HINDI MAIGALAW ni Carila ang katawan para lingunin ang lalaking magiging bago niyang boss. Ayaw tanggapin ng kanyang isipan ang mga sinabi nito na ito na ang magiging bago niyang amo.
"Carila, may kailangan ka pa ba? May gusto ka pa bang itanong?" basag ni Joshua sa tensyong namamayani sa loob ng opisina nito.
Napakurap siya at natauhan. "Bakit ako?"
"Why not, Ms. Salmingo?" tanong ni Shan. Umalis ito sa likuran niya at naglakad papunta sa unahan.
Doon lang siya napatingin sa lalaki. Wala siyang nababasa na kahit anong emosyon sa mukha nito. Kahit sa mga mata nito ng magtagpo ang mga iyon. Bumilis ang tibok ng puso niya. That kind of beat that she afraid to feel.
"If you don't mind, Mr. Wang. May sekretaray po kayo at matagal na siyang naninilbihan sa ama niyo. Ms. Santiago is very efficient secretary and I have no match with her knowledge when it comes to the company. I have a lot to learn." She said honestly.
Ngumiti si Shan sa kanya. May nakita siyang aliw sa mga mata nito. Para bang may nakakatawa sa sinabi niya para sumaya ito. "Ms. Salmingo, I very aware of Ms. Santiago ability and skill but I need to replace her and give her the thing she been asking to my father. Gusto niyang lumipat ng hotel ng kompanya kung nasaan malapit siya sa mga magulang nito. I give her what she wants and now I'm looking for a new secretary. Ikaw ang napili ko. Ikaw lang ang tanging nakapasa sa standard ko."
"But I'm Shilo's secretary." Sigaw niya.
Nawala ang ngiti sa labi ni Shan. Tumayo ito ng tuwid at pinakatitigan siya ng malalim. Ito na naman ang mga titig nito na parang hinahalukay ang pagkatao niya. Tumaas ang isang sulok ng labi ni Shan na nagpanindig ng balahibo niya.
"I'm the CEO of this company, Ms. Salmingo. Ako ang masusunod kaya kahit ang kapatid kong iyon ay walang magagawa. Starting from today, you are my secretary and you will start reporting to me. See you at your working table in fifteen minutes." Nilisan ni Shan ang opisina ni Joshua.
Naiwan siya doon na hindi alam ang gagawin. Simula sa araw na iyon ay hindi na niya makakasama si Shilo sa iisang floor. Malalayo na siya sa binata. Nais pumatak ng mga luha niya ngunit agad niyang pinigilan ang sarili. Walang magagawa ang pag-iyak niya. Tumingin siya kay Joshua at yumuko dito. Walang magagawa si Joshua kahit na maki-usap siya dito. Kagaya nga ng sabi ni Shan, ito ang CEO ng kompanya at kahit pinsan ito ni Shan ay wala itong magagawa.
Lumabas siya ng opisina ni Joshua. Instead of going to her new working table she went to the rooftop. Walang taong pumupunta doon dahil off-limit iyon sa lahat ng mga empleyado. Nakakapunta lang siya doon dahil ginawan siya ng access ni Shilo. Sa roof top lumalapag ang chopper na pagmamay-ari ng pamilya Wang. Madalas iyon gamitin ng ama ni Shan. Pumunta siya sa side ng rooftop kung saan pwede siyang sumilong. Tumayo siya malapit sa railing at pinagmasdan ang mga naglalakihang building. She wanted to clear her mind. Hindi niya alam ang gagawin ng mga sandaling iyon. She doesn't want to be Shan's secretary. May nararamdaman siyang kakaiba sa binata na hindi niya mapaliwanag. Ayaw niya din iwan si Shilo dahil masyado na siyang sanay dito. Anong mangyayari sa kanya ngayon?
Hindi din siya pwedeng magresign dahil malaki ang itinutulong sa kanyang pamilya ng kompanya. Paano na lang ang pag-aaral ng dalawang kapatid niya na parehong scholar ng MDH? Matitigil sila sigurado sa pag-aaral kapag nagkataon at iyon ang huling bagay na nais niyang mangyari. Ang mga magulang niya ay siguradong maghihirap pagnagkataon. Hindi pa siya nakakabawi sa pag-ampon sa kanya ng mga ito.
Natigilan si Carila ng tumunog ang phone niya na nasa bulsa ng suot niyang office coat. Kinuha niya iyon at nakita ang pangalan ni Shilo. Ilang beses siyang huminga ng malalim bago sinagot ang tawag.
