Chereads / My Bossy Prince / Chapter 3 - CHAPTER 3 - ACCIDENT KISS

Chapter 3 - CHAPTER 3 - ACCIDENT KISS

Recess time na at Wala paring guro na dumadating, ngpasya si Janna at Lorrie na pumunta Ng canteen, ayaw Sana ni Janna dahil alam niya na siguradong mamahalin Ang mga pagkain nila ngunit ayaw Naman niyang magmukhang masama lalo na at si Lorrie palang ang naging kaibigan niya.

*SA SCHOOL CANTEEN*

"Lorrie mukhang Ang mahal ng mga pagkain dito di ako ganon ka yaman" nag'aalangang Sabi ni Janna

"tsk! sabi ko naman sayo na ako ng bahala, mamili kana. " sambit ni Lorrie

"Kung ano nalang gusto Mo"

"okey" pagsang'ayon ni Lorrie

Naupo si Janna sa pinakagilid na table ng canteen di Niya napansin na may isang lalaki na papalapit SA kanya.

"ikaw ba si Janna?" tanong Ng lalaki

"o'o" maikling sagot niya

"ako nga pala si Raymond, magkaklasi tayo" dagdag pa Ng lalaki na kaklasi pala niya

"ahh,, ganon ba?" tungon niya

"pwede bang tumabi Ng upuan?"

Tumingin si Janna sa buong canteen at marami namang bakanteng upuan. Dahil sa ayaw niya maging arrogante ay pinaupo niya nalang Ito.Mayamaya dumating na si Lorrie bitbit Ang tray na may lamang Lasagna and pineapple juice.

"Ohh ! andito ka pala Raymond" sabi ni Lorrie na maypaka gulat

"gusto kulang magpakilala sa bago nating kaklasi" tugon ni Raymond

"sinasabi ko sayo Raymond wag siya" sambit ni Lorrie na may halong pagbabanta

" Lorrie naman , wag mong sabihin yan SA harap ni Janna , baka akalain niya na masama akong tao"

Si Raymond ay tinaguriang Campus Badboy dahil sa malakas na charm at appeal nito sa mga babae, marami Ng babaeng nag'aaway'away dahil sa kanya kahit Wala Pa nga itong ginagawa. May share din ang mga magulang niya sa University ngunit di kasing laki ng share nila Anthony.

"bro!! dito?" biglang tawag ni Raymond

Si Janna ay tahimik lang na kumakain ng dalang Lasagna ni Lorrie. Tumabi ang isang lalaki sa kanya, lumingon siya para makita Kung sino ang tumabing lalaki. Sa kasamaang palad sakto ring lumingon Ang lalaki sa kinaruruonan niya at aksidenting nag'abot ang kanilang mga labi dahilan para bumalikwas si Janna sa upuan at nawalan ng balanse, maswerti siya at mabilis siyang nasalo ni Anthony bago pasya bumagsak sa sahig. Tama , si Anthony ang lalaking yon, ang maswerting lalaki na nakakuha ng kanyang first kiss. Ang lalaking tinaguriang Campus Prince.

Nagsimulang dumami ang mga tao sa canteen , rinig na rinig din Niya ang mga bulongbulongan.

"Sino ba Ang pangahas na babaeng Yan?" girl1

"Ang lakas Ng loob niya para lumapit sa prince ko" girl2

"balita ko Isa siyang transferree galing probinsya" girl3

"pano siya nkapasok sa school nato? ehh ,, mukha siyang pulubi" girl1

"Wag Mo nalang silang pansinin" bulong ni Lorrie SA kanya

"Get out!" sigaw ni Raymond sa mga taong nakapaligid at umalis Naman kaagad ang mga Ito.

Walang emosyon na tumalikod si Anthony sa kanilang tatlo at lumakad palayo. Naiwan siyang tulala at halos di makapagsalita dahil sa mga nangyari.

"bro... antayin mo ko,." nagmamadaling sambit ni Raymond Kay Anthony ngunit di siya pinansin nito at nagpatuloy lang sa paglakad.

"Nice to meet you , Janna .. see you sa later " sigaw ni Raymond na may kasama pang kindat.

Naiwan ang dalawa na tulala at halos di makapaniwala sa bilis Ng mga pangyayari.