GUSTONG tumawa ni Shan ng makita kung paano nandilim ang mukha ng kanyang kapatid. Natutuwa siyang makita ang galit sa mukha nito. Sigurado siyang walang alam ang kapatid sa pagdating niya at sa balak na pagkuha sa pinapangarap nitong posisyon. Sigurado din siya na hindi sinabi dito ng kanyang ama ang tungkol sa kanya.
'They make you fool, my little brother.'
Inalis niya ang tingin sa kapatid at tumingin sa babaeng nagsasalita kanina. Hindi niya ito kilala pero natutuwa siya sa nakikitang reaksyon mula rito. Puno kasi iyon ng paghanga. What's the new? Ganoon naman talaga lagi ang reaksyon ng mga babaeng nakakakita sa kanya pero pasensya na lang. He have this rules on his self. No affair inside the office. Kapag trabaho ay trabaho lang. Binigyan niya ng mapang-akit na ngiti ang babae.
"The floor is yours, my lady." Sabi niya at tinalikuran na ito.
Naglakad siya sa isang bakateng upuan. Katapat lang ng upuan na iyon ang upuan ng kapatid. Katabi niya ang Tito Zhel niya. Agad siyang sinalubong ng isang mahigpit na yakap ni Tito. Mula noon ay nakasuporta na sa kanya si Tito Zhel. Mas naging ama pa nga ito kaysa sa kanyang ama. Pagkatapos siyang yakapin ni Tito Zhel ay umupo na siya. Muli siyang napatingin sa kapatid. Wala sa kanya ang tingin nito. Nakatuon na ang mga mata sa babaeng nagsasalita pero hindi pa rin nagbabago ang emosyon nakasulat sa mukha ng kapatid. Napangiti siya. Sigurado siyang kumukulo na ng mga sandaling iyon ang dugo ng kanyang pinakamamahal na kapatid.
Aalisin na sana niya ang tingin sa kapatid ng may mahagip ang kanyang mga mata. Napansin niya ang babaeng nakaupo sa likurang bahagi ni Shilo. Nakatingin ang babae sa kapatid niya. Nagsalubong ang kanyang mga kilay ng mabasa ang emosyong nakasulat sa mukha nito. The woman seems to be worried. Sino naman ang inaalala ng babae? Napatingin siya sa kapatid at muling bumalik sa babae. Napangisi siya ng mapatanto kung para kanino ang paga-alalang tingin na iyon ng babae. There is something about the lady in pink. Pinagmasdan niya ang babae. Maganda ito. Maamo ang mukha. Mahaba ang itim na buhok nito na matuwid pero may manipis na kulot sa dulo. Hindi rin makapal ang buhok nito. Her heart shape face suit her pointed noise and thin lips. Her kinky eyes that look seductive makes him want to know her more. Bumagay ang manipis nitong pilik mata at kilay sa mga mata nito. Maputi din ang babae at may manipis na bangs.
Maganda ang babae pero kung titingnan ay regular lang ang gandang taglay nito. May mas magandang babae pa siyang nakilalakaysa dito pero kakaiba ang hatak nito sa kanya lalo na ang mga mata nito.
Mukhang napansin ng babae na may nakatingin dito kaya bigla itong tumingin sa kanya. Sinalubong niya ang tingin ng babae. Binigyan pa niya ito ng matamis na ngiti ngunit umiwas lang ito na para bang isa siyang nakakapasong bagay. Napangisi siya. May nabuhay na tuwa sa puso niya.
'Hard to get.' Tumingin siya sa kapatid. 'I wonder if my little brother beds you already.'
Pero siya din ang sumagot sa tanong niya. Alam niyang hindi pumapatol ng basta-basta si Shilo. Ma-ingat ito sa reputasyon nito. Masunurin itong anak kaya nakaka-asa siyang wala itong pinapatulan kahit isa sa loob ng opisina. Kawawa naman ang babaeng ito. Siguradong tatagal lang ito sa opisina ng hindi napapansin ng kapatid. Maganda sana ito kaso ang pangit ng taste sa lalaki.
Inalis niya ang tingin ng marinig ang pagtawag sa pangalan niya. Nakatayo na pala sa harap ang kapatid.
"Sir Wang, can you join us here in the front?" tanong ng babae.
Ngumiti siya. "No need. Just go to the voting." Aniya.
