Chereads / BETWEEN WORLDS / Chapter 4 - PRESENT WORLD: The Dark Iron

Chapter 4 - PRESENT WORLD: The Dark Iron

Naabutan ng binata ang dalaga na pinagmamasdan ang larawan ni Mikaela. This made him more curious about the girl's background.

"P_pasensya na. Nakita ko lang ito dahil hinahanap ko ang remote ng AC niyo." agad naman niyang inabot ang dalang towel at damit ng binata. Tapos, dali nitong hinanap ang pinto ng c.r nila.

Pinagmasdan lang siya ni Drake habang papasok na ito sa c.r. Napaupo siya sa couch at napaisip kung ano bang dapat niyang gawin sa mga sandaling iyon.

Hanggang sa lumipas ang ilang minuto.

"Salamat nga pala sa damit na pinahiram mo." sabi ni Avyanna matapos magbihis.

Napaubo ang binata sa nakita.

Kahit medyo malaki sa dalaga ang t-shirt nito, kitang-kita pa rin ang maputi at makinis nitong legs.

Agad itong napatayo at tumakbo pabalik sa itaas na ikinagulat naman ng dalaga.

Ilang saglit pa...

"Eto" hinagis ng binata ang extra short niya.

Nang isukat ito ng dalaga, napansin niyang medyo maluwag ito.

"Wala ka bang iba dyan? Mahuhubad din kasi ito kapag sinuot ko"

"Iyan na ang pinakamaliit kong short" ani nya.

"Talaga ba?" agad namang tumayo ang dalaga para pumunta sana sa kwarto nito.

"Wait! where do you think you're going?" agad na harang ni Drake kay Avyanna ng papaakyat na ito sa hagdan.

"Maghahanap ako ng mas maiksi pa dito, di ba may boxer shorts ka naman?"

"H_ha? no! you're not allowed to go inside my room" pigil niya dito.

"Okay.....fine.... Kung ayaw mo eh di I'll stay like this" she said habang nakaangat ang kanyang mga kamay na mas lalong nagpakita sa mapuputing legs ng dalaga.

Napasapok tuloy sa kanyang noo ang binata.

"I'll try to find some shorts, just stay right there okay?"

Tapos pumasok ulit siya sa kwarto while murmuring.

Its because his peaceful night was ruined by that girl from nowhere.

(isang oras ang lumipas..)

Nasa living room sila this time, tahimik, nakaupo lang sa couch at nakatingin sa kung saan. Until Drake decided to ask her something.

"Since andito ka naman sa bahay ko, will you bother to tell me your name?" he suddenly asked.

Tinitigan muna siya ng dalaga ng ilang seconds before she decided to tell it to him.

"Avyanna" she said tapos ibinaling niya ang paningin sa chandelier.

"Nice name"

"How about you? you're Drayce right?"

Nang marinig niya ang pangalan ng kanyang kakambal, agad niyang naisip na baka isa ito sa mga baliw na admirers ng kapatid niya.

"Why you're asking?"

"Wala lang. By the way, simula sa araw na ito, dito na muna ako pansamantalang titira. Don't worry, I'll work for you kaya hindi na iyon problema."

Nanlaki ang mga mata ng binata.

"Seryoso ka? at sino naman ang may sabing papayag ako sa gusto mo?"

"Alam kong papayag ka dahil binalikan mo ako doon kanina"

Napatawa ang binata dahil dito.

"Nahihibang ka na talaga. So what if I did it?"

"You may look like stupid but I know na you're kind. And I have nowhere to go. Alam kong ikaw lang ang makakatulong sa akin"

"Tss. I'm kind?" ulit niya sa mga narinig mula sa dalaga.

Tiningnan niya ang dalaga sa mga mata nito.

"Okay...Then tell me kung paano ka nakapasok sa loob ng bahay at ano iyong tweezers na lagi mong dala-dala?"

"I'll tell you everything sa tamang panahon"

Dahil sa sinabi ng dalaga, tumayo na si Drake.

"Eh di, hindi rin ako papayag sa gusto mo"

"W_wait!" sabi ni Avyanna nang magsimula nang maglakad ang binata.

