Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

I Don't Wanna Miss A Thing

Sir_Pau
--
chs / week
--
NOT RATINGS
10.4k
Views
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 1: Anndrei Kimberly Cabezas

"Ok one last shot" at nilitratuhan na niya ang kanyang modelo. Mula sa pagkakatayo ay umupo siya sa upuan at ipinikit ang kanyang mga mata. Sobrang stress siya nang araw na yun dahil naghahabol sila ng trabaho. Well, kasalanan niya kung di dahil siya nagpapetiks petiks eh di sana matapos niya ng maaga ang trabaho.

"Miss Anndrei nakaayos na po ang mga gamit. Di pa po ba kayo magpapahinga?"

"Ok lang ba sa inyo na mauna na ako umuwi?"

" Sige po. Kami na po ang bahala dito."

"Ok sige salamat. Mauuna na ako." Paalam niya sa kasamahan niya sa trabaho na si Macy.

Mula sa pagkakatayo ay lumakad siya patungo sa parke kung saan nakaparke ang kanyang motor. Inumpisahan niya itong paandarin at dumiretso na pauwi.

Pagdating sa bahay niya, kung saan siya lang naman ang nakatira ay agad siyang tumungo sa sala at binuksan ang TV. Nanood ng palabas, palipat lipat hanggang nawili siyang manood ng isang teleserye. Habang nanonood ay may naalala siya.

Oo nga pala ako nga pala si Anndrei Kimberly Cabezas, isang photographer. Actually baguhan lang sa larangang iyon dahil malayo ang tinapos ko sa trabaho ko ngayon. Nakapagtapos ako ng Accountancy ngunit di pa ako CPA. Wala eh, mahina ang utak ko sa numero. Napilitan lang naman ako kumuha ng ganung kurso dahil sa Daddy ko. My Dad was a Certified Public Accountant. Sa sobrang pagsusumikap nito sa buhay ay naiahon nitong mag isa ang sarili sa hirap kahit na ulilang lubos ito.

Nakilala ng Dad ko ang Mommy ko sa isang event kung saan isa sa mga papangaralan ay ang Lolo ko. Yung Dad ng Mommy ko bilang isang tanyag na Engineer sa bansa.

Naputol ang pagmumuni muni niya nang may masagi siyang photo album. Agad niya itong tiningnan at binuklat. Ito ay mga litrato na kinunan niya nang siya ay teenager pa lamang. Bata pa lang kasi siya nakahiligan na niya ang Camera kaya madalas kumuha siya ng mga litrato.

Naroon pa ng minsa'y magpabili siya sa Mommy niya ng DSLR para maganda ang maging kuha niya sa litrato. Laging subject niya sa pagkuha ng pictures ang kanyang Mommy kaya tadtad ito ng picture sa isang photo album.

Habang binubuklat niya ang photo album ay may nalaglag ng isang kapirasong litrato. Tumambad sa kanya ang petsa na nakalagay sa likod nito. "February 14, 2010". Bigla siyang may naalala kung ano yun kaya tiningnan niya kung anong picture yun.

Nakita niya ang larawan ng isang binatilyo na nakayakap sa kanya ang isang dalagita. Halata sa mukha ng binatilyo na nahihiya ito at asiwa sa nangyayari habang ang dalagita ay tuwang tuwa sa mga kaganapan.

Napangiti na lamang siya dahil naalala niya ang tagpong iyon.