Chereads / Nothing Without You / Chapter 2 - Chapter 1: One sided Love

Chapter 2 - Chapter 1: One sided Love

Warning: Romcom fiction story, don't make it serious..enjoy!!

Dale's P.O.V

Did you fell inlove? With a guy na hindi kanaman gusto!? I mean, one sided love! Yung tipong ikaw lang yung nagmamahal at hindi niya napapansin yung feeling niya para sayo! kaya muna gawin ang lahat para sa kaniya kahit nagpapakatanga ka lang sa wala..

"Wala ka bang balak na itapon yung mga Collection mo kay Lee Min Ho?" Sigaw ni Kuya

Nasa kwarto siya na parang may kalaban na liyon sa kwarto ko. Actually routine niya na linisin ang kwarto ko. Dahil siya muna ang Yayo ko. Simula pa bata ako si Kuya Yolo ang nag-aalaga sa akin, patay na si Mom dahil daw sa isang aksidente. yun ang sabi ni Kuya, pero hindi si Dad dahil nasa Abroad siya wala siyang ginagawa kundi magtrabaho ng magtrabaho dahil isa siyang manager sa maraming building pero ang pinaka center ng Corp, nang pinagtatrabahuhan niya ay J12 group.

"Hoy wag mo papake-alaman yan, kakalbuhin kita!" Sigaw ko

Lee Min Ho was my Oppa and my nampyeon (asawa) sheminay shemay! Charot! Pero syempre umaasa ako sa isang gwapong tulad niya. Baliw na kung baliw pero eto ako and nobody's can destroyed my feelings with him (Antaray!) Syempre sa pagiging baliw ko kay Min ho halos lahat ng Collection niya nasa akin Tarpaulin? Photo Albums? Stickers? Teadybears? Idamay muna pati ang kama ko mapapa sana all na lang ang iba.

kaya lumabas si kuya na may hawak ng walis tambo.

"Mangarap ka na lang ng dilat!" saka dinuro duro niya pa ang kaniyang walis tambo.

"May nangangarap bang nakapikit?" pamimilosopo ko rito at pinandilatan ko siya ng mata. Saka uminom ng Royal.

"Akala mo naman mapapangasawa yung mga Koreano!" pabulong na sabi nito

kaya agad naman nagsiakyatan ang dugo ko sa ulo. At napatayo ako saka uminom ulit ng royal.

"Ikaw nga eh ini-split ni Ate Zoe!" saka dinuro ko siya ng royal ko at nabitawan niya ang walis tambo

napatungo ito saka pumasok sa kaniyang kwarto. Napasimangot ako alam kong mali na ungkatin ko ang naging relasyon nila ate Zoe. Alam kong masakit parin sa kaniya ang nangyari, mahabang istorya at pag naririnig niya ang pangalan ni ate Zoe ay suma-sama ang timpla nito.

Kaya sinundan ko siya papasok sa loob ng kwarto. Wala na akong choice kundi mag-sorry!  Oo tama mag so sorry ako sa kaniya. Habang paakyat ako ng hagdan ay napapaurong ako sa sobrang kaba, alam kona hindi ito ang pagkakataon namin na nag-away kami ni kuya, maraming beses na. Masyado ko siguro siyang na judge.

Bago ako pumasok sa kwarto niya ay kumatok muna ako ng dalawang beses.

"Kuya."

Saad ko at pinihit ko ang doorknob ng dahan-dahan.

Pampawala ng galit niya ang pagbabasa ng Wattpad book. At syempre nakikita ko ngayon ang awra niya. Walang emosyon kumbaga may sariling mundo. Nakaupo siya sa sofa at tinatabunan niya ang kaniyang mukha ng isang makapal na libro. Kaya napagpasiyahan ko munang umaalis para mawala ang galit nito. Hindi pa ako nakakadalawang Hakbang ng bigla itong nagsalita.

"Akala mo mapapatawad pa kita?" medyo pagalit na saad nito kaya napahinto ako at tumingin sa kaniya.

"huh!?" naguguluhan na sambit ko rito. Ilang segundong namutawi ang katahimikan sa loob ng apat na sulok na kwarto.

"Pinagsasabi mo hindi kalang mahal ng taong mahal mo eh!" iling ko

"T-teka nga lang! mapanaket ka ehh!" Saka ibinaba niya ang libro sa lamesa at tinignan ako ng masama.