"Good morning, Sir Shilo." Bati niya.
"Good morning, Carila. Hindi na ako makakadaan ng office ngayon. Pupuntahan ko ang hotel na tinatago ngayon sa Pasay. Kailangan matingnan ang construction doon." Masiglang sabi ni Shilo.
Biglang kinurot ang puso niya sa narinig na saya sa boses nito. Walang alam ang binata sa nangyayari ngayon sa opisina. Anong magiging reaksyon nito kapag nalaman na si Shan na ang bago niyang boss? Anong gagawin ni Shilo?
Tuluyang pumatak ang kanyang mga luha. Ang sakit-sakit ng puso niya. Tinakpan niya ang bibig para pigilan ang kanyang paghikbi.
"Hey! Carila, are you still there?"
"I-I'm here. Nakikinig lang po ako, sir. Iyon lang po ba ang ibibilin niyo sa akin?" nagpapasalamat siya na hindi siya na-utal.
Hindi niya kayang ipaalam kay Shilo ang nangyayari. Natatakot siya sa maari nitong maging reaksyon.
"Wala na, Carila. See you tomorrow. Ingat ka sa pag-uwi mamaya."
"Ikaw din." Siya na ang unang pumatay ng tawag.
Sunod-sunod sa pagpatak ang mga luha niya. Lumakas ang kanyang pag-iyak. Hindi niya yata matanggap ang sitwasyon niya ngayon. Ang malayo kay Shilo. Ang malayo sa taong mahal niya. Masyado na siyang nasanay na kasama ito. Iniisip pa lang niya na hindi makasama ang binata sa bawat sandali ay nasasaktan na ang puso niya. Ilang sandali din siyang umiiyak habang sa makalma niya ang sarili. Nanatili pa siya ng ilang sandali doon. Nang magdesisyon siyang bumaba ay pumunta muna siya sa opisina ni Shilo. Hinanap niya si Karen. Natagpuan niya ito sa pantry.
"Karen, pwede ka bang maka-usap?"
Tumungo ito at inilapag ang baso sa lababo bago siya nilapitan. "Ano iyon?"
"Ituturo ko sa iyo ang ilang mga bagay na iiwan kong trabaho. Wala pa kasing sekretarya si Shilo kaya ikaw muna ang pagbibigyan ko."
"Okay." Tumungo si Karen.
Pumunta sila sa office ni Shilo. Itinuro niya dito ang ilang mga papeles na kailangan permahan ni Shilo kapag pumasok ito bukas. Nasisigurado naman siya na naghahanap na ngayon si Joshua ng kapalit niya. Hindi siya doon nagtagal dahil maayos din naman ang lahat. Itinuro niya lang naman ang ilang mga bagay na ayaw at gusto ni Shilo kay Karen. Kakausapin na lang niya si Joshua na si Karen muna ang temporary secretary ni Shilo habang naghahanap pa ito.
Pagkatapos niyang ituro ang mga kailangan ituro dito ay umakyat siya sa opisina ni Shan. Pagdating niya doon ay wala siyang nakitang tao sa secretarial table. Mukhang wala na talaga si Ms. Santaigo sa kompanya at nilipad na talaga ito. Nasa Bicol ang pamilya ni Ms. Santaigo at alam niya mas gusto nito sa Manila kaysa sa probinsya nito. Kaya nagtataka siya kung bakit bigla na lang itong nagpalipat.
Kumatok siya sa pinto ng opisina ng CEO. Narinig niyang sumigaw si Shan mula sa loob. Isang malalim na paghinga ang ginawa niys bago tuluyang pumasok. Nakatutok sa mga papeles si Shan. Isang linggo palang ito sa posisyon pero parang gamay na gamay na nito ang lahat. Naglakad siya sa gitna ng opisina nito. Doon lang nag-angat ng ulo si Shan. Isang ngiti ang sumilay sa labi nito.
"You took you time but it's okay. You can start now." Muli nitong ibinalik ang atensyon sa ginagawa.
Tumikhim siya para kunin ang atensyon nito. Muling napatingin sa kanya ang binata. "May kailangan ka pa ba?"
"May tanong lang sana ako."
Tumaas ang kilay ni Shan at sumandal sa upuan. "What is it?"
"I want to know why you doing this?" hindi niya matago ang sakit na nadarama. Alam niyang may alitan ang magkapatid. Hindi maganda ang relasyon ng mga ito base na rin sa mga obserbasyon niya.
"What do you mean, Ms. Salmingo?" nagtagpo ang mga kilay ni Shan.
