Chereads / QUARANTINE WITH YOU / Chapter 4 - Chapter 4

Chapter 4 - Chapter 4

WARNING!! THEY'RE MANY TYPOGRAPHICAL AND GRAMMATICAL ERRORS IN THIS CHAPTER. Please accept my apology in advance.

Chapter 4

GOODMORNING WORLD! Mabuhay! Omg, sobrang saya ko talaga ewan ko ba kung ano yung dahilan.

Simula ng patuloy na pag Vivideo call namin ni bryan, lagi na akong masaya, tapos sa tyan ko parang may kru kru haha, yun ata yung butterfly na sinasabi nila.

Lately napag isip isip ko din to, inlove na ata ako?

Kaya ngayon aamin ako kay bryan, iniisip ko na rin to lagi, kung tatanggapin nya, edi okay.

Pero kung hindi naman, okay pa rin kasi minsan kailangan mo rin mareject.

Hindi naman ako aamin na 'mahal ko sya' ang aaminin ko lang 'gusto ko sya' syempre diba.

Whoo! Kinakabahan talaga ako.

Mamaya na ako aamin, kasi kakain pa si bryan. Naligo din muna ako.

Sa ngayon nagpapatuyo na ako ng buhok.

Bryan, wants you on facetime....

Ayan na.

Bryan: "Hiii" tapos ngumiti sya. Ayan na naman ang mga paru paro.

"Hello, may sasabihin sana ako hehe" Huu!Go arrissa kaya mo yan.

"Ano?"

"Kasi--"Naputol yung sasabihin ko sa kanya kasi bumukas pintuan ng kwarto nya.

"Nak, pwede samahan mo ako? grocery lang tayo wala na kasi tayong stocks ng kape at gatas tapos mga biscuit." Rinig kong sabi ng nanay nya.

Hay, ngayon na ba talaga yung tamang panahon?

"Sige ma, maliligo lang ako saglit" Sabi ni bryan. Umalis naman na yung mama nya.

"Sorry pwede ba mamaya mo na sabihin? Sige bye." Sabi nya tapos binaba na yung tawag.

Napabuntong hininga na lang ako. Ano bayan, hindi ko alam kung maganda ba o pangit yung tyempo.

Eto kasi si kumare eh, chos hahaha. Pampalubag loob ko lang kabado na eh.

Habang wala pa si bryan natulog na lang muna ako.

Nagising ako sa isang ingay, Tumatawag pala si bryan. Chinat ko muna sya na may ginagawa ako. Syempre kagigising ko pa lang diba ang pangit naman kung sasagot ako ng ganito itsura ko, panget.

Nag ayos lang ako saglit. Pagkatapos na pagkatapos ko mag ayos, ako na mismo tumawag kay bryan, sinagot naman nya kaagad.

"Hi, ano nga ulit sasabihin mo? Kinakabahan naman ako sayo." Wow, sya pa kinakabahan depungal pinaalala na naman.

"Kasi nga..diba a-alam mo na.. m-matagal na rin.. uh-hm nung ano.. simula n---"

"Teka nga muna, ayusin mo kasi, hindi kita maintindihan, kabadong kabado? " Sabi nya pa sabay tawa. Tangina sana sya na lang nagsalita, kinakabahan na nga ako eh. Tanginang pag ibig to!

"G-GUS" Naputol yung sasabihin ko nang biglang pumasok si mama.

TANGINANG YAN! ANO BAYAN!

"Maghugas  ka nga ng pinggan don! tatamad tamad ka na naman" Sigaw ni mama tapos lumabas na ulit at padabog na sinara pinto.

Wala na letche ano bayan!

"Maghugas ka muna mamaya mo na sabihin" Sabi ni bryan.

Argh! napasabunot na lang ako sa buhok ko. Ang dami namang sagabal. Takte.

Padabog akong naghugas ng pinggan.

"Osige, magdabog ka lang jan ha, makita mo" Sabi ni mama, pano ba naman kasi inis na inis na ako.

Pagkatapos kong maghugas. POTA PAG MAY SAGABAL PA TALAGA HINDI NA AKO AAMIN FOREVER.

Tinawagan ko si bryan, sumagot naman agad sya.

"Oh ano na sasabihin mo?" Matawa tawa nyang sabi. Ewan ko na lang kung matawa ka pa mamaya.

Napa cross finger nalang ako. Huminga ako ng malalim.

"GUSTO KITA BRYAN"

Pagkasabi ko nun, biglang namatay yung call. Napatulala na lang ako, h-hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya o hindi.

Nakakatawang isipin na masakit pala magmahal. Sabagay sabi nga nila pag nasaktan ka ibig sabihin lang nun mahal nagmahal ka.

Sa sitwasyon ko, ewan haha.

Sabagay sabi ko nga diba, Rejection is a part of our life. Kaya pag na reject ka, tao ka, charing.

Pero seryoso, sobrang sakit, mahal ko eh.

Wala akong magawa nung pinatay nya yung tawag.

"bryan?"

Chat ko yan sa kanya, pero hindi sya nagrereply. Napag desisyunan ko na matulog na lang, malay mo diba magreply na sya bukas.

KINABUKASAN Pagkagising ko tinignan ko agad kung may reply sya, pero wala.

Baka naman kasi tulog pa, nega ko naman kasi. think positive lang!!

Habang nag ce-cellphone ako, biglang may nag chat saakin, sino na naman ba to?

