Chereads / ESCAPADE / Chapter 2 - Kabanata 1

Chapter 2 - Kabanata 1

-ESCAPADE-

Nang makatapos sa pagsasalok ng tubig ang matanda sa ilog ay kaagad ko siyang dinaluhan upang tulungang magbitbit. Dahil dalawang timba ang dala-dala niya, hindi naman pwedeng panoorin ko lang siya na maghirap sa pagbubuhat. Ramdam ko ang pagtagaktak ng pawis ko habang bitbit ang isang timbang tubig. Hindi naman gaanong kalayo ang bahay niya sa ilog ngunit napapagod na ako. Hindi naman kasi ako sanay na magbuhat ng ganito lalo na't libro lamang ang pinagkakaabalahan ko. Ni hindi nga nauso sa akin ang salitang pag-e-ehersisyo.

Napatingin ako sa kaniya na nauunang maglakad sa akin. Para bang wala siyang dala-dala sa bilis niyang maglakad. Samantalang ako'y nahihirapan na. Siguro ganto talaga kapag sanay ka na sa mga ginagawa mo tulad ng matandang 'to na sanay na sa pag-iigib. Nang makarating kami sa kanyang bahay ay kaagad namin itong isinalin sa isang balde. Hindi naman kalakihan ang balde.

"I'm going to leave for a while to buy something for you to wear." nakangiti niyang turan kaya napataas na lamang ako kilay. Bakit bigla bigla na lamang siyang nag-ingles? "Masaya lang ako dahil may kasama ako ngayon na galing sa mundong pinagmulan ko. At isa pa englishera talaga 'kong tao, dito lang ako natutong magtagalog." dagdag niya na hindi ko na lang pinansin. Tinakpan ko na lang ang balde at tsaka umayos ng pagkakatayo.

"Ano ho ba ang ang inyong ngalan?" tanong ko dahil kanina pa kami nag-uusap pero hindi ko man lang alam ang pangalan niya.

"Tawagin mo na lang akong Nanay Mathilde." nakangiti niyang saad at pagkuwan ay tuluyan ng umalis. Ayos na rin siguro na tawagin ko siyang nanay dahil wala naman akong ibang kakilala dito bukod sa kanya.

Lumabas ako upang tignan ang kapaligiran. Ang daming punong kahoy at bulaklak ang nakapaligid sa lugar na 'to. Sa lumipas na mga taon ay hindi man lang ako nakalanghap ng sariwang hangin dahil nasa loob lamang ako lagi ng silid-aklatan. At kapag nasa paaralan naman ako'y nakikinig lang ako ng mabuti sa sinasabi ng aking guro ng sa gano'y makakuha ako ng mataas na grado kung sakaliman na may pagsusulit. Minsan nga sinasabi na ng mga kaibigan ko na ang nerd ko daw. Dahil wala akong ibang ginawa kundi ang magbasa at meron pa akong salamin. Minsan din ay naiinis sila sa akin dahil mas mahal ko pa daw ang libro kaysa sa kanila.

Pumitas ako ng isang bulaklak. Kulay lila ito at kay gandang pagmasdan, inamoy ko din ito at ang bango bango. Sana pala'y sinubukan kong pumunta noon sa mga park o di kaya'y umakyat sa bundok kaysa magbasa ng libro nang sa gano'y nakakita ako ng ganito. Marami na ang nakakalat na mga tuyong dahon sa paligid kaya naman nagpasya akong magwalis dahil wala naman akong gagawin. Wala namang libro sa bahay ni Nanay Mathilde at mas lalong walang gadgets dahil nga nasa sinaunang panahon kami kung saan hindi pa ganoong kauso ang teknolohiya. Hindi ko alam kung anong taon na sa mundong 'to pero isa lang ang natitiyak ko, na nasa loob ako ng libro na hindi ko alam kung sino ang may akda.

"Bakit ka nagwawalis?" tanong niya kaya naman napatigil ako. Kaagad ko siyang nilingon kita ko ang mga pinamili niya na nakalagay sa isang supot. Uso na din pala ang supot sa panahong 'to? Pero, bakit ang bilis niyang makabalik? Halos kakaalis niya lamang. Siguro'y malapit lang ang pamilihan dito.

"Marami na ho kasing nagkalat na mga tuyong dahon." sabi ko sa kanya at tinuro ang mga ito. "Wala naman akong magagawa sa lugar na 'to kaya naisipan kong mag walis Nay Mathilde." nakangiti kong sabi sa kanya.

