Chereads / ESCAPADE / Chapter 1 - Pagsisimula

ESCAPADE

🇵🇭AteRed29
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 6.5k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Pagsisimula

"Ang Lihim."

Basa ko sa pamagat ng librong hawak hawak ko ngayon. Mukhang maganda ang librong 'to dahil sa pamagat pa lang ay nakakaakit na. Misteryoso kasi ang dating ng pamagat para sa akin. Ano naman kaya ang lihim sa likod ng kwento? Nandirito ako ngayon sa silid aklatan na puno nang mga librong binili sa akin ng aking ama't ina. Dito nila ako pinupuntahan sa tuwing ako'y mawawala ganon na din ang mga kaibigan ko. Wala naman kasi akong ibang pinupuntahan kundi ang lugar na 'to. 

Binuksan ko ang libro at ni isang letra sa mga naunang pahina ay wala akong nakitang nakasulat kaya naman ganon na lamang ang pagkunot ng noo ko ng buklatin ko ang mga sumunod na pahina ay may mga nakasaulat na.

Bakit ba ito binili ng aking ama? Oo, natatandaan ko na ang aking ama ang bumili nito dahil kasama niya ako noon. Binili namin ito sa matandang babae at mura lamang niyang pinagbili. Ito ba ang dahilan kung kaya't mura ang librong ito? Napakawala naman palang kwenta. Paano ako masisiyahan na basahin ito kung putol putol?

Tumayo ako at binitbit ang libro ng sa ganon ay maitapon ko na ito dahil wala naman akong mapapala. Ngunit hindi pa ako nakakalayo palabas ng silid aklatan ng bigla itong umilaw at bumukas na labis kong ikinagulat. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita, may mahika ba ang librong ito?

Nagising ako sa isang lugar na hindi ako pamilyar. Paano ako napunta dito? Ang mga bahay ay parang nasa sinaunang panahon. Ang mga tao'y kakaiba ang pananamit.  Naglakad lakad ako para suriin ang buong lugar. Ganoon na lamang ang pagtataka ko nang may lumapit sa aking matandang babae at hinawakan ako nito sa braso.

"Sumama ka sa akin, iha." sabi niya at hinila ako.  Hindi ako umangal dahil gusto kong malaman kung ano ba ang nais niyang sabihin. Wala naman sigurong masamang mangyayari sa akin kapag sumama ako sa kanya.

Mahaba haba din ang aming nilakad bago kami makarating sa isang maliit na kubo at malapit ito sa ilog. Kay sarap sa pakiramdam na makalanghap ng sariwang hangin. Pinaupo ako ng matanda sa isang upuan na gawa sa kawayan na kaagad ko namang sinunod. Hinawakan niya ang mga kamay ko at tsaka ako tinignan ng maigi.

"Kailangan mong makalabas dito kung ayaw mong matulad sa akin." sabi niya na may lungkot sa mga mata. Napakunot ang noo ko dahil sa tinuran ng matanda. Hindi ko maunawaan ang kanyang sinasabi.

"Ano ho ang inyong ibig sabihin?" kunot noong tanong ko.

"Nasa ibang mundo ka, iha." turan niya na ikinakunot lalo ng noo ko.

"Paano ho mangyayari 'yon?" naguguluhang tanong ko dahil hindi ko talaga siya maunawaan.

"Dahil binuklat mo ang libro na nagpapamagat na Ang Lihim." turan ng matanda kaya nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa kanya. Paano niya nalaman? "Walang laman ang mga nauna nitong pahina ngunit ang mga sumunod ay mayroon na." dagdag niya pa kaya lubos na lamang ang pagtatakang nararamdaman ko ngayon.

"Paano niyo ho nalaman?" gulat kong tanong sa kanya.

"Iha, nasa loob ka ng libro ngayon. Hinigop ka nito." mahinahong sabi ng matanda.

Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya. "Ayos lang ho ba kayo? Ano po ba ang mga pinagsasabi niyo?" mukhang may saltik ang matandang 'to. Kung ano ano ang pinagsasabi

"Iha, kailangan mong makalabas sa librong ito sa loob ng isang buwan kundi ay matutulad ka sa akin, sa amin na habang buhay ng nakakulong dito. Kailangan mong makalabas dito bago mahuli ang lahat." mahaba niyang turan na hindi ko naman mainti-intindihan. Napakahirap naman paniwalaan ang sinasabi ng matandang ito. Sa mga palabas at librong nababasa ko lamang nangyayari iyon at hindi sa totoong buhay.

"Kailangan mong hanapin ang susi palabas ng librong ito sa loob ng isang buwan." dagdag niya pang sabi. 

