It's impressive how we are so capable of love, so capable that we choose to give others more than half of what we can give to ourselves. Only few can recognize this capability. Those who don't, choose to inflict pain instead. Regardless, all the pain is worth it if two hearts are really destined for each other.
Masaktan ka man ay balewala kasi akala mo yun ang nakatadhana. Na kahit masaktan ka, sa dulo ay kayo pa rin. Pero nakalimutan kong wala nga pala tayo sa libro na may Prologue at Epilogue. Pag naging kayo, hindi ibig sabihin nun na magiging kayo sa huli. Dahil magiging patuloy ang buhay. Marami ka pang makikilalang mga tao at hindi tulad sa libro na ikaw ang bida kaya ikaw lang ang pagtutuonan ng pansin.Â
Sa libro, what the writer wants, the writer gets. In reality, you can't own what you truly want.Â
Minsan na akong nagmahal sa taong akala kong sa huli ay kami ang nakatadhana. Kahit anong bitiw ko sa nararamdaman ko para sakanya ay ako pa rin naman ang bumabalik. It hurts but it doesn't equal what love I have for him.Â
I thought ending it means I could invest more for myself.Â
Nagsigawan ang lahat ng mga estudyanteng dalang-dala sa nangyayaring practice game ng mga Varsity players namin sa basketball.Â
Everyone was so into it that anyone who noticed the chaos inside the court, even if it was just a passerby, will stop and take a peek.Â
Hindi katulad sa ibang practice, mainit ngayon ang laban at hinuhusayan ng mga kuponan ang kanilang laro kahit practice palang. Sa sunod na kasing linggo mangyayari ang tapatan nila sa kabilang school. Both are prestigious but the glory and dignity of like any other school is based partly on the game.Â
Naglalaban-laban sila ngayon at hinaluan ng mga Freshman para mabuo ang tamang bilang ng player ng dalawang grupo.Â
"Maisie, isigaw mo naman ang pangalan ng boyfriend mo, para kang nanalangin dyan sa sobrang tahimik mo, eh", si Elly na isinigaw pa sakin ang sinasabi dahil sa mas malakas ang ingay ng ibang manonood.Â
Tinutukoy niya si Cash, boyfriend ko. Dalawang buwan na simula ng naging kami. After a 4-year relationship break up, here he is, my knight in shining armor. Inaasar ako ni Elly noon dahil nasobrahan daw ako sa pagbabasa ng mga fantasy kaya baka pati feelings ko kay Cash ay mananatiling pantasya lang din. Nasa isip pero wala naman talaga.Â
All I feel is guilt everytime I'm with Cash. Aaminin kong bugso ng damdamin ang nangyari kaya't sinagot ko siya at naging kami. He was there during the bad. He was the other lead guy in a book who was always there for his girl, who will keep her and make sure she's safe. Who'll make her a priority.Â
But now, I know it sounds off to entitle him that. He's real and not some character of a book. Gaya ng isang tao, nasasaktan siya. Hindi ko lang talaga alam kung kailan ko sasabihin ito sakanya pero dapat sa lalong madaling panahon dahil kung papatagalin ko pa, mas lalo lang maging unfair at masakit iyon para sakanya. He loves a girl who's still having the greatest hangover from her ex who broke up with her two years ago. Two long years and yet...
Noong una, I thought I really am falling for him. But then I realized, that I was just inlove with the idea of it, that the thought of being inlove to someone else after being inlove to just one person over and over again, encouraged me.Â
"Go Cassius Yapchengco!", sigaw ko ng buong lakas, inaasahang pati ang guilt na nararamdaman ko ay kumawala rin.
