Umuulan ngayon, naalala ko ang mga alaala sa nakaraan. Maraming masasaya at malulungkot na alaala sa aking nakaraan. Di ko kayang iwasan ang aking pagkakamali, ito'y palaging humahanap sa akin na para bang isang bangungot na di ko kayang tanggapin.
"Aye."Tawag sa akin ng tindera. "Tila'y may iniisip kang malalim. Anong gumugulo sa iyong isipan?"Pagtatanong niya sa akin.
"Ah, Ale Suling... wala ho iyon, pinanganak po akong tanga hahaha."Sabi ko sa kanya sabay tawa.
"Aye, hindi maganda magsinungaling. Oh siya...libre nalang itong kamatis at sibuyas dahon."Saad niya at ibinigay sa akin ang mga gulay na aking binili.
"Maraming salamat ho Ale Suling!"Saad ko at pumunta sa aking dorm.
Pagkarating ko sa aking dorm ay sinalubong ako ng aking kaklase mula highschool hanggang college.
"Aye! Tomorrow na tayo magwowork sa hospital. Di ka ba nakakaramdam ng kaba?"Tanong ni Kaye sa akin at tumingin sa supot kong dala.
"Kinakabahan...pero dapat confident ka."Saad ko sa kanya at inilabas na ang mga gulay sa supot. Nagsimula na akong magluto ng tinola na isda.
"You're nervous kasi makikita mo yung anak na nagampon sayo, tama ba ako?"Tanong niya sa akin. Hindi ako sumagot at tumingin sa kanya. Palagi niya akong inaasar mula noong lumiban ako sa bahay ng mga Del Rosario.
"Aye, bakit hindi ka sumasagot sa mga question ko?"Saad niya at nakacross na ang kanyang mga braso. Ang reaction ng kanyang mukha ay tila bang naiinis.
"Bakit ko ba sasagutin kung wala akong masagot?"Tanong ko sa kanya at inilapag na ang putahe.
"Tama ka nga, ang talino mo pero di ka sure sa mga decission mo sa buhay."Saad niya at kumuha ng kanin. Aking sinampal ang kanyang kamay dahilan mapasigaw siya ng "ARAY!".
"Ano yun?!"Agad na tanong niya sa akin."Nakalimutan mong magdasal at magpasalamat sa Diyos."Saad ko sa kanya at ngumiti.
"Kumuha lang ako ng pagkain para di na ako kukuha ulit pagnagdasal na tayo." Sabi niya.
"Tamad ka talaga!"Sabi ko at tumawa. Nagsimula na kaming kumain.Nang natapos na kaming kumain ay nagsimula na kaming matulog dahil maaga pa kaming magtratrabaho bukas. Pareho lang ang routine ko araw-araw pero nagbago na ngayon.
4:30 a.m.
Ako'y naligo na at naghanda sa aking sarili. Inihanda ko na ang kagamitan ko. Ako rin ay bumibenta ng mga brownies, sushi, palabok at iba pang putahe para sa aking part time. May binubuhay pa akong mga kapatid sa probinsya. Di ko kayang hindi gampanin ang tungkulin ko bilang panganay sa aking pamilya.
6:00 a.m.
"Let's go na!" Saad ni Kaye. "Hindi pa traffic sa oras na ito papunta sa Davao Doc."Pumunta na siya sa labas, ako'y sumunod sa kanya. Nasa shotgun seat ako umupo. Tinutulungan ako ni Kaye sa aking gastusin. Mayaman ang kanilang pamilya pero gusto niyang maging independent. Lahat naman ng tao gusto maging independent at walang inaasahan.
"Wag kang kabahan dzai! Sure ako na wala yung Del Rosario sa Davao Doc. Feel ko inassign siya sa Brokenshire kaya huwag kang mabahala."Saad niya. Gumaan naman ang loob ko, pero di pa rin mawawala ang kaba sa aking katawan.
"Sure ka ba talaga?"Tanong ko sa kanya ulit.
"Di na ba ako trustworthy? At tsaka malabong makita mo yung doktor na yun. Maraming nagsabi na super sungit daw yun and snober. Ikaw daw,31 yrs old single pa."Sabi niya at tumawa, hindi ako umimik sa kanyang mga sinabi.
"Kaya Aye, huwag kanang kabahan.Okay?"Tanong niya sa akin.
"Okay."Saad ko.
Nang makarating kami sa hospital ay pumunta na ako sa aking assigned floor. Ako'y umupo at inayos ang aking mga gamit sa lamesa.
"Ikaw ang bagong nurse sa department?"Tanong ng lalake."Ang ganda mo pala. I'm jealous na!Hoy baks, feel ko maraming magkacrush sayo."Saad ng lalake. Matipuno ang kanyang katawan ngunit bakla pala ito.
"Huh?ako maganda?"Tanong ko sa kanya na tila bang hindi makapaniwala sa kanyang sinasabi.
"Oo, pacrazy-crazy ka pa. Oh siya...pupunta pa ako sa baba. 3rd floor department ko."Saad niya at itinuro ang babae, ako'y agad naman napatingin sa kanyang itinuro. "Siya si Jude, bestfriend ko. Huwag kang mahiya sa kanya if you need something ha. Mukha lang yan siyang mahiyain pero pagkilala muna siya, ang ingay pala."Saad niya at tumawa.
Itinapon naman ng babae ang notebook niya sa kanya."Ang ingay-ingay mo bakla."Saad ng babae at tumawa."Nice to meet you, I'm Jude."Saad niya at inilahad ang kanyang kamay at nagsimula kaming magkamayan."Nice to meet you too, ako nga pala si Raye pero Aye nalang."Saad ko sa kanya.
