Chapter 2 - Chapter 1

Pinagmasdan ko ang mga batang naglalaro sa labas, mga batang kay sarap pag masdan kapag sila ay masaya.

"Arcadia, nagpunta ka na ba sa Casa Baliuag?" umupo si ate Bethany sa tabi ko. Nandito kami ngayon nakaupo sa bintana habang pinagmamasdan ang mga batang naglalaro sa labas.

"mamaya ate kapag hindi na tirik ang araw doon," pupunta ako sa Casa Baliuag mamaya. Ang lugar ng mga tao upang kumuha ng pagkain. Hindi tao ang kinakain namin dito sa lugar na ito kumpara sa mga taga Casa Balayan.

"baka may makasalubong ka nanaman na mga taga casa Balayan," noong nakaraan habang naghahanap ako ng makakain namin, may bigla akong nakasalubong na taga Balayan. Muntik na akong atakihin ng mga ito mabuti na lang mabilis akong nakatakbo. Ang lugar namin na Casa Balanga ay mga hayop lang ang kinakain, masarap ang dugo ng mga tao ngunit namulat kami sa pamamahala ng pamahalaan namin na dugo lamang ng mga hayop ang dapat naming inumin, ganoon na din ang kinakain namin.

Naglinis ako ng bahay habang hinihintay ang oras nang papalubog na araw sa bayan. Alas-kwatro ang oras at ngayon ay alas-tres pa lang. Ang Casa Balayan at lugar namin ay lugar ng mga bampirang hindi nasisikatan ng araw, kung kaya't ito ang lugar na para sa amin. Ang pinagkaiba lang ay masama sila, kami ay hindi. Masama sa puntong kahit kauri nila ay pinapatay nila.

"Anak, gusto mo bang samahan kita?" si papa na ngayon ay nagtutupi ng mga damit. Ang ama ay ang tumayo na bilang ina na din namin ni ate Bethany. Sa murang edad nawalan na kami ng tinuturing na ina, sa kadahilanang nakuha siya ng mga masasamang bampira.

Kaya kong makarinig nang usapan o ingay kahit napakalayo neto, kaya minsan nahihirapan ako mag pokus sa mga nangyayari sa paligid ko. Ang ate ko ay may kakayahang makakita ng hinaharap, kaya sa t'wing aalis ako o si ama kapag pinigilan kami ni ate ay alam na namin na may masamang mangyayari o 'di kanais nais.

Saktong alas-kwatro na ng hapon nang napagpasyahan kong pumunta na sa bayan. Sinuot ko ang singsing na pangontra sa araw para na din makasigurado. Ang bawat bampira dito ay may singsing pangontra sa sikat ng araw. Subalit sinabi sa amin ng aming pinuno na ito ay may hangganan. Hanggang kailan kaya ang bisa neto?

Papalabas ako ng Casa de Bello Vampiro ng marinig ko nanaman ang mga platong nabasag galing sa bahay ng aming pinuno. Palagi lagi na lang ganito ang ingay sa lugar. Hindi ko na lang ito pinansin at nagpatuloy na lang sa paglalakad.

Nakarating ako saktong alas-kwatro sa bayan. Dumaan ako sa palengke at lumusot sa gubat kung saan pwede ako makahuli ng mga hayop.

Hinabol ko ang kambing na unang nahagip ng aking mata, dalawa sila kung kaya't agad ko itong kinagat sa leeg, binuhat ko at nilagay sa aking lagayan. Pagkatapos ay nagpatuloy ulit ako sa aking paglalakad. Tatlong baka ang nakita ko, Ang isa ay tinalian ko ng lubid at tinali sa puno kaya hindi ako nahirapang hulihin ito. Hindi ko na pinaglaanan ng oras ang dalawang baka na nakawala dahil sapat na 'tong kambing at baka na nahuli para sa aming tatlo.

May napansin akong mga matang nakatitig sa akin kaya napalingon ako sa aking likuran ngunit agad din itong nawala.

Nakabalik ako sa aming tahanan ng saktong alas-sais. Narinig ko nanaman ang usap usapan na nagwala nanaman ang anak ng aming pinunong si haring Benjamin. Masyadong maingat si haring Benjamin pagdating sa kanyang anak dahil ang anak nito ay kayang mag shapeshifting. Kaya netong magtransform sa kahit anong hayop o 'di kaya bagay. Isang beses ko lang nakita ang anak neto at pagkatapos noon ay wala na akong nakalap na balita tungkol sa kanya.

