Mommy, Nathan is so stubborn. He doesn't want to play with me- sabi ni Andrea sa Mommy niya
Nathan, why don't you want to play with your sister? - Puna ni Grace sa anak.
I dont like Barbie dolls mommy, I am a man. I don't want to be a gay. I just play alone rather than playing with that dolls.- pagpapaliwanag ni Nathan sa Mommy niya
Andrea, you play with yaya muna. Pagkatapos ko dito. Maglalaro tayo.-sabi ni Grace sa anak
Hello guys!
Napalingon silang tatlo sa pagpasok ng isang babae sa bahay nila.
Tita!- sabay sabi ng dalawang bata at nag-uunahan papunta sa tita nila.
Hmmm.. Namiss nyo ba si tita?- sabi nito sabay yakap sa dalawa.
Grace POV
Nagulat ako nang dumating na walang pasabi ang kapatid kong ito. I'm afraid may makaalam kung nasaan ako. I'm afraid malaman nila ang pinakatago kong sekreto.
What's that face Graciella?- puna sa akin ni Ate.
Biglaan yata ang pagdating mo ate?- tanong ko sa kanya
Don't worry bunso. Walang nakakita sa akin. Kahit si Angelo hindi niya alam na kapatid kita. Sabi ko dadalawin ko lang ang kaibigan ko. Sa kotse ko na nga lang pinahintay.
Sinama mo siya? Ate naman.
Bakit ba kasi nagtatago ka pa sa kanya? Kung talagang napatawad mo na ako, dapat pati siya. Tatay siya ng mga anak mo for God's sake Graciella.
Yaya, doon muna kayo sa kwarto ng mga bata- puna ko sa Yaya nila
Nang makaalis na ang tatlo. Tumayo si Grace sa pagkakaupo.
Ate, Grace ang pangalan ko dito. Please huwag mong banggitin ang lalaking yun pag nandiyan ang mga anak ko.
Diba? Nagpaliwanag na ako. I just want to protect you that time. Akala ko yun ang makakabuti. Wala siyang kasalanan dito bunso.Biktima din siya katulad mo. Biktima siya sa nagawa ko.
Wala akong masagot sa ate ko. Biglang nagbalik ang sakit na naramdaman ko dati kapag nababanggit niya ang mga nangyari.
-FLASHBACK- ( Mahaba-habang usapan to) (insert grin here)
kring...kring...kring..
MY BABY J calling...
Hello, Good Morning.
Good Morning Baby. How's your sleep?
Very good! Ikaw?
Okay din. Mukhang Goodvibes ngayon ang baby ko ahh.
Yes, very much. Are you free tonight? May surprise ako sayo.
Of course, basta ikaw. Puntahan kita mamaya sa bahay nyo.
Hindi na, ako na lang ang pupunta sa Condo mo. Ipagluluto kita ng favorite mong kare-kare.
At magdadrive kana naman mag isa? No, susunduin na lang kita. Sa condo na lang tayo magluto.
Don't worry Baby. Magpapahatid ako sa driver ni Ate. Maaga kasi akong uuwi mamaya.
Okay! Basta huwag magdrive mag-isa ha. I love you.
Opo. I love you too.
Bunso, may--Opps, sorry! Later na lang.
Hindi ate, Tapos na kaming mag-usap. Bye baby, see you tonight, I love you. mwaah!
Okay! Take care. I love you.
Pinindot ko na ang end button. At humarap sa Ate ko. Yes Ate..ano nga ulit yun?
Ahh.. wala, mamaya nalang. May meeting pala ako.
Okay. kibit balikat kong sagot sa sinabi ng ate ko.
3pm palang ay umuwi na ako sa bahay namin. Wala naman masyadong trabaho sa opisina. Saka si ATe naman ang mas kailangan doon kaya.Keri niya na yun.
Pagkatapos kong magluto ng kare-kare, umakyat na ako sa tuktok ng Taal. Hehe.. Joke lang. Sa kwarto ko pala para magbihis.
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
Masayang-masaya akong nagmamaneho papunta sa condo ng boyfriend ko para ipaalam sa kanya ang magandang balita. Alam kong ayaw niya na nagdadrive ako mag-isa pag gabi na, pero ayaw ko kasing sa phone ko sabihin ang lahat. I am two months Pregnant. Ito kasi ang usapan namin.Ayaw kong ikasal kami na wala pang laman ang tiyan ko. hahaha.. Weird ba? Wala ehh. Ayaw ko kasing padalos-dalos. Baka hindi ko siya mabigyan ng anak. Katulad ng Mommy namin. Ganun din ang naging set up nila ni Daddy when they were at my age. Ginaya ko na lang. May point naman siya. Nasa lahi kasi nila Mommy ang mahirap magbuntis. Kaya yun sinunod ko nalang din.
