Chereads / Love and Misconceptions / Chapter 1 - Chapter 1

Love and Misconceptions

🇵🇭anonymous_02
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 6.2k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Chapter 1

Maingay ang lahat nang magsiuwian na. Ako naman ay nag-antay malapit sa may men's locker room dahil magsasabay na kami ni Cash pauwi. 

Sinilip ko ang relo para sa oras. Malapit ng  mag alas syete at kani-kanina lang ay may nagsilabasan nang mga varsity players. 

Napatigil ako sa pabalik-balik na paglalakad-lakad ng namataan ang paglabas ni Leo. Nakasukbit sa balikat niya ang isang bag at may towel naman sa kabila. Magulo ang kanyang buhok at mamasa-masa pa.

Napatuwid ako sa pagtayo at hindi na sana siya papansinin pa pero napatingin siya sa direksyon ko ng dalawang beses na parang nagulat na naroon ako. 

"What are you doing here?", tanong niya kahit halata naman kung bakit. Kay Cash syempre, para kanino pa ba? 

"I-Inaantay ko si Cash", sinagot ko pa rin. Sa loob ng dalawang taon at ngayon lang ata kami nag-usap.

Napatingin siya sa sariling relo.  "He already left. Di niya sinabi sayo?", he informed. 

But Cash told me to wait. Napakurap ang mata ko dahil sa pag-iisip.  For a second, I doubted him.  Niloloko ba ko nito? 

But then he wasn't the type to joke around in situations like this. And based on his stoic stance, he's serious. 

"Gabi na. Ako na ang maghahatid sayo.", sabi nito bigla. 

Nagpatuloy na siya sa paglalakad kaya naman sinundan ko siya para tanggihan.

Nakaharap ako sa likod niya. Even from the back, one can tell how good-looking he is. From his pitch black always messy hair, his thick eyebrows, plump red lips and perfectly cut jawline, you'll get attracted very easily. Mula nang sumali siya sa varsity team mas lalong lumaki ang hubog ng kanyang katawan. His back looks even firmer now. His long legs scream muscles and power. Sa mga katangian niyang ito hindi ka na magtataka kung ba't madaming naghahabol sa isang Elliseo Montreal. 

"H-Hindi na.  S-Sabi kasi ni Cash na siya ang maghahatid sa akin ngayon", sabi ko at pinigilan siya sa paglalakad gamit ang braso. 

Magsasalita pa sana siya pero natigil iyon dahil sa ingay na gawa ng cellphone ko. 

Walang pagaalinlangan ko iyong sinagot ng nakitang si Cash iyon. 

"Hello, Cash", sambit ko at napatingin kay Leo. Nagkatinginan kaming dalawa. His jaw was clenched at hindi ko mawari kung galit ba siya o iritado. Saan naman?

Iniwas ko ang tingin sakanya. 

"I'm so sorry, Maisie. Hindi ko nasabing may emergency kanina sa bahay.  Sorry ulit. Anyways, nasa school na ako ngayon.  Where are you?", siya. Medyo nahiya ako dahil bumalik pa talaga siya dito para ihatid ako ganung may emergency sakanila.

"Ahm... ",  napaangat ulit ang tingin ko kay Leo.

"Nasa school pa rin ako.  Nasa parking lot ka ba?", tanong ko. 

Rinig ko ang malalim na paghinga ng lalaking nasa harap ko. 

"Oo, dito ka na lang pumunta.  Sorry talaga at napaghintay kita". Base sa boses niya ay concerned na concerned talaga siya. 

"Ayos lang. Sige pupunta na ako diyan", sagot ko. 

Pagkasabi ko noon ay siya namang pag-alis ni Leo sa harap ko. 

"Bye.  Mag-ingat ka", si Leo bago ko pa maibaba ang tawag ni Cash. 

Sumunod ako sa kanya pero di na nag-abalang pantayan siya sa paglalakad. 

Kanina, kinausap niya ako na parang wala lang nangyari. Wala kaming matinong closure at aaminin ko na kasalanan ko kung bakit ganoon ang nangyari pero to think na ganito siya hindi kaapektado tungkol doon tingin ko nga ay wala na para sakaniya ang nangyari noon. He moved on already. As for me, tingin ko ay dapat ko na ding tanggapin iyon. 