"Ihinto mo muna 'yan at isukat itong mga pinamili ko sa'yo." nakangiti niyang sabi at pumasok sa loob ng bahay. Kaagad kong binitawan ang walis na hawak ko't inilagay ito sa isang tabi at tsaka siya sinundan.

"Wala ho akong pambayad sa mga damit na 'yan." saad ko ng mapagtantong ang dami niyang binili.

"Hindi ko kailangan ng pera kaya wag mo ng isipin pa ang ipambabayad mo dito." nakangiti niyang sabi at inilabas ang mga damit na pinamili. "Isukat mo na 'yan...." tumingin siya sa akin at nakuha ko naman kaagad ang ibig niyang iparating.

"Chandra." nakangiti kong sabi sa kanya. Dito lang ako sa mundong 'to magiging Chandra ngunit sa mundong kinalikahan ko'y ako si Selene ang babaeng mahilig sa libro.

"Isukat mo na ang mga 'yan Chandra." sabi niya at iniabot sa akin ang mga damit. Lahat naman ay kasya sa akin, nagustuhan ko ang mga ito dahil presko sa katawan ngunit ibang iba ito sa mga damit na isinusuot ko sa mundo namin. Kaya naman ganon na lamang ang pagngiwi ko. Masyado itong makaluma at para bang kay dumi-dumi.

"Masanay ka na dahil mula ngayon 'yan na ang isusuot mo." seryoso niyang saad. Hindi ko na hinubad pa ang damit na huli kong isinuot dahil medyo naglalagkit na rin ako. Hindi kasi ako sanay na hindi nagpapalit ng damit.

"Wala naman na ho akong magagawa kundi ang sanayin ang sarili ko sa mundong 'to." walang gana kong sabi at umupo. Totoo naman kasi wala akong ibang magagawa kundi ang sanayin ang sarili ko na makibagay dito sa loob ng isang buwan. "Paano ka nakatagal sa mundong 'to Nay Mathilde?" tanong ko at sinulyapan siya ng tingin.

"Sa totoo lang hindi ko din alam." saad niya at umupo sa tabi ko. "Nang dumating ako dito'y wala akong kakilala miski isa. Pero tulad mo." sabi niya at tsaka ako tinignan. "May dumating na isang matandang babae na kumupkop sa akin habang hinahanap ko ang taong magiging susi ko palabas ng mundong 'to. Pero namatay ang matandang 'yon dahil na rin sa katandaan." saad niya at tsaka hinaplos ang pisngi ko. "Magpakatatag ka at magtiwala sa sarili mo na makakalabas ka sa librong 'to." pagkasabi niya non ay tumayo na siya at iniwan ako.

Naiwan lang akong tulala habang nakaupo. Pilit na sinasabi sa sarili na makakalabas ako sa librong 'to.

Madilim pa ngunit nagising na ako kaagad. Napaluha na lang ako ng maalala ang mga mahal ko sa buhay. Wala pa akong isang araw sa mundong 'to pero namimiss ko na sila. Oo nga't puro na lang libro ang kaharap ko noon pero hindi lumipas ang araw na hindi ko nakita ang mga magulang ko. Ito ang kauna-unahang araw na hindi ko nakita ang mga magulang ko. Kamusta na kaya sila? Hinahanap kaya nila ako? Kamusta na kaya ang mga kaibigan ko? Siguro'y nagtataka sila kung bakit hindi ako pumasok.

Bumangon ako at lumabas ng bahay. At ganon na lamang ang gulat ko ng nakita kong nakaupo si Nanay Mathilde sa isang puno. Yung pinutol na puno doon siya nakaupo. Kaya naman kaagad ko siyang nilapitan at tinabihan.

"Nay, ilang taon na po kayo sa loob ng librong 'to?" tanong ko sa kanya at kumuha ng maliit na kahoy na nakita ko at nagsimula nang isulat ang aking pangalan.

"Tatlumpung taon na 'ko sa mundong 'to." sa sinabi niyang 'yon ay napatingin ako sa kanya. "Walang pamilya na kasama." dagdag niya pa. Napansin ko ang kislap sa kanyang mga mata. Umiiyak ba siya?

"Nay, bakit hindi mo po nakita ang susi palabas ng libro?" tanong ko sa kanya at nagpatuloy sa aking ginagawa.

