Ika lawang araw na ng hil sa pag kakarecover ni Attry. Lee dahil sa pag kakasaksak niya nito lang nakalipas na araw, Habang nakaupo ang binata sa kanyang higaan ay pumasok bigla si David sa silid galing sa labas ng ospital dahil bumili ito ng makakain ng kanyang kapatid..
Ohh, gising kana pala? ''ang wika niya kay attry. Lee''
oo kanina pa! ''tugon nito''
Marahil ay gutom kana! ''tugon nito sa kanyang kapatid'' halika nat kumain kana ''muli niyang sabi dito''
Muli ay inayos niya ang kanyang kapatid mula sa pag kakaupo nito sa kanyang higaan at saka iniangat ang munting lamesa na nakakabit dito. Ipinatong niya ang dala niyang mga pag kain para sa kanyang kapatid. Inilabas niya isa isa ang mga ito saka inilagay sa isang malalim na mangkok para hindi matapon ang kaunting sabaw na nakahalo dito. Kinuha niya ang kutsarita at saka sinabi sa kapatid na susubuan niya ito tanda ng pag aalaga sa kanya gaya ng ginagawa niya nung mga bata pa sila.
Anong ginagawa mo?. ''tanong nito sa kapatid na nkahain sa kanyang bibig ang isang kutsarita ng lugaw''
Ano pa, susubuan ka.. aahhhhhhh '' tugon niya''
Kahit na anong iling ang gawin ni attry. Lee ay wala itong nagawa dahil ayaaw ibigay ni David ang kutsarang hawak niya. Muli ay napilitan siyang isubo ang isang kutsaritang lugaw.. Hindi namalayan ni attry. Lee na ang kanyang pag kain ay ubos na pala kahit na madami itong nakahain sa harap niya. Muli'y parang nag enjoy ang attry. sa ginawang pag aalaga sa kanya ng kanyang kuya.
Tingnan mo Lee, naubos mo diba?. '' nakangiti nitong sabi''
Nakatingin lang sa kanya si attry. Lee dahil sa tuwa nitong nararamdaman na hindi niya maipakita sa kanyang kapatid dahil sa nahihiya ito. Nakayuko lamang ang attry. at nag lalaro sa isip nito ang tuwa at sigla na muli na silang mag kakasamang mag kapatid. Hindi man niya iyon maipakita sa kapatid na masaya siya, ramdam naman ito ni David na nais din ni attry. na mag kasama silang dalawa at mabuo ang kanilang pamilya kaahil dalawa na lamang sila sa buhay. Sa kasiyan na bumabalot sa utak ni attry.Lee ay napalitan ito ng lungkot sa muling pag katok ni dr. Lee sa kanyang kwarto. nagulat sila pareho sa kanilang nakita.
Maari ba akong pumasok, mukang nag kakaayos na kayong dalawa ahh. '' bati ni dr. Lee sa kanilang dalawa.
Oo, nag kakayos na kaming dalawa at wala kanang pakialam doon, '' masungit na tugon sa kanya ni David''
Relax, wag ka masyado mainit ang ulo, gusto ko lang naman makausap ang kapatid mo? maari ba/ '' tugon na tanong ng doktor kay David.
Muli ay lumabas si David sa silid ng kapatid para hayaan silang dalawa na mag kausap. Ang muling akala ng doktor ay lumayo si David, pero hindi niya alam na nakikinig lamang ito sa labas ng kwarto at inaalam kung ano ang pakay nito sa kanyang kapatid.
================================================
Ano nang plano mo? san ka tutuloy pag kalabas mo dito? ''tanong sa kanya ng dr. Lee''
Bakit inaalam mo kung san ako pupunta? ahhhhh!! baka naman nandito ka at inaalam kung natuluyan ba ako oh nakaligtas sa ginawa mo? '' seryosong tanong at sagot sa kanya ng binata''
===============================================
Nakangiti naman sa labas ng pinto si David dahil sa narinig na sagot ni attry. Lee kay Dr. Lee.
===============================================
Bakit ba ang init ng ulo niyong mag kapatid, samantalang kanina lang ay amasaya kayong dalawa. Mag relax kalang dahil tinatanong lang nman kita! '' malumanay na tanong sa kanya ni dr. Lee.''
Makakaalis kana, hindi ko nakakalimutan ang pag tulong na ginawa mo! pero hindi kita ngayon kayang harapin. Kay David ako tutuloy pag magaling na ako. ''tugon niya sa doktor na kanyang kausap.''
Nakapag desisyon kana pala, tama nga ang hinala ko.. sa kanya kanya ka sasama. Dapat pala ay ako na mismo ang sumaksak sayo para natuluyan kana.'' masungit na tugon nito kay attry. Lee.''
Sasagot na sana ang binata sa sinabing iyon ni dr. Lee pero napagilan agad ito ni David dahil alam niyang makakasama ito sa kalusugan ng kanyang kapatid lalo't alam niya nasa kondisyon ito ng pag papagaling mula sa pag kakasaksak.
Hindi paba kayo tapos? akala ko tapos na kayo kaya pumasok na ako dito! ''singit sa kanila ni david''
''napatingin nalamang sa kanya si dr. lee at sinabing....'' ahh paalis na ako,
Muli ay lumabas na ng kwarto si dr. lee na lihim na nakatingin kay attry. Lee ng malalim.