" Wala kasing poreber Yolo, I mean kuya!" Saka kinuha ang libro na binabasa niya. Agad naman siyang napatayo at akmang kukunin sa akin ang libro. Ayaw niya kasing tinatawag siya na Yolo, hindi ko alam kung bakit. Minsan din kasi may saltik ang Kuya ko minsan mabait minsan demonyo. . .

"Dale give me my book.."Utos nito

pero binelatan ko siya at tumalikod ako habang inaagaw niya parin ang libro niya. Ano kayang binabasa ng kumag na yon? Nang biglang mahawakan ng pinky finger ko ang pulang manipis na bagay at nalaglag ito sa sahig.

Passport?

At dali dali niyang kinuha ito at itinago sa likuran niya. Saan siya pupunta?

"Akin na!"

Sarkastikong saad ko sa kaniya pero napailing siya at napatungo. Saka itinaas niya ang kung anong bagay.

"Wag mong sabihing aalis ka?"

Saka tumingin ako sa kisame at napahawak sa bay-awang ko, nakakaiyak.

"Oo tama ka! Aalis ako.."saka siya bumuntong hininga at akmang lalapit sa akin pero itinulak ko siya saka umiyak ako.

"Iiwan muna ako.."

" Hindi kita iiwan! Babalik ako may kailangan lang akong aasikasuhin."

Mahinahon niyang saad saka pinunasan niya ang mga luha ko. Ganyan siya ka Concern si kuya yung tipong parang mo siyang Boyfriend pero actually bakla siya.

CamilleYue_Stories

1 month na ang nakalipas at oo iniwan na nga ako ng kuya ko pumunta siya sa korea dahil namatay si Daddy last week. Phnemonia ang ikinamatay ni papa, kaya ipagpapatuloy ni kuya ang nasimulan ni papa sa murang edad pa lamang.

Naglalakad ako papasok ng High Flame kung saan ako pumapasok at malungkot ako dahil wala akong kasama sa pagpasok dahil wala si Yolo,(ang kuya ko) Nakakapanibago pero nakasanayan ko na. Napahinto ako ng biglang tumahimik ang dinadaanan ko.

"Grabe ampogi talaga ni Caspian."

Naririnig kong bulungan ng mga babae na para bang runway ang dinadaan ni Caspian daw? habang umuulan.

Sino yung Caspian? Pogi ba yun? Then we'll see and prove it!!

Napahawi din naman ako kasama ng mga babae na parang natulak ako. Pati lalaki bumibigay narin?

"Ackkkk Caspian!" sigaw ng ilan sobrang kilig at ang iba ay nahimatay.

Ang cool niya maglakad straight body position siya Adams apple na nag pa-pop, sharpy nose, red smoothy lips, maputi at matangkad siguro ang tantya ko ay mga 5'9 ang height nito habang ako ay 5'2 lang. Mahirap talaga kapag pandak ka!

"Sh*t ambango niya." kantyaw ng ilan habang may banner pa.

Pero napahinto siya sandali at parang may tinignan na kung sino at napagawi ito kung saan ako naroon. At hindi ako magkakamali ngitian niya ako. At nagmumukhang pamilyar siya sa akin.

Pero hindi ko alam kung saan..

Nakakaantok ang time ng math, nagdudugo talaga ang ilong ko. At napapatango na lamang ako para hindi mapansin ng proffesor namin na hindi ako nakikinig. Para akong lutang na ewan! Kapag time talaga ng math.

"Ms. Saviena please stand!"utos ng proffesor kong kumag at napapikit pikit na lamang ako at napaturo ako sa dibdib ko.

"A-ako ba?" Paulit kong tanong sa mga kaklase ko.

"May iba pa bang Saviena dito."

Pambabara ng proffesor ko kaya nagtawanan ang mga kaklase ko. Nyemas tinawag pa ako!

"Solve this equation by using Chi-square!" medyo pinagkadiinan niya ang Chi-square. Kaya napaawang naman ang labi ko

Seriously Prof are you kidding me! CHI-SQUARE talaga??! Napatingin ako sa orasan at napangiti ako magtatime na.

"Ms. Saviena are you with us?"Saka tinap niya ang lamesa kaya nagulat ako.

Lima.....

Malapit na sige andar pa orasan

Tatlo...

Dalawa...

Isa...

pero kasunod naman nito ang pag ring ng bell

Awasan na!