"This. Kinuha mo ako bilang sekretarya gayong sekretarya na ako ng kapatid mo." Hindi niya mapigilang hindi magtaas ng boses.
Nawala ang ngiti sa labi ni Shan. Tumalim din ang mga titig nito. Ganoon lagi ang reaksyon nito kapag binabanggit niya ang pangalan ni Shilo o nababanggit sa usapan ang kapatid nito. Talaga ngang galit ito kay Shilo at siya ang ginagawa nitong daan. Hindi naman siya bobo para hindi iyon malaman agad. Pero bakit? Kaibigan lang naman siya ni Shilo.
"Ms. Salmingo, baka nakakalimutan mo, ako ang CEO ng kompanya. Shouting at me and questioning my decision is not a proper way to talk to your boss. Gusto mo bang mawalan ng trabaho?"
Natauhan siya sa ginawa. Bakit nga ba niya nakakalimutan na ang lalaking ito ang boss niya at anumang sandali ay pwede siya nitong tanggalin sa trabaho? Pumasok sa isipan niya ang mukha ng kanyang kapatid at mga magulang. Hindi niya pwedeng idamay ang mga ito sa nadarama niya. Kailangan niyang unahin ang pamilya kaysa sa sariling kaligayahan.
"I'm sorry, sir." Yumuko siya.
Hindi nagsalita ng ilang sandali si Shan. "Well, hindi naman kita masisi kung bakit bigla ka na lang nagtanong ng ganyan. I will clarify myself to you, Ms. Salmingo…" tumayo si Shan at humakbang palapit sa kanya. "...I personal choose my secretary. Hindi ako ang tipo ng tao na basta-basta na lang nag-hire ng empleyado. I make sure I choose the best. And also…."
Tumigil si Shan sa paghakbang ng isang hakbang me na lang ang pagitan nila. Nagwala bigla ang puso niya. Nanuot sa kanya ang amoy ng pabango na ginagamit nito. Napatulala na lang siya sa kagwapuhan nito. Napatitig siya sa mga mata nito na nakatitig sa kanya.
"…I don't mix business with emotion. Labas dito ang anumang alitan namin ng kapatid ko na alam kong alam mo."
Hindi siya nakapagsalita sa sinabi nito. Nakatulala lang siya sa harapan ng binata. Sinundan niya lang ang bawat buka ng bibig nito. Nakakahipnotismo ang labi nitong maliit at mapula. Ano kayang pakiramdam kapag hinalikan siya ng lalaki? Natigilan lang si Carila ng tumunog ang landline. Ilang beses siyang napakurap. Natauhan siya sa tinatakbo ng kanyang isipan. Bakit niya naman naisip kung ano ang pakiramdam na mahalikan ng isang Shan Wang? Nanginginig na lumayo siya sa binata.
"That's all I need to ask. Babalik na ako sa table ko." Natataranta niyang sabi at mabilis na lumabas ng opisina nito.
Umupo siya sa swivel chair niya na mabilis pa rin ang tibok ng puso at habol ang hininga. Ano bang nangyayari sa kanya? Bakit ba ganoon na lang ang reaksyon niya kapag masyadong malapit sa kanya si Shan? She doesn't know and she doesn't want to know.
NALAMAN NI CARILA ang ginawang pagwawala ni Shilo sa opisina ni Joshua at nalaman niyang nasugatan daw ito. Kaya naman mabilis niyang hinanap ang dating boss. Pangalawang araw niya bilang sekretarya ni Shan at maayos naman kahit papaano ang naging work flow nila. Naikot na niya ang lahat ng sulok ng building ay hindi niya pa rin makita ang binata. Nag-aalala na siya dito. Sinubukan niyang tawagan ito pero hindi ito sumasagot.
Iniikot niya ang parking area para hanapin ang sasakyan ng binata ng mahagip ng mga mata niya ang kotse ni Shan. Palihim siyang nagtago ng makita itong lumabas ng kotse nito. Nandito na pala ang amo niya. Ang sabi nito kanina sa kanya ay pupunta ito sa isang branch ng showroom ng furniture na parte ng kompanya. Nagsalubong ang kilay niya ng makitang may kasama itong babae.
"Thank you for the ride, Mr. Wang." Mapang-akit na sabi ng babae.
"Walang anuman. Basta ikaw." Hinakawan ni Shan sa baba ang babae.