"Paano naman ho ako maniniwala sa inyo? Hindi ka ho ba baliw?" tanong ko sa matanda at umiling naman ito.

"Iha." tawag niya sa akin at hinaplos ang pisngi ko. "Maniwala ka sa akin. Kailangan mong makalabas sa libro. Huwag mong hayaan na matulad ka sa akin, sa amin na hindi na nakalabas pa ng librong ito." ulit niya sa sinabi niya kanina. Paanong hindi makakalabas? "Ni hindi na namin nakasama pa ang mga mahal namin sa buhay." turan ng matanda at tumayo. "Magpahinga ka muna at ako'y magluluto lamang." pagpapaalam ng matanda sa akin.

Tumango na lamang ako at dumungaw sa labas nitong mumunti niyang tahanan. Hindi talaga maproseso ng utak ko ang mga pinagsasabi ng matanda. Ako hinigop ng libro? Imposible! Nasa loob ban ng libro? Kalokohan! Pero kung totoo man ang kaniyang sinabi ay nasa ibang mundo ako. At sa palagay ko'y nasa sinauna akong panahon.

Hindi ko namalayan na nakatulog ako at nagising na lamang ng may tumapik sa balikat ko.

"Iha, kakain na." napamulat ako ng aking mata at napatingin sa matandang nakatingin sa akin. Nakatulog pala ako sa kinauupuan ko kanina. Tumayo ako at kaagad na sumunod sa kanya patungong kusina.

Tahimik lamang kaming kumakain ng niluto niya na hindi ko naman alam kung ano ang tawag. Ngayon lang ako nakakain ng ganto, masarap ang nilito niya.

"Ano ho ang tawag sa ulam na inyong niluto?" tanong ko sa matanda ng matapos kaming kumain. Tumayo ako at inilagay ang aming pinagkainan sa lababo.

"Kinalibangbang na tugak ang tawag sa ulam na 'yan. Paborito ko 'yan noong ako'y bata pa."nakangiting turan ng matanda.

"Ngayon ko lang ho narinig ang pangalan na 'yan." nakangiting sabi ko sa matanda.

"Iha, hindi kaba sanay na mag-ingles at purong tagalog lamang ang iyong wika?" nakangiting tanong niya sa akin.

Nginitian ko ang matanda. "Sanay ho ako mag-ingles ngunit mahal ko ang wikang Pilipino kung kaya't nagsasanay ako na mas palalimin pa ang aking pananalita." nakangiti kong turan kaya napangiti na din siya. "Pero kapag nahirap na ho ako ay mag-iingles na ako. At isa pa nagiging amerikana po ako magsalita kapag ako'y naiinis o nagagalit." dagdag ko pa.

Lumabas ang matanda na kaagad ko namang sinundan. Napapalibutan ang kanyang tirahan ng maraming puno at bulaklak. Naglakad lakad siya at ako naman ay nakasunod lamang. Pumunta siya sa isang ilog at doon sumalok ng tubig. May ilan din akong nakitang hayop na hindi ko na nakikita ngayon kaya ganon na lamang ang sayang nararamdaman ko.

"Kailan ho ako makakalabas sa librong ito?" tanong ko sa kanya ng mapagtantong nasa ibang mundo talaga ako dahil kakaiba ang paligid. At ang ibang hayop na wala na ngayon sa mundo ay nandirito at mga buhay pa.

Tumigil ang matanda sa kanyang ginagawa at nilingon ako nito. "Kapag nahanap mo na ang susi." nakangiti niyang turan.

"Ano ho ba ang wangis ng susi?"  Korteng puso kaya ito? Korteng tatsulok?

"Tao ang magiging susi mo upang makalabas sa librong ito." turan niya na ikinakunot ng noo ko. Tao? Isang tao ang susi upang makalabas ako sa librong ito?

"Do everything to find the key." sabi ng matanda kaya naman nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa kanya.

"Sanay ho kayo mag-ingles?" gulat na tanong ko.

"Oo iha, sanay ako." nakangiti niyang turan. "Escape before you are incarcerated." dagdag niya pa. Kaya sa mga sandaling ito ay napatunayan kong nasa loob nga ako ng libro at kailangan kong makaalis dito bago pa ako makulong na gaya niya. Dahil ayokong dito ako tumanda, gusto ko pang makasama ang mga mahal ko sa buhay kaya kailangang makalabas ako dito. Kailangan kong mahanap ang taong magiging susi upang makalabas ko sa librong ito. Kaya gagawin ko ang lahat mahanap lang siya.