Chereads / Holymancer (Tagalog-English) / Chapter 28 - Chapter 13, part 1 : Clyde's resolve

Chapter 28 - Chapter 13, part 1 : Clyde's resolve

"Anong klaseng lugar 'to?" tanong ni Gaea habang iginagala ang mga mata. Sa harapan n'ya ay ang isang luntiang malawak na kapatagan.

Isa lang ang natitiyak ni Gaea, wala s'ya sa Pilipinas.

Bago mapunta sa misteryosong lugar na kinaroroonan sa kasalukuyan, pasimpleng sumulyap ang dalaga sa pinagdalhan sa kanya ng mga kidnapper n'ya. Madilim na sa labas pagtingin n'ya sa isang transparent na bintana. Dito naman sa luntiang kapatagan, masisiglang nasasaklawan ng haring-araw ang naglalaguang mga damo.

Umiindayog ang mga damo sa saliw ng ihip ng mahalumigmig na hangin.

Hinawi ni Gaea ang masamyong buhok na tumatabing sa maganda niyang mukha.

Nakatingin sa malayo ang magandang dilag. Natatanaw n'ya roon ang nag-iisang higanteng puno sa malawak na lupain.

Lumakad ang dalaga.

Ikinatataka lang ni Gaea na tila ay nag-iisa lang s'ya sa malawak na estrangherong lugar. Ni mga ibon o tutubi man lang ay hindi n'ya nagigisnan sa marahang pagbaybay tungo sa higanteng puno.

Bahagyang nag-alala ang dalaga. Napaisip ang mapaglaro nitong utak. May mga negatibong katanungan sa isipan ang ayaw s'yang lubayan.

"Paano kung ang nakamaskarang lalaking 'yon ay hindi ko pala tagapagligtas? Paano kung isa itong masamang tao na nagkataon lang umaatake sa isa pang masamang grupo ng mga tao? Paano kung gawan n'ya ako ng masama? Patayin o kaya naman ay pagsamantalahan." Hindi s'ya komportable. Hindi nito mapigilang mapaisip ng masama dahil sa dinanas n'ya kanina lang. Narinig n'ya kasi kanina ang sinabi ng isa sa mga kumidnap na hunter sa kanya.

Napatalon si Gaea sa gulat. Bigla na lang kasi s'yang nakarinig ng nagsalita.

"Sa-sabi ko o-okay ka lang ba?" Nauutal na pag-uulit ng babaeng bumulaga sa kanya.

"Sino ka?" Bahagyang umatras na tanong ni Gaea.

"Ako si Kaiyo." Pagpapakilala ng babaeng kaharap.

Sa malapitang pag-oobserba ni Gaea, natuklasan n'yang may kapayatan ang matangkad na babae sa harapan. Na para bang 'di ito nakakakain ng tama. Sa palagay ni Gaea mga 5' 8" o 5' 9" ang babar. Mas matangkad ito sa kanya na parang ang ate Angel n'ya lang. Maputi rin ang babae. Singkit ang babaeng nagpakilalang si Kaiyo. Sa palagay ni Gaea, may lahi itong banyaga kung hindi man ito purong banyaga.

"Sumama ka sa akin." Paanyaya ni Kaiyo. Inilahad nito ang palad sa direksyon ng higanteng puno.

"Bakit ako sasama sa'yo? Hindi kita lubos na kilala. Paano kung may masama ka palang pinaplano sa'kin?" Prangkang pahayag ni Gaea.

Hindi ito katulad ng kanyang kuya. Sobrang dali lang sa kanyang maghayag ng kung ano ang saloobin. Marahil ang katangiang ito ang dahilan kung bakit sikat s'ya sa mga kaeskwela.

Napakamot sa ulo si Kaiyo. Hindi ito mapakali. Hindi nito alam ang gagawin sa kapatid ng kanyang master. Hindi s'ya na-inform na ganito pala kadirektang magsalita ang nakababatang kapatid ni Clyde.

Mahigpit ding bilin sa kanya ng master na hindi pwedeng ibunyag sa kapatid ang katauhan.

"Mahihirapan ka kapag iniwan kita. Sa dilim lilitaw ang h-alimaw." Pagsisinungaling ni Kaiyo kay Gaea. At umepekto ang tinuran ng aliping Hapon sa nakababatang kapatid ni Clyde. Hindi man nagsalita, kita sa aksyon nito ang takot. Walang imik na dumikit s'ya kay Kaiyo.

Lumakad na si Kaiyo. Sa gilid n'ya, naroroon si Gaea.

Maya-maya pa, marahil 'di na makatiis binuka ni Gaea ang bibig na bumasag sa awkward na katahimikan. "Anong relasyon mo sa hunter na naka-hoodie at black face mask?"

"Master ko s'ya." Masiglang sagot ni Kaiyo. Umaliwalas ang mukha nito sa pagkakabanggit kay Clyde, sa kanyang tagapagligtas.

"Master?" Takhang tanong ni Gaea.