Ahh, siya nga pala. hindi na kita sasamahan na lumabas, nakapasok ka nga dito eh, kaya mo din sana lumabas..'' masungit na salita ng binata kay dr. Lee''
Nakatingin lang si dr. Lee kay David sa sinabi nito at saka tuluyang lumabas na.
kumusta kana? ayos kalang ba? '' nag aalalang tanong ni David sa kapatid na si attry. Lee.''
Ayos lang ako. '' tugon niya''
Mabuti naman kung ganon.. '' muli nito tugon''
Muli sa isip isip ni David ay ito na ang pag kakataon para iparamdam sa kanyang kapatid na mahal niya ito ay hindi sinadya ang pag kakawala niya ng dalawampung taon. Muli ay umupo ito sa tabi ng kanyang kapatid at kinausap ito ng seryoso. Sinabi ni David sa kapatid na nais sana niyang tumuloy ito sa kanyang bahay. Sinabi din nito na sa ganoong paraan lamang siya makababawi sa kanya mula ng mag kahiwalay silang dalawa. Humingi ng isa pang pag kakataon si David sa kanyang kapatid para patunayan na hindi niya ginusto ang nangyari sa kanilang dalawa. Matipid na ngiti lamang ang ibinigay ni attry. Lee sa kanyang kapatid na ibig sabihin ay sumasangayon ito sa hiling ng kapatid.Samantalang dumalaw naman si Cha Jin Ho sa ospital pero pag sapit niya sa pinto ng kwarto ni attry. Lee ay huminto ito dahil nadinig niya na nag uusap ang mag kapatid ng masisinan. sa halip na tumuloy ito ay minabuti niyang bumalik nalang sa ibang araw dahil ayaw naman niyang sirain ang moment ng dalawang mag kapatid. makalipas pa ang ilang araw ay makalalabas na ng ospital ang kapatid ni David. handa na ang lahat.Preperdo na ang mga dadalhing gamit ni attry. lee para sa pag lipat niya sa bahay ng kanyang kuya.Nang makalabas na siya ng oospital ay nagtungo agad ang dalawa sa tutuluyang bahay. Ang bahy ni david Lee. Maganda ang bahay, malaki kumpara sa nauna nilang tirahan.
Ang laki ng bahay mo ahh!! mukang marami kang naipundar ng mahabang panahon. ''tanong niya sa kapatid''
Nakangiti lamang si David ng humarap sa kanya at sinabing...
Alam mo ba? ang lahat ng nakikita mo na gamit mula sa lupang tinitirikan nito at bahay na kinatatayuan mo.. gamit lahat lahat pati na pera. Lahat ng mga iyan ay nakailalim sa pangangalag ng pangalan mo! '' tugon nito sa kanya.''
''Nagulat si attry. sa lahat ng sinabi sa kanya ni David'' sa akin? ''tanong niya''
OO, lahat ng iyan, alam kong sa ganyang paraan lamang ako makakabayad sa haba ng panahong pag kakautang ko sa iyo.'' muli niyang tugon sa kapatid.'
Tumalikod si attry. Lee at nag palingalinga sa napakaling bahay. Magagarang kagamitan at iba pa. Nakangiti ito ng palihim dala na ikinatuwa ng kanyang kapatid na sikreto niyang napansin ang pag ngiti nito. Marahil ay iniisip ni David na nagustuhan ito ng kanyang kapatid. Alam niyang kahit dito sa mga bagay na ganito ay mapapasaya niya ang kapatid kahit na sandali.
Ahh sandali lamang.. maupo ka muna o kaya ay mag libot libot. mag luluto muna ako ng tanghalian.. Alam kong gutom kana sa mahabang bayhe. ''tugon nito sa attry.''
Hmmm..'' tanging tugon ni attry. Lee sa kanya''
pumasok si david sa kusina at nag simula ng maghanda sa pag luluto para sa kanilang mag kapatid habang si attry. Lee naman ay nagtungo sa kalawakan ng bahay at nag libot libot. Pag pasok nito sa kwarto ni david ay nakita nito ang isang Frame na may larawan nilang mag kapaitd nung mga bata pa sila.. Kinuha niya ito at tinitigan.Habang tinititigan niya ito ay hindi niya napansin ang kapatid na sumunod pala sa kanya at narinig ang sinabi nito habang naluluha.'' miss na miss na kita KUYA'' Sa di kalayuan ay may boses na sumagot at sinabing....'' MISS NA MISS NA DIN KITA LEE MIN JOON'' Tumingin si attry. Lee sa likod na pinangalingan ng boses at nakita niya ang kanyng kapatid na may bahid ng luha sa mga mata habang siya din ay may tanda ng patak ng mga luha. Nilapitan siya ni David at sinabing..''hindi na tayo mag kakahiwalay pa.'' habang nakayakap sa kanya si David ay lumuluha din si attry. lee dala ng tuwang taglay nito. Matapo ang eksenang iyon ay inaya na niya ang kanyang kapatid para kumain ng tanghalian at saka nag kwentuhan ng kanilng mga nakaraan.