"nagwala nanaman ang anak ng pinuno," wika ni ate Bethanie. Kakatapos lang namin mag gabihan, at sinara na namin ang mga bintana dito sa bahay.

"bakit daw?" seryoso kong tanong kay ate.

"hindi ko alam," kibit balikat niyang tugon sa akin.

Bigla kong naalala ang mga matang nahagip ng aking paningin sa gubat habang ako ay nanghuhuli ng mga pagkain. Marahil ito ay guni guni ko lang dahil kung masamang bampira ito ay kanina pa neto ako sinugod.

May ingay nanaman akong narinig mula sa bahay ng pinuno. Nakita ni ama ang paghawak ko sa king tainga. Hinawakan niya ang aking kamay upang pakalmahin. Nahihirapan din ako dahil sa kakayahan kong makarinig ng mga tunog kahit napakalayo neto.

Nawala ang ingay na aking naririnig. Kung kaya't kumalma na din ako dahil nawala na ang kirot na ang aking nararamdaman kanina.

"umalis kayo!" sumakit nanaman ang tainga ko sa sigaw na aking narinig at sunod sunod na pagkabasag ng bagay sa kanyang paligid.

Nasisigurado ko na anak ito ng pinuno. Malayong malayo ang ugali ng pinuno sa kanyang anak, ang pinagtataka ko lang.. Siya lang ang ganito ang ugali sa lugar namin. Ang usap usapan naman ay dahil may isa itong trahedyang kinasangkutan kaya parang dinala niya na ito sa paglaki at ang trauma na nakuha niya noon ay dala dala pa rin hanggang ngayon. Kung ganoon, ay kawawa naman pala siya.

Namatay ang kanyang ina dahil sa pagatake ng mga masasamang bampira noon, kung kaya't ang proteksyon ngayon dito sa Casa de Bello Vampiro ay lalong humigpit.

Ang pinagaalala ko lang din ay ang singsing na binigay sa amin ng pinuno. May hangganan ang lahat ng ito, paano na kami sa t'wing kukuha ng pagkain?

Kinaumagahan ay nagikot ikot ako sa lugar namin upang mamili ng mga kagamitan sa bahay. Ang Casa de Bello Vampiro ay hindi lang tahanan para sa mga bampirang mababait. Marami ka din pagkakakitaan dito. Pwede kang maging mananahi, mangingisda at marami pang iba. Ang trabaho ni ama ay pangingisda, ipinagbibili niya ito sa bayan sa murang halaga upang may maipon lang siyang pera.

Dumaan ako sa ilog kung saan ako palaging tumatambay upang magpahangin. Naging payapa ang paligid ngayon dahil wala akong kahit anong ingay na naririnig. Sana ganito na lang palagi.

May napansin akong bulaklak na rosas sa gilid ko, nilapitan ko ito at pumitas ng isa upang ilagay sa aking tainga.

Naka bestida akong puti at dahil sa bulaklak na rosas ay gusto kong sumayaw. Dinig ko ang kanta dito galing bayan dahilan upang mapasayaw ako ng bahagya. Masyado ko atang naramdaman ang kanta kaya napasayaw ako, natawa na lang ako ng bahagya.

Ano kaya ang pakiramdam maging tao at mamuhay sa bayan? Tanaw ko dito ang pumapagitan sa mundo ng tao at ng mga bampira.

Nakaramdam ako ng pagod kaya napagdesisyunan kong bumalik na muna sa bahay. Maglalakad na sana ako ng napansin ko ang lalaking nakapamulsa at tila parang kanina pa ako tinitingnan. Nanlaki ang mata ko ng makilala ko kung sino ang nasa harapan ko. Bakit siya nandito?

"may talento ka rin pala sa pagsasayaw," lumapit ito ng bahagya dahilan upang mapaatras ako.

"hmm.." wala na akong masabi kaya ganoon na lang ang tugon ko.

"pasensya na sa nangyari kagabi," kagabi? Para saan? Nagtataka ko siyang tinignan.

"ha?" para na akong isang batang walang kaalam alam, samahan mo pa nang nararamdaman kong takot sa kaniya.

Ngumisi siya sa akin bago siya tuluyang maglakad papalayo.