Chereads / Shh, I'm Sleeping / Chapter 3 - Chapter Two

Chapter 3 - Chapter Two

Gusto nang hablutin ni Eleuthera ang kanyang kaibigan na ngayon kung maka monologue ay wagas. Malapit na niya itong masapak sa tindi ng pagpapatama na pinaparinig nito sa kanya.

"Minsan kahit hindi natin hilingin ay dadating ang tao para sa atin." Tumingin ang lalaki sa sakanya. Kung puwede nga lang na itaas ng ilang centimeter ang isang kilay ni Eleuthera ay ginawa na niya. "Masasabi na lang natin sa ating sarili na siya na talaga ang katapat ko, bakit? Kasi siya 'yong tipo ng tao na magpapabago saiyo, kahit playboy or playgirl ka sa oras na tumingin ka sa kanya, ohh dude wala na, magpaalam kana sa mga kalokohan mo at sakanya mo lang ibigay ng buo ang atensyon mo."

"Stop it, Darren," bulong ni Eleuthera na mukhang naintindihan naman ni Darren dahil natatawa na ang itsura nito.

Pumunta si Darren sa harap ni Eleuthera dala ang isang rosas, tinitigan ito ni Eleuthera. Dapat masanay na siya pero hindi, hindi na siya masaya rito sa parehas na dahilan na mayroon ang lalaki kung bakit siya binibigyan ng bulaklak. Tinanggap pa rin niya ang bulaklak, palihim siyang ngumiwi.

"Yiiieeee, asus pre! Ang chessy mo!" Pang-aasar ng isa sa mga kaibigan ni Darren, namula tuloy ang baliw.

"Mauna na kami ni Eleuthera, mga pre," pagpapaalam nito. Hindi na pinatulan ang kaibigan.

Nauna nang naglakad palayo si Eleuthera. Sanay na naman ang mga kaibigan ng lalaki sa ganitong pakikitungo ng dalaga. Ayaw ni Eleuthera na may pumasok na iba sa buhay niya, mapapahamak lang ang mga ito kung hahayaan niya. Para sa kanya, mas magandang mag-isa.

Nabigla siya nang may biglang umakbay sa kanya, hindi niya ito hinayaan na magtagal kaya tinapik niya ang kamay nito at sinamaan ng tingin. Mabilis naman na inalis ng binata ang pagkakaakbay sa kanya.

Darren is 5'8 kaya hindi niya maiwasang tumingala dito which she hates the most. Masakit sa leeg.

"Aww naman Eleuthera. Ang harsh mo talaga sa akin, pasalamat ka mahal kita," reklamo ni Darren kaya pinitik ni Eleuthera ang ilong nito.

"Renren, baka kung ano isipin nila sa atin. Jeez, stop it na kasi," pagmamaktol ni Eleuthera na kulang na lang ay magpapadyak sa lupa.

He pouted. He is cute while doing it pero hindi sila talo ni Eleuthera.

"Salamat sa pink rose kaya lang baka nauubos na ang pera mo sa kakabili nito?" Eleuthera is not blind she can see the reason why Darren always giving her favorite flower but she can't accept it. She see him as a brother, he is very important to her. She can't afford to lose him but she can't handle the kind of feelings he showing her. She doesn't want to hurt him any longer.

Ginulo nito ang buhok ni Eleuthera at bumulong sa tenga, "hindi ako titigil sa pagbibigay ng white rose sa iyo, hindi mo na kailangan magpasalamat sa akin Eleuthera, ngiti mo lang ay sapat na. As long as I'm breathing lagi kita bibigyan ng white rose as a symbol of my uneding love to you."

Hindi hahayaan ni Eleuthera na magpatuloy ang lahat na ito. Nasasaktan siya na nakikita na nasasaktan ang kaibigan niya. May bagay kasing hindi masusuklian kahit gusto mo pero sa katayuan ni Eleuthera, magmukha man siyang masama sa paningin ng iba, hindi niya gugustuhin makaramdam ng ganoong pakiramdam.

She reached out to Darren. Naalala niya lahat ng bonding at pakikipaglaban na ginawa nilang magkasama. Darren is the first boy buddy of Eleuthera, mailap siya sa mga lalaki at ni minsan hindi niya hinahayaang may makalapit sa kanya but Darren break her walls. Sakanya lang si Eleuthera naglalabas ng sama ng loob, pinapakita niya dito ang kahinaan niya. Napakita niya kay Darren ang totoong siya. When she is with she can be herself, she is a strong woman but she also have a fragile heart. He know a lot of things about her.

Ang pananaw ni Darren ay kung mahal mo ang isang tao handa kang masaktan para sakanya, handa kang manatili sa tabi niya kahit ang sakit-sakit na, hindi ito ang gusto ni Eleuthera at hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang tingin ng karamihan sa pagmamahal.

"Darren, I…I'm sorry. I'm sorry kasi–" He did not let her to finish her sentence, he kissed Eleuthera's forehead. A kissed full of emotion and unsaid words.