"Aye, kung may kailangan ka don't hesitate to ask questions from us ha."Sabi ni Jude.
"I will."Saad ko at nagfocus na sa aking gagawin. Maraming pasyente ngayon. Nakaasign ako sa mga matatanda.
"Aye, pwede ba ikaw muna ang pumunta sa room 4020? Pupunta pa kasi ako sa cbc."Saad ni Jude.
"Sige...pupuntahan ko na."Saad ko sa kanya.
Ako'y pumunta agad sa 4020. May matanda na natutulog ng mahimbing. Kinuha ko ang kanyang kamay na maydextrose, inilagay ko ang antibiotics. Nagising ang matanda.
"You're new here?"Tanong ng matandangbabae."Ah, opo. First day ko po sa hospital."Saad ko sa kanya.
"Did I snore...when I sleep?"Tanong naman agad ng matandang babae. "Ah...Hindi po maam. Sa totoo lang ho, mahimbing po kayo natutulog."Saad ko naman sa kanya.
May kumatok sa pinto at pumasok sa kwarto. Isang matandang doktor na lalake.
"You must be a new nurse here, I'm Dr. Ferdinand Paragas. Nice to meet you."Saad niya."Saan nga pala si Jude, dapat siya ang nagaalaga sa patient niya."Pagpapaliwanag ng doktor.
"Pumunta po siya sa cbc, may kinukuha na result."Saad ko sa kanya.
"Ah kaya pala."Saad niya at nagsimulang kausapin ang pasyente. Tinake down notes ko ang kanyang mga sinasabe. Nang matapos ang kanilang talk ay lumabas na kami sa kwarto.
"May I see your notes?"Tanong naman ng doctor. Ibinigay ko agad ang aking notebook, sinimulan niya itong basahin. "Not bad for a new one."Sabi ng doctor. I feel so honored from what he said. "Thank you ho."Nagpasalamat ako sa kanyang compliment.
Sa aking kasiyahan di ko na napansin ang mga tao na dumadaan sa amin. May bumanga sa doktor, kami ay nahinto sa daan.
"Dr. Del Rosario!"Tawag ni Dr. Ferdinand dahilan sa panginig ng aking katawan."Why are you here? Akala ko nasa brokenshire ka?"Agad naman na tanong niya. Ako'y tumingin sa sahig, di niya dapat ako makita.
"New nurse in this department?"Tanong niya, biglang dumilim ang aking paligid.
"Ah yes, she's new here. What your name again iha?"Tanong ni Dr. Ferdinand.
I'm doomed.
Kung tatakasan ko ulit ay palagi pa rin itong humahanap sa akin kahit saang sulok man akong magtago.
Ako'y humarap at itinaas na ang aking ulo. Nakita ko ang kanyang reaksyon, ito'y halong emosyon. "I'm Berlin Raye Nebres pero pwede na rin hong Aye." Saad ko. "Ang ganda naman ng pangalan mo."Saad ni Dr. Ferdinand, hinawakan naman niya ang balikat ni Dr. Del Rosario. "Ito nga pala si Zeref Del Rosario, siya palang ang pinakabata na doktor na aking nakilala."Saad niya. Hindi nagsalita si Zeref.
"Nice to meet you po, I'll go to my department na po baka hinahanap na po ako."Sabay kumot sa aking ulo at tumalikod na.
Ako'y pumunta na sa aming lamesa at agad na umupo. Agad kong tinawag si Kaye.
"Hello Aye!Hirap pala maging medtech pero kakayanin ko toh hahaha"Saad niya. Ako'y nanatiling tahimik.
"May problema ba?" Nagaalalang tanong niya.
"Nakita ko siya."Saad ko sa kanya na."Dzai...nakita ko si Zeref. Mamamatay na ba ako? Nakacontract pa ako ng 3yrs sa hospital na ito. Pupunta pa ako sa Australia para magtrabaho."Sabay na paliwanag ko sa kanya.
"Dzai, get a grip of yourself. Magkapimples ka niyan kasi stress ka masyado."Saad niya."Iwasan mo nalang yung doktor na yun. Nagkita lang naman kayo, sa Brokenshire na yun inassign noh. Baka nagvisit lang siya ng kanyang mga last patients."
"Dzai,mamamatay na ba talaga ako? Kitang-kita ko, si Zeref yun!"Sabi ko, napatigil naman ako ng biglang may tumanong sa aking likuran.
"Why are you calling my name?"
Agad akong tumingin sa kanya. "Why are you using you're phone during working hours? You need to do your responsibilities as a nurse in this hospital." Saad niya,naagaw lahat ng attensyon ng mga tao sa amin.
"Sorry sir, I will not do it again."Saad ko at yumuko. I ended the phone call.
"If you're not doing your responsibility well, you better be fired off."Saad niya at sinumulan ng lumakad papalayo.
"Okay ka lang?"Tanong ni Jude."Sino yung Zeref na tinutukoy mo?"
"Okay lang, kakilala ko. Assuming lang siguro yung doktor na yun."Pagpapaliwanag ko sa kanya.
"Masungit yun na doktor pero maraming may gusto sa kanya."Saad ni Jude.
Sino pa naman hindi magkakagusto sa kanya. Ang kanyang talino ang lumiliwanag sa kanyang katauhan. Siya nga ay cold hearted pero in reality, malambot pala ang kanyang puso. Kulang lang siya ng pagmamahal at pagaaruga, dahil iyon ang mga bagay na hindi niya naranasan sa kanyang pagkabata.