Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

He Can See Me (Gavilian's Incident #1)

🇵🇭binseubanawa
--
chs / week
--
NOT RATINGS
10.4k
Views
Synopsis
Sabi nila 'True love can wait'. Paano kapag ang minahal mo ay isang imaginary friend? Na limitado lamang ang inyong pagsasama. Pagkatapos mong maging masaya sa piling niya ay saka lang siya magpapakita ng motibong mawawala siya? May forever pa kaya sila o wala na?
VIEW MORE

Chapter 1 - Unang Pagkikita

CAELUS POV

*Kring*

*Kring*

*Kring*

*Kring*

*BOOGSH!!!!*

"Ahhhhh!!!" ang nasabi ko na lang. Nahulog kasi ako sa kama kaya masakit. Tumayo ako at dumiretso sa cr at ginawa ang daily routine at yun ang pagliligo. Pagkatapos ay umalis na ako sa kwarto at pumunta na sa kitchen. As usual, wala akong kasama sa bahay at ang mga trabahador lang namin ang mga kasama ko sa bahay. Si mommy busy sa work and si daddy ay di ko alam kung saang lupalop nagpunta. Si mommy na lang ang bumubuhay sa'kin and I am their only child kaya spoiled brat ako. By the way, I'm Caelus Mytheon. I'm only 17 years old and I'm the one and only handsome in our school. Well, that's the truth.

"Oh my God nandiyan na si Caelus!!!"

"Wahhh Caelus!!!"

"Ang gwapo mo Caelus!!!"

Tsk. Ganyan na lang palagi ang naririnig ko sa mga babaeng nakapaligid sa akin.

Sabi ko kanina ay ako ang pinaka-gwapo sa school namin kaya ganyan na lang sila magsipagtili sa harapan ko. Dumeretso ako sa paglalakad ngunit may babae akong nakasalubong. Inilagan ko siya at ako ay na-out of balance.

Sheeettt!!!!! Pahiya ako. Plakda.

"What happened?!!"

"Anong nangyari kay Caelus"

Tinignan ko ang babae ngunit wala na siya. Lagot ka saking babae ah!!!

Tumayo na ako at pinagpag ko ang mga dumi sa uniform ko. Nandito na ako sa room ko. As usual ang boring!!! At sa hindi inaasahang pagkakataon yung babaeng kanina ko pa hinahanap ay nandito. Nakaupo siya sa kikod at nagtaka ako kasi hindi naman siya nagpakilala. At ang lupet pa hindi man lang siya nag-uniform at wala pa siyang bag. Anong klaseng mag-aaral 'to tsk.

Lumapit ako sa kanya ng galit. Tiningnan niya ako sa mukha at ngumiti.

'Ang ganda ng ngiti niya'

Erase!! Erase!! Ang pangit niya. Pagkatapos niya akong ipahiya tapos ngingiti siya diyan. Ang lakas ng loob ah.

"Hoy!! Babae ka!!"

"Ako?" turo niya pa sa sarili niya.

"Malamang ikaw. Ikaw lang naman ang tao sa row na 'to diba?" pangpipilosopo ko sa kanya.

"Pero bakit?" tanong niya pa sakin.

"Dahil ikaw lang naman ang taong ang lakas ng loob para pahiyain ako sa maraming tao."

"Kailan kita pinahiya?" tanong niya sa'kin.

"Kani-kanina lang nangyari. Huwag mong sabihing hindi mo na matandaan" nanggagalaiti kong sabi sa kanya.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo!!" sabi niya.

"Ulol ka!! Sinong niloko mo."

"Ano bang pangalan mo?" tanong niya sakin.

"Bakit ko sasabihin sayo pangalan ko. Sino ka ba?"

"I'm your Imaginary friend!!!" masiglang sabi niya.

"What the? Imaginary friend? Nagdodroga ka ba?!!"

"Wait lang kasi. Ikaw ba si Caelus Mytheon?"

"P-paano mo nalaman pangalan ko?" mahinahong tanong ko sa kanya.

"Because I'm your imaginary friend"

"What imaginary friend? Are you kidding me?" naiinis kong tanong sa kanya. Masyadong magulo siyang mag-explain tsk.

"No, sinong nagsasabing niloloko kita?" pagbabalik tanong niya sa'kin.

"Arrrgh!! Magulo ka pa sa magulo. Ang tanong ko, anong sininghot mo kung bakit ang lakas mong sabihin sa akin lahat ng iyan. At bakit mo iniiba ang usapan." sabi ko sa kanya. Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya at nararamdaman kong naiilang siya.

"Huwag ka ngang lumapit sa akin" aniya habang naglalakad siya patalikod.

"Bakit ko naman susundin iyang utos mo?"

"Hindi iyan utos. Isa iyang pahintulot"

"Sino ka ba sa akala mo? At ang lakas mong sabihan ako ng mga walang kwentang iyan" nanggigigil kong sabi.

Tinulak niya ako pero di ako nagpatinag. Inulit niya ang pagkakatulak sa'kin na mas malakas pa sa una kaya napalayo ako ng unti.

Humakbang siya patalikod at sa hindi inaasahang pagkakataon ay mapapahiga na siya kaya ang ginawa ko ay inalalayan ko siya sa likod gamit ang kamay ko ngunit ako ako na-plakda ulit.

Bwisit na buhay na 'to. Andaming nakatingin na mga kaklase ko. At nanindig ang balahibo ko ng nalaman kong ako na lang ang tao sa sahig. Nawala yung babae kanina.

Tumayo na ako at bumalik sa upuan ko. Nakakainis talaga ang babaeng yun. Pinapainit niya ang ulo ko. You'll pay for this miss and you will regret this.