Chapter 7 - chapter 7

Ayane POV

Pag-akyat namin sa taas ni kaela pag pasok namin sa SSC office nandoon na silang lahat except saamin ni kaela na kakaakyat lang.

"Ayane may nahanap na ba kayo?" Tanong saakin ni ethan.

"Sila inha at mika sasali daw" sagot ko sakanya.

"Ethan, ayane, kaela come here" sabi ni kuya wakie kaya pumunta naman kami.

"Bakit kuya?" Tanong ko sakanya.

"Maghanap na tayo ng members may mga teachers na hindi pumasok sa mga klase nila ngayon by pair tayo" sabi ni kuya wakie.

"Sige kuya kaming dalawa na ni kaela" sabi ko agad naman umiling si kuya wakie.

"No kayong dalawa ni ethan kaming dalawa sa high school dep. At kayo na sa collage" sabi saakin ni kuya hindi na ako tumanggi dahil alam kong magtatalo lang kami.

" okey" sabi ko sakanya at nilapitan ko si kuya ace na busy kinakausap members niya pina excuse niya dahil wala daw mga prof.

"Kuya ace sabihin mo sa mga Highschool gov. At kay ate cynthia ate ayumi wynne pagtulungan nila kung anong magandang decor for friday mag-iikot kami ngayon" sabi ko kay kuya ace at tinignan niya ako.

"Okey sino kasama mo?" Tanong ni kuya ace.

"Si ethan by pair kami sa collage kami magiikot" sabi ko tumango naman siya.

"Tara na" sabay sabay kami lumabas nila kaela.

"Dito na kami ah" sabi ni kuya wakie tumango naman ako.

Dito sa A'3 University tatlo ang building isang building para sa highschool dep. Yung pangalawa nandito yung dean's office, cashier, ssc office, teachers office, practice room at iba pa, yung pangatlong building nandoon yung pang collage nang makarating kami ni ethan sa collage building.

"Saan natin sisimulan?" Tanong saakin ni ethan.

"Akyat muna tayo 4th floor para isahan akyat baba nalang" tumango naman siya himala ang tahimik neto.

Nang makaakyat kami sa 4th floor dahil doon ang collage buong 4th year collage room walang teacher kaya madami kami nakuha. Nang nasa third floor kami ganun din.

Ngayon sana second floor kami kung saan ang floor namin nasa last room na kami iyon ang room namin.

"GUYS SINO GUSTO SUMALI SAINYO SA OPENING AND CLOSING DANCE!!" sabi ko sa kanila nakita kong nagtaas ng kamay ang 10, pati sila inha at mika at nang nakita ko si stacy ang sama na naman ng tingin hinayaan ko lang siya.

Nang matapos na kami nakakapanibago hindi manlang ako inaasar netong kasama ko. Dahil sa kakaisip ko nabangga ako sa poste.

"WAHAHAHAHAHAHA!! ang laking tanga naman ng poste HAHAHAHA!!" malakas na tawa ni ethan kaya tinignan ko siya ng masama pero tawa pa din siya ng tawa.

"Sira ulo ka pala ei bakit di mo sinabi na may poste edi sana nakaiwas ako" inis kong sabi sakanya habang hawak ang noo ko.

"Kanina pa kita tinatawag, dahil lalagpas kana at tatama ka sa poste di mo padin ako naririnig ito yung hagdan papunta sa ssc office bakit papuntang dean's office ka" natatawang sabi niya habang nasa tapat ng hagdan papunta sa ssc office agad naman ako bumalik nakakahiya shit.

"Ikaw ah iniisip mo siguro ako kaya ganyan ka ikaw ahhh" tukso niya saakin habang paakyat kami ng hagdan.

"HINDI WAG KANG ASSUMING KAPAL NG MUKHA MO!!!" inis kong sabi bakit naman niya nasabi tsk.

"Hahahaha!! matagal na makapal mukha ko kung manipis mukha ko kita na bungo ko" tawa niyang sabi di ko nalang pinansin alam ko hindi ako mananalo sa piliso pong to.

Nang makapasok kami sa loob nandoon na kaming lahat at hinintay nalamang mag-12, para sabay sabay kami pumunta sa court para mapanuod ang laro nila kuya ash. Gumawa ng banner si ate cynthia, halatang gustong gusto niya si kuya ash pero lagi naman sila nagaaway paano ba naman napakapilosopo ni kuya ash.

"Shit kuya ace una na kayo babalik ko lang to sa locker ko" sabi ko kay kuya ace.

"Sige ethan pasamahan nga si ayane baka kung ano nanaman mangyari dyan madagdagan bukol sa noo" natatawang sabi ni kuya ace tinignan ko lang siya ng masama.

Sumunod naman saakin si ethan at may nilagay din sa locker niya at doon ko nakita si stacy palapit saamin.

"Hi BABE!!" bati niya kay ethan sabay kiss sa pisnge neto pero di siya kinibo ni ethan.

"Hey baby are you mad? I'm sorry wala lang yun hindi naman totoo yung sinasabi nila prince ei" sabi ni stacy kay ethan pero hindi siya pinansin neto.

"Ayane tara hinihintay na tayo nila ace doon" sabi ni ethan saakin at tumango naman ako naririnig kong tinatawag siya ni stacy pero hindi niya pinapansin yun.

"Hoy!! ikaw kurimaw ka bakit hindi mo pinansin yung bruha mong gf mamaya isipin na naman nun nilalandi kita" sita ko kay ethan at lumingon siya saakin ng nakangiti.

"Bakit hindi ba?" Sabi niya ng tumatawa.

"Wow!! kapal ng mukha mo mas mahal ko pa boyfriend ko kesa sayo, NEVER KITA MAGUGUSTUHAN TAGA MO SA LUPA YAN!!" sabi ko sakanya at nauna na maglakad badtrip yung lalaking yun.

"AYANE HINTAYIN MO KO!!!" Sigaw siya pero hinayaan ko lang siya hay nako bahala ka diyan punyeta ka.