Imbes na sagutin, umaksyon ang Hapong alipin. Nililis nito ang suot na damit na bigay sa kanya ng kanyang master. Tinuro n'ya ang naka-tattoong seal sa t'yan n'ya.

"Ano ang tattoong 'yan?" Tanong ni Gaea kay Kaiyo.

"Slave mark." Paliwanag ni Kaiyo kay Gaea. Nagulat ang nakababatang kapatid ni Clyde sa nalaman.

Nag-iba ang pagtingin ni Gaea kay Kaiyo. Pumungay ang mga mata ni Gaea. Puno ng habang ang bawat pagtitig n'ya sa aliping Hapon.

Samantalang kabaligtaran noon ang nararamdaman n'ya sa ngayon sa misteryosong hunter. Ang nararamdamang utang na loob ay nawala para sa misteryosong hunter ay naglaho. Napalitan ito ng pangamba at pagkamuhi. Kahit pa nababalitaan n'ya ang tungkol sa mga ganitong kasamaan dulot ng magulong mundo, bilang isang believer of God matinding tinatatwa ni Gaea ang slavery o ano mang form ng panlalamang sa kapwang may buhay. Galit s'ya sa kahit ano o sinong mapang-abuso. Kaya naman nagtala s'ya sa mental note ng paalala. "Kailangan mag-ingat sa harapan ng maskaradong hunter."

Nangangamba rin s'ya sa kaligtasan. "Paano kung sa muling paglitaw nito gawin din akong isang alipin?"

Proud si Kaiyo sa pagiging alipin n'ya ni Clyde. Dahil doon nakaligtaan n'yang ipaliwanag kay Gaea ang sitwasyon. Ni hindi n'ya alam na nag-create ito ng isang malaking misunderstanding sa pagitan ng dalawa.

Makalipas ang ilang oras nakarating ang dalawang babae sa harap ng higanteng puno.

Simula pa lamang sa pagpasok sa mahiwagang lugar, marami ng naganap na hindi inaasahan si Gaea. Katulad na lang sa tunay na laki ng puno. Sigurado s'yang kahit ang pinakamalaking puno sa mundo ay walang sinabi sa nasa harapan.

Pakiramdam ni Gaea ay para s'yang isang maliit na langgam sa harapan ng higanteng puno. Sobrang tayog at sobrang lapad nito. Kaya ilang oras din ang nilakbay nila dahil sobra palang layo ng puno. Talaga lang nagkamali ng akala ang dalaga sa laki nito.

Tinawag ni Kaiyo ang pansin ng namamangha pa ring si Gaea. Pinasunod ng babaeng Hapon ang magandang dalaga. Ilang minuto rin nilang inikutan ang higanteng puno. Pagdating sa likuran, huminto ang Hapon.

Nabago ang nagtataka nitong ekspresyon ng gumilid si Kaiyo. Nang nawala ang tumatabing, nakita ni Gaea ang isang kulay tsokolateng semi-oval shape na pinto sa puno.

Binuksan 'yon ni Kaiyo. "Pasok ka."

Tiningnang mataimtim ni Gaea si Kaiyo bago nagdesisyong pumasok.

Kung tutuusin, kung may balak mang masama sa'kin si Kaiyo wala rin naman akong magagawa para pigilan 'yon dahil nasa loob ako ng teritoryo nila.

Pumasok si Gaea sa loob ng higanteng puno. Doon nakita ni Gaea ang isang malawak na espasyo. Kataka-takang maliwanag at presko rito kahit na wala ritong mga bintana at ilaw.

Sa gitna ng loob ng puno naroon ang isang spiraling staircase. Gawa 'yon sa kahoy. Nilapitan 'yon ni Gaea. Sa pagtingala n'ya, hindi n'ya makita ang dulo ng paikot na hagdanang kahoy. Ang isa pang mahiwaga sa kanya ay ang kanyang nararamdaman. Pakiramdam n'ya kahit gawa pa sa kahoy ang hagdanan hinding-hindi ito matitibag sa mahabang panahon. Ang kasiguruhang 'yon ang kanyang ikinatataka.

"Anong meron sa itaas?" Tanong ni Gaea.

"Gusto mo bang umakyat?" Pagsagot ni Kaiyo ng tanong sa isa pang tanong.

"Depende!" Maiksing sagot ni Gaea.

"Mga tauhan ni master at mga bihag ang nasa taas." Pagpapaliwanag ng babaeng alipin.

Sa bawat pagsagot ni Kaiyo mas lalong bumababa ang opinyon ni Gaea sa misteryosong tagapagligtas.

Walang pasabing umakyat si Gaea na agad sinundan ni Kaiyo.

...

"Malayo pa ba tayo?" Pagal na tanong ni Gaea. Pinahiran nito ang butil ng pawis sa noo. Bahagya rin itong naghahabol ng hininga.

"Konti na lang." Sagot naman ng nasa likurang si Kaiyo.

"Kanina ka pa sabi ng sabi ng kaunti na lang pero ilang oras na tayong umaakyat." Iritableng bulong ni Gaea.

