Laking tuwa ni Anndrei nang marating niya ang classroom nila. Hingal na hingal siya dahil sa takot na maabutan siya ni Tyrone. Hindi nga niya alam kung talaga bang hinabol siya nito. Basta tumakbo siya dahil sa takot.
Nang makaupo siya ay siya namang sipot ng isa sa mga kaibigan niya.
"San ka galing girl? Pawisan ka ah. Ano to? Jogging sa umaga because it is good to our health? Sinunod mo kaagad ang turo ni Ma'am Octavio sa Science?" Bungad sa kanya ni Sophia.
"Ewan ko sayo. Basta." Pagsasawalang bahala sa sinabi ng kaibigan.
Agad niyang nilingon ang upuan ni Tyrone. Wala pa ito. Bahala na kapag dumating ito doon. Tiwala naman ako na di ako makukompronta nito dahil may klase kami.
"Nga pala bakit wala ka sa ESP natin kanina? Late ka nu?" Sabi sa kanya ni Sophia.
"Hindi ah. Maaga ako, may pinuntahan lang ako." Litanya niya.
Muli ay tiningnan niya upuan ni Tyrone baka kasi nandun na ito eh wala pa teacher nila.
"Mmm I smell something fishy." Sabi sa kanya no Sophia.
"What?" Nakakunot noong tanong niya dito.
"Kanina ko pa napapansin eh. Lingon ka ng lingon sa upuan ni Mr. Oppa eh. Crush mo nu?" Panunukso nito sa kanya.
"Huh? Anong Oppa. Tigilan mo nga ako. Oppakan kita diyan eh." Pagsasaway niya dito.
Maya maya lamang ay nandiyan na ang kanilang Math teacher na si Mr. Romualdez. Eto pa naman ang pinaka ayaw niyang subject. Di naman siya bobo sa Math. Nakakaintindi naman siya. Kaso di niya talaga trip itong subject na ito.
"Ok bring out your assignment" sabi nito.
Napapikit siya sa inis. Naiwan niya sa isang bench kaninang umaga. Sa pag mamadali niya naiwan niya ito roon. Dapat kasi ay gagawa siya ng assignment kanina kung di lang siya hinabol no Tyrone. Kung hinabol nga siya.
"Bakit? Natatae ka?" Tanong sa kanya ni Sophia.
"Shunga! Naiwan ko yung assignment ko." Pagtatama niya dito.
"Wag ka na lang pahalata. Maglabas ka na lang ng ibang notebook. Kopyahin mo sagot ko." Sabi nito.
Duda ako sa sinabi nito. Dahil sa kanilang apat ay ito ang lowest sa kanila.
"Ano papilit? Di baling mali basta meron." Sabi pa nito sa kanya.
No choice siya nang kopyahin niya sagot ni Sophia. Kung katabi lang niya si Margaux di ako mag aalala nito.
Maya maya lamang ay nagchecheck na sila ng notebook. Yung mga notebook ng row four na gaya niya ay sa row two napupunta upang icheck ito. Same with row two silang mga row four ang nag checheck nun. Ganun din sa row one at row three.
Isang tinig ang narinig niya mula sa likod ang nagsalita sa teacher nila. Si Tyrone. Dumating na pala ito. Pasimpleng tumingin ito sa kanya.
"Sir yung chinechekan ko po na sagot ay hindi sa Math notebook nakalagay. Sa ESP po nakalagay." Sumbong nito sa guro nila.
Napansin niyang notebook niya yun. Napapikit siya dahil mukhang may balak itong ibuko siya sa harap ng klase.
"Kaninong notebook yan Mr. Cha?" Tanong ng guro nila.
Sinipat sipat nito yung notebook. Alam niyang may name yun. Kaya talagang kinakabahan siya. Kapag kasi nagalit ang Math teacher nila. Kung sino nagkasala ay sasagot sa board upang mag solve ng napakahirap ng word problem, at ayaw niyang mangyari yun.
"Sir, walang name na nakalagay. But sir may sagot naman po siya." Sabi nito.
"Ok. Kung kanino man yun. Ilipat na lang sa notebook sa Math." Sabi ng guro nila.
Napataas ang kilay niya dahil di nagalit ang guro nila. Bago yun ah. Pero mas nakapagpataas ng kilay niya ang sinabi ni Tyrone. Wala daw name ang notebook. Alam niya sa sarili niya na meron yun at madaling makita yun. But thank you sa kanya dahil pinagtakpan siya nito.
After ng klase nila sa Math ay nilapitan niya ito upang magpasalamat.
"Salamat ah." Sabi niya dito.
"Don't say thank you dahil pinagtakpan kita." Sabi nito.
Nagtaka man ay nagtanong siya dito.
"Huh? Bakit naman?" Balik tanong niya dito.
"Dahil may kapalit yung pagtulong ko sayo." Sabi nito.
Sinasabi na nga ba eh. May balak ito eh kaya siya pinagtakpan. Buong akala pa naman niya ay bukal sa puso nito ang pagtulong.
"You look disappointed Ms. Cabezas. Taka nga ako eh. Di ko akalain na di ka nagawa ng assignment." Sabi nito na may halong pang uuyam.
"Hoy. Nagawa ako ng assignement kaso--."
"Kaso naiwanan mo notebook mo." Putol nito sa sasabihin niya.
Nagulat siya dahil bakit alam nito.
"Gulat ka? Kasi nasa akin notebook mo." Pinakita nito ang Math notebook niya.
"Oy. Akin na yan." Tangka niyang aabutin yun kaso napakatangkad nito kaya di niya maabot.
"Ano ba sabi ko? May kapalit yung tulong ko." Sabi nito sa kanya.
Napabuntong hininga siya dahil wala na siyang magagawa. Nasukol siya nito. May alas ito laban sa kanya.
"Ano ba'ng kapalit?" Tanong niya dito.
"Ahm.. pag iisipan ko pa. Mamaya mo malalaman." Sagot nito.
"Make sure madali lang yan. Huwag mo akong pahihirapan ah." Sabi niya dito.
Nagkibit balikat lang ito at bumalik na sa upuan dahil dumating na ang teacher nila sa English.
Pagdating ng vacant period nila ay pumuwesto silang apat na magkakaibigan sa tambayan nila.
"Alam niyo ba girls itong si Anndrei muntik nang mabuko kanina sa Math Class." Pagbibida ni Sophia sa dalawa nilang kaibigan.
"Huh? Bakit? Wala ka bang assignment Anndrei?" Tanong sa kanya ni Margaux.
"Don't tell me Anndrei sa iyo yung notebook na hawak kanina ni Tyrone." Sabi naman ni Zoe.
"Tumpak! At narinig niyo ba? Di siya binuko ni Mr. Oppa kanina." Sabi ulit ng kaibigan niya.
"Pero nakita ko kayo ni Tyrone na magkausap. Ano pinag usapan niyo?" Tanong ulit ni Zoe sa kanya.
"Wala. Nag thank you lang ako sa kanya." Sagot na lamang niya.
"Weh? Ganun kahaba yung thank you? Tagal niyo magkausap?" Di naniniwalang sabi sa kanya ni Sophia.
"He asked you to go out?" Panghuhula pa ni Margaux.
"Hindi." Naiinis na sabi niya.
"Basta. Nag thank you lang ako. Yun na yun." Paliwanag pa niya.
Nagkatinginan ang mga kaibigan niya. Iniisip parin talaga niya kung anong kapalit ang hihingiin sa kanya ni Tyrone. Kung ano man yun, bahala na. Basta ang sakin matapos na yun kung ano man yun para balik sa normal ang takbo ng buhay niya.