Chereads / Taming Mr. Seven / Chapter 4 - Taming 1

Chapter 4 - Taming 1

Warning!: This story has error and typos. I'm not pro writer but i'm giving all my best and effort, please bare with me.

T a m i n g  1: Hassle

ANDY'S Point of View

"Napaka-init naman dito," Tanging naibulaslas ng aking bibig. Pawisan ang katawan ko dahil nakasuot ako ng polong long sleeve, kulay maroon ito na sinamahan ng slocks at black shoes. Mabuti na lamang at napatungan ko ng sando ang aking katawan kung kaya't hindi bakat sa pormal na kasuotan ang pawis na lumalabas sa akin.  Kasalukuyan akong naghihintay sa arawan ng masasakyan papunta sa lungsod na napakalayo sa aming lugar, sa Makati troll. Dito mo makikita ang mga nagtataasang gusali at ang mga magagandang establishemento.

Nagbabakasakali lang ako na makakakuha doon ng magandang trabaho. Hinawakan kong mabuti ang case kung saan naglalaman iyon ng mga papeles na kakailanganin ko, lalo na ang resume at bio-data pina-xerox ko pa para marami akong kopya.

Halos ilang oras pa akong naghintay at mabuti na lamang ay isang bus ang tumigil sa harapan ko. Nakahinga ako ng maluwag at agad na pumasok doon. Sumalubong sa akin ang air-condition nito na nagbigay ng kakaunting hilo sa aking ulo. Pero ipinagsawalang-bahala ko na lamang ito dahil mas importante ang makasakay. Nakahanap naman ako ng mauupan kung saan makakatabi ko ang isang lalaking nakatanaw lamang sa bintana habang suot-suot ang earphone nito sa tenga. Hindi na lamang ako nagpaalam na uupo at binigyan ko na lamang ito ng isang matamis na ngiti.

Walang tugon akong nakuha mula sa kanya pero hindi ko na iyon pinansin dahil baka busy ito sa pakikinig. Lumapit naman sa akin ang kundoktor na mayroong kumpol na ticket sa kamay at isang bagay na ginagamit sa pambutas doon. Nakahawak ito sa may hawakan sa itaas dahil umaandar ang sinasakyan.

"Boss saan tayo?" Tanong nito.

"Ah sa Makati Troll po," sagot ko habang nakatingin dito. Kumuha ng isang papel ang kundoktor at binutasan iyon na parang mayroong hugis saka pinilas sa kumpol na hawak niya at ibinigay iyon sa akin. Nagpatuloy ang byahe ng sasakyang iyon. Kaya napasandal ako sa upuan at ipinikit ang mga mata upang makapagrelax sandali, hindi pa naman ganoon malapit ang paroroonan namin.

Alam kong pagkababa ko sa bus ay mag-uumpisa na ang paglalakbay ko sa paghahanap ng vacant na trabaho. Kaya taimtim akong nanalangin sa itaas upang sa gayon ay makahingi ako ng gabay at tibay ng loob dahil alam kong hindi madali ang paghahanap ngayon ng trabaho, lalo na sa panahong halos hanap ng lahat ay nakapagtapos ng college. Bihira na lang ang tanggapin ang isang tao kahit high-school lang ang tinapos nito o mga katulad kong under graduate.

"Tay, kung nasaan ka man...sana gabayan mo ako mamaya," pabulong na usal ko.

Sa katunayan, hindi ko natapos ang aking pag-aaral sa kursong mechanical engineering dahil na rin sa financial problem at sa hindi ko kaya ang magworking student. Ang buo ko kasing akala ay madali lang iyon dahil sa mga nababasa o napapanood ko sa Tv o dyaryo. Pero walang araw na hindi bugbog-sarado ang katawan ko sa panahong iyon. Sabayan mo pa ng mga paspasang projects at requirements sa eskwelahang pinapasukan ko.

Maya-maya pa ay nagulat ako ng mapapreno ang bus na aming sinasakyan. Halos lahat ng pasahero ay napasubsob o di kaya'y nalaglag sa kinauupuan. Kaya naman naghalo-halo ang reaksyon sa loob ng sasakyan. Habang ako ay napahawak sa katapat na upuan. Badtrip man pero hindi ko na lamang initindi iyon dahil sigurong mas mababad-trip ako sa mga aaplyan ko mamaya. Humingi ng dispensa ang driver kung kaya't nagpatuloy ang pag-andar nito. Ilang saglit pa habang binabaybay muli ang daanan ay bigla namang bumukas ang aking cellphone at nagpop-up dito ang isang message. Tinignan ko kung kanino iyon galing at binuksan, galing iyon mula kay Kuya.

