Ayane POV
Lahat kami nakaupo na sakanya kanya namin upuan si kuya ash lang ang nakatayo para ipaliwanag bakit kami nandito lahat.
"Good morning sainyong lahat hindi na ko magpapaligoy ligoy dahil 9:30 na at hanggang 10 lang ako" sabi ni kuya ash.
"Nandito ako dahil alam ko naman na alam ninyo na next friday ay ipapakilala tayo bilang bagong ssc officer" sabi ni kuya ash habang lahat kami nakikinig.
Tumango kaming lahat ano ba gusto sabihin ni kuya ito lang ba talaga tskk non-sense.
"At dadating ang lolo namin galing America kaya need namin ng cooperation ninyo gusto namin, may magandang opening dahil dadating ang dating may ari ng school na to" sabi ni kuya ash na seryoso at tumingin sa relo niya 9:45 na ilan minutes nalang tatawagin na siya..
"Gusto ko sana ethan, ayane, kaela, wakie humanap kayo ng ibang pang member para sa dance opening at ikaw naman ace kakanta kayo ng banda ninyo" sabi ni kuya ash saamin.
Nagulat ako sa sinabi ni kuya ash dahil hindi ko alam ito at tsaka wait dadating si lolo wala silang sinasabi saakin mamaya kayo saakin dalawa.
"Pagisipan ninyo nayan excuse naman kayo sa mga subject ninyo hanggang 12pm para makapag isip kayo, tsaka makahanap ng members lalo na sa dance opening ayane at ethan kayo ang inaasahan ko dyan" sabi ni kuya ash saamin dahil kami ni ethan since highschool kami nasa dance club na kami.
"Aalis na ako dahil mag 10am na kumain na din kayo dahil break time ninyo na 10:00 to 10:30 siguro ayun na din yung oras para maghanap kayo ng members ninyo.
At umalis si kuya ash may 10 minutes pa para pagusapan tumayo si kuya ace at sinenyasan si xavier at si ate mj, dahil sila ang pinakalead ng banda nila si ate mj ang vocalist at si kuya ace sa drums at guitar si xavier naman sa electric guitar.
"Kuya ace meron pang 10 minutes bakit lalabas agad kayo?" Takang tanong ko kay kuya ace tumingin si kuya ace saakin.
"Maghahanap na kami at kakausapin na namin yung ibang members ng banda namin para magkabuo na kami agad kayo magusap na muna kayo diyan una na kami kita kita nalang tayo sa canteen" sabi ni kuya ace at tuluyan ng lumabas tumingin naman ako sa mga naiwan.
Nagtataka ako bakit nandito pa si ethan kaya agad ko siyang tinignan nakatingin din siya saakin inirapan ko lang siya.
"Ethan bakit nandito ka diba dapat kasama ka ni kuya ash dahil may laro kayo?" Tanong ko sakanya nginitian niya lang ako bago sumagot
"Miss president hindi pa ako kasama ngayon, dahil sabi ni ash hindi naman daw ganun kahirap yung kalaban, tsaka mas kailangan daw ako dito kesa doon" paliwanag niya sabay ngiti ng malaki. Tskk sarap sapakin nitong lalaking to makangiti wagas.
"Kuya wakie, kaela tara dito pagusapan na namin yung dapat natin gawin" tinignan naman ako ng mga highschool gov at ni ate cynthia, wynne, ate ayumi.
"Ate cynthia , ate ayumi at wynne mauna na kayo ng highschool gov. Bumababa susunod nalang kami paguusapan lang namin gagawin namin" sabi ko sa kanila at ngumiti lang si ate cynthia saakin.
"Ayane kung gusto mo mag tanong tanong na kami kung sino gusto sumama sa dance opening" sabi saakin ni ate ayumi.
"Sige ate para naman hindi na kami mahirapan maghanap thank you" sabi ko at lumabas na sila hinarap ko yung tatlo at tinignan naman ako ni kuya wakie.