Narinig 'yon ni Kaiyo. Ngunit pinili n'yang manahimik sapagkat kapag nalaman nitong may elevator, malaki ang posibilidad na mas lalong mainis ang kapatid ng kanyang master. Hindi kasi ito nagtanong sa kanya at bigla na lang umakyat.

...

Pagkarating ni Gaea sa dulo ng paikot na kahoy na hagdanan, sumalubong sa kanya ang isang nakakabagabag na tanawin.

Sa kahoy na pader ng puno ay may nakalitaw na mga mukha. Ang bawat isa rito ay mga taong nakalubog ang katawan sa higanteng puno. Nang dumako ang mga mata nila sa bagong dating na estranghero, agad silang gumawa ng ingay.

"Tulungan mo kami miss!" Palahaw ng mga ito.

Kinilabutan si Gaea sa tanawin, maging sa ingay gawa ng mga taong bilanggo ng puno. Napayuko si Gaea at napaisip.

Paano ko kukumbinsihin si Kaiyo na pakawalan ang mga bilanggo sa puno?

"Anong kasalan ng mga taong 'yon para sapitin nila 'yan?" si Gaea.

"Mga masasama silang hunter. Ilan sila sa mga kumidnap sa'yo." Sagot ni Kaiyo.

Natahimik ang dalaga. Dahil mga hunter sila, mahirap silang pakawalan, lalo pa kung masasama ang intensyon ng mga ito.

"Hindi naman siguro sila mamamatay sa pagkakabaon nila sa puno, hindi ba?" si Gaea.

"Hindi." At kabilin-bilinan ni master na wala dapat ang mamatay sa masasamang hunters.

Nakahinga ng maluwag sa sagot ng Hapong alipin si Gaea.

Salungat ang opinyon ni Kaiyo rito. Para sa kanya dapat ng patayin ang mga masasamang kalaban upang 'di na muling makapaminsala pa. Pero dahil master n'ya 'yon hindi s'ya kumokontra.

Sana lang hindi s'ya mapahamak dahil sa taglay na kabaitan. Pag-aalala ni Kaiyo sa kanyang master.

Nang makatuntong sila sa napakataas na ikalawang palapag ng higanteng puno, doon na lang nakita ni Gaea ang mga sinasabi ni Kaiyo. Ang mga tauhan ng kanyang master. Hindi sila tulad ng inaasahan ng dalaga.

Hindi n'ya maiwasang matakot at mamangha ng sabay. Masyadong mahikal ang kanyang nasasaksihan.

Kahit na maraming kakaibang halimaw s'yang nakikita ang pinakakumuha ng atensyon n'ya ay ang mga higanteng buhay na puno.

Hindi lubos mapakiwari ng dalaga kung saan ba dapat mas mamangha.

Dapat ba sa kung bakit buhay at nakakakilos ang mga puno s'ya mamangha? O dahil kahit na mga higante nagmumukha silang mga unano kumpara sa tunay na higanteng puno? O di kaya naman dahil nasa loob silang lahat ng isang higanteng puno na may paikot na hagdanan at elevator?

...

Kinaumagahan, kalat na kalat na ang balita sa buong komunidad ng mga hunter.

"Narinig mo na ba? Sampung hunters daw ng Dark Resurgence ang namatay sa engkwentro kagabi." Masiglang pagbabalita ng isang babaeng hunter sa isa pa.

Napabalikwas sa kanya ang kasamahang hunter at napasabi, "Talaga ba?"

"Ehehe, crazy right? Pero alam mo ba ang mas nakakawindang? Kasama raw sa sampung 'yon ang vice leader ng Dark Resurgence, si Raymond Dominguez." Proud na proud at nakangising lahad ng babae.

"No way!" 'Di makapaniwalang tugon ng isa pa.

"Yes way!" Nasisiyahang sagot ng babae na may pasunod pang kindat sa naging reaksyon ng kasama sa dala n'yang balita.

...

"Hey did you hear? Raymond Dominguez died last night. Know what? It's not inside a dungeon. Isang hunter daw ang pumatay sa kanya." Sabi ng isang mestisang babaeng hunter sa kasamang hunter.

Tumango lang ang lalaking hunter na binahagian n'ya ng nakalap na tsismis. Tila 'di ito interesado sa balita.

"Seriously?" Gulat na tanong ng isa pang kasama.

"Grabe!" Oa na reaksyon muli nito kasalungat sa naging reaksyon ng parang patay na lukan na kasamahan.

"Hahahaha!" Napalingon silang tatlo sa biglang pagtawa ng isa pang kasama.

"What's so funny?" Tanong ng mestisa.

"Hindi ko lang talaga mapigilan. Look how in contrast the reaction of this two guys." Pagpapahid nito ng luha gamit ang hintuturo sa matinding pagtawa. Tinuro n'ya ang dalawang kasamahang lalaking hunters.

"Well, actually in-anticipate ko rin ang reaction ni Randolph. I thought this sort of news would actually let me solicit some reactions, but I guess that's not the case. Randolph is just being Randolph. Saru is balancing things out." Paliwanag ng mestisa sa kasamahang babae.

