Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Twisted

🇵🇭idrafts
--
chs / week
--
NOT RATINGS
12.8k
Views
Synopsis
Godfrey Ross Dos Santos is the epitome of the devil. Hindi lang dahil sa makapangyarihan ang pamilya nila at nagpapakasasa siya sa iba't-ibang luho; pera, babae, at magagarang sasakyan, but because he couldn't break free from the demons he's been hiding from the inside. But when a challenge is made to tame his twisted behavior, Alayna would compete against anyone who dares to get their hands on his heart of glass. And somehow- impossible though it may seem, eventually falling for him.

Table of contents

VIEW MORE

Chapter 1 - Simula

Note: This is the first installment of the Dos Santos Cousins series. You can read my other stories without reading this one, although you may encounter a few minor spoilers.

Simula

"Pumili ka na ng card, Alayna." Muling binalasa ni Nyx ang baraha ng tarot, hinati iyon sa tatlong grupo, at saka hinarap sa 'kin upang ako ay makapili.

Break time namin at napag-tripan lang ang dala niyang tarot cards dahil sobrang boring. Nagprisinta din naman kasi siya na marunong siyang manghula.

My eyes traveled back and forth. Mahirap pumili lalo na kapag pare-parehas lang naman ang itsura ng deck. Lahat ay mayroong design ng buwan at mga bituin. My eyebrows were knitted together. "Use your intuition."

"Wow, spell mo nga." Pang-aasar ni Sabrina. Inirapan lang siya ni Nyx at nagpatuloy.

"This one," marahan kong tinapik ang grupo sa gitna. My eyes were trained on them nang simulan na niya ang pag-sulyap sa unang baraha.

"The Devil."

"Huh? Anong ibig sabihin niyan? Masama ba?" Nag-aalala kong tanong. First card pa lang, ganyan na. Demonyo ba ang soulmate ko?

Nyx rolled her eyes at napabuntong hininga. "Hindi 'to negative card in terms of love, Aly." Tinanggal niya ang kanyang salamin at itinabi sa gilid. "Whoever your soulmate is, deep passion is what will keep the relationship going,"

"Si Mikhail na ba 'yan?" Nakangising tanong ni Sabrina at kinikilig pa sa gilid ko. Si Mikhail ang nag-iisa kong ex. Pero... pwede bang tawaging ex kapag bigla na lang 'di namansin? Sabi ng mga pinsan ko, ghosting daw ang tawag doon. Inasar pa nga ako ng happy all souls day, mga bwiset!

Nyx shook her head. "Hindi. He's just a twin flame para kay Aly. Twin flames are teachers. Dumating siya sa buhay mo to teach a lesson, kaya 'di nag-workout 'yung relationship niyo."

"Deep passion? Laplapan, ganon?" Singit muli ni Sabrina. "Ang wild, grabe!"

"Sabrina, bunganga mo ang aga-aga makalat!" Pagsaway ni Nyx at sinabunutan pa ito.

"Aray!" Napahiyaw siya sa sakit.

Natawa na lang ako sa pagbabangayan ng mga kaibigan ko. Madalas silang ganito, pero kahit ganoon, mahal na mahal ko sila! Magkakasama kami simula grade 9 pa lang, lalo na't sila lang naman ang mga totoong tao dito sa Saint Judhiel University. The rest? Lumulutang tuwing baha!

"Hay nako, Nyx. Kaya ka ni-reject ni Kaiser, e. Puro tarot cards na lang kinakausap mo!"

"Kaiser Dos Santos?" Pagtatanong ko. Wala kaming alam sa lovelife ni Nyx dahil hindi naman siya nag-oopen sa amin. Napaka-private kasi ng taong 'to!

"'Wag mo ngang banggitin ang pangalan ng demonyo dito, Sabrina! Baka ma-summon mo siya bigla, mahirap na!"