Hindi siya sumusunod kahit kanino. Iyon ang batas niya. Mukhang napansin ng babae na seryuso siya na hindi tatayo sa harap kaya muli itong nagsimula. "Now, we are all know who's the candidates for the position of the CEO. Can we do the voting now?" tumingin ang babae sa kanyang kapatid. "Who are going to vote for Mr. Shilo Wang?"
Iniikot niya ang paningin. Tumaas ang isang sulok ng kanyang labi ng makitang ang ama lang ang tanging bumuto kay Shilo. He already expects this but it still makes him happy. Masaya palang matalo ang kapatid sa unang pagkakataon. Siya naman ang magaling sa pagkakataong iyon. Tumingin siya sa kapatid. Nagtaas-baba ang dibdib nito.
"Okay. Now… Who are going to vote for Mr. Shan Wang?"
Hindi na niya iniikot ang pangingin. Pinakatitigan lang niya ang mukha ng kapatid at ng makita ang hindi maipintang mukha nito ay alam agad niya kung ano ang resulta. He tastes his first victory. Napakasarap sa pakiramdam na natalo niya ang kapatid. Hindi lang ito kung hindi na rin ang ama. Tumayo siya at naglakad papunta sa unahan ng hindi inaalis ang tingin sa kapatid. Nagtagpo ang kanilang mga mata ng kapatid. Binigyan siya nito ng masamang tingin. Kung sakaling may lesser ang mga mata ng kapatid baka nilalamayan na siya ng mga sandaling iyon. Instead of feeling mad to his brother stares, his heart rejoices.
Nang makalapit sa kapatid ay inilahad niya ang kamay. "Congratulations…" inilapit niya ang sarili sa kapatid. Kung titingnan ang posisyon nila ng kapatid, aakalain ng iba ay binibigyan niya ng yakap-kapatid si Shilo. "…for depending your position. Welcome to my management, little brother." Bulong niya sa mapang-insultong boses.
Lalong nanginig ang kapatid niya. Lumayo siya dito at pinakatitigan ito sa mata. Walang sinabi si Shilo na tumalikod at umalis ng conference room. Nakakasigurado siyang sagad na ang galit ng kapatid ng mga sandaling iyon. Napansin niyang sumunod ang babaeng tinitigan kanina ng lumabas si Shilo. Tumaas ang kilay niya. He wonders what her connection to his brother.
Ngunit nawalan na siya ng paki-alam doon ng lumapit ang mga share holder para isa-isa siyang batiin. Isang masayang ngiti ang ibinigay niya. Sa wakas ay nakuha na niya ang bagay na inaasam ng kapatid. Nakaganti na siya sa dito pero hindi natatapos doon ang gusto niyang bawiin sa kapatid. Kukunin niya ang lahat ng meron ito at wala siyang ititira. Sisiguraduhin niya na itatapon din ito ng kanyang ama sa China kagaya ng ginagawa nito sa kanya. Matitikman din niya ang sarap ng tagumpay.
MARAMING bumati kay Shan ng pumasok siya sa building ng MDHGC. Binigyan naman niya ng mga ngiti ang mga taong alam niyang empleyado ng kompanya. Unang araw ng turn over ng kanyang ama. Hindi na papasok ngayong araw ang kanyang ama at pupunta na ito ng London kasama ang kanilang ina. Ang sekretarya na lang nito ang magsasabi sa kanya ng mga kailangan niyang malaman. Natawa na lang siya ng malaman iyon. Alam niyang umiiwas lang naman sa kanya ang ama. Hindi nito gusto na siya ang humawak ng MDHGC kaya ayaw siya nitong turuan pero wala naman siyang paki-alam doon. Kaya niyang hawakan ang MDH ng wala ang tulong ng ama. Papatunayan niya dito na mali ang akala nito sa kanya.
'You will eat all your words, dad.'
Malapit na siya sa elevator ng may napansin siya. Tumaas ang isa niyang kilay ng makita ang kapatid na nakatayo sa harap ng elevator. Kasama nito ang babaeng nalaman niyang sekretarya nito. Nag-uusap ang dalawa at parang may sariling mundo kung umasta. Hindi pansin ng mga ito ang mga tingin ng ibang empleyado. Lumapit siya sa dalawa. Isang ngisi ang sumilay sa labi ng palihim niyang sulyapan ang kapatid. Shilo is smiling at Carila. May kakaibang ningning sa mga mata nito.