Tingin ko ay narinig niya iyon dahil pagkatapos kong sumigaw ay lumingon-lingon siya sa paligid para hanapin siguro kung sa'n galing iyon.Â
Sumigaw pa ako ng isang beses, this time ay nahanap niya na ako at napangiti ng nakita akong isa sa mga manonood.Â
Naghagikgikan ang mga babaeng nasa unahan namin dahil sa ngiting iginawad ni Cash sa direksyon namin.Â
"Siya yung nginitian, wag kayong ano dyan! Mga assumera ", malakas na boses na tugon ni Elly. Bahagya siyang binalingan noong mga babaeng nasa unahan namin at umirap pa ang isa sakanila.Â
"Sus, mga bata talaga ngayon. Mga sugar daddy ang hanap", sabi ni Elly. Cash is a senior in college. He's taking up business ad.
Napailing na lang ako at patuloy na lang na nanood. Saka ko napagtanto na wala siya ngayon sa practice. Hinagilap ko ang bleachers kahit imposibleng hindi siya paglaruin ngayon pero wala.Â
Sa paghahanap ko, bigla kong nalingunan ang ngayong nagsiingayan na mga babae sa sulok ng court. May bagong pasok roon na nagsasanhi ng sigawan nila. Mas lalong sumigla ang mga tao sa court ng pumasok ang isang Elliseo Montreal. He's one of the varsity players alongside Cash. Parehas sila ng kurso ni Cash and also a senior in college.
I was used to people getting mesmerized by him. A man like his build won't fail to bring gasps to women his age and even to older women. Being an aristocrat was evident on his face. The way his eyes look at you, like he was there for you to serve and for you to please. His crooked nose and his jawline that screams strength.Â
Muntik ko nang hindi mapansin na may kasama siyang babae pagpasok niya.Â
"Ang alam ko Seniors din daw yan like Leo and Cash. Alam mo ba yung kumakalat na balita? That girl always follow him, katulad-", Elly abruptly stopped.Â
Maang-maangan siyang napatingin sakin, suddenly felt sorry after saying what's actually a fact.
Katulad ko.
Siguro ay ganoon nga ang iniisip nila pag may naghahabol kay Leo, naaalala nila ako pag ganun. And the thought of it made the bitterness in me creeps even more.Â
Leo, what everyone calls him, is the youngest among the Montreal's. He's got two older brother and both are as blessed as him. Kilala sila hindi lang dahil sa kanilang biniyayaang pisikal na kaanyuan at talino kundi dahil sa malaking ambag ng kanilang pamilya sa prestihiyosong paaralan na ito. They were humble about it at hindi ginagamit ang kapangyarihan sa loob ng paaralang ito. Yun nga lang, lahat sila ay suplado. Well, except kay Kuya Kael, the oldest. He's the most approachable among them. Kung hindi ko siguro sila lubusang kilala ay baka iba ang pananaw ko sakanila ngayon.Â
"Bakit? Totoo naman, ah. Ganun naman talaga ako dati", simple kong sagot. Nanatili kasi siyang nakatingin.Â
"Dati?", she asked and scoffed.Â
I glared at her.Â
"Wala akong karapatang sabihin ito, ah. Pero you need to clear things up with Cash. Matagal na kitang kaibigan kaya alam ko kung gaano mo kagustong takbuhan ang nararamdaman mo kay Leo", she affirmed.Â
"Naghahanap din ako ng tamang tyempo sa lahat", sagot ko.Â
"Aww, mature ka na talaga. Ba't kasi hindi ka na lang talaga sa manok ko. Edi sana hindi ka nasasaktan ng ganyan", she's pouting like she pitied me and all but there's a playful look on her face.Â
She pat my head pero tinabing ko. She does that everytime she feels proud at someone. Napairap ako sa ginawa niya at medyo natawa.Â
"Anyways, kailangan kong mag cheer para sa manok ko dahil paniguradong sa kabilang team papasok si Leo", she said like she's in a bet.Â
Natawa ako. Noon pa man pinagkakanulo niya na ako kay Cash kasi manok niya raw ito.Â
"Ang pangit ng ugali niyang si Leo. Sayo lang ata yan naging maamo, eh", pahabol niya pa.Â
Maamo? Tsk. Not anymore.Â
Cash got dysfunctional halfway through the practice kaya hindi muna siya pinapasok sa practice. Madami ang umalma sa nangyari kasama na itong katabi ko pero wala na silang nagawa nang tinanggap naman ito ni Cash ng walang pagaalinlangan.Â
Makikisabay na sana ako sa umalma kaya lang nang nakita kong parang wala lang iyon kay Cash ay naisip kong sinadya niya iyon.Â
"Mga palusot talaga niyang si Cash. Ano lilipat na ba ako? Tingin ko ay pupunta yan dito", hula ni Elly na sa tingin ko ay tama nga.