I was staring at his broad back while walking kaya naman hindi ko masyadong napansin ng tumigil siya sa paglalakad kaya halos sumubsob ako sa likod niya. 

He was frowning nang hinarap ako. 

"Doon na ako sa parking lot dadaan.  Sumabay ka na". Kung hindi niya sinabi iyon ay hindi ko mapapansin ang kotseng nakaparada sa harap ng gate ng school.  

Kaniya iyong kotse kaya naman ay nagtataka ako na sa parking lot pa siya dadaan. Akala ko ba 'bye' na?

"P-pero yung sasakyan mo... ", hindi ko magawang magpatuloy dahil sa tinging iginagawad niya. Hindi siya magpapapigil. 

"May driver ako ngayon", siya.  Alanganin akong napatawa. Siguro ay didiretso siya ngayon sa kompanya nila. Pag ganito kasing may basketball practice sila at magtatrabaho siya ay nagdadala siya ng driver so that he won't drive and can take a bit of rest while on the way. Bata pa siya simula ng nagtraining siya sa kompanya nila at ngayon ay may sariling posisyon na roon and I must say that it's amazing for a man like him who started in a lower position in their own company and climb his way to a higher one.

Siguro ay mas hirap siya ngayon dahil siya na ang halos naghahandle nang mga clients nila sa kompanya. Si Kuya Kael at Kuya Augustus kasi ay parehong nasa medisina ang trabaho at hindi na nangialam pa sa negosyo. 

Leo's been making his own money since high school, he can even stop from college dahil sa mga achievements niya pero nakakapagtakang hindi niya pa ginagawa iyon. He might strain himself pag ganitong andami niya nang ginagawa tas pumapasok pa siya.

Napailing ako sa mga iniisip. Hanggang ngayon ba ay inaalam at inoobserbahan ko pa rin siya ng hindi namamalayan? Tsaka ba't ako nangingialam sa buhay ng iba? 

Pero dito na ako namulat, eh. Bigla na lang akong nagising na lahat ng ginagawa ko ay konektado lahat kay Leo. 

At ngayong tinatahak namin ang madilim na parte ng parking lot ay saka ko ipinagpasalamat na ditto rin siya dumaan sa parking lot. 

"Didiretso ka ba sa kompanya niyo ngayon? ", tanong ko pa rin. 

"Yeah. I have things to do. Why?", sagot niya.

"Ahm... Sana nakakatulog ka pa rin ng maayos kahit marami kang ginagawa", sabi ko.

Akala ko ay hindi na siya magsasalita pa at iyon na ang magiging tuldok ng pag-uusap namin. 

"It's the paperwork and the busy routine I have that I can sleep well at night.  I can't sleep when I'm not".

Napatigil ako sa sinabi niya. 

Nagpapakapagod siya para makatulog? Bakit ano bang iniisip niya't hindi siya makatulog?

Napailing ako sa mga iniisip. Imposible. 

Namataan ko na ang kotse ni Cash,  kasabay noon ay ang pagkuha ni Leo sa cellphone niya.

"Hello, I'm in the parking lot". Yun lang ang narinig ko dahil sumenyas na akong aalis na sakanya. Hindi siya nagsalita pero sinundan niya ako ng tingin habang nakatapat pa rin ang telepono sakanyang tenga. Hanggang sa pinagbuksan na ako ni Cash ng pinto galing sa loob ng kotse ay nakita ko pa ring nakatitig siya sa akin kahit pa tinted naman itong kotse ni Cash. 

Halatang hindi pansin ni Cash na kasama ko si Leo dahil hindi niya iyon pinuna. 

"Pasensya na talaga. Hindi na ako nakapagpaalam. Isinugod kasi ang Lola kanina sa hospital. Pero stable na siya ngayon", he told me. 

Nagulat ako roon. At ngayon ay narito siya para lang tuparin ang pangako niya.

"Hindi ka na sana nag-abala pang pumunta dito Cash. Kaya ko na namang umuwi mag-isa. Mas kailangan ka doon", sambit ko.  

