Chereads / NO MORE NO (TagLish) / Chapter 3 - ENTRY 242

Chapter 3 - ENTRY 242

Entry 242

February 3, 20XX

Hoy Hilaw na Labanos!

Pashneya ka talagang tunay! Gravitey na ang pagkakawawa mo sa kagandahan kong taglay—thanks to Maxipeel and Silka Green Papaya with natural aloe vera leaves extract for moisturizer.

'Kala mo naman kung sinong g'wapo, e!

Fine . . . G'wapo ka nga pero gravitey ka pa rin sa pagbalewala sa 'kin! Like my ghad! Sa ganda kong 'to gaganiyanin mo lang ako? Hindi mo ba knowings na pinag-aagawan ako ng mga fafables sa Arki and Engineering Department? Pak na pak ang mga 'yon, a. Pero ikaw? Sarap manapak!

Like seriously . . . kumain ka kaya ng carrots at kalabasa! Samahan mo na rin ng alugbati.

Haysus! Nakaka-HB ka! High blood, oo!

Ignore ka sa 'kin.

Masyado ka nang mapanakit lately.

Hindi ibig sabihing kras kita e hahayaan na lang kitang saktan ang oh so fragile hart ko. Sinusuwerte ka, uy! Sabunutan kita, e.

Maharot lang ako, hindi marupok.

Ang sinasayang mo,

Diyosa

P.S: Hindi mo man laang ako malibre ng saging na lakatan sa EADCOOP, e.

P.P.S: 'Yong hinog, aba! Ayoko ng hilaw!