"Okey! Class Dismiss!"

Lumabas na ang lahat sa klase at naiwan akong mag isa hinahanap ko yung kwintas na binigay sa akin, Yung batang nagligtas sa akin sa kidnap, hindi ko na matandaan ang mukha niya pero iniingatan ko ang kwintas na ibinigay niya sa akin at ngayon ay nawawala.

"Nasaan na ba yun!" Saka tinignan ang ilalim ng upuan ko pero wala akong makita na kwintas. Bumuntong hininga na lamang ako saka tumayo.

" Nakakainis! burara ka kasi Dale! Nyemas naman oh!"

"Tsk!"Naiinis kong saad sa sarili ko para akong mababaliw sa kakahanap ng kwintas na yun.

"Is this your Necklace?!"

Tanong ng nasa likuran ko mukhang pamilyar ang boses niya at napaharap ako. Ng ang humahawak ng kwintas ko ay si—

"C-caspian!" utal kong saad sa kaniya saka napatingin ako sa kwintas na hawak niya at kinuha ko agad ang bag ko saka hinablot ko ang necklace ko at tumakbo papalayo. Mabilis akong Pumara ng taxi saka inayos ko ang buhok ko.

Teka bakit ang init ng pisnge ko?

Ansarap sipain yung upuan ng driver! Saka sinampal ko ng mahina ang pisnge ko.

Bakit ako nagkakaganito? Oh no wag mong sabihin Dale na inlove ka sa isang Heartrob?

Nagsimula ng umaandar ang sinasakyan kong taxi. May music ang sinasakyan kong taxi for sure di ako mababagot kakatingin sa labas. Ng biglang huminto ang taxi. May isa pang sasakay binuksan niya ang right door ng kotse.

Naamoy ko ang pabango ng kung sino hindi naman driver parang pamilyar alam ko ang perfume na yun at napatingin ako sa kasama ko sa taxi. Halos malaglag ang panga ko.

"C-caspian?!" Bulong ko

napatingin nalang ako sa labas. Napayuko ako para hindi makitang namumula ako. Naalala ko yung Scene namin kanina. He's my crush when i was entered this flame University, syempre dahil nga pogi and exactly na sa kaniya na lahat ano pang hahanapin mo? Napahinto ako ng biglang tumunog ang favorite song ko.

♪Moments♪

(By: Christopher)

Please don't say a word

'Cause they all have been said now

Like a journey coming to an end

You say, Let it run like the river

Wild and without a care

Just like the days, we were young and fumbling

[Pre-Chorus]

Everything fades away

Let it go by with a flow

Really wish I could stay, but you know me. .

Tiningnan kong mabuti si Caspian. Busy siya sa kakabasa ng libro Parang si Yolo, nakakamis pala yung kuya mong madaldal.

"He's Caspian the Heartrob!" bulong ko

[Chorus]

All the moments we shared

Are not going anywhere

Never quite understood it when you told me

Just close your eyes

And I be right by your side

'Cause memories don't say goodbye

Diko namalayan malapit na pala ako sa bahay namin. At inumpisahan ko ng hanapin ang wallet ko sa bag para magbayad.

"Takte asan na yung wallet ko?" Bulong ko

"Dito na po ako manong." Mahinang saad ko at binuksan ko ang pinto ng kotse.

"Teka miss asan yung bayad mo?" Tanong ng driver ng taxi.

"A-eh kasi...A-no—" utal utal kong sabi rito

mautal utal kong sabihin hindi ko pwedeng sabihin sa driver na nawala ang wallet ko.

"ANO?" Galit na saad ng driver biglang lumabas si Caspian

"Eto! keep the change!" Saka ibinigay ni Caspian ang pera niya.

At napatingin ako sa kaniya at parang kinikilig ako. Ano ba Dale?

Humarurot ang taxi at napatungo ako sa sobrang hiya. Totoong nawala ang wallet ko hindi ko palabas na hindi magbayad sa driver.Agad naman akong nagpasalamat sa kaniya.

"T-thank you nga pala C-caspian."Utal utal kong saad saka tumungo. At sisimulan ko nang lumakad papalayo ng biglang kinorner niya ako sa pader nakatukod ang kamay niya sa pader.Napakunot noo ako bigla.

Crush weg ke nemen genyen!

"May kapalit yon!"Napataas siya ng kaliwang kilay.

"A-ano?