"Lahat naman kasi namamatay din, there's no such thing as exemptions. Kahit pa si Raymond na isa pang rank S, pana-panahon lang 'yan. Kahit tayo rin mamatay naman." Uncharacteristic na sagot ng tahimik na si Randolph.

"Hey shut it bro! Don't unnecessarily raise a death flag. Talk about timing, kung kailan pa talaga tayo papasok sa isang dungeon." Reklamo ng may pagka-OA na si Saru.

Nagkatinginan ang dalawang babae.

They have to agree with Saru on this one. 'Yan ang parehong nasa isip ng dalawa.

Ang apat na hunters ay palaging pumapasok ng sabay sa mga dungeon.

Sa likod nila pasimpleng ngumisi ang temporary nilang ka-party.

...

Tulad ng pinag-uusapan ng 4 na magkakaibigang hunter, ang pagkamatay ng isa sa pinakamalalakas na hunter ay ang pangunahing paksa sa mainit na diskusyon at debate sa iba't-ibang panig ng bansa.

...

Land of the Brave, The History Capital of the Philippines, Cavite.

"Sumpremo narinig mo na ba ang nangyari kay Raymond?" Tanong ng isang lalaking may kaagaw-agaw pansing kulay bughaw na buhok.

"Oo nabalitaan ko. Hindi rin naman nakakapagtakang mapatay s'ya ng ibang hunter. Sa kasamaang dinudulot ng magkapatid na Dominguez, malamang maraming may galit sa kanila." Sagot ng isang lalaking may nakaka-intimidate na presensya.

Tumayo ang nakaka-intimidate na lalaki mula sa bilugang upuan na gawa sa rattan.

Sa pagtayo ng lalaki ay s'ya namang pagkislot ng mauumbok n'yang kalamnan. Hindi magawang maitago ng mga suot na damit ang matipuno nitong pangangatawan. Wala ring maniniwala na ang nakaka-intimidate na lalaki ay isa ng sitenta anyos. Ngunit 'di maitatatwa ng maputi n'yang buhok at bahagyang kulubot na balat sanhi ng paglipas ng panahon ang mataas ng edad.

Kinuha nito ang nakasampay na Barong Tagalog at bihasang sinuot. Halata sa aksyon ng matanda namadalas n'yang isuot ang Barong Tagalog. Kinuha rin ng matandang supremo ang pares ng itak na nakalapag sa lamesang kahoy.

"Oo nga pala Flare bakit narito ka pa? Nasaan na si Crissa? Hindi ba may class S dungeon kayong papasukan ngayon?" Tanong ng matandang supremo.

"Nauna na s'yang pumunta sa dungeon. May inasikaso lang ako rito sa guild. Susunod din ako sa kanila." Sagot naman ni Flare o mas kilala sa tawag na Blue Flare.

Ang lalaking may bughaw na buhok ay isa sa tatlong rank S hunter ng La Liga Filipina. Ang supremo nila ay ang ikalawang rank S ng La Liga Filipina. At ang pinakahuli ay ang kababata ni Flare na si Crissa, ang natatanging rank S healer ng bansa.

"O sige makakaalis ka na." Utos ng supremo.

Kinabit n'ya ang dalawang itak sa mga lalagyang nakalagay sa magkabilaan n'yang bewang. Kinuha n'ya ang pendant na nakaputong sa kanyang dibdib. Binuksan n'ya 'yon at tiningnan ang isang lumang larawan na nasa loob. Doon sa larawan, may kasama s'yang isang magandang babae. Sa kanyang mukha ay may isang malambot na ngiti habang nakatitig sa babae. Ang nakaka-intimidate na awra n'ya ay naglaho.

...

Paglabas, sinalubong si Flare ng dalawang lalaki.

"Hyung!" Tawag sa kanya ng isa nang mapansin s'ya nitong lumabas.

"Thorn!" Bati ni Flare sa lalaking may patulis na mga buhok.

"Enzo!" Pagbati n'ya sa isa pa.

Silang dalawa ay rank A hunters mula sa La Liga Filipina. Mga hunter sila na pinagkakatiwalaan ni Flare. Bago pa man maging mga hunter magkakakilala na silang apat kabilang si Crissa. Sa iisang high school nag-aral ang apat na hunters.

Nang makalapit, nakipag-fistbump si Flare sa dalawa. Nang maglapat ang kanilang mga kamao nagmala-kape't-gatas ang mga ito. Sobrang maputi si Flare. Normal naman 'yon 'pagkat isa s'yang pure Korean na lumaki sa Pilipinas. Hamak na mas maliit din si Flare. Five foot flat ang kanyang height. Ngunit hindi sa tangkad nasusukat ang kagalingan ng isang tao. Isang katibayan nito ang pagtawag sa kanya ng hyung ng dalawang rank A hunters. Nang nag-aaral pa sila, si Flare ang pinuno ng lahat ng gang sa kanilang eskwelahan dahil sa taglay n'yang galing sa pakikipaglaban.