"I will go to Davao next week to visit the construction of our new hotel. Ready our plane ticket." Narinig niyang sinabi ni Shilo.
"Sasama ako?" gulat na tanong ng babae.
"Of course."
Tumaas ang kilay niya. His brother is smitten with this woman but the woman is dense to feel it. Gusto niyang tumawa ng malakas. Talagang mabait na anak ang kapatid niya dahil hindi nito basta nililigawan ang babae. Siguro naman ay napapansin ni Shilo ang pagtingin ng sekretarya nito. Up until now, Shilo still choose career over love. No wonder he easily get mad. Nang bumukas ang elevator ay hinayaan niyang maunang sumakay ang dalawa at nang humarap sa kanya ang dalawa ay saka palang nagtagpo ang kanilang mga mata ng kapatid. Ngumiti siya dito at pumasok na din ng elevator.
Nakita niyang nabura ang ngiti ni Shilo at tumalim ang tingin. Hindi niya pinansin ang masamang tingin nito sa kanya. Tumayo siya sa tabi ng sekretarya nito na hindi makatingin ng diretso sa kanya ng mga sandaling iyon. May mga kasabay silang mga empleyado kaya hindi na nag-usap ang dalawa. Tumingin siya sa sekretarya ng kapatid.
"Hi. You must be Carila Marian Salmingo?"
Nakita niyang natigilan ang babae at agad na tumingin sa kanya. Nanlalaki ang maliit nitong mata na lalong nagpaganda sa dalaga.
"Yes, sir."
Gusto niyang ngumiti ng malapad ng makita ang paggalaw ng panga ng kapatid. Mukhang hindi nito nagustuhan ang pagsagot ng babae sa kanya. Possessive din pala ang kanyang kapatid. Humarap siya sa dalaga. Hindi niya pinansin ang mga tingin at tainga na nakikinig sa kanila ng mga sandaling iyon. Wala naman siyang paki-alam sa mga ito.
"Kilala mo naman siguro ako, hindi ba?" matamis niyang nginitian ang babae.
"You are the CEO of the company starting today." Professional ang pagsagot ng babae sa kanyang tanong.
"Well, I am." Inilapit niya ang sarili sa dalaga.
Umatras ang babae at gumuhit ang pagka-ilang sa mukha nito. She was off-guard with his action.
'That's it. Show me some reaction' yumuko siya ng bahagya dito.
"You are the most beautiful woman I saw in this building. Sana pala noon pa ako umuwi ng Pilipinas para nakilala agad kita." Bulong niya pero sinigurado niya na marinig ng mga taong nandoon.
Nanigas si Carila dahil sa ginawa niya. Inilayo niya ang sarili at pinakatitigan ito. Namumula ang mukha nito habang ang mga mata ay nanlalaki. Naka-awang din ang mapulang labi nito. Naramdaman niyang may pumintig sa loob niya ngunit hindi niya iyon pinansin. Pinisil niya ang baba nito at ngumiti ng napakatamis. Iyong ngiti na maa-akit kahit sinong babae. Inalis niya ang kamay dito ng tumunog ang elevator. Tumingin siya sa taas para makita kung saang floor na ba sila.
"I guess. I see you around, Miss Salmingo." Kinindatan niya muna si Carila bago lumabas ng elevator.
Iniwan niya ang mga tao sa loob ng elevator na tulala sa nasaksihang eksena. Hindi na siya lumingon pa o inalam ang reaksyon ng kapatid dahil nasisigurado niya na galit na galit ito ng mga sandaling iyon. Unang araw pa lang niya sa kompanyang iyon at mukhang masisira na agad niya ang kapatid. Lalo na at alam niya kung sino ang unang kukuhanin dito.
Naglakad siya sa floor na iyon hanggang sa dulong bahagi. Lahat ng mga babaeng madaanan niya ay napapatingin sa kanya ngunit hindi niya pinansin. Inalis niya ang ngiti sa labi para sa mga ito. Hindi naman kailangan lahat ng sandali ay friendly ang aura na ipakita niya. Now that he is the CEO of the company, he needs to set a boundry. Huminto siya sa isang mesa na malapit sa isang pinto.
Napa-angat ng tingin ang babae. Agad itong tumayo ng makilala siya. Mukhang alam na ng buong kompanya na siya ang bagong CEO. Nice! Hindi na pala niya kailangan magpakilala.