At yun nga, nagpapahid ng pawis si Cash ng magsimula itong umakyat sa kinauupuan namin.Â
"Lilipat na ba ako? ", si Elly na natatawa.Â
"Ano ba? Wag na hindi naman kailangan", sagot ko.Â
Girls giggled everytime na napapalapit sa direksyon nila si Cash and eveyone utters their dissapointment pag nilalampasan niya sila.Â
Umusog si Elly sa kinauupuan. I hesitated for awhile pero kalaunan ay napagtantong papunta nga dito si Cash.Â
May inapiran siya sa isa mga manonood bago nakarating sa kinauupuan namin.Â
"Hey, Elly. Hi.... ", bati niya.Â
He kissed me on my cheeks. Mas lalong umugong ang bulong-bulongan. Nahiya ako dahil doon.Â
"Sorry at pawisan ako", sambit niya.Â
"H-Hindi okay lang. Wait lang... ", muntik ko nang makalimutan. Haist, hindi ko naman ito nakakalimutan noon, eh.Â
Kinuha ko ang isang tubig na binili ko kanina bago nanood.Â
"Tubig pala", I offered.Â
"Thank you", sagot niya.Â
"Ano nga palang nangyari? Pagod ka na ba? Maayos ka naman kaninang naglalaro, ah?", nagtataka kong tanong.Â
"Tinatanong pa ba yan?", sabat ni Elly.Â
Napatawa si Cash.Â
"I felt the urge to rest with you", he whispered.
"Palagi naman tayong magkasama, ah. Tsaka baka mapagalitan ka niyan ng coach mo dahil sinasadya mo lang naman pala iyon", ako tinutukoy ang ginagawa niyang mga offense sa laro kanina.Â
"Shhh",he hushed me.Â
"Tsk, takot ka rin naman pala", ako.Â
He put his right hand on my right shoulder not fully putting his arm around me.Â
"Ihahatid na kita mamaya", he offered.Â
Natigilan ako roon. "Wala na ba kayong practice?", tanong ko.Â
"Wala na. Pero meron bukas ng umaga", sagot niya.Â
"Okay, aantayin kita", ako at tumango.Â
Napabaling ako sa nagpapatuloy na laro ng narinig ko ang pito ng Coach nila. Nakita kong padabog na pinatalbog ni Leo ang bola. Tinulak niya ang isang player at nagkakainitan na. Marami ang umawat at tuluyan na silang pinagbreak ng Coach.Â
Hindi ko maiwasang mapatayo ng makitang susugurin siya ng isang player habang nakatalikod. Nagsigawan ang lahat pero mabuti na lang ay naagapan niya ito.Â
Bago niya pa man masugod pabalik ang player ay nagsilapitan na ang lahat ng players at inawat sila.Â
I felt relieved. Napatingin si Leo sa direksyon namin bago pa siya lumabas ng tuloyan sa court. Sinundan ko siya ng tingin bago nagsink-in saakin kung anong ginagawa ko. Bumalik ako sa pagkakaupo.Â
"Ayos ka lang, Maisie? Grabe talaga 'tong si Leo, ang daling mag-init ang ulo. Tsk", si Elly.Â
Nilingon ko si Cash pero ibinaling ko lang sa ibang direksyon ang tingin ko. Hindi ko kayang tagalan ang tingin niyang iyon. It reminded me of myself years ago.Â
Hopeful but wounded.