This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
••••
Nakatayo ako ngayon sa kung saan ang sinag ng araw ay nakatutok. Napapikit ako upang damhin ang nakakapasong pakiramdam sa aking balat. Ikinawala ko ang aking kamay upang maging hudyat na ako ngayon ay handa na. Handa ng ialay ang sarili sapagkat ang lugar na ito ay nababalot na ng kasamaan. Pinagmasdan ko ang mga kauri kong hindi na malaman ang gagawin dahil sila'y nawalan na ng karapatang magkaroon ng pagasa, pagasang matatanaw sa panibagong araw.
"Arcadia! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" naramdaman ko ang mariin na paghila sa akin ng aking ama sa aking palapulsuhan at agad akong dinala sa masisilungan.
"ama," ang boses ko ngayon ay punong puno nang pagsusumamo.
"Arcadia, tumakbo ka na palayo."
Wika ng aking ama na ngayon ay punong puno ng galos sa kanyang mukha at katawan.
"hindi ama.. Wala na tayong matatakbuhan," bumagsak ang balikat ko dahil sa panghihina dala ng pagbabad ko sa araw.
Nakita ko ang mga batang ngayon ay nawawala, ang kanilang mga magulang ay kanilang hinahanap ngunit hindi nila alam na ang mga ito ay nakasabit na ang ulong putol habang hinihigop ng pinuno ang dugong umaagos sa kanilang ulo.
Halos mapasigaw ako ng may biglang sumulpot sa aking harapan. Dalawa sila at ang isa ay pinutol ang ulo ng mismong kasama niya. Hindi ko na mapigil ang luhang kanina ko pa ayaw ipakita.
"nasaan na ba siya?!" pasigaw na sinabi ng aking ama.
"huwag na ama, hindi natin siya kailangan.." nanghihina kong sambit. Nakita ko ang mga ngisi ng iilan sa amin na para bang isang baliw at tuwang tuwa dahil sa kanilang ginagawa.
Ang mga tao sa entablado ay nagsasayawan tila ba isa itong malaking pagdiriwang. May dugong tunulo sa aking ulo galing itaas, ang mga ito ay ulo ding nakasabit dilat ang isang mata at nakapikit naman ang isa.
"Arcadia! Arcadia! Ama!" narinig ko ang boses ng aking kapatid mula sa malayo.
"ate Bethany.." ng maramdam ko ang yakap niyang mahigpit ay agad ako nakahinga ng maluwag dahil salamat at buhay siya.. Salamat at hindi siya nahawa sa kumakalat na sakit, sakit na kagagawan ng Casa de Impyerno.
Hindi ko inaakalang ang lugar na dati ay puno ng kapayapaan, mga taong walang hinangad kundi ang magkaroon nang pantay pantay na karapatan ay magiging ganito ang kalagayan. Naging karumal dumal ang lahat.
Hindi ang sakit na ito ang kikitil sa buhay ng bawat isa, kundi ang pamahalaan na ganid sa kapangyarihan.
Sa mga nakalipas na araw marami akong napansin, mga bagay na nagpagising sa aking isip at puso. Mga bagay na hindi ko noon naiintindihan ngunit ngayon ay lubos ko ng nalaman. Mga karapatang inalis nang pamahalaan na ito, mga sistematikong hindi makatao. Ngunit ang hindi ko maintindihan, bakit may mga bulag pa rin sa katotohanan?
Nanlaki ang aking mata sa aking nakita, naamoy ko ang dugo nilang mabango. Kay sarap higupin ngunit nanaig pa rin ang aking dugong Casa Bello de Vampiro. Nilapitan ko ang mga bampira na may hawak sa dalawang babaeng tao upang sila ay mailigtas.
"Arcadia, 'wag!" narinig ko ang sigaw ni ate Bethany, marahil alam na niya ang mangyayari sa akin.
Itinago ko ang dalawang babae sa aking likuran, naamoy ko ang napaka bango nilang dugo ngunit pinagsa walang bahala ko ito at ngayon ay kaharap ko na ang bampira na nagmula sa Casa de Impyerno.
Ang mukha ni ate Bethany ay hindi na maipinta, gusto kong mabasa ang nasa isip niya kung bakit ganoon na lamang ang naging reaksyon niya.
Ramdam ko ang hawak ng bampira sa akin, may diin ito tila ba handang putulin ang aking braso. Akmang bibitawan ko ang dalawang taong nasa likod ko upang malabanan ang bampira na nasa harapan ko ng may biglang lumitaw galing taas at walang pagaatubiling pinutol ang ulo ng bampira sa harapan ko.
Nanlaki ang aking mata dahil sa lalaking nasa harapan ko ngayon.
"Lucas..."