Prolouge
Humahagulgol ng iyak ang batang si Seven habang pinapalo ng kanyang ama sa sarili nitong kwarto. Para sa kanila, ito ang pagdidisiplina ng kanilang magulang upang magtino sila. Sa murang edad ay ganoon ang nararanasan nila sa tuwing makakagawa ng konting pagkakamali. Kahit pa hindi iyon kalaliman.
"Ang tigas ng ulo mong bata ka! I told you na wag kang makikipagkaibigan sa mga batang hindi natin kapantay!" Ang galit sa sabi ng kanyang ina habang nakatutok sa kanyang luhaang mata ang pamalo nitong laging ginagamit sa pagpaparusa.
"N-no mom g-gusto ka la—" Magsasalita pa sana siya pero nakita niya ang pang-gigigil ng mga ngipin nito. Nais niyang sabihin ang katotohanan pero pinangungunahan siya ng takot.
"Aba! Ngayon sumasagot ka na?!" Saad nito sabay palo uli sa kanyang pwetan. "Yan! Yan isa pa yang pagsagot mo diba sinabi ko na ayaw ko ng ganyan? Ha?! Bakit hindi ka tumulad sa Kuya mo na mabait at masunurin?"
Tumango na lamang siya dito, habang ang mga luha niya'y patuloy sa pagbagsak. Binalingan niya ng tingin ang kanyang nakakatandang kapatid na si Rico, habang nananood ito kung paano siya paluin at saktan ng kanilang magulang. Dumako ang mata niya sa labi nito—na may suot-suot na ngisi.
Mukhang magkaiba ang pinapakita nito, ang isa ay para sa pagkukunwari habang ang isa naman ay ang tinatago nitong kademonyohan sa loob ng maskara.
Para bang nasisiyahan pa ito sa nangyayari sa kanya. Hindi niya alam ang nangyari, pero bigla na lamang siyang nabingi sa paligid. Ni hindi na niya marinig ang mga sinasabi ng kanyang ina. Tanging malakas na tibok ng kanyang puso at tunog ng orasan kung saan saktong pumatak iyon sa alas-otso.
Simula din ng gabing iyon ay sumiklab sa kanyang puso't isipan ang galit na nadarama sa kanyang pamilya—lalo na sa kanyang kuya na si Rico. Sa katunayan, ay siya ang taga-sambot ng mga kasalanan nito katulad na lamang ng ngayon, kung saan siya ang isinumbong nito na nakikipagkaibigan sa mga maralitang bata—kahit na siya talaga ang may pakana nu'n.
Bago sila matulog ay binalingan pa siya nito ng matalim na titig. "Subukan mo lang magsumbong Seven at matitikman mo ang malapad kong kamay,". pagbabanta nito. Hindi niya iyon pinansin at pagkatapos ay pinatay na niya ang lamp shade na nasa pagitan ng kanilang mga kama.
****
"Damn!" Galit na sigaw ni Seven ng maalala na naman kung paano nabuo ang galit at poot sa kanyang puso at kung paano nabuo ang panibagong Seven. Kasalukuyan itong nasa bar na lagi niyang pinupuntahan—Ang The Moonstruck Bar.
Nagulat naman ang bar tender sa kanyang ginawa pero hindi siya naglakas ng loob para magtanong dito. Kilala na kasi niya ang binata dahil pagiging mainitin ang ulo at parang naghahanap palagi ng away. Tumalikod na lamang siya dahil nasanay na rin siya pati na din sila ng kaniyang mga katrabaho sa mga ginawa nitong gulo. Ngunit kahit ganoon ay nagpapasalamat pa rin sila sa pagpunta nito dahil bukod sa pagbabayad ng tama at pagbibigay ng mga tip sa mga kasamahan ay binabayaran pa nito ang mga nasira at napinsilang gamit.
"Isa pa," utos ni Seven dito. Walang sagot na sinunod nito ang kagustuhan niya. Naglagay agad siya ng panibagong alak sa baso nito at muling tumalikod upang ayusin ang iba pang bagay.
"Let's see Rico kung sino ang mananalo sa atin..sinusigurado kong may araw ka din sa akin," pabulong niyang usal bago tanggapin at lagukin ang isang basong alak na nasa kanyang harapan.