Pinakatitigan niya ang babae. Pamilyar kasi ito. Nanlaki ang kanyang mga mata ng rumehistro sa kanyang isipan kung sino ang kasama ni Shan. The lady name is Arlene Palacio, ang nag-iisang anak ng isa sa share holder ng kompanya. Ang alam niya ay engage na sa batang vice president ng T.L Television Company ang babae. Anong ginagawa nito at bakit kasama nito si Shan?
Lalong nanlaki ang mga mata niya nang maghalikan ang dalawa sa parking lot. Hindi lang basta halikan. Shan is literary eating Arlene lips. What's really going on? May relasyon ba ang dalawa?
Hindi pa nakuntento si Shan. He touch Arlene butt and pinch it. Napanganga siya sa nasaksihan. Wala siyang alam sa bagay na iyon. For Pete's sake, she is a virgin. Wala siyang naging nobyo kaya talagang nagulantang siya sa nasaksihan.
"You kiss so good, Shan. " sabi ni Arlene at kinagat pa ang ilalim na bahagi ng labi nito.
"What can I say, I'm very good at anything." May pagmamalaking sabi ni Shan.
"Well, there's nothing I can say. So, I see you around. Call me when you need someone to fuck." Hinalikan ni Arlene sa pisngi si Shan.
Para siyang natuklaw ng ahas. Hindi siya makapaniwala sa narinig. Pumatol ang boss niya sa babaeng maypapakasalan na. Hindi lang basta halik ang namamagitan sa dalawa. Hindi siya makapaniwala na ganoon ang boss niya. A man whore. Malayo talaga ang ugali nito sa kapatid. Napalunok siya ng hawakan ni Shan ang labi. Isang ngisi ang kumawala sa labi nito. Agad siyang nagtago ng mapatingin sa direksyon niya si Shan. Bumilis ang tibok ng puso niya.
Anong sasabihin nito kapag nakita siya doon? Sasabihin ba nito na invading of privacy ang ginagawa niya. Ilang beses nagtaas baba ang dibdib niya. Pinalangin niya na sana ay hindi siya mapansin ng boss niya. Nang wala siyang narinig na kahit anong kaluskus ay muli siyang tumingin. Nakahinga siya ng malalim ng mapansin wala na doon ang boss niya.
Umayos siya ng tayo at huminga ng malalim. May ibang bagay siyang ipinunta doon. Naglakad na siya sa parking lot at hinanap kung saan ang pwesto ng kotse ni Shilo. Napangiti siya ng makita ang Toyota supra ng binata. Tinted ang kotse nito kaya hindi niya alam kung nandoon ba ang lalaki. Kinatok niya ang bintana. Napangiti siya ng bumukas ang pinto ng kotse.
Agad siyang pumasok sa loob. Napasinghap siya ng makita ang kamay nito na nakahawak ng mga sandaling iyon sa manebila. Panic got her. Hinawakan niya ang kamay nito.
"What happen to your hand?" tanong niya. Sinuri niya kung malalim ba ang sugat ng kamay nito.
"It's nothing." Binawi ni Shilo ang kamay.
"Let me see it." Muli niyang kinuha ang kamay nito.
Hindi na muling binawi ni Shilo ang kamay. Binuksan niya ang compartment ng kotse nito. Ang alam niya ay may medicine kit doon. Ginamot niya ang sugat nito at tahimik lang ang dating boss niya. Naging maingat siya sa paglalagay ng gamot sa kamay nito. Natatakot siya na baka lalong masaktan si Shilo. Binabalot niya ang sugat nito ng mapansin niya ang banyo sa dashboard. May dugo ang panyo na iyon. Kung ganoon ay iyon ang binalot ni Shilo sa sugat.
"Okay na. Wag mo lang masyadong galawin." Sabi niya at pinakawalan ang kamay nito.
"Thank you."
Tumingin siya kay Shilo at ngumiti. Napansin niya na malungkot ang binata. Alam niya kung para saan iyon kahit naman siya ay malungkot din. Iniwas niya ang tingin at sinimulang ligpitin ang mga ginamit sa paggamot sa sugat nito. Kukunin na sana niya ang panyo na may dugo ng unahan siya ni Shilo. Nagtaka siya sa ginawa nito.
"Ahm… Shilo, akin na ang panyo. Itatapon ko." Inilahad niya ang kamay dito.
Bumaling sa kanya si Shilo. Madilim ang mukha nito na ikinatakot niya. Ngayon niya lang nakita ang ganoong titig sa binata. Napalunok siya.
"It's mine. Lalabhan ko ito." Sagot nito at inilagay sa slack na suot.
Nagsalubong ang kilay niya. "Pero may dugo iyon. Mahirap na siyang labhan. Bibilhan na lang kita ng bago. Itapon na natin iyan." Pamimilit niya sa binata.
