Chapter 2 - Unang Halik

Recess time na at pupunta ako sa canteen para kumain na. Kailangan ko nang kumain ng marami dahil sa mga nangyari sa'kin kanina. Malas yang babaeng yan. Nasaan na kaya yun, baka nagpakalayo-layo na at natauhang wala siyang mapapala sa'kin. Pagkatapos kong bumili ay pumunta na ako sa room namin baka nandoon na yung science teacher namin. Luminga -linga muna ako sa school baka nandoon yung babaeng may sayad sa utak. Sabihin ba daw namang 'imaginary friend' niya. Ewan ko na lang kung hindi siya pagtawanan.

Pumasok na ako sa room at umupo na sa inuupuan ko sa last row. Buti wala pa yung teacher namin kaya nagpatugtog ako ng k-pop songs. Sabi nila kapag fan ka daw ng k-pop group it means na bakla ka na. Di ba pwedeng nag-i-stan lang ako. Secret ko yan dahil baka mabalitaan akong 'Isang gwapong nilalang, di umanong fan ng k-pop group' at ayaw kong mapunta sa ganun ang buhay ko.

"Hello!!"

"Waahh!!!!" sigaw ko. Tinignan ko kung sino yun at siya ang babaeng nagpahiya sakin. Bwisit ka talagang babae ka.

"Grabe ka naman sa'kin. Anong akala mo sa akin multo?" tanong niya sakin.

"Bakit ka kasi nanggugulat kitang nagpapatugtog ako." sabi ko.

"Sorry naman. Hello Caelus!!! Parinig nga" kinuha niya yung sa right side na airpods ko at pinakinggan iyon.

"Di mo sinabi sa akin na fanboy ka pala." sabi niya.

"Kaibigan ba kita para sabihin ko sa'yo kung fanboy ako."

"Oo, kaya nga 'imaginary friend eh'" nakangiting sabi niya.

"May sayad ka talaga. Atsaka bakit ka nandito. Classmate ba kita?" tanong ko sa kanya.

"Hindi, kaya ako nandito dahil sa'yo" sabi niya.

"Stalker ka no'? Isusumbong kita sa pulis. Alam mo bang nasa Intentional Injuries yan at pwede kitang ipakulong." nandidiri kong sabi sa kanya.

"Ang arte mo naman. Parang babae ka alam mo ba 'yun!!" sabi niya sa'kin.

"What? Babae ba ang ganitong mukha?" tanong ko habang tinuturo ko yung gwapo kong mukha.

"Wala naman akong sinabing mukha. Oo nga, gwapo ka pero kung kumilos parang babae tapos nadagdagan pa nung nalaman kong fanboy ka." papahinang paliwanag niya.

I knew it!!!

"Hindi porket ganito ako kumilos babae kaagad. At hindi lahat ng nagi-stan ng k-pop group ay bakla na. Alam mo bang kapag sinasabihan akong bakla..... hinahalikan ko" nagbabanta kong sabi sa kanya.

"Sige nga, for sure di mo kaya....." di niya na naituloy ang kanyang sasabihin dahil mabilis ko siyang hinalikan. Binitawan ko na ang paghalik ko at nakita ko ang kanyang pagkagulat.

"B-bakit m-mo ginawa 'yun" nauutal niyang sabi niya.

"Kapag sinabi ko ay gagawin ko." nang-aasàr kong sabi sa kanya.

Nagtaka ako bakit halos lahat ng mga kaklase ko nakatingin sa'kin na may halong pandidiri. Anong nangyayari? Haharapin ko na sana yung babae kaso nawala na lang siya na parang bula.

Creepy that girl!!!

Tumingin ako sa paligid na parang walang nangyari at dahan-dahang umupo sa upuan ko. Inantay ko ang ilang minuto dahil ang teacher namin ay hindi nakapasok pero may homework na pinapagawa. Nung natapos na ang science time ay pumunta na ako sa library para gawin ang research sa history. Ang arte ng history namin dahil ang gusto niya ay hindi kami kumukuha sa internet. Kailangan daw sa mga libro kami at doon mag-research. Pahirapan talaga sa history. Habang nag-re-research kami ay alam kong nandiyan yung babaeng parang kabute dahil pasulput-sulpot siya.

"Oh, ano na namang kailangan mo?" mahina kong bulong sa kanya baka masita kami ng nagbabantay sa library.

"Wala naman. Tinitignan ko lang kung anong ginagawa mo."

"Wala ka ng pakielam doon at huwag mo nga akong istorbohin may ginagawa pa ako eh" pakiusap ko sa kanya.

"Okay, goodbye" sabi niya at di ko na muling naramdaman ang presensya niya.

Ang bilis talaga niyang mawala. Ano ba talaga siya? Ganyan na ba ang mga stalker ko.

------

Nandito na ako sa room at nagsimula na ang discussion sa MAPEH pero ang dini-discuss ngayon ay health.

"Goodmorning class!!" pagpapauna ng guro namin sa MAPEH.

"Goodmorning teacher" tugon namin.

"You may take your seat silently. So class, our topic for today is all about corona virus. So corona virus is any of a group of RNA viruses that cause a variety of diseases in humans and other animals. Cold- or flu-like symptoms usually set in from two to four days after coronavirus infection, and they are typically mild. However, symptoms vary from person to person, and some forms of the virus can be fatal. Symptoms include: sneezing, running nose, fatigue, and a cough. Then in rare cases symptoms are fever, a soar throat, and a exacerbated asthma." mahabang paliwanag ni ma'm. Nilayag ko ang aking isipan at inantay na matapos ang klase at mag-uwian.

References: https/www.medicalnewstoday.com/articles/256521.php