo ko binato?!" As expected walang sumagot sa kanya. Bakit ba kasi hindi siya umilag?
Lumabas na siya ng kwarto, at bumungad sakanya ang living room. Maliit lang ang bahay na ito kumpara sa bahay nila dito sa Pilipinas. Dumiretso siya sa kusina at nakita si Eleuthera na nakaupo.
"Titingin ka na lang ba?" Masungit nitong tanong.
Umiling na lang si Eros sa asal nito. Pagkaupo sa harap ng babae ay nagtanong siya kung wala ba silang kasama dito.
"Kakaalis lang nila mama at papa," Eleuthera answered shortly pagkatapos niyang iabot ang kanin.
Mabait din naman pala, sa isip ni Eros. Akala niya ay lagi itong dragon na masagi mo lang ay bubuga ng apoy.
"Thank you." Tumingin ang dalaga kay Zayn Eros na para bang naguguluhan."For saving me." She tilts her head and chuckles.
She's cute.
"Kanina ka pa nagthank you sakin, bago masobrahan at magka-diabetes ako, " Eleuthera said jokingly.
'Hindi ko talaga maintidihan ang ugali niya, masungit to mabait na palabiro.'
Kumain na lang si Eros. Simple lang naman ang nasa mesa, fried rice at hotdog.
"May aasikasuhin pa ako sa school so kailangan kong umalis mga 7 a.m dito ka lang, ha?"
"Iiwan mo ako dito? Pwede naman siguro ako sumama diba?" Nagpacute pa siya para lang pumayag si Eleuthera. Damn, nagmumukha akong bakla pero no choice ayaw ko maiwan dito.
"Yuck ka. Mukha kang aso sa kalye."
Napapokerface na lang si Eros at kinausap na lang ang sarili, gwapo kaya ako. Lahat na babae sa USA ay naghahabol sakin pero siya sasabihan lang ako na mukhang aso?
"I'm handsome at the same time cute, don't be denial," pagmamayabang ni Zayn Eros. Ang daming emosyon na ang pinapakita niya kay Eleuthera. Actually, he is not like this to others. Hindi siya mahabang magsalita. Iba talaga si Eleuthera and maybe she have a magic that can make someone changed under her sleeves.
"Saang parte ka cute at handsome? 'Wag assuming dude." She rolled her eyes. "Geh, magaayos lang ako. And you, maghugas ka." Naglakad na ito palayo. Eleuthera loves to walk away.
"Ako pa talaga pinaghugas. I thought may special treatment ang mga guest sa Pilipinas noon? O gusto niya lang ako utusan? Mga babae nga naman."
Minadali niya ang pagkain, pagkatapos ay naghugas siya gaya ng utos ni Eleuthera na ngayon ay Era na ang tawag niya. Naabala ang pagmuni-muni niya nang tumunog ang cellphone na sigurado siyang kay Eleuthera. Nakapatong ito sa mesa kaya kinuha niya. Sa kabutihang-palad, walang password kaya nabuksan niya. Napatitig siya sa text message na nabasa niya. Nagsimula na naman ang mga katanungan na pumasok sa isipan niya.
Sino ka nga ba talaga Eleuthera Augustine?
May humawak sa balikat ni Zayn Eros dahilan nang paglingon niya na nagpatitig sa mga itim na mata ni Eleuthera, mga matang binabalot ng misteryo, mga matang walang pinapakitang emosyon. Mga matang walang kislap.
Hindi na naman niya napansin ang paglapit nito. Mabilis na inagaw ni Eleuthera ang cellphone habang hindi inaalis ang tingin sa kanya.
"I'm warning you, if you still want to be back in your time then don't you dare to do stupid things without my permission, don't middle with my own bussiness," she warned him. Pagkatapos sabihin ang mga salitang 'yon ay umalis na ito ng bahay nang walang pasabi.
Eleuthera.
"Its early to say this but this time, I'm the one who going to protect you, Era. You can't stop me. As long as I'm here no one can touch you." Hindi niya alam kung anong naisipan at pinapasok na naman ang sarili sa kapahamakan, ngunit sigurado na talaga siya sa bagay na 'yon. "Kahit sino pa sila, ako muna ang harapin nila bago sila humarap sayo." Nahihibang na siya.