It's frustrating to think na hindi man lang ako makabisita roon. We are never official.  

Both our parents doesn't know about us and I don't think he has plans to let me meet them.  Simula pa lang talaga ng relasyong ito ay magulo na. Masyadong padalos-dalos.

He's ready for me, but he's not ready for his family. He's half chinese. His family still strictly follows the traditions they had. As for me, I'm not ready for everything.  And yet, pumasok ako sa relasyong parehas kaming hindi pa handa. 

"No, it's okay.  Kailangan kong ihatid ka. Pinag-antay kita doon kaya responsibilidad kita", siya habang nagmamaneho na. I sighed heavily.  Cash had always been caring. I just feel burdened everytime he's like that to me while there is someone out there who's willing to receive all that care with warmth and a woman his family would surely want.

Nasulyapan ko sa side mirror nitong kotse ang pagsakay ni Leo sa kanyang kararating lang na sasakyan.

Pagkarating sa amin ay bumaba na ako at pati rin siya. 

Lumapit siya saakin at nabigla ako ng hinatak niya ako palapit para yakapin. 

Nakabawi agad ako at bibitaw sana sa yakap pero naramdaman ko ang pangangailangan niya noon. Masyado siguro siyang nag-alala para sa Lola niya kanina kaya ganito kabigat ang nararamdaman niya. 

I pat his back and let him hugged me for a moment. 

"Magiging okay din ang lahat, Cash", I said to comfort him. 

Nang bumitaw siya ay saka niya na ako pinapasok sa loob. We said our goodbyes and he also went his way. 

Naghahapunan kami ng gabing iyon nang kinamusta ni Mama ang tungkol sa school.  Napadpad kami sa topic na dalawang taon ko nang iniiwasan pero ngayon ay hindi ata ako makakaiwas. 

"Kamusta na ba kayo ni Leo?  Pansin kong hindi ka na nagkukwento tungkol sakanya", si Mama. Saksi si mama kung gaano ako kabaliw noon kay Leo. Noon ay nagsisinungaling pa ako tungkol sa amin ni Leo kapag nagtatanong siya kung may problema ba ako saming dalawa, which I'm sure nahalata ni mama noon.

Hanggang sa napagtanto kong lumalala na ang ginagawa kong pagsisinungaling. 

No one knows what happened between me and Leo.  Ang akala nang mga pamilya namin ay kami pa. After I broke up with him, isang beses lang kaming nag-usap pagkatapos noon ay hindi na naulit pa. His family still acknowledge me as Leo's girlfriend na pinagtatakhan ko. Hindi niya pa ata sinasabi sakanila ang tungkol saamin. O kailangan bang dalawa kaming magsabi noon? But it would be awkward kung ganoon nga.

Since hindi kami legal sa side ni Cash hindi ko rin sinasabi ang tungkol dito kay Mama. 

Kaya para sakanya ay kami pa ni Leo at hindi pa naghihiwalay. Simula ng  namulat ako sa mundong ito hindi ko pa nasisilayan ni minsan ang papa ko.  Ang ganitong suliranin sa pamilya ko ay isa sa hindi matatanggap ng mga magulang ni Cash.  

Ayokong maging unfair kay Mama at ayaw kong mamroblema siya dahil doon,  kaya naman ay itinago ko ito sakanya. Hangga't walang lakas si Cash para sabihin ito sakanyang mga magulang,  mananatiling walang direksyon ang relasyon naming ito. 

Hangga't hindi ko makapa ang nararamdaman ko para kay Cash,  mananatiling wala kaming patutunguhan.

"Okay naman po", ako at iniliko na ang aming pinag-usapan sa iba pero mukhang napansin ni mama ang pag-iwas ako roon. 

"Maisie, anak... ", sabay hawak sa kamay ko. 

"Alam kong may hindi ka sinasabi saakin.  Hindi ko alam kung ano iyon,  pero kung tungkol ito kay Leo alam mong gusto ko lamang ay ang makakabuti saiyo".

"Sana pinag-iisipan mo lahat ng ginagawa mo, Maisie, para hindi ka magsisi sa huli. Ayaw kong nasasaktan ka, anak", dagdag niya pa.