Prologue
" Dahil nga po sa kumakalat na virus ngayon na NCOV ay pinapatupad po ng pamahalaan ang ECQ o Enhance Community Quarantine. Asahan nyo rin pong mag lo-lockdown sa mga lugar na may matataas na bilang ng tinamaan ng naturang virus"
Virus? nung 2019 pa yan ha? Hindi na eexpired? Chos!
"Arrissa!! maghanda ka at magbihis dahil sasama ka sakin mag grocery para may stock tayo dito, dahil baka wala na tayong makain sa susunod. Bilisan mo at kumilos ka na, panigurado maraming pila sa puregold ngayon" Sabi ng mama kong bungangera.
Charot! love ko yan.
"Opo mama!" Sagot ko nalang dahil hindi ako pwedeng tumanggi at baka wala nakong mauwian hehe.
Dumating kami sa Puregold mga alas diyes na. Inagahan talaga namin kasi marami daw pila sabi ni mama quh.
Tama nga sya ang daming nga tao. Isa pa hindi ako maka hinga sa mask na to.
"Arrissa maghiwalay tayo magkita nalang tayo sa parking. Kumuha ka ng mga alcohol,tissue, napkin mo! toothpaste, sabong mabango, at panglaba basta ikaw na bahala alam mo naman kung ano kailangan sa bahay tapos ako na bahala sa mga pagkain natin" Sabi ni mama saakin.
Inabutan nya ako ng limang libo ni mama. Kumuha na rin ako ng Cart naghiwalay na nga kami ni mama wala ng comeback charowt!!
Kuha dito, kuha doon nang makita kong parang nakuha naman na lahat pumunta ako sa mga bilihan ng candy tamang kuha lng ng nerds hehe.
So yun napaka haba ng pila takte.
Pang sampo ata ako. Okay lang sana kung onti lang na sa cart nila kaso tower ata eh.
boring ampotek.
"Hi miss?" Napalingon ako sa nagsalita. Grabe maka miss para akong nasa kanto naglakakad ng gabi. Joke!
Wow miss? ayaw misis? chos! harot mo talaga arrissa.
"Bakit po?" gagalang galang lang ako pero takte nikikilig ako hahaha pogi ni kuya.
Haynako arrissa kalandi mo talaga.
"Pwede ko ba makuha fb mo, number mo na rin hehe" sabi nya habang kumakamot sa ulo.
Ay mas malandi pala to si kuya ang bilis eh. Mas speed pa sa fast.
"Po?" Kunwari hard to get ako hihihi.
Buti nalang talaga at mahaba ang pila HAHAHA chos!
"Sorry hindi pa pala ako nagpapakilala, ako nga pala si bryan" sabi nya, tapos nakipagkamay.
Sige na nga takte rupok ako eh.
"Arrissa Sanchez po name ko pati sa facebook"Sabi ko nalang.
Ngumiti sya. Shet may igaganda pa ba ang ngiti nya grabe eto yung ngiting hindi lang panty mo ang malalaglag pati bra.
Ganda ng ngiti, yung panga shet engineer ata nag ayos. wait ang lalim ng dimples, tao ba to?
"Salamat!" ngumiti nalang ako sakto turn ko na.
Ang bilis naman nag ngignitian palang kami dito.
Nasa likod ko lang naman sya, feeling ko naghiwalay din sila nung nanay nya para kaming dalawa naman joke.
Pagtapos ko magbayad nilagay ko sa cart yung mga naka plastic na kaibigan ko este mga pinamili ko.
Dumiretso na ako sa parking sakto nakita ko na rin si mama tapos si papa na inaayos yung pinamili sa compartment.
"Oh ayan ka na pala halika na, bilisan mo para malagay na rin yan" Sabi ni mama kong maganda yie.
"Sige ma" Sabi ko pero binulsa ko muna yung mga candy na binili ko ay naka plastic na pala.
"Ma may 2500 pang sukli bumili rin ako candy ma ha" Sinabi ko na lang kasi naalala ko may recibo pala at titignan ni mama yun mamaya.
"Kung ano-ano na naman binili mo" Sabi nya.
Nginitian ko nalang hehe.
Pumasok na lang ako sa kotse.
ting!
Messenger ko yan.
May nag message request na naman. Ay wait baka ito yung cute guy kanina.
Sya nga sabi ko na nga ba!
Bryan: "Hi ako yung nasa likod mo kanina sa puregold :))"
Me: "Uy hello!:)"
Pag open ko ng Facebook ko inadd nya na rin pala ako.