"Mag-iingat ka bunso, sana makahanap ka-agad ng trabaho para makabalik ka dito :)"

Basa ko dito, na nagpangiti sa akin. Pero napawi iyon at nabahiran ng lungkot nang maisip ko na naman ang kalagayan nito. Kasalukuyan kasi itong may Leukemia o cancer sa dugo. Natuklasan namin ang sakit niya ng minsang magdugo ang ilong niya at mahimatay habang nagtatrabaho siya. Kaya isa na rin sa dahilan kung bakit kailangan kong tumigil sa pag-aaral at paghahanap ngayon ng trabaho. Gustong-gusto kong umalis ng bansa dahil mas malaki ang perang kikitain ko doon. Pero ayaw na ayaw akong payagan ni nanay lalo na ng kuya ko. Wala akong magagawa dahil mukhang hanggang ngayon ay bine-baby pa din nila ako.

***

Ilang saglit pa, nakarating na sa Makati troll ang bus. Madami din ang katulad kong doon din ang bababaan, kaya naman nakipagsiksikan ako sa mga ito. Ayaw na ayaw ko kasing nahuhuli. Mabuti na lamang at naging maayos iyon kaya naman nakahinga na ako ng maluwag at pinagmasdan ang bus na papalayo.

Hindi na ko nag-aksaya pa ng panahon. Agaran kong binaybay ang daan upang umpisahan ang paghahanap ng pag-aaplyan. Alam ko ng magiging madugo ang gagawin ko pero hindi na pe-pwedeng umatras dahil wala na kaming aasahan pa kundi ako na lamang na malakas at matatag ang katawan, mahina na ang nanay ko at maging si kuya na dating matipuno ay bumigay na din..Wala na naman din dito si tatay dahil matagal na siyang pumanaw dulot din ng komplikasyon sa kanyang bato. Kaya gagawin ko ang lahat para sa kanila, hangga't kaya ng katawan at utak ko.

Nilibot ko ang paningin sa mga gusali at establishimentong nadadaanan ko ngayon hanggang sa makakita ako ng isang nakapaskil na nakadikit sa isang restaurant na may pangalang " Tastely" kung saan nakalagay doon ang salitang

"Wanted Cook, male or female, 18+"

Nagtungo ako roon. Huminga muna ako ng malalim. Bago binuksan ang pintuan nito. Sumalubong sa akin ang malamig na aircon at nanuot naman sa aking ilong ang mabangong amoy ng mga nilulutong ulam. Tinignan ko kung sino ang pwedeng malapitan at nakita ko ang isa sa mga staff na lalaki doon na kasalukuyang naglilinis ng isang mesa. Lumapit siya dito.

"Ahmm hello," bati ko.

Saglit itong tumigil sa ginagawa at tumingin sa kanya. "Ah hi anong kailangan mo? Kakain po ba?".

"Ah hindi, nakita ko kasing naghahanap kayo ng cooker? Saan pwede rito mag-apply?"

" Teka sandali lang ha? puntahan ko lang si sir," saad nito. Binitiwan muna nito ang basahang hawak-hawak at naglakad papalayo para puntahan ang isang hallway. Saglit akong naghintay hanggang sa bumalik itong muli.

"Tara sumama ka sa akin." Naglakad ito patungo sa isang kwarto. Sumunod naman ako sa loob kung saan naabutan ko itong may kinakausap na lalaki habang prenteng nakaupo sa swivel chair. Maya-maya pa ay napansin nila ako at niyayang umupo. Umalis naman ang staff na nagturo sa kanya.

"Have a sit Mr," nakangiting saad nito sa akin. Umupo ako sa isang upuan na nasa harapan ng kanyang mesa.

Ngumiti ako pabalik dito. "Thank you."

"So, una sa lahat I'm Mr. Larry Santos, the Owner of this restaurant," anito. Inabot naman niya ang kamay sa akin na agad kong tinanggap upang makipagkamayan.

"Ako naman po si Andy."