"Shhh, don't say sorry wala kang kasalanan dito Eleuthera. Alam mo bang hindi ako nagsisi na mahal kita? Kasi ito na ang pinaka the best na nangyari sa buhay ko. Don't cry, okay?" She nodded while wiping her tears away.

Ang pananaw ni Darren ay kung mahal mo ang isang tao handa kang masaktan para sakanya, handa kang manatili sa tabi niya kahit ang sakit-sakit na, hindi ito ang gusto ni Eleuthera at hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang tingin ng karamihan sa pagmamahal.

Nang tumahan na si Eleuthera ay Darren holds her wrist. "Let's go, baka hinahanap na tayo ni M," he acted as if hindi siya nasasaktan, its either ayaw na niya 'yon pagusapan or ayaw niyang marinig na papatigilin siya ni Eleuthera.

Binitawan niya si Eleuthera noong sumakay na sila sa motor niya. Mabilis ang kaniyang pagpapatakbo May tiwala naman si Eleuthera na hindi siya ihuhulog ni Darren sa kalsada.

You need to let go of your feelings, Darren, she murmured under her breath. Wishing Darren could hear.

Nakapikit lang si Eleuthera habang nakahawak sa balikat ni Darren, binabalikan sa isip kung bakit ba siya nandito ngayon.  She's in danger. Any moment someone might attack her. Pumasok sa isip niya ang reaksyon ni Zayn Eros kanina. Hindi niya hahayaan na madamay ito sa gulo ng buhay niya. Kung kailangan itali ito para hindi na makalabas ng bahay ay gagawin ni Eleuthera huwag lang ito mapahamak. Hinihiling niya na sana 'wag makialam si Darren sa laban niya.

Nakarating sila ng Headquarter nang matiwasay at walang humaharang sa dinadaanan. Nauna si Eleuthera na pumasok sa loob, habang inaayos ang maskarang nakatakip sa kanyang mukha. Wala dapat makakilala sa kanila, ang nakakataas lang ang may karapatan na alamin kung ano ba sila. Nasa likod niya lang si Darren, nakasuot rin ito ng maskara. Kahit anong lihim ni Eleuthera sa pagkatao niya, alam niyang may makakaalam. Walang lihim na hindi nabubunyag, hindi niya alam kung handa na ba siya para dito.

Katulad nang dati walang katao-tao sa HQ maliban sa kanya. May mga  mission na naman siguro ang mga lokong 'yon. Mission na walang makakaalam kung uuwi ka ng buhay o malamig na bangkay, para sa isipan ng iba nakakakilabot pero hindi sa kanila na sanay na at nanumpa.

"Elites," tawag ng lalaking malapit na mag 30's. Hindi man lang nag-abalang  tumayo sa pagkakaupo niya sa single sofa.

Umupo ang dalawa sa mga nakalaan na upuan.

"Hindi ako magtatagal dito kaya sabihin mo na ang mga dapat mong sabihin," diretsang ani ni Eleuthera.

"Eh, bakit?" tanong ng lalaki. Kailangan pa ba talagang may explanation ang lahat na sagot? Hindi marunong magpaliwanag si Eleuthera at ayaw na ayaw niyang magsalita ng sobrang dami.

Napansin ng lalaki na ayaw niyang sumagot.

"Inutusan ako ni Impératrice na papuntahin kayo dito." Napakunot ang noo ni Darren.

"Why?" Darren asked him. "I don't know," simpleng sagot nito. Gustong batukan ni Eleuthera ang lalaki dahil hindi man lang ito nagtanong kay M, wala man lang kaalam-alam.

Hindi ugali ni M na ipatawag sila na hindi siya ang haharap lalo na ang magpatawag without a reason. Nagtext siya na magkita-kita sila ngayon nila Renren bago niya matanggap ang huli nitong mensahe na nasa kapahamakan siya. Nagsimula nang magtaka si Eleuthera.

'Where are you, Impératrice? Napaka weird naman na nagpatawag ka pero walang rason.'

Walang naisagot si Leilos kaya umaalis na lang ang dalawa. Tahimik lang sila hanggang makarating sa paaralan ni Darren.

"Wala ka bang ideya kung bakit wala si Impératrice doon?" Umiling si Eleuthera bilang sagot.

"Sigurado ka?"

'Hindi pero hindi ko maaring sabihin sayo kung bakit. Dalawa lang kasi 'yan baka may biglaan siyang lakad o baka naman iniiwasan niyang pagusapan ang tungkol sa huling mensahe niya  which is imposible dahil kilala ko ang ugali niya ayaw niyang may napapahamak sa grupo,' sagot ni Eleuthera sa pamamagitan ng isip niya.

"Yeah. I'll go first, I'm sleepy," matipid niyang paalam, tinatamad siyang magsalita lalo na sa ganitong sitwasyon baka ano pa ang masabi niya na hindi dapat.

"Sige. Take care Eleuthera." Bago tumalikod ay maangas na tinapik ni Eleuthera ang balikat ni Darren.