Ngunit hindi intensyon ni Flare na maging lider ng mga gang. Napilitan s'yang ipasailalim ang mga ito dahil sa dulot nilang pinsala sa eskwelahan at sa paligid nito. Si Enzo ang tahimik na lider ng mga fourth year sa panahong 'yon. Si Thorn naman ang freshman lider. Sumuko sila sa isang sophomore high school student na si Flare ng pinakita nito ang overwhelming na lakas.

Matapos magbatian umalis na ang tatlong lalaking hunters.

...

Lumabas sa base ang supremo ng La Liga Filipina. Sa likuran ng naglalakad na matandang rank S hunter, naroon ang isang makalumang mansyon mula sa panahon ng mga kastila.

Sobrang laki ng mansyon ngunit ito ay isang palapag lamang. Kumpara sa base ng Dark Resurgence at The Company, ang base ng La Liga Filipina ay nagmumukhang payak.

Sa tuktok nitong mansyon naroon ang emblem ng La Liga Filipina. Ang emblem ay binubuo ng isang itim at malaking letrang L. At isa pang malaking letrang L na nasa form ng isang shadow na nakadikit sa naunang L. At ang isang puti at malaking letrang F ay nakapatong sa letrang L. Ang emblem na ito ng no. 1 guild sa bansa ay malaki ang pagkakahawig sa orihinal na La Liga Filipina sa kasaysayan. Ang La Liga Filipina na itinatag ni Gat Jose Rizal sa panahon ng mga Kastila.

Sa panahong itinatag ng supremo ng La Liga Filipina ang kanilang guild, isinaalang-alang n'ya ang pagiging makabayan.

Ang supremo ng La Liga Filipina ay nagngangalang Jose, isang retiradong sundalo.

Sino ba namang patriot ang hindi rumerespeto sa ginawang sakripisyo ng pambansang bayani? Ang hindi nakakaalam sa mga adhikain ni Gat Jose Rizal? At sa itinatag n'yang La Liga Filipina na naglalayon ng reforma at pagtulong sa mga kapwa Pilipino?

Binuo ni Jose ang La Liga Filipina na may kaparehong layunin sa magkaibang panahon.

Maliban sa paglipon ng mga halimaw sa mga dungeons, may dalawa pang layunin ang La Liga Filipina ng makabagong Jose.

Ito ay gamitin ang kapangyarihan ng guild upang pigilan ang lahat ng mapang-abuso at mapanamantala. Para tiyaking malinis at tuwid ang pamamalakad ng pamahalaan. Para siguruhing 'di maaabuso ng mga korporasyon ang mga maralitang Pilipino. Para sugpuin ang masasamang-loob na nagbabanta sa kapayapaan ng mamamayang Pilipino.

Ang huling nilalayon ng La Liga ay ang pagbibigay ng pantay na oportunidad sa mga naghihikahos. At para na rin pagyabungin ang mga bagong sibol na mamamayang Pilipino.

Tumuloy sa paglakad ang supremo hanggang makarating s'ya sa kanilang factory. Ang factory ang nagpo-produce ng pangunahing mga armas ng La Liga Filipina. Ang kanilang pangunahing armas ay ang mga itak.

Kilala ang bayan ng Carmona sa cutlery business. Kaya naman doon itinayo ni Jose ang La Liga upang maging malapit lang sa mga ire-recruit na eksperto ng paggawa ng mga patalim.

...

"Bang!" Malakas na tunog ng pagtilampon ng isang dungeon monster.

"Grr!" Angil ng isang nag-aapoy na asong halimaw. Marahan itong tumayo mula sa pagbagsak sa tinamong atake. Ang kanyang tinatapakan ay lumubog dahil sa tinamong atake.

Sumugod muli ang nagliliyab na aso sa mga hunter na pawang mga kababaihan. Ang kanyang target ay ang babaeng tank na may hawak ng isang higanteng pananggalang.

Naantala ang kanyang pag-abante nang lumitaw ang dalawang bulto sa kanyang harapan at s'ya ay atakihin.

Isang mabigat na suntok mula sa isang anim na piye bruskong babae. At matuling atake mula sa isang babaeng nakasuot ng black vizor glasses gamit ang dalawang kulay lilang mga kutsilyo.

Maliksing umilag ang nagliliyab na aso.

"Bang!" Tunog ng lupang tinamaan ng kamao ng anim na piyeng babae. Walang kahirap-hirap na lumusot ang kamao nito rito. Hinugot ng babae ang nakagwantes n'yang kamao sa lupa.

Sa kabilang banda, matapos tumama sa ere ang kanyang mga patalim agad din namang hinabol ng nakaitim na vizor ang umilag na nagliliyab na aso. Nagsimulang magpalipat ng dose-dosenang atake ang aso at babae. Pula at lilang mga linya ang tanging makikita sa tulin ng dalawa.

Sumugod ang anim na piyeng babae sa dalawang matuling magkalaban.

Habang nagaganap 'yon, nakikipaglaban naman ang natitira pang dalawampu't-walong babaeng hunters. Ang kanilang katunggali ay ang naglalakihang mga aso na pawang nagliliyab din. Mahigit tatlong beses ang dami nito sa kanila.

