Chereads / Twisted / Chapter 3 - Kabanata 2

Chapter 3 - Kabanata 2

Kabanata 2

Sinungaling

Mabilis kong inayos ang aking vest at blouse at dali-daling naglakad sa hallway. Padabog kong kinatok ang pinto sa Guidance Office nang makarating ako sa harap noon, kahit alam ko na may masungit na matandang dalaga ang naninirahan doon.

"Ms. Villavicencio! What on earth was that for—"

"Ms. Arellano," pumasok ako sa loob at dali-daling umupo sa velvet couch doon. "May nahuli po ako sa loob ng girl's rest room sa may third floor!"

"Anong nakita mo doon? Don't tell me White Lady na naman. Alam naman nating gawa-gawa lang iyon ng mga estudyan—"

"Sana nga po at ganoong klase ng kababalaghan ang nakita ko, pero may dalawang 12th grade students niyo po na..." Hindi ko masabi ang salitang iyon without cringing out of disgust.

"Na ano? Anong ginagawa ng mga estudyante ko?"

"Nagse-sex po..."

Pikit mata kong sabi at napailing na lang. Pagkasabi ko noon, ay nanlaki ang mga mata niya at napatakip sa bibig.

"Ano? Diyos ko..." napa-sign of the cross siya. "Kilala mo ba kung sino ang mga estudyanteng 'yon?"

"'Yung lalaki lang po ang nakilala ko... 'yung babae po taga-ABM C. Hindi ko po kasi nakakahalubilo ang section nila." Muli kong inalala ang pangalan ng sigang 'yon.

"Godfrey po... Godfrey Ross—"

"Did someone call me?"

Tumayo ang balahibo ko nang marinig ang malamig na boses na 'yun. Mula sa maliit na screen na nag-seseparate sa office at lounge area, may anino ng tao na parang tumayo at nakarinig na din ako ng mga yabag. Mabibigat iyon na para bang malaking tao ang nasa kabilang dulo.

"Wala naman sigurong problema, 'di ba Mrs. Arellano?" sumandal siya doon sa may screen.

"Ms. Arellano," pagtatama niya na parang nanginig ang boses. "W-wala pa akong asawa, Godfrey."

"Right,"

Lumipat ang matalim niyang tingin sa 'kin. Walang ekspresyon ang mukha niyang tumitig kaya medyo nailang ako.

"You were saying?" Tanong niya.

"Ikaw! Ikaw 'yung bastos na..." nahirapan akong sabihin. Paano, nakakahiya dahil nasa harap kami ni Ms. Arellano!

"'Yung bastos na ninakawan mo ng wallet?"

Tumaas ang isang kilay niya at naglakad papalapit sa 'kin. Napaayos tuloy ako ng upo at para bang sinusunog ako dito!

"Who stole what?" Naguguluhang tanong ni Ms. Arellano.

"Ms. Arellano, this SSG president. Eto ba ang binoto ng mga estudyante? I fear she's not a good example."

Naglakad siya ng paikot sa kinauupuan ko na para bang nasa isang interrogation room ako. Nilapit niya ang kanyang mukha kaya't napansin ko na naman ang matangos niyang ilong at mapupulang labi... 'yung mga labi na nagnakaw ng halik sa 'kin! At 'yung tumawag sa 'kin ng whore!

"Hindi na ako magtataka kung saan napupunta ang student funds... she's using her authority and power to steal from—"

"Ang kapal ng mukha mo! You're the one who's clearly using his power para baliktarin 'tong sitwasyon na 'to!"

Sa sobrang galit ko, naramdaman ko ang pamumula ng aking pisngi at kulang na lang ay magbuga ako ng apoy dito!

"Ma'am maniwala kayo!" Pilit kong kinukuha ang pagkampi sa 'kin ni Ms. Arellano. "Ako ang biktima dito!"

"Ms. Villavicencio, is that true?"

"Opo, Ma'am. Siya 'yung ... walang hiyang nanghalik sa 'kin!"

"What? Ang ibig kong sabihin ay kung totoo ang sinasabi ni Godfrey."

"Huh?" Sobrang naguguluhan talaga ako sa nangyayari. Para akong tiniraydor ni Ms. Arellano sa pagkampi niya sa demonyong 'yun!

"Saan napupunta ang student funds natin?"

Bakit biglang naiba ang usapan? Ako etong nagrereklamo tapos dumating lang ang halimaw na 'to, nagbago na ang ihip ng hangin? Ang mga privileged talaga! Akala mo kung sino umasta porket sila halos ang nagpagawa ng school na 'to! Akala ba nila, madadala nila 'to sa langit, I mean impyerno?

"Nakatabi po para sa upcoming na Music fest, diba? Kahit tanungin niyo pa po si Nyx Atienza, 'yung treasurer po natin!"

"Lies. Wala ka na ba ibang palusot?" Mapang-asar akong nginisian ng bwiset na si Godfrey. "I have a few more in my pocket, baka gusto mo? 'Yun nga lang, gamit na din lahat." 'Yun naman pala, e. Bakit ka nakakalusot sa gusot na 'to?

"Godfrey that's enough. I need more time to investigate your accusations. Ms. Villavicencio I need to have a word with you bago ang dismissal niyo."

GRRR! Hindi ba naririnig ni Ms. Arellano ang pinagsasabi ng demonyong 'to? Bakit bingi bingihan siya pagdating sa kanya? Porket Dos Santos ba ang apelyido, inosente na agad?

"And Godfrey, please. This would be the last time na papalagpasin ko ang kalokohan mo. Sa susunod, I'll notify your parents about this kind of behavior."

"Sige lang, as if they care anyways." Walang galang niyang sinagot si Ms. Arellano. Pagkatapos niya itong ipagtanggol, grabe ang sama talaga ng ugali!

Naglakad siya ng padabog papunta sa may pintuan. Hinahangin ang kanyang bukas na polo at kumuha ng sigarilyo sa bulsa ng pantalon nito. Isasara na sana niya ang pinto nang sumulyap ulit siya sa akin, his icy stares froze me into my seat.

"Consider yourself warned, Ms. Villavicencio. Your life's going to be twisted after this."