Tumango ito. "Ahmm, sige didiretsuhin na kita iho.. Marunong ka ba magluto o mag-imbento ng mga something na bagong lutuin? Own idea?" Sinseridad na tanong nito sa akin. Napalunok naman ako ng laway dahil sa tanong na ito. Pero pilit kong iwinagli iyon sa isipan ko. Naalala ko tuloy ang isang senaryo kung saan inimbento

ko ang isang pagkain at tinawag ko itong "Milo Dessert". Para itong cupcake na gawa sa naturang inumin, at masasabi kong successful iyon dahil marami ang nagkagusto ng minsan kong ipatikim ito sa mga kakilala. Sinabihan nila akong gawing business iyon pero nag-aalala akong baka walang bumili.

"Y-yes po sir," nauutal at kinakabahang sagot ko. Hindi na nasundan ang tanong nito at inutusan na lamang akong ibigay sa kanya ang bio-data ko upang matignan at maobserbahan. Agad ko itong ibinigay doon. Sinuot niya ang kanyang salamin kaya naman nilibot ko muna ang paningin sa kabuuan ng kwarto. Habang ang lalaki naman at may-ari ng restaurant ay binabasa ang bio-data na  ipinasa. Makalipas nag ilang minuto nitong pag-oobserba ay muli nitong hinubad ang suot sa kanyang mata at seryoso akong hinarap. Nag-iba ang ekspresyon na pinakita nito sa akin kanina.

"Sige, tatawagan na lamang kita kung makapagpasya na kami ha? Kasi madaming nag-apply katulad mo..mamimili na lamang kami," saad nito. Nakaramdam ako ng pagkadisappoint sa oras na iyon pero hindi ko na lamang pinakita at lugmok na umalis sa restaurant. Muli akong naglakad habang bagsak ang mga balikat. Naiisip ko na baka hindi na ako kuhain doon, dahil halata namang may taste at mukhang may alam sa pag-oobserve ang may-ari. Siguradong sa interview na iyon palang ay bagsak na ko.

Sa aking paglalakad, nakarating ako sa isang gusali kung saan katulad ng nauna ay may nakapaskil na karatula na nagsasabi namang " Wanted Janitor". Napatingin ako sa aking kasuotan. Bagama't kaya ko ang trabaho, baka kapag pumasok ako dito ay hindi nila ako tatanggapin dahil mukhang mag-apply akong bilang empleyado at hindi isang janitor. Kaya umalis na lamang ako at muling maghahanap ng iba.

Naglakad akong muli hanggang sa matapat sa isang bar na may pangalang " The Moonstruck bar" kung saan may nakapaskil ditong karatula na nagsasabing " Wanted Bar tender". Pumasok na ako doon at dahil umaga pa ay nakaligpit pa rin ang mga hindi pa naaayos na mesa't upuan. Wala pa din ang mga empleyado doon. Tanging isang lalaki lamang ang nandoon habang abala sa pagbabasa ng isang papel.

Lumapit ako dito.

"Ahmm sir good morning..mag-aapply po sana ako ng trabaho," direktang sabi ko sa kanya. Ayaw ko na ng paarte-arte pa at baka maudlot ang pagpasok ko dito. Bumaling ng tingin ang lalaki sa akin at dito ko nakita ang itsura nitong napakagwapo. Ngumiti pa ito ng matamis sa akin at ibinaba ang binabasa nito kanina pa. Mabilis ko ipinalig ang ulo at binalewala ko ng naiisip dahil trabaho lamang ang pinunta ko dito.

"Hi, Good day Mr?.."

"Andy po sir." sabay lahad ko ng aking kamay sa harapan. Tinanggap naman iyon ng lalaki. Mukhang hindi ito sanay na nagtatrabaho  dahil malambot ang balat nito sa palad kumpara sa akin.

"Ako naman si Alex."

"May nakita po kasi akong Wanted doon na nakadikit sa labas..baka po pwedeng mag-apply? kailangang kailangan ko lang po talaga ng trabaho," sabi ko. Wala na akong pake kung mapahiya ako o ano. Basta ang nasa isip ko na lamang ay magkaroon na ng trabaho para sa ganoon  mapanatag na ang aking loob at maumpisan ko ng mag-ipon para sa pagpapagamot kay kuya.

"Can you give your Bio-data o Resume?" Agad ko namang ibinigay iyon sa lalaki at tinignan niya muna. "Ahmm sige tatawagan na lang kita kung nabasa ko na ok? medyo busy ako ngayon at isa pa mahigpit kasi kami sa patakaran dito kaya hindi ako basta basta tumatanggap ng employee."