"Hi po. Pwede pa send?" Chat nya.

Huh? ang alin? hindi ko nga kilala ito eh.

"Ang alin po?"Tanong ko dito kay tavisy. Yun lang pangalan nya eh, habang nagrereply sya, inistalk ko muna fb nya.

Grabe tawa ko sa mga shared post nya mga lima. chos.

"Scandal po" Sabi nya. Nanlaki naman bigla yung mata ko, scandal? nino? hindi ko nga alam kung kanino haha.

Panibasa lahat ng atensyon ko, naibigay ko kay bryan hay.

"Sorry po, pero wala ako nun hahaha, hindi ko po alam he" Sabi ko na lang pogi lalaki nanghihingi ng scandal sa akin?HAHAHAHAHAHA

"Ay ganon po ba? Sayang naman" Sabi nya. Hindi ko na nireplyan. Hindi ko alam irereply ko.

Basta ang gagawin ko na lang ngayong araw ay manood ng movies,  kumain ng lahat ng gusto ko

--

Tavisy: Hi bebe.

Luh feeling close, after mong mag pasend ng scandal. Hayaan mo na HB naman ako ngayon heart broken.

Nakaka baliw na, tae.

Me: Bebe ka jan, close tayo? scandal ka pa ha.

Reply ko kay tavisy adik kasi scandal pa more. Atsaka ayoko na rin sya ichat kasi baka mapamahal na naman ako tapos ireject ako.

"Hoy, arrissa halika nga dito." Rinig kong tawag sa akin ni mama sa baba.  Bumaba na rin naman ako, baka sumabog pa yan char.

"Bakit ma?" Tanong ko kay mama, pagkababa ko.

"Samahan mo ang kuya mong mamili ng ulam, para sa pang isang linggo" Sabi ni mama na talaga namang kinagulat ko, wow  si kuya nautusan?

"Totoo ma? wow nakaka mangha na nautusan mo ang kuya."

"Hoy, narinig ko yun ha! anong tingin mo sa akin? tamad?" ay hindi ba? charing.

"Tigilan nyo nayan, eto ang listahan oh, gamitin nyo na lang tung kotse jan." Sabi ni mama. Kinuha ko na yung listahan tapos yung pera.

Umakyat na ako para magbihis dahil kakaligo ko lang naman kanina pagkatapos kumain.

Pagkatapos ko magbihis bumaba na ako, dumiretso sa garahe para sumakay sa kotse. Nakita ko naman si kuya na inilalabas yung kotse, binuksan ko na rin yung gate, bait ako eh hehe.

Pagkasakay ko binatukan ako ni kuya. "Aray naman! bakit ba?" Epal eh feeling close.

"Isara mo yung gate" Sabi nya.

"Kailangan nambabatok?" tinarayan ko sya tapos lumabas na para isara gate, ang sakit kaya mambatok halatang nilabas lahat ng galit sa akin eh.

Sumakay na ulit ako sa kotse, nagpatugtog na lang ako nag connect ako tapos nagpatugtog ng paborito kong kanta ng aking paboritong singer.

Blank space- by taylor swift

"Nice to meet you, where you been?

I could show you incredible things

Magic, madness, heaven sin

Saw you there and I thought

Oh my God, look at that face

You look like my next mistake" Sinabayan din ako ni kuya sa pagkanta peborit kasi namin yan nung bata pa kami onti hehe.

"So it's gonna be forever

Or it's gonna go down in flames

You can tell me when it's over

If the high was worth the pain

Got a long list of ex-lovers

They'll tell you I'm insane

'Cause you know I love the players

And you love the game"

Naalala ko tuloy si ano HAHAHA knows nyo na yon.

Sakto naman na dumating na kami sa palenke.

Ano ba mga na sa listahan ni mama.

1kilo tilapia

2kilo bangus

2kilo manok(hita, pwet at pitso)

pechay

kalabasa

1kilo bawang, sibuyas, luya

1kilo baboy

2kilo lamang loob

sitaw (5tali)

kangkong (6 na tali)

Ayan lang ata pero sabi naman ni mama bumili rin kami ng hatdog, nuggets tapos kung ano ano na madali lang lutuin tapos isang tray din na egg.

Wow egg pwede namang itlog na lang.

Si kuya na daw bahala sa iba ako ma sa mga gulay at bawang, sibuya etc.

Habang nagpipili ako ng gulay, may nakita akong pamilyar na tao, shit si bryan ba yon?

Nagkasalubong kami ng tingin, agad naman akong umiwas nahihiya pa rin kasi ako sa kanya, atsaka nireject nya ako diba? ansakit kaya non.

Ano bayan nandito ako oara mamili hindi mag emote.

Lahat ng na sa listahan kinuha ko na, nang sa tingin ko na kumpleto naman na ata nagbayad na ako tapos dumiretso sa kotse andun na rin pala si kuya, wow ang bilis ha.

"Gusto mo mcdo tayo? may 500  pa dito" Sabi ni kuya, agad agad naman akong tumango. mcdo na yon syempre tatangi pa ba ako?

Sumakay na ako sa kotse tapos umalis na kami at dumiretso sa mcdo ang baby ko HAHAHA hindi si ano ha.

Nag drive thru lang kami at umuwi na, binilhan din namin sila mama at papa burger lang naman gusto ko nila eh.

Pag ka-uwing pagkauwi namin dumiretso na ako sa kwarto kotapos naligo na lang ako pagkatapos ay nagpahinga na ako.