"Is Joshua inside?" tanong agad niya.
"Yes sir." Sagot ng babae.
"Call him and tell him that I want to talk to him." Ngumiti siya dito.
"Right away, sir."
Tinawagan ng babae sa telephone ang pinsan niyang siyang Human Resources Manager ng kompanya. Joshua Jzel Wang is their one and only cousin. Nag-iisang anak ito ni Tito Zhel Wang. Ang alam niya ay ilang taon na din itong HR manager ng kompanya. Mas matanda kasi siya dito ng dalawang taon. Hindi niya alam ang trip sa buhay ng pinsan niyang iyon. Kung totoosin kasi ay may sariling kompanya ang pamilya nito. Ang Wangzi Estate na isa din sa stable company sa Pilipinas. Hinahayaan naman ni Tito Zhel sa buhay nito si Joshua.
"Sir, pasok na po kayo sa loob sabi ni Sir Joshua." Sabi ng babae na siyang umagaw sa atensyon niya.
Tumingin siya dito at ngumiti. Pumasok siya sa loob ng opisina ni Joshua. Isang ngiti agad ang ibinigay niya sa pinsan. Naka-upo sa likod ng mesang puno ng papel ang pinsan niyang seryuso ang mukha. Tumayo ito ng makita siya.
"Hi, cousin." Bati niya.
"Hi, Kuya Shan. Long time no see. Kamusta ang China?" lumapit sa kanya ang pinsan.
Niyakap siya ng pinsan. Malapit siya kay Joshua dahil madalas siya sa bahay ng mga magulang nito. Ito ang kasama niya kapag gusto niyang magliwaliw. Natigil lang ang mga kalukuhan nila ng pinatapon siya ng ama sa China ng magtapos siya ng kolehiyo.
"China is good." Sagot niya.
"That's good to hear. Congratulations nga pala. CEO ka na ng Mei De Hau. You make my dad proud."
Ngumiti siya sa pinsan. "Well, I can't make it without Tito Zhel help."
"So, anong pinunta ng mabait kung pinsan?" pinag-cross ni Shan ang mga braso nito sa tapat ng dibdib.
Tumawa siya sa sinabi ng pinsan. "Kilala mo talaga ako."
"You are not here to meet and greet, Kuya Shan. Alam ko ang likaw ng pituka mo. Sabihin mo sa akin, may kailangan ka sa gwapo mong pinsan."
"Well…" hinawakan niya sa balikat ang pinsan. "I want to ask you a favor."
"What kind of favor?" tumitig ng mataman sa kanya ang pinsan."
"You going to make Ms. Salmingo my secretary, one week from now"
Nawala ang ningning sa mga mata ni Joshua at napalitan iyon ng pagtataka. Inalis din nito ang kamay niya sa balikat. "Miss Salmingo? Wag mong sabihin sa akin na si Carila ang tinutukoy mo?"
Ngumiti siya sa pinsan at hinawakan muli ang balikat nito. "Tama ka, pinsan. Si Carila Marian Salmingo nga. Gusto ko siyang maging sekretarya ko."
"Pero ang sekretarya mo ay si Ms. Santaigo. She had been your father's secretary for years now. She is efficient and ex---"
"I don't care." Putol niya sa ibang sasabihin ng pinsan. Dumiin ang pagkakahawak niya sa balikat nito. "Just do what I said. After one week, Ms. Salmingo will be my secretary. Kapag hindi mo ginawa ang sinasabi ko, makakarating sa ama mo ang isang kalukuhang ginawa mo noong high school tayo. I think, you remember Andria Lee, right?" binigyan niya ng isang magbabantang ngiti ang pinsan.
Gumuhit ang galit sa mukha ni Joshua. Nag-aaboy ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. Isang pagkakamali ang naging malapit sa kanya ang pinsan. May gagamitin siyang baraha para mapasunod ito. Gagamitin niya lahat ng meron siya para magawa lang ang gusto.
Tinapik niya ang pisngi ng pinsan. "I expect a good result from you, cousin. Do your job well." Tumalikod na siya at iniwan ang pinsan na sinusundan siya ng masamang tingin.