Pilit akongg ngumiti dito. Nagpaalam na akong aalis dahil hindi ko na kakayanin pang tumagal doon. Mukhang minamalas ako sa paghahanap ngayon. Siguro'y hindi pa para sa akin ang mga ganitong trabaho. Muli, bagsak ang aking balikat na naglakad. Saktong paghilab ng aking sikmura na may kasamang tunog ay nadaanan ko ang isang karinderyang may kalakihan. Mukha siyang restaurant pero hindi de-aircon tulad ng nakasanayan. Pumasok ako doon at nakitang madami-dami ang nakain.

May malapit namang bakanteng upuan doon kaya agad ko itong inakupa. Napansin ako ng waitress na agad namang lumapit sa akin habang may bitbit na isang malaking folder at maliit na notebook. May ballpen din siyang dala-dala na nakasabit sa kanyang dibdib.

"Ito hong menu sir," malumanay na sabi ng babae. Kinuha ko ang folder kung saan nakalagay ang mga pagkaing luto sa kanilang negosyo. Andoon lahat ang mga masasarap na pagkain. Hindi ko tuloy maiwasang maglaway sa mga ito lalo na sa paborito kong pork sisig. Nakita ko naman na nagkakahalaga iyon ng hindi bababa sa singkwenta pesos kasama na ang kanin.

"Sige miss isang pork sisig at isang buong kanin," saad ko dito. Nilista naman iyon ng babae at agad na umalis upang asikasuhin ang aking inorder. Sandali kong nakalimutan ang mga pinasukan kong establishimento na laging sinasabing tatawagan na lamang raw sila. Siguradong isa sa mga ito ang tatawag sa akin sa ilang araw na nakalipas. Pero kung ganoon nga ay baka hindi pa maging sapat para makapag-ipon ako ng malaking pera para sa pagpapagamot kay kuya. Dinukot ko ang aking cellphone sa aking bulsa at nakitang wala niisa ang nagmessage sa akin.

Kailangan kong kumayod pa, kung kinakailangang kong sumid-line o magdouble-job ay gagawin ko para lamang gumaling si kuya at makasama pa namin siya ng matagal. Di bale nang mapagod basta masaya kami.

***

"Tatawagan ka na lang namin, sige next!," huling saad ng babae sa akin. Nginisian naman ako ng kasunod kong babae na mukhang mag-aaply din. Hindi ko na lamang ito pinansin at lumabas na sa opisinang iyon. Ito ang huling papasukan kong establishimento dahil halos lahat ata ng pinasukan at pinag-applyan ko kung hindi rejection, ay maririnig ko na naman ang paulit-ulit nilang linya. Lumabas  na ko sa gusaling iyon ng malungkot at pagod na pagod. Tiniklop ko ang sleeves na umaabot sa aking pulsahan at tinignan ng oras sa suot na relo.

Alas-tres na ng hapon pero hindi pa rin siya makahanap. Napahilamos ako sa aking mukha dahil doon. Puno na din ng pawis ang dala dala kong panyo. Siguradong nag-aalala na sila nanay at kuya sa akin dahil nangako akong uuwi ng maaga upang makasabay siya ng mga ito sa pagkain.

"Sige Andy breath in," usal ko sa sarili. Huminga ako ng malalim sa ilong. "and breath out." Saka pinakawalan ito sa bibig.

"Kaya natin to!"

Napagpasyahan kong bukas na lamang magpatuloy sa paghahahanap dahil mukhang wala talaga akong  makukuha sa ngayon. Dinukot ko ang perang nasa bulsa at nakitang singkwenta pesos na lamang ito. Sakto sa pamasaheng kailangan ko sa bus pauwi sa aming tahanan. Itatago ko na sana muli ang pera ng may isang lumilipad na papel ang tumama sa pagmumukha ko. Lalo akong nainis. Kinuha ko ito at akmang lulukutin ng hindi sinasadyang  mabasa ko ang nakalagay dito.

"Corporal Company: Wanted Assistant, We need your Bio-data, and your long patience. Exact time: 8:00 am in the morning at Makati troll 804 avenue, 3rd floor of Corporal Building. Thank you!"

Otomatikong napangiti ako. Mukhang ito na nga ang pagkakataong binigay sa akin at hinding- hindi niya ito palalampasin.

"Thank you tay!," Sigaw ko sa kawalan habang masayang naglakad sa terminal ng mga bus.

Itutuloy..