"Sila ang magingat Darren. See you."

Tsk. Ano na kaya ang ginagawa niya? tukoy ni Eleuthera kay Zayn Eros. Sana naman walang siyang ginawang kahit na anong kalokohan sa loob ng bahay malalagot ako kila mama at sana hindi siya lumabas  baka mapahamak pa siya, mainit pa naman ako sa mga mata ng mga gustong tumapos sa akin, she uttered to herself with curiousity.

Kalahating oras pa bago umalis ang trycycle na sinasakyan ni Eleuthera. Mayo na pero ang init pa ng panahon lalo na ngayon dikit-dikit pa sila sa loob.

"Dito na lang po!" malakas na pagpara niya kaya naman mukhang mababasag na ang eardrums ng mga katabi niya.

Hehehe peace po, lihim niyang paghingi ng tawad.

Nahirapan pa siyang bumaba, hindi naman kasi maipagkakaila na chubby siya at sa kabutihang palad hindi pa naman overweight dahil may katangkaran siya pero chubby pa din.

Medyo malayo pa ang kalsada na  hinintuan ng trycycle sa bahay ng mga Augustine, may kalye pa kasing kailangan lakarin. Malayo rin ang bahay nila sa ibang bahay kaya kahit sumigaw siya nang sobrang lakas ay walang makakarinig. Sa likod ng bahay ay maraming punong kahoy, ilang minuto na paglalakad ay makakarating ka na sa talon na isang milagro na malinis pa rin hanggang ngayon. Sa pagpunta niya raw sa future ay nalaman niya na may mas masama pa sa ngayon ang kalagayan ng mother earth, halos wala nang kontrol ang mga tao roon lalo na ang mga kabataan pero maganda na ang takbo ng ekonomiya masyado nang maunlad.

"Ma?" Gaya nang nakagawian ay ang mama ang una niyang hahanapin but instead na ito ang lumabas ay isang binata ang una niyang nakita na mukha ng bampira ang kulay ng balat pero hindi naman maputla, galing pala ito sa Amerika kaya naman ganito ang appearance ng lalaki. Maputi at matangos ang ilong pero sa pagkakaalam niya ay he is a pure-blooded Filipino.

Nilampasan niya ang binata. Dumiretso sa loob kahit medyo nakaharang ito sa pintuan. Hindi man lang marunong tumabi. Nabangga niya tuloy ang balikat nito.

"Oh, baby. Kamusta ang lakad niyo ni Darren?" tanong ng mama niya na halos sigaw na kasi nasa kusina ito at nagluluto ng pagkain. Lagi na lang pagkain ang ginagawa niya rito sa bahay tuwing nandito siya 'yan siguro ang rason why Eleuthera is gaining weight.

Nagmano muna siya saka umupo  sa harap ng mesa bago sumagot. "Ayos naman po," pagsisinungaling niya. "Nakakapagod, Mama." Nahagip ng mata niya ang mansanas sa mesa kaya kumuha siya ng isa at tumayo para hugasan ito.

"Malapit na 'tong niluluto ko para sa tanghalian, hintay na lang baby." Tumango siya sa mama niya na ang atensyon ay nasa pagluluto.

"Nasaan si papa, Mama?" Nakakapagtaka kasi na wala ito sa sala para manood ng paborito nitong programa. 

Pagkahugas niya sa mansanas ay bumalik agad siya pagkakaupo.

"Pumunta sa bahay ng tito mo."

Kita ng dalawang mata ni Eleuthera na dumaan si Zayn Eros sa likod ng kanyang ina at pasimpleng tinignan ang niluluto nito. Hindi ito pinansin ng ina ni Eleuthera kaya nagtaka siya.

Bakit hindi siya pinapansin ni mama? Hindi naman si mama snob.

Halos matunaw na sila sa pagtitig ni Eleuthera, sa isipan ng dalaga ay parang may mali.

"Zayn Eros," bigkas ni Eleuthera sa pangalan ng binata.

"Sinong Zayn Eros, baby?" Bakas sa tono ng ina ang pagtataka habang si Zayn Eros naman ay umiiling na nakatingin kay Eleuthera.

"A..ah, wala po mama, nag-iisip lang ako ng pangalan para sa gagawin kong story," nauutal na sagot ni Eleuthera.

"Ganon ba, anak? Galingan mo ah," walang alam na sagot ng mama niya sa tunay na kaganapan.

"Opo hehe. Ma, sa kwarto muna po ako," paalam ni Eleuthera at pasimpleng binigyan ng senyas si Zayn Eros na sumunod sa kanya.

Sa pagpasok sa kwarto ay hinawakan niya ang doorknob at hinintay ang binata na makapasok. Pagkapasok ni Zayn Eros ay maingat niyang sinara ang pinto at hinagod nang tingin ang binata.

"Ba…" Tinignan niya mula ulo hanggang paa ang lalaki. "bakit hindi ka nakikita ni mama?"