Oo nga at malapit siya sa pinsan pero kaya niya itong kalabanin kapag humarang ito sa kanyang mga plano. Wala siyang paki-alam kung anak ito ni Tito Zhel. Siya ang masusunod sa larong sisimulan niya. Gagawin niya ang lahat para magtagumpay lang ang kanyang mga plano.
NAKASALUBONG ANG KILAY ni Carila ng mapansin ang mga tingin ng nakakasalubong niyang mga empleyado ng MDH. Mga tingin na may halong inggit. Kanina pa niya iyon napapansin simula ng pumasok siya sa building. Wala naman siyang idea kung para saan ang mga tingin na iyon. Kagagaling niya lang ng Davao kung saan kasama niya si Shilo. Inasikaso nila doon ang construction ng ipapatayong hotel doon. Binaliwala na lang niya ang mga tingin nakasunod sa kanya.
Diretso siya naglakad papunta sa table niya ngunit nagulat siya nang makitang walang kahit isang gamit niya ang naruroon. Sinipat niya ng mabuti lahat ng drawer dahil baka may nag-ayos lang ngunit talagang wala doon. Worried consume her being. Lumapit siya sa isang staff na nandoon na.
"Karen, nasaan ang mga gamit ko?"
Napatingin ito sa table niya. "Naku, Ma'am Carila. May kumuha po ng mga gamit niyo noong Saturday at ililipat daw sa bago niyong table."
"What?" gulat niyang tanong. Nagtagpo ang kanyang mga kilay sa narinig na sagot nito.
"Iyon po ang sinabi ng mga lalaking naghakot ng gamit niyo po. Kahit nga po kami dito ay nagulat. Wala po kayo tapos kinuha nila. Wala naman kaming nagawa dahil pinayagan sila ni Sir Joshua." Hindi maitago ang simpatya sa kanya ni Karen.
"Saan naman ang bago kong table kung ganoon?"
Hindi nakasagot si Karen. Nagbaba lang ito ng paningin at inabala na ang sarili. Nagsalubong ang kilay niya sa kinulos ng babae. May alam ito pero bakit ayaw nitong magsabi. Pinagdikit niya ang mga labi.
"Thank you." Aniya sa babae at tinalikuran na lang ito.
Iisang tao lang ang pwede niyang pagtanungan ng mga nangyayari. Sumakay ulit siya ng elevator at pinindot ang floor ng HR department. Tanging si Joshua lang ang makakasagot sa tanong niya. Pagdating niya sa floor ng HR department ay napansin niya nakabukas ang pinto ng opisina ni Joshua. Kakatok na sana siya ng makita ang lalaking nakatayo sa gitna ng opisina nito. Hindi niya marinig ang pinag-uusapan ng dalawa pero nakikita niya ang galit sa mukha ni Joshua.
Nagdadalawang-isip siya kung kakatok ba o hihintayin na umalis ang CEO ng kompanya. She choose the second one but before she can move to leave, Joshua already see her.
"Carila, do you need anything?"
Lumingon si Shan sa kanya. May isang ngiti agad sa mukha nito. Tumikhim siya at pumasok ng tuluyan sa loob ng opisina ni Joshua. She closes the door before facing Joshua and tried to avoid the stare of their CEO. May ibang dating kasi ang mga titig nito na siyang nagbibigay sa kanya ng discomfort. Para kasing pinag-aaralan nito ang pagkatao at kaluluwa niya. He makes her question herself. May mali ba sa kanya para titigan siya ng ganoon.
"Sir Joshua, pumunta ako dito para itanong kung bakit nilipat ang gamit ko? At saan niyo naman po nilipat? Hindi po yata ninyo ipinaalam sa amin ni Sir Shilo." Mahinahong tanong niya.
Hindi agad nakasagot si Sir Joshua. Nahagip ng mga mata niya ang pasimple nitong pagtingin kay Sir Shan. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya.
"Carila, ang totoo niyan. Someone requested you to be his secretary and I don't have the rights to say 'no',"
qqq
"S-sinong ng request?" tanong niya kahit na may idea na siya kung sino.
"Ako, Carila." Marinig niyang sabi ng isang lalaki mula sa kanyang likuran.
Nanigas siya sa kinatatayuan ng maramdaman ang malapit nitong presensya. Nasisigurado niyang isang hakbang na lang ang layo nito sa kanya. Naamoy niya ang gamit nitong pabango.
"I'll be your new boss and you are my new secretary."
💜💜💜
HanjMie