"Ayane ano ba ang gusto mong sayaw na gagawin natin" tanong saakin ni kaela. Siguro 90's kasi si lolo ang dadating dahil kung hindi dadating si lolo for sure walang ganto.
"Siguro 90's song ni madonna kasi para naman kay lolo yun, pero kung gusto ninyo mag mix tayo ng pangmillenials song para naman hindi nakakabored sa mga estudyante" sabi ko sakanya tumango silang lahat.
"Magandang idea naisip mo ayane pero ang problema natin oras ng practice, dahil MTF lang ang pasok natin, sa wednesday and thursday walang pasok." sabi saakin ni ethan tama siya walang pasok ng wednesday at thursday.
"Kapag nakakita na tayo ng mga members natin mamaya pagtapos ng game nila kuya ash , magkaroon tayo ng unting meeting sakanila at sabihin natin ang plano natin. Tapos tayong apat mag practice bukas pati sa thursday, tapos uwian ng friday ituro natin sa kanila mga sayaw na buo natin hatiin nalang natin by group" sagot ko kay ethan sumang aayon naman sila sa sinabi ko ng matapos na namin yung plano namin bumababa na kami sa baba.
Sumabay saamin ni kaela si ethan dahil si kuya wakie dadaan lang daw sa locker niya dahil ibabalik niya yung ibang gamit niya. Nang nasa tapat na kami ng pinto ng canteen nakita ko agad sila kuya ace at yung mga kaibigan ko at nakita ko din si stacy na masama ang tingin saakin.
"Oy girl ang sama nanaman ng tingin sayo ni stacy patay ka na naman" sabi saakin ni kaela habang papunta kami sa pwesto namin si ethan naman pumunta din sa pwesto nila.
"Edi magtitigan kami common sense nalang alam niyang ssc officer jowa niya magtataka pa siya bakit kami magkasama" sabi ko at ng makarating kami sa pwesto namin na upo agad kami.
"Babe ano gusto mong orderin?" Tanong saakin ni ben.
"Strawberry cake, choco milktea, spaghetti" sabi ko
Pagkasabi ko ng gusto ko umorder na si ben.
"Sana all buong klase na excuse" parinig ni mikasa kaya nilingon ko siya.
"Bakit kasi hindi ka tumakbong ssc officer tulok" sabi ko at sinamaan niya ko ng tingin.
"Ei paano ba nmn puro kilala mo at malapit sayo yung tumakbo except sa highschool dep." Sagot saakin ni mikasa
Paano ba naman nung pinapatakbo namin siya ayaw niya, kakambal nalang daw niya tas ngayon nagaganyan. Ilan minuto dumating din si ben.
"Oh baby ito iyo" sabi niya habang inaabot. Bakit ganun parang ang tamlay yata neto.
"Babe may problema ka ba?" Tanong ko sakanya lumingon naman siya at nginitian ako.
"Wala ah miss lang kita " sabi niya sabay kiss sa noo ko.
" oww ang sweet sana ganyan din kami ng magiging jowable ko" sabi ni mikasa.
"Wag kana umasa hahaha" asar naman sakanya ni hinata sinamaan lang siya ng tingin ni mikasa
Nang patapos na kami kumain nakita kong papunta sa side namin sila kuya ace kasama si ate mj at yung high school gov.
"Baby AA una na kami sa taas ah sumunod nalang kayo maghanap nadin kayo ng sasali sainyo okey love you" sabi ni kuya ace at kiniss ako sa cheek ko.
"Sige po kuya tawagin ko nalang mamaya c kuya wakie at ethan I love you to din po" sagot ko kuya at umalis na sila.
"Ano yun ayane" tanong ni mikasa.
"Ay oo nga pala inha at mika may dance opening kami sa next friday sama kayo dali" sabi ni kaela siya na nagkuwento.
"Seryoso yun ayane edi ipapakilala muna to si ben sa lolo mo?" Tanong ni mika saakin.
"Kung okey lang sakanya" sagot ko sabay tingin kay ben.
"Next time nalang baby pag nandito na sila tita" sagot ni ben kaya tumango na ko at nagpaalam na sila na aakyat na sila.