"Dahil huli na ng makita ko ang susi. Dahil namatay siya." malungkot niyang sabi kaya gulat akong napatingin sa kanya. Ano naman kaya kinamatay nung taong 'yon?

"Kung patay na po ang susi para makalabas ako sa mundong 'to. Paano na ho ako makakalabas nito?" nag-aalalang tanong ko. Ayokong mamalagi sa librong 'to. Ayoko dito!

"Bawat taong mapupunta sa mundong 'to ay may nakatalagang susi." sabi niya kaya napakunot ang noo ko dahil hindi ko siya maunawaan. "Kaya huwag kang mag-alala dahil buhay pa ang tao na magiging susi mo upang makalabas ng librong 'to." nakangiti niyang sabi at pinunasan ang luhang kumawala sa kanyang magandang mata kanina.

"Paano ho kapag hindi ko siya nakita?"

"Kapag hindi mo siya nakita sa loob ng isang buwan. Hindi kana makakalabas pa sa librong 'to." sa sinabi niyang 'to ay bigla ako nakaramdam ng takot. Paano na lang kung matulad ako sa kanya? Sa kanila? Na hindi na nakalabas pa ng librong 'to. Paano na lamang kapag hindi ko nakita ang taong 'yon? Ibig bang sabihin dito na lang din ako? Sa mundong wala akong kakilala? Sa mundong walang teknolohiya?

Hindi na ako kumibo pa at pinagpatuloy na lang ang pagsusulat. Ito ang unang beses ko na isulat ang pangalan ko sa lupa. Ni hindi ko nga ito ginawa noon dahil nga sa hindi ako palalabas ng bahay. Mula bata ako wala na akong ibang inatupag kundi ang magbasa ng libro. Sa makatuwid hindi ko naranasang maglaro.

"Chandra Selene Mahina." basa niya sa pangalan ko. Nilingon ko siya at nginitian at nakatingin din pala siya sa akin.

"Ang ganda naman ng pangalan mo." nakangiti niyang sabi sa akin kaya napangiti ako. Lahat naman ng makabasa o makarinig sa pangalan ko'y nagagandahan. "Mahina? Iyan ang apilyido mo?" kunot noo niyang tanong siguro'y nagtataka sa apilyido ko. Tumayo ako at inayos ang damit bago nakangiting sumagot sa kanya.

"Oho, weird 'di ba?" natatawa kong sabi sa kanya. Sino ba namang hindi maweweirdan sa apilyido ko? Mahina? Tulad ko mahina ang pangangatawan.

"Ano naman ang ibig sabihin niyan?" nakangiti niyang tanong sa akin.

Bigla ko tuloy naalala si mama. Nakangiti siya noon habang kinukwento ang ibig sabihin ng pangalan ko. Dahil lahat daw ng pangalan ko ay may kahulugan. Kasama namin si papa noon, nakaupo lang kami sa balkonahe at masayang kumakain.

"Well, sa totoo lang lahat 'yan ay may ibig sabihin." nakangiti kong sabi at naglakad.

"Hmm?"

"Chandra means moon." natatawa kong sabi sa kanya. Tinignan ko siya at nakangiti ito.

"Yung Selene?"

"Selene means goddess of the moon and Mahina means moonlight. Inshort, my names means moon." natatawa kong sabi at tinignan siya.

"Ngayon alam ko na kung bakit ikaw ang hinigop ng libro." seryoso niyang sabi kaya nawala ang ngiti ko sa mukha.

"Ano ho ang inyong ibig sabihin?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Dahil ang buwan ay nakakonekta sa'yo at ang buwan mismo ang magtuturo sa'yo kung nasaan ang taong magiging susi palabas ng mundong 'to." seryoso niyang turan at tsaka tumayo pagkuwan ay pumasok sa loob ng bahay.

Nakatingin lang ako sa likuran niya hanggang sa paunti unti na itong nawala sa paningin ko. Hindi ko naunawaan ang kanyang sinabi. Ako konektado sa buwan? Imposible! At ito daw mismo ang magtuturo sa akin palapit sa taong magiging susi upang makalabas ako sa librong 'to?

Napakagulo naman talaga! Napasabunot na lang ako sa sarili ko at napaupo. Naiyak ako dahil sa sariling naisip. Noon nakakapagbasa at nakakapanood lamang ako ng taong hinigop ng libro pero ngayon ay nangyari na sa akin.

I need to get out of here before it's too late. I need to see the person who will be the key out of this book as soon as possible.