"I heard Raymond died." Sabi ng isang babaeng may dalawang wrist-operated crossbow.

"Really? Serves him right. Pagbabayaran n'ya na rin ang kanyang mga kasalanan. Pero how and when did it happen, Diane?" Tanong ng nasisiyahang pinuno. Ang tank na nakatayo sa gitna ng kanilang party formation. Ang may hawak ng malaking pananggalang.

"Together with some of his guildmates, The Company guild found Raymond's corpse yesterday night." Masiglang sagot ng marksman na si Diane. Sa pagkakabanggit ng The Company bahagyang lumamig ang tono ng marksman.

"That hateful bunch huh?" Sagot naman ng lider ng 30-man or rather 30-woman party.

"Yeah Paul and Jake's hateful guild." Galit na giit nito.

"Everybody move!" Sigaw ng lider habang inaangat n'ya gamit ang dalawang kamay ang higanteng pananggalang.

Naalerto ang lahat. Iyon ang hudyat ng pinuno. Sabay na umatras palayo ang anim na piyeng fighter na si Priscilla at ang nakaitim na vizor na si Denise. Bahagyang nagkatinginan pa ang dalawa. Sa pagtatama ng mga mata, walang kumukurap na tila ba ang unang kumurap ay ang s'yang talunan.

Matulin ibinagsak ng babaeng pinuno sa lupa ng dungeon ang higanteng pananggalang.

"SEISMIC DEATH!" Makapatid-litid na sigaw ng pinunong tank. Sa point of contact pa lang ng pananggalang sa lupain ng dungeon, agad bumaon ang lupa ng isang metrong lalim at matulin pa iyong lumalalim.

Sa bayolenteng pagbaon ng pananggalang ay s'ya namang pagdudulot nito ng malakas na shock wave. Una iyong naramdaman ng pinuno. Nagkalasingan ang suot nitong baluting bumabalot sa kanyang buong katawan liban sa kanyang exposed na ulo. Ang kanyang naka-ponytail, lagpas sa puwitang habang buhok ay marahas ding pinagagalaw ng shock wave.

'Di kalayuan sa harapan n'ya, ang silent destructive duo na sina Denise at Priscilla. Sabay itong tumalon. Tnadyakan ang mga ulo ng dalawang sumugod na nagliliyab na aso para mas lalong tumaas ang kanilang posisyon sa ere.

"Ssh!" Sabay na napapikit at napahigop ng malamig na hangin ang dalawang hunters sa pagkapaso sa apoy ng mga aso.

Ngunit sa pagtingin nila sa ibaba kung nasaan ang dalawang ginawang tuntungang nagliliyab na aso ay tila nawala ang pananakit ng kanilang mga paa.

Nabiyak ang ulo ng dalawang 'yon nang tamaan sila ng Seismic death ng pinuno ng party.

Lahat ng myembro ng party ay matagumpay na nakatalon at nakailag sa malaking atake ng kanilang lider.

Samantalang sa kabilang panig, wala pa sa sampu ang nakailag. Lahat ng tinamaang nagliliyab na aso ay marahan na tinulak ng atake palayo sa party.

Mahigit kalahati rito ay namatay ang pagliliyab ng apoy sa katawan. Isang indikasyon ng kamatayan.

Ang mga natira ay inatake mula sa ere ng sampung marksmen kabilang na ang ingleserang si Diane.

Sa bawat pagpitik ng kanyang maninipis na palapulsuhan ay s'ya namang pagkamatay ng isang nagliliyab na aso.

Mid-air, pinagsaklop ni Diane ang dalawang kamay. Sa galaw na 'yon, biglang naglaho ang dalawang wrist-operated crossbow. Napalitan iyon ng mas malaking crossbow na merong gatilyo. Umasinta si Diane habang walang tigil sa pagkokomentaryo.

"Who need a bunch of healer and mages? Si Artemis lang sapat na." Pagmamalaki nito sa pinuno.

Nang ang ilan sa nagtitilampunang nagliliyab na aso ay humanay patagilid sa hangin, pinindot ni Diane ang gatilyo.

"Maggot killer!"

Isang malaking palaso ang biglang sumulpot sa crossbow at matuling sumibad patungo sa mga target.

Eksakto sa paghanay nito pahalang, ang pagtuhog ng malaking palaso sa grupo ng nagliliyab na mga aso, na ngayon ay mga aso na lang at 'di na nagliliyab.

"Bullseye!" Sigaw ni Diane.

Sa muling pagbagsak ng lahat ng mga hunter ubos ng lahat ang mga kalabang tinamaan ng Seismic death.

Ang natitira namang nagliliyab na mga aso ay inatake ng mga melee type hunter.

Mula sa itaas, sinaksak sa gulugod ni Denise ang dalawang kalaban. Nagkulay lila ang mga ito at bumagsak sa hukay na lupa habang bumubula ang mga bibig. Ang kanilang mga likuran ay nahati rin sa dalawa. Lumanding si Denise sa isang crouching position habang magka-cross ang dalawang kamay pababa, hawak-hawak ang pares ng mga patalim.