Bryan: "Nakauwi na kayo?"
Me: "Hindi pa, nasa byahe pa lang kami. Kayo??"
Bryan: "Nasa byahe din. Ingat kayo ha"
Nangiti nalang ako haha. Concern bebe ko chos! bebe agad arrissa?
"Oh ano na naman ngingiti ngiti mo jan! may jowa ka na ba?siguro jowa mo yan noh" luh? Ayoko na nga ngumiti takte.
Tumawa lang si papa kay mama.
"Hayaan mo na dalaga na eh" Go papa! Push mo yan.
PAPA, SAVE ME. I've been feeling so alone.
Joke, romeo pala yon.
"Aba'y okay lang naman saakin basta ipapakilala para malaman natin kung sino, mamaya yung adik pala sa kanto jowa nyang anak mong magaling!" Grabe!
Tumawa si papa.
"Grabe naman kayo saakin anak nyo ba ako?" sabi ko sakanila tapos kunwaring iyak HAHAHAHA.
Pag uwi namin sa bahay nakita ko ang kuya kong magaling!
OO, MAY KUYA AKO! TAMAD AT PANGET!
"Wow sir, kamusta po araw nyo?" pang aasar ko sa kuyang kong TAMAD AT PANGET.
"Okay lang naman alipin"
Hmp!
Pumasok nalang ako sa kwarto ko at nag cellphone kesa makakita ng panget.
Baka masapak ko pa yon. Joke love ko yan mga 20 percent.
Uy hala daming chat ni bebe bryan.
BRYAN:
"Nakauwi na kayo?"
"uyy"
"Hindi na namamansin?"
"Psst!"
"Nakauwi na kami, kayo?"
Me: "Sorry late reply, kakauwi lang kasi namin"
Sabi ko na lang.
Hanggang sa umabot ng gabi magka chat parin kami.
Me: "Wala ka bang ginagawang iba? Parang napapansin ko kasi na ang bilis mo magreply tapos kanina pa kita kachat"
Ewan, gusto ko mag assume na parang hindi.
Bryan: "Wala naman sadyang di lang talaga ako busy"
Ay! Gusto ko yan maraming bebe time.
Me: "Wow"
Wow talaga wala na akong masabi eh.
Ang hirap mag isip ng topic lalo na't hindi ako sanay. Paano ako masasanay e wala naman akong kachat hindi ko nga alam kung bakit ka chat ko to hindi pa kami lubusang magkakilala.
Mamaya may magchat sakin bigla at sabihin inaagaw ko ang jowa nya jusko.
Magulat nalang ako nasa internet na ako pinag kakaguluhan ang picture ko hindi dahil maganda ako kundi dahil sa caption na.
" Isa itong kabit, kirida ng aking jowa mang aagaw."
Tapos lalabas lahat ng mga jeje pics ko.
OMG!! HINDI KO KAKAYANIN YON.
Ayy! oa na naman ako. Hindi ko napansin may ka chat nga pala ako.
Bryan: "Ano ginagawa mo?"
Sagutin ko kaya to nang "Nag iisip ng gagawin sakaling mag chat sakin ang babae na kabit mo ako" ay oo tama yun nga.
Me: "Wala eh. Kakakain ko lang hehe patulog na din."
Syempre joke lang yung 'kabit part'.
Bryan: "Sige sleep ka na. Goodnight! .<3"
Hay buti naman makakatulog na din.
________
Nagising ako ng mga 7am share ko lang. But Guess what? may nag good morning sakin wow. naol.
Bryan: "Goodmorning"
-25 minutes ago.
Me: " Goodmorning din kagigising ko lang ikaw?"
Grabe ano kayang almusal? makababa na nga lang.
Ay kung siniswerte ka nga naman oo! ang aga aga sira agad araw ko.
"Goodmorning mama, papa" Bati ko sakanila tapos umupo na alangan batiin ko pa yung panget sa paligid ko.
"Grabe hindi ako binati" Ngumuso pa ang pangit na kuya ko.
"Batas ka ba? Wag ka nga ngumuso kuya pangit neto." Sabi ko sakanya sabay taray.
Bakit ba kasi andito yan hindi nalang mag LOL ng mag LOL.
Lol.
Puro LOL.
" Tigilan nyo na yan ang aga aga" Sabi ni mama.
Tumigil nalang ako at baka hindi ako makapag pigil dito.
ting!
Bryan: "Kumain ka na?"
Me: "Kakain pa lang sige na kain na ako bye"
At kumain na nga ako ng kumain