Three years ng naging kami ni Jonathan. Kating-kati na nga siyang magpakasal kami. Pero sabi ko, magpropose lang siya kapag may laman na ang tiyan ko. Natawa pa nga siya dati, akala niya nagbibiro lang ako. Napangiti naman ako sa naalala ko. Bigla kong natapakan ang brake ng may tumawid na itim na pusa. Buti nalang kondisyones pa itong kotse. Ohh my GOD, muntik na yun ahh. Nandito na pala ako.
Inhale..
Exhale..
Pumasok na ako sa lobby ng Condo, binati agad ako ng nasa reception area.
Hi Ms. Fernandez. Good evening.
Good Evening Maya. Balik kong bati sa kanya.
Pumasok na ako sa elevator at pinindot ang 8th Floor. Hanep. Pinili talaga niya ito. Para daw hindi niya ako makalimutan1212 pa ang nakalagay sa labas ng pinto niya. December 8, 2012 kasi naging kami. Pagdating ko sa 8th, ipapasok ko na sana ang card pero nagulat ako ng malamang bukas ang pinto. Bakit kaya bukas ito? dere-deretso akong pumasok. madilim sa sala, kaya dumeretso na ako sa kwarto niya. Laking gulat ko ng makitang bukas din ang kwarto niya. Bigla akong kinabahan, hindi niya ugali ang iwanan na bukas ang mga pinto niya. Pumasok ako sa kwarto niya at pinindot ang switch. LAking gulat ko ng makita na mahimbing siyang natutulog at nakayakap sa isang babae na hindi ko kailanman inaakala na nandito. Tumulo nalang ang luha ko, mabilis akong tumalikod para umalis na sana, ngunit nasanggi ko ang vase na nasa gilid ng pinto kaya napalingon ako sa kanila.
Bunso??
Ikaw pa talaga ang nagulat, ate. I hate you. Nakita kong napabalikwas nang bangon si Jonathan. Kaya binitiwan ko na ang bitbit kong kare-kare, na sana tinapon ko nalang sa kanila pero hindi ako ganun kasama at umalis na sa lugar na yun.
Narinig ko pa ang tawag sa akin ni Jonathan.
Baby? What's happening?
What's happening mong mukha mo. Sabi ng isip ko habang tumatakbo papunta sa elevator.
Hindi na ako umuwi sa bahay. Nagdrive lang ako nang nagdrive. Hanggang sa narating ko ang bahay ng lola ko sa probinsiya. Kaming dalawa ni Ate lang ang nakakaalam ng lugar na ito maliban sa mga magulang namin na nasa States na nakatira. ALam kong masusundan ako ni Ate dito kaya kinuha ko uli ang susi at dumiretso na sa airport. NAgbook agad ako ng flight papuntang US.
Ilang araw akong nagmukmok. Hindi rin ako tinangkang kausapin ni Mommy at Daddy. NAng lumabas ako ng kwarto. Nakita kong magkaskype sila ni Ate. Dumeretso ako sa kusina para kumuha ng makakain.
Gracy, Kausapin ka raw ng ate mo. sabi ni mommy sa akin.
Ayoko. Hindi pa ako handang kausapin siya.-sagot ko ky mommy na mas nilakasan ko pa para siguradong marinig ng kapatid ko.
Okay lang mee, next time na lang ulit. Ingat kayo jan. narinig kong sagot ng ate ko
One year and five months had passed...
Seven months na ang dalawa kong anak. Oo, Kambal sila. Diba? What a perfect family sana. Pero wala ehh. Hindi ako nagkalakas loob na harapin siya. Dalawang buwan na akong nandito sa Batangas sa bahay bakasyonan ng lola namin. Dito ko piniling manatili. Biglang may kumatok kaya mabilis akong pumunta sa pinto para pagbuksan. Laking gulat ko nang makita si Ate sa labas. Wala na akong nagawa dahil pumasok na lang siya bigla.
Graciella, I want to explain. Matagal ko na sana tong ginawa pero ngayon lang ako nagkalakas loob na sabihin sayo. MAli ang nakita mo dati. I mean..
Sa tingin mo ba ate, tama ang naiisip ko sa nakita ko dati. Ate, oo nga ate kita. Hindi ko inakala na ikaw lang pala ang tatraydor sa akin. ANg sakit ate ehh. Ang sakit sakit. Hindi ko na napigilan ang mga pesteng luha na ito.
Please Graciella, i want you to listen just this time. Walang nangyari noon. Sinet-up ko lang si Jonathan. I lied to him. Sinabi ko sa kanyang pinapunta mo ako. Niyaya niya akong magmeryenda. Sabi niya maaga daw siyang umuwi ng araw na yun dahil may usapan kayo. Kaya doon ako nakahanap ng pagkakataon. Nilagyan ko ng pampatulog ang inumin niya para madali kong magawa ang plano ko. I'm sorry Gracy, noon ko pa gustong sabihin sa'yo. Guiltyng-guilty ako sa nagawa ko. Sana sinabi ko na lang ang dahilan.
