Entry 257
February 18, 20XX
Hilaw na Labanos,
You're the worst.
Well, not technically, pero malapit na. Bibingo ka na na talaga sa 'kin. And to think na sasalubungin mo 'ko ng makabagbag-damdaming pagka-miss after two weeks na 'di natin nasilayan ang bawat isa.
Panira ka ng imagination, e.
Sarap mong ibitay sa Centree nang patiwarik!
'Kala mo uurungan kita! 'Kala mo 'di ko talaga gagawin 'yon? Hah! Maghintay ka lang na labanos ka! Literal na tatakasan ka ng dugo sa gagawin ko!
Ang hinamon mo,
Diyosa
P.S: Dapat niyakap mo na 'ko diretso kanina. May pahawak-hawak pa sa braso, e. Ramdam ko 'yong nginig mo, uy! Nahiya pa, e.
P.S.S: Amoy baby ka, in fairness. Hihi.