Chereads / The Prosecutor / Chapter 14 - Happiness

Chapter 14 - Happiness

Muling nagkasama na ang mag kapatid sa iisang bahay. Magagawa na ni David ang nais niyang gawin, ang kuning tuluyin ang loob ng kanyang kapatid ng matagal na panahong nawala ng dahil sa isang pag kakamali ng ibang tao. Nais niyang mamuhay ng walang inaala at kaba na baka isang araw ay mawala nalamang ng bigla ang kapatid na ngayon ay kasama na niya. Isang umaga ng magising si attry. Lee ay naabutan niya si David na nasa kusina at nag luluto ng agahan.

''lungon si david sa kinaroroonan ng kapatid at tinawag'' ohh gising kana pala, halika dito at kakain na tayo. '' anyaya niya sa kanyang kapatid''

''lumapit naman sa kanya si attry. at sinabing '' may gagawin kaba ngayon?'' tanong nito''

Ikinagulat iyon ni David at..

Wala naman, ''nakangiti nitong sagot sa kapatid'' bakit may kailangan kaba? ''muli nitong tanong.

Nauutal si attry. sa kanyang sasabihin na tanging pag aya lamang sa labas ang kanyang nais na sabihin sa kapatid, nahihiya ito dahil hindi niya alam ang isasagot sa kanya nito. Nakangiti naman ng sumagot sa kanya si David at sinabing wala itong gagawin at ikinatutuwa niya ang pag aya sa kanya nito.

Oh siya halika na't simulan na natin ang pag kain bago pa lumamig ito..'' aya ni David sa kapatid na si attry. Lee''

Umupo naman ang dalawa at masinop na natapos ang kanilang pag kain.. Pag kalipas pa ng ilang minuto matapos ang kanilang pag kain ay nag handa na sila pareho para sakanilang pag labas.. Hindi maikakaila na namiss ng dalawa ang ganitong pag kakataon sa tagal ng panahong lumipas.

-San mo gustong pumunta? ''tanong sa kanya ni David''

-Kahit saan, yung makakapag relax tayong dalawa. ''sagot nito sa kapatid''

Nang makapag desisyon ang dalawa kung saan pupunta ay agad silang nagtungo kung saan ang nais nilang dalawa ay ienjoy ang pag kakataon na sila lamang. Lahat ng dapat nilang puntahan,mga park,sinihan,mga mall at iba pa. Sinulit nila ang pag kakataong meron sila. Hindi nila inalintana kung may bukas paba dahil ang mahalaga sa kanila ay ang pag kakataon na meron sila na hindi kayang ibigay ng iba o nang kahit na sinuman. Ilang araw din ang lumipas na puro gala lang sila at pag eenjoy. Marami din silang lugar na napuntahan.

-Nag enjoy kaba? ''tanong ni David sa kapatid''

-Oo,salamat. ''muli tugon nito''

-Ako ang dapat na mag pasalamat dahil sa pag kakataon na ibinigay mo sa akin, hindi mo lang alam kung hanggang saan ang tuwa na nararamdaman ko ngayon lalot na't binigyan mo ako ng pag kakataon na patunayan sayo na kaya kong bawiin ang mga panahon na maging kuya sa iyo Min Joon'' mahabang paliwanag nito na may ngiting dala mula sa mga labi nito.''

-Wala yun! gusto ko din naman maramdaman kung ano ang pakiramdam ng kung ano ang meron ang isang pamilya. '' tugon nito''

Nang makapag usap sila habang nag lalakad ay narating nila ang kanilang bahay ng hindi nila namamalayan,

-Andito na pala tayo? ''wika ni David''

-Hmmm.. '' tugon naman ni attry. Lee''

-Mauna kanang pumasok sa loob, pupuntahan ko lang si Cha Jin Ho sa opisina. ''wika ni David sa kapatid''

-Sige. ''tugon naman nito''

Hinintay muna ni David na makapasok si attry. sa loob ng bahay saka ito nag tungo kung saan andoon si Cha Jin HO.

============================================

-May balita kana? '' tanong ni David kay Cha Jin Ho''

-Konti nalang at mapapatunayan na natin na si Dr. lee at si Kieper Shin ay iisa, ang kailangan nalang natin ay makita ang files na kinalaman sa pag kakakulong ni dr. Lee 20yrs ago? ''sagot ni Cha Jin ho kay David''

-Files? ''gulat na tanong nito''. Anong files?

-Kung saan doon nakalagay ang finger frint ni Dr. Lee at Kieper Shin na nag mamatch sa kanilang dalawa. '' sagot ni ms Ho kay David''

-Hmmmm... files?, parang may nabanggit noon sa akin si Tita tungkol sa files na iyon pero hindi ko lang alam kung para saan iyon?, kailangan ko lang alamin sa kanya ito ng hindi siya nakakahalata. ''sagot niya''

-Tama, mas makabubuti kung ikaw mismo ang mag tatanong sa kanya. ''tugon ni ms Ho kay David.''

-Hmm..''tanging tugon lang David kay ms Ho.''

Matapos ang kanilang usapan ay agad na bumalik si David sa kanyang bahay, masaya ito na umuwi, pero pag balik niya.. wala doon si attry. Lee. na labis niyang ikinagulat at ikinabahala. Agad niyang tinawagan ang number ng kanyang kapatid dahil sa pag kabahala. Kabadong kabado ito ng idinadial ang number ng kanyang kapatid.

-Ano ba Min Joon san ka na naman nag punta bakit hindi a manlang nag paalam. ''bulong nito sa sarili''

Nang makontak niya ang number ng kanyang kapatid ay nakahinga ito ng maluwag dahil nadinig niya ang boses nito at alam niyang nasa mabuti itong kalagayan,

TELEPHONE CONVERSATION

-Hello, Min JOon, nasan ka? bakit hindi ka manlang nag paalam!! ''tanong nito ng may pag kabahala.''

-Kuya, ok lang ako! andito nga pala ako sa bahay ni Dr. Lee. ''sagot niya''

Ang kaninang pag kakalmado ng madinig niya ang boses nito ay napalitan ng takot dahil sa nalaman niya kung nasaan ang kanyang kapatid.

-Anong ginagawa mo diyan? '' tanong nito sa attry.''

-Wag ka mag alala, may nais lang naman akong linawin sa kanya. ''sagot nito''

-Pero, Min Joon, alam mo naman na siya ang dahilan kung bakit ka nasaksak diba?'' tanong nito sa kapatid''

-Alam ko, kaya nandito ako dahil may gusto akong itanong sa kanya at linawin. ''paliwanag nito kay David.

Walang nagawa si David sa sinabi ni Attry. lee kaya naman mas minabuti niya sundan kung saan ang kinaroroonan ng kanyang kapatid. Gamit ang isang tracking device, ginamit niya ito para mabilis niyang matunton ang kanyang kaptid lalo na sa mga ganitong pag kakataon. Nang makita niya ang lugar kung saan naroroon si Min Joon ay agad niya itong pinuntahan at niyaya nalang pauwi. Bago pa man nito mapasok ang kwarto kung saan nag usap si attry. Lee at Dr. Lee ay nakasalubong na niya ito sa hallway ng isang apartment. Labis ang pag aalala ni David sa kapatid kaya naman agad na niya itong niyaya pauwi at saka lamang siya nakhinga ng maluwag ng makarating na ito sa kanilang tahanan.