She sighed.

"Sasabihin ko sa iyo if you will promise me na papatirahin mo ako dito pansamantala."

Humarap ang binata sa kanya at ngumiti.

"I'll promise" tapos umupo ulit siya sa couch para makinig sa sasabihin ni Avyanna.

Dahil dito, inilabas ng dalaga ang dark colored cube-sized steel na ikinamangha ng binata.

"Ito ang Dark Iron. And...this is the reason kung bakit ako nakapasok sa bahay mo."

Napakunot-noo ang binata dahil sa kanyang mga narinig.

"It can actually open portals from one world and connects it to another world. And ang portal na iyon ay nagbukas sa basement ng bahay mo. At itong tweezers na ito? It is actually a weapon invented from our world." tapos ipinakita niya rin ito sa binata.

Natigilan saglit si Drake.

"S_so you mean, hindi ka taga dito? kung ganon, saan ka ba talaga galing?"

"From future world" she said seriously.

At dahil sa mga sinabi ng dalaga, humalakhak ng napakalakas si Drake.

"Ang sakit ng tiyan ko! Hahahaha! I can't help it! Haha, you're really crazy! hahaha!"

Nainis si Avyanna kaya binatukan niya ang binata. Napaubo si Drake dahil dito.

"Its up to you if you belive me or not, a promise is a promise" tapos agad niyang ipinasok sa bag ang dark iron at ang kanyang weapon.

Pinipigilan pa ring tumawa ni Drake until now at namumula na ang tenga nito because of it.

"You really made my day Avyanna! haha!" he said nang tumayo na ang dalaga.

Hindi na lang siya umimik trying to be patient.

"Well, you can sleep on Yaya V's room. So it means that you can stay here" him while smiling.

She just rolled her eyes at pumasok na sa dating kwarto ng yaya nila Drake.

(Drake's room)

Nakahiga na siya sa king-sized bed niya habang kausap sa phone ang bestfriend niyang si Gian.

"I really can't believe na I'm allowing her to stay here. I mean, she's really crazy, man." masayang kwento niya sa kaibigan.

"Dude, baka talaga assassin iyan. What if she tries to kill you? sino ang tutulong dyan sa iyo? wala pa naman si Drayce dyan." Gian.

"Tss. So what, if my twin brother is not here? As if naman na kaya ako nung babae na iyon"

"Hay, naghahanap ka talaga ng problema sa buhay dude." he said.

"Gian, don't worry. I'll be okay. I'm just having fun this time okay? Hindi niya alam na ako si Drake." then he laughed.

"Wait. what do you mean?" worried na tanong ni Gian.

"She thought that I'm Drayce. Di ba exciting? I'll be doing something new this time"

"Seriously dude? what if malaman iyan ni Drayce?"

"Then....it wouldn't be fun anymore. So I'll try my best not to let him know" then he hung up the phone.

"Its gonna be exciting! Hmm.....Avyanna pala huh..."

(Avyanna's room)---

// thundering and lightning outside//

Inilagay niya sa cabinet ang kanyang bag at nahiga na sa bed.

Sa mga sandaling iyon, bigla niyang naalala ang mga sinabi ni Professor Shechem sa kanya bago siya mapunta sa mundo ng kasalukuyan.

(a little flashback)

"Dapat mo itong ingatan dahil it is only our hope to change everything"


"How?" she asked.

"Kailangan mong bumalik sa panahon na hindi pa isinisilang si Lorcan. Kailangan mong mahanap ang mga magulang niya. Nasa sa iyo na iyon kung ano ang dapat mong gawin para hindi siya mag-exist sa mundong ito. Sa paraang iyon lang magbabago ang lahat. Kung walang LSI at walang Chrysantum Project.....walang dadanak na mga dugo at masasayang na buhay, kaya umaasa kami sa iyo Avyanna."

(end of flashback)

Napabuntong-hininga ang dalaga.

"Hindi ko kayang pumatay ng tao kaya ang misyon ko ay pigilan ang love story nilang dalawa. Hindi dapat magkatuluyan si Drayce at Mikaela."