"I said NO." sigaw ng binata na ikinagitla niya.
Iyon ang unang pagkakataon na sinigawan siya ng binata. Bakit bigla na lang ito nagalit sa kanya dahil lang sa isang panyo? Noon naman kapag sinabi niyang itapon na ang isang bagay na hindi na nito magagamit pa ay agad na pumapayag ang binata. Ano bang nangyayari dito?
"Okay." Aniya kahit nasaktan ang puso niya sa ginawa nito.
Tumingin na lang siya sa labas para itago ang namumuong luha sa kanyang mga mata. Hindi na rin umimik si Shilo kaya lalong nasaktan ang puso niya. Tuluyang dumaloy ang luha niya kaya naman agad niyang pinunasan iyon.
"I'm sorry." Narinig niyang sabi ni Shilo.
Napatingin siya sa binata. Patuloy pa rin sa pagpatak ang mga luha niya.
"I'm sorry I shout at you, Carila." May pagsisisi na sabi ni Shilo.
Ngumiti siya kay Shilo kahit pa na umiiyak siya ng mga sandaling iyon. "It's okay. Hindi dapat kita pinilit. Pasensya na."
Huminga ng malalim si Shilo at pinunasan ang mga luha niya. "It's okay. Wag ka ng umiyak."
Hindi siya umimik. Niyakap na lang niya bigla si Shilo at sa dibdib nito umiyak. Natatakot siya ng mga sandaling iyon. Hindi dahil sa galit o pagsigaw nito kung hindi sa maaring pagbabago sa pagitan nila. Natatakot siya na baka isang araw ay wala na sa tabi niya si Shilo. Hindi niya alam ang gagawin kapag nawala ito sa buhay niya. Mahal niya ang kaibigan. Ito ang nilalaman ng puso niya mula noon hanggang ngayon. He is her first love and only love. Wala siyang ibang iibigin kung hindi ito.
Nasa ganoon silang posisyon ni Shilo hanggang sa tumunog ang phone niya. Kumalas siya sa pagkakayakap kay Shilo at kinuha ang phone sa suot na office coat. Nabasa niya ang pangalan ng boss niya. Tumingin muna siya kay Shilo. Nakatingin na ito sa labas. Sinagot niya ang tawag.
"Yes sir."
"Where are you?"
"Ahm… sa canteen po." Sagot niya.
Ilang sandaling hindi nagsalita ang boss niya. Tiningnan niya pa nga kung pinatayan ba siya nito ngunit hindi naman.
"Sir…"
"Return to the office now. I want Mr. Sanchez proposal." Malamig ang boses na utos nito.
Nagsalubong naman ang kilay niya sa pagbabago ng tono ng boses ng kanyang boss. Hindi lang iyon, pinatayan din siya nito ng tawag.
"Si Kuya ba iyon?" tanong ni Shilo.
Napatingin siya sa dating boss at tumungo. "Yes. May hinahanap siyang papeles sa akin."
"Go."
"Ha?" salubong ang kilay na tanong niya.
Tumingin sa kanya si Shilo. "Go. Puntahan mo na si Kuya. Kailangan ka niya."
Natigilan siya sa sinabi nito. Bakit parang iba ang kahulugan ng sinabi nito? Bakit pakiramdaman niya ay pinagtutulakan siya nito? Muli niyang naramdaman ang kirot na iyon sa puso niya. Gusto niyang sabihin na ayaw niya. Na ito ang nais niyang makasama pero hindi niya magawa.
"Lumabas ka na, Carila. Sige na. I be fine." Umiwas na ng tingin si Shilo. Binuhay nito ang makina ng kotse.
Wala siyang nagawa kung hindi sundin ang gusto ng binata. Bumaba siya ng kotse nito. Naka-ilang hakbang na siya ng marinig niya ang pagtawag sa kanya ni Shilo. Lumingon siya sa binata. Nasa labas na ito ng kotse.
"Let's have dinner later." Sigaw nito.
May humaplos sa puso niya ng marinig ang pa-anyaya nito. Matamis siyang ngumiti sa binata. "Okay. Later, Sir Shilo."
Hindi naman pala siya dapat mag-alala pa dahil mukhang walang balak si Shilo na baguhin kung anuman ang meron sila. Pwede nilang ipagpatuloy ang pagiging magkaibigan nila kahit pa na si Shan ang boss niya. Nasa kanila naman ni Shilo kung paano itutuloy ang kung anong meron sila.