"Oo, yung pinsan ni Godfrey at 'yung Dorian sa Polsci. Grabe, ang ganda talaga ng lahi nila! Ang sarap magpa—"

"Sab! Sasabunutan pa ulit kita 'pag di ka pa tumigil diyan!" Pinandilatan ni Nyx si Sabrina. "Oo, almost perfect nga sila dahil nabiyayaan ng magandang hubog ng katawan at itsura. 'Yun nga lang, they're rotten to the core!"

Matunog ang pangalan ng mga Dos Santos sa SJU. Pero dahil nag-transfer lang ako last year, hindi ko pa sila nakikita ng malapitan. Lahat daw silang magpipinsan, simula pre-school ay  halos dito na nag-aral at lumaki. Nakatali na daw na parang kadena ang reputasyon ng pamilya nila tuwing mapag-uusapan ang university. Hindi lang dahil sikat ito, pero dahil na din ito'y isang prestigious school. Basically, tapunan ng anak ng mga politiko, artista, at mga bilyonaryo!

Sumulyap ako sa aking relo at napansing mayroon na lang natitirang 2 minuto sa aming break. Tatlong oras na naman ng Physics, ugh. "Nyx, ituloy mo na ang reading bilis! Malapit na dumating yung asungot!"

Muling bumunot ng baraha si Nyx, huminga ng malalim bago sumulyap sa imahe doon.

She cleared her throat. "We have the Four of Wands," pinakita niya sa 'min ang isang lalaki na may hawak na apat na mukhang breadsticks. Ewan ko ba, gutom lang siguro ako. Binuklat ni Nyx ang isang maliit na parang prayer book. "According sa booklet ko, the Four of Wands is a card of celebration. In a love reading, it often reflects a wedding or an engagement, transforming the relationship into something more serious."

"Hala! Gusto mo 'yon? Hindi ka na talaga tatandang dalaga na magbebenta ng leche flan sa tabi ng simbahan?" Natatawang tanong ni Sabrina. "Aly, basta ako ang bridesmaid mo kapag kinasal ka, ha?"

"Tumigil ka nga Sab! Hindi pa nga natin kilala kung sino 'yung sinasabi niyong soulmate ko, e." Hindi naman talaga ako masyadong naniniwala sa mga soulmates o sa hulang ganito. Posibleng nagkataon lang ang mga lumalabas sa baraha dahil napag-aralan namin 'yun sa Stats. Pero hindi naman masamang umasa na baka isang araw... magkatotoo ang mga ito, diba?

She shuffled the cards again. Ang therapeutic pakinggan noon, pero biglang may isang makulit na card ang nahulog sa sahig.

"Last one... the Tower." Pinulot niya ang kahuli-huliang baraha. "This is rarely a positive sign, Aly."

"Hala, bakit?" Parang kinabahan ako bigla sa sinabi niya. Ang unang dalawang baraha ay maganda ang ibig sabihin, samantalang itong isang 'to, unexpected na nga, sisira pa sa magandang hula sa 'kin.

"Sometime in your relationship, may mararanasan kayong crisis or conflict dahil sini-signify ng tower card ang destruction. Pwedeng magkaroon ng lamat sa pagitan niyong dalawa. Nakikita ko it's either dahil sa pangangaliwa or pagsisinungaling."

"Bakit ka tumatawa, Aly?"

Napailing na lang ako. Parang teleserye, ganon? Drama AMPOTA! Ang pangit ko pa naman umiyak kung sakali man magkatotoo 'yun. Pang-extra lang yata ako sa pelikula, e.

"Kasi... first of all, bakit ako papatol sa sinungaling at lolokohin lang ako? Saka, hinding hindi ko magagawa ang either sa dalawang 'yon."

Niligpit ko ang plato sa harapan ko at akmang tatayo para isauli na 'yon sa cafeteria.

"Kung sino man 'yung sinasabi niyo sa hula, hindi pa siguro pinapanganak 'yun."