Si Priscilla naman ay pinasabog ang ulo ng isang kalaban gamit ang kamao. Pagtapak ng mga paa sa lupa ay ang s'ya namang pagsalakay n'ya sa kasunod na target. Matapang n'yang sinalubong ang tumatakbong nagliliyab na aso. Bahagyang inabante ang kaliwang bahagi ng katawan. Ang kaliwang kamao ay nakakuyom at nakaturo sa paparating na kalaban. Ang kanang paa ay nahagyang nakaatras. At ang kanang kamao ay nakakuyom at nasa tapat ng bewang. Huminga s'yang malalim nang dalawang piye na lang ang layo ng kalaban at marahas na hinakbang paabante ang kanang paa kasabay ng pag-angat ng kanang kamao patungo sa kalaban. Sa pag-extend ng kanang kamao sinalubong nito ang nagliliyab na kalaban. Sa point of contact ng kamao at halimaw, sumabog ang katawan ng nagliliyab na aso. Ang pose ni Priscilla ay identical sa unang pose n'ya bago atakihin ang kalaban ngunit 'yon ay sa kabilang side.

"A-aaaand Valkyrie guild is nambawaaaann! No one can beat us! We have the invincible Shield maiden, the strongest hunter of all time! She is the best attacker, support and defender at the same time!" Over the top na komentaryo ni Diane habang nakapatong ang kanang kamay sa balikat habang suot-suot pa rin ang wrist-operated crossbow.

Matapos ang labanan, makikita ang picture perfect pose ng guild Valkyrie. Sa sentro, hawak-hawak ni Artemis gamit ang isang kamay ang tuktok ng higanteng pananggalang. Nasa crouch position si Denise. Si Priscilla sa isang Karateka pose. At si Diane ay nasa isang cool gunner pose. Sa likuran nila ay ang mga guildmate na pawang katatapos lang din sa kani-kanilang mga laban.

Guild Valkyrie, leader, Artemis. Ang guild na ito ang pinakamalakas na all female guild sa bansa. Overall, ito ang ikaapat na pinakamalakas na guild na pinangungunahan ng nag-iisang rank S hunter na si Artemis. Si Artemis ang no. 1 tank ng Pilipinas. Binansagan ng karamihan ang Valkyrie na one woman team dahil sa nag-iisa nitong rank S hunter. Pero exxageration 'yon. Ang kanilang main party ay posibleng ang pinakamalakas na party sa bansa. Mainstay dito ang Shield maiden at ang tatlo n'yang rank A na mga kaibigan. Liban doon, except sa kanilang apat lahat ng members ng party ay puro na rank B. They are an elite party. Lahat sila ay nimble, heavy and fierce attackers. They are unstoppable. Though, kay Artemis pa rin nagre-revolve ang kanilang guild. S'ya ang nagpupunan ng kakulangan nila ng mages at healers. More specifically ang kanyang Seismic death. Isa itong area of effect damage at crowd control.

Ang Valkyrie ay isang man hating guild. Ang number one dislike nila ay si Jake at ang The Company guild na kinabibilangan nito. Naniniwala ang Valkyrie na brinainwash at ninakaw ni Jake ang mga myembrong dapat ay sa kanila sana.

Ang pinakagusto nilang grupo ng hunters ay ang hunter association dahil sa lider nito.

Kung tatanungin ang mga significant guilds ng bansa kung ano ang tingin nila sa all girl guild na Valkyrie, ito ang walang pag-aatubiling isasagot nila.

"Extreme women! Scary girls! Amazon tribe second coming!"

At eto naman ang mga kalokohang sagot.

"Heaven! BDSM! Submission!"

...

"Ha...ha...ha...!" Paghahabol ng hininga ni Raymond Dominguez kasabay ng mararahas at paulit-ulit na pag-unday ng kanyang ibabang katawan.

"Hmm..." Halinghing ng babaeng nakatalikod sa rank S hunter.

Maliban doon sa tunog na ginagawa ng dalawa, tanging langitngit, kaluskos at malulutong na tunog ang maririnig na ingay sa isang malamig na kwarto.

Mapupula ang mga matang nakatitig ang hunter sa hubad na likuran ng kasamahang babae.

Maya-maya pa tumunog ang cellphone ng hunter. Kinuha n'ya 'yon mula sa lamesitang katabi ng umuugang higaang may gusot-gusot na kobre-kama.

"Raymond!" Bulyaw ng nasa kabilang linya.

"Kuya." Mahinahong bigkas ni Raymond.

"Ano 'yong nababalitaan kong patay ka na? Iniwan lang kitang saglit, may ganoon na akong mababalitaan. Anong kalokohan 'yan?" Galit na bungad ng pinuno ng Dark Resurgence. Ang rank S na si Roger Dominguez, kuya ni Raymond.

"Nang lumabas ka ng bansa merong mga hunter na nangangahas na lumaban sa'ting guild. Isang pinagsususpetsahang reawakened hunter na balak kong pasalihin sa guild pero hindi nakikipag-cooperate. Isang misteryosong hunter na umatake at nanggulo sa isa nating negosyo. Na s'ya ring pumatay sa orihinal kong katawan kuya. Hinala ko rin magkasabwat ang dalawang 'yon. At may posibilidad ding kasabwat nila ang The Company ni Paul." Pagrereport nito ng haka-haka n'ya sa nakakatandang kapatid.

"Mga lapastangan. Hintayin mo kong makabalik sa Pilipinas. Huwag na huwag ka munang kikilos. Kung nagawa kang patayin noon. Maaaring magawa nila 'yon ulit. Sampung araw! Matapos ang sampung araw tapos na ang ginagawa naming pag-raid ng dungeon sa China ng mga kaibigan ko. Endure!" Utos ng nakakatandang Dominguez.

"Nasaan ka ba ngayon?" Tanong ni Roger kay Raymond.

"Nagbabawi ng nawalang lakas." Sabi ni Raymond sabay ingit.

Sa kabilang linya, narinig din ni Roger ang pagdaing ng boses ng isang babae. Tumawa ito ng nakakaloko bago binabaan ng tawag ang kapatid.

Walang anu-ano'y inaatake ni Raymond ang nakatalikod na babae. Kinuha n'ya ang puso mula sa likuran ng babae. Tinapat n'ya ito sa ilong para amuyin. Ngumisi ang masamang hunter. Tinapat nito ang tumitibok pang puso ng babae sa bibig at tinikman hanggang sa tuluyan na itong mawala sa bibig ni Raymond.

Nakangising dinilaan ni Raymond ang dugo sa labi habang pulang-pula ang mga mata. Sa buong katawan n'ya ay umaaso ang pulang usok. Ramdam n'ya ang mabilis na pagbalik ng nawalang lakas. Isa 'yon sa pitong kakayahan ni Raymond. Iyon ang Lustful recover, isang sa pitong kakayahan mula sa 7 deadly clones.

Agad na naglinis ng katawan at kalat si Raymond. Bago lumabas ng kwarto nagpalit ito ng anyo gamit ang Envious disguise bilang isang singkit na lalaki.

Makalipas ang ilang minuto, ilang kotse ng pulis at ang maiingay nitong sirena ang umagaw ng pansin sa paligid ng isang kulay berdeng motel sa Bulacan.

Sa isang kwarto noon natagpuan ang isang madugo at butas na kama ngunit walang natagpuang bangkay.

Isa lang ang pinatitibayan ng empleyado ng motel. Lumabas ang nag-checkin na lalaki. Ang babaeng kasama nito ay hindi.

Nang inanyayahan ito sa presinto ng mga pulis, nagulat ang mga pulis sa natuklasan mula sa composite sketch na dinescribe ng naturang witness. Nag-match ito sa isang dating barangay official. Ang problema ilang araw ng patay ang taong 'yon. Hindi alam ng mga pulis ang kung saan mag-uumpisa.

Sa isang tabi, nagkatinginan ang dalawang nag-oojt na criminology students.

Sila ay sina Ice at Josh. Simula pa kagabi, nakasaksi sila ng bizarre na kaso tulad ng sa ngayon.

Kagabi, merong joint operation ang kanilang station at ang hunter association. May labing-isang taong pinatay kagabi. Sampu roon ay natuyot ang katawan. Ang isa roon ay ang nag-iisang biktimang hindi hunter.

...

Mabigat ang mga hakbang ni Clyde na naglalakad tungo sa bahay ni Mang Tiburcio. Kasamahan n'ya sina Jake, Angel at Gaea.

Nakabukas ang mga gate nito. May dalawang itim na tolda ang magkatabi sa bakuran ng matanda. Sa sobrang bigat ng mga hakbang n'ya pakiramdam n'ya may mga kamay mula sa lupa ang pumipigil dito.

Sa pagtuntong n'ya sa harapan ng gate, naglingunan ang dose-dosenang taong pumunta sa burol ng matanda.

Napalunok si Clyde. Yumuko s'ya. Sa sumaglit na nakipag-eye contact s'ya sa mga bisita, nakita n'ya ang mapanghusgang mga mata nito. Na para bang sinisisi s'ya sa pagkamatay ni Mang Tiburcio. Na para bang alam nilang s'ya ang misteryoso at maskaradong hunter. Alam naman ni Clyde na imposible 'yon. Maingat s'ya sa pagtatago ng sikretong katauhan. Pinaglalaruan lang s'ya ng mapaglarong imahinasyon.

Kahit pa pilit na kumakawala ang bilanggo sa dibdib sa kaba at pangamba, inangat n'ya ang tingin.

Kahit pa idinidikta ng isipan na yumuko s'ya sapagkat nakatingin sila, pinilit n'yang panatiliing nakaangat ang ulo.

Kahit pa nagmumukhang 'di hamak na mas malaki at mas malayo ang bahay ni Mang Tiburcio, inabante n'ya ng walang pag-aatubili ang mga talampakan.