"krrriiiiingggggggggggg, Kriiiiiiinnnnnnngggggggg, krrriiiiiiinnnnngggggggg" at Tumunog Ang bell , biglang bumalik Ang ulirat ni Janna sa pagtunog nito.
"Bumalik na tayo sa classroom, baka may teacher na" panimula ni Lorrie
"Mabuti panga" sagot naman niya
Habang naglalakad papuntang classroom nagkwentuhan ang dalawa . Napag'alaman niya na ang mga magulang pala ni Lorrie ay nasa abroad at sila lang dalawa ng nakababata niyang kapatid dito sa Manila na nakatira sa kanyang Lola. Napag alaman din niya na magkababata sila ni Raymond at matagal na siyang may gusto rito. Di lang niya ito masabi dahil nahihiya siya at dahil narin sa pagiging matinik nito sa mga babae.
*****
4pm na ng ma dismiss sila Janna
"uwi na ako Lorrie, at tutulong pa ako sa karinderia ng tiyang" paalam niya rito
"sigi mag'ingat ka " sabay kaway sa kanya
Mag'isang naglalakad si Janna sa tabi ng daan biglang may dumaan sasakyan dinaanan nito ang matubig na parti ng daan dahilan para mabasa siya.
"Pag minamalas ka nga naman, Ano bang problema ng saksakyang to?"
Ang tinutukoy nya ay ang Audi R8 na kaninang Umaga lang ay binusinahan siya ng pagkalakaslakas sa harapan ng gate.
Nang makarating si Janna sa bahay napansin kaagad ng kanyang tiya ang basa at madumi niyang damit.
"Anong nangyari sayo anak?"
"Nabasa lang sa daan tiyang habang naglalakad ako pauwi." nagmano siya sa kanyang tiya at napaalam na magbibihis muna.
Bumaba na si Janna para tulungan ang kanyang tiyang na bisingbisi sa karinderia. Alas 7 na Ng gabi sila natapos sa pagliligpit sa pagod ay agad siyang nakatulog.