Na ano ate? Mahal mo ang boyfriend ko kaya mo nagawa ang lahat ng yun?
No, Mahal kita kaya ko nagawa yun.
Ate naman. Stop playing games. Tanggap ko na. Hindi panghabang buhay ang pag-ibig namin. I am just expecting a lot siguro kaya ako nasasaktan ng ganito.
No Graciella, Mahal ka niya. Mahal na mahal.Napatunayan ko yun nang magkausap kami. Alam mo bang ni isang salita ng galit hindi ko narinig sa kanya. Gusto ka niyang sundan sa Amerika pero nagkasakit ang Daddy niya. Wala siyang nagawa kundi kimkimin ang sakit na nararamdaman niya para din sa Tatay niya. Palagi kang tinatanong sa kanya ng Ama niya, sinasabi niya lang na may emergency kang pinuntahan sa Amerika.
Ano bang punto mo dito ate?-inis kong tanong sa kanya
Nakita ko kasi si Jonathan sa Opisina niya na may kayakap na magandang babae. Akala ko niloloko ka lang niya. Kaya ko nagawa yun para hiwalayan mo na siya dahil ayaw kong masaktan ka pa niya. Pero mali pala ako. Nang makaalis kana sa Condo niya. Tinanong kung anong nangyari, bakit di niya maalala ang lahat. Sinabi ko sa kanya ang totoo. Inamin niya sa akin na dati niyang Girlfriend ang babaeng yun. Namiss lang daw nila ang isat-isa bilang magkaibigan. Hindi ako naniwala. Sinumbatan ko siya, kaya ko nagawa yun dahil sa kanya. Minura ko siya. Pero ni isang salita wala akong narinig sa kanya. Kinuha niya ang phone niya para tawagan ka. Pero di kana niya makontak. Umalis ako nang gabing yun para puntahan ka sa Batangas para sabihin sana sa'yo kung bakit ko nagawa yun pero nakaalis kana. I'm so sorry Gracy. Kahit hindi mo na ako patawarin. Kahit siya na lang.
Kung ganun? Bakit hindi siya naghanap nang paraan para magkausap kami? Bakit pa niya pinatagal Ate? Siguro, totoong nagkakamabutihan na sila ng Ex niyang yun.
Hindi rin Graciella, napatunayan ko yan nang sorpresa kung siyang binisita sa Condo niya. Nakita kong naghalikan sila nung babae. Hindi pala, hinalikan siya nung babaeng sawa. Nakita ko pa nga ang lakas nang pagkakatulak niya. At nagtalo sila. Hindi na raw niya mahal ito. Ikaw ang Mahal niya. Alam niyang darating ang panahon na magtatagpo kayo. Ayaw niyang bitawan ang pag-asang babalikan mo siya.
Alam ba niya na nandito na ako sa Pilipinas?
Hindi pa. Ako lang ang nakakaalam.
Mabuti, huwag mo nang sabihin Ate. Sa tingin ko hindi na kami dapat pang magkita. Okay na ang lahat. Tanggap ko na hindi kami para sa isa't isa.
**********************************
END OF FLASBACK
Gracy, are you still listening to me?
I'm sorry ate, pinahid ko ang luha ko. Hindi ko lang maiwasang maisip. Wala siyang ginawa para magkaayos kami. ANg duwag niya.
Paano kung sabihin ko sa'yo na may ginawa siya?
Anong ibig mong sabihin ate?
Hindi pa nakasagot si Ate bumukas na ang pinto at iniluwa doon ang taong akala ko nakalimutan ko na. 4 years had passed, Almost 5 years old na ang mga anak namin. Tiningnan ko siya sa mukha, Lalo siyang gumwapo sa postura niya. Nakabusiness suit at may eyeglass na. Para siyang mas matured tingnan. Erase..Erase.. Tiningnan ko si ate.
I'm sorry, I lied again. Hindi ko kayang nakikita kang ganyan Bunso at ako ang dahilan kung bakit kaya ako na ang gumawa nang paraan para magkita kayo. Iiwan ko na muna kayo. Graciella, please kahit minsan be honest to yourself.
Lumabas na si Ate. Hindi ko alam pero wala akong makalap na salita. Isang nakakabinging katahimikan ang bumabalot sa aming dalawa.
Hi..sabi niya nang akmang lalapit na siya sa akin.
Tinaas ko ang isang kamay ko sa harap niya. Please, huwag kang lumapit.
Baby, please patawarin mo na ako. Alam kong naging duwag ako para huwag kang harapin. Ayaw kong pati ikaw madamay sa malas nang buhay ko..
<<<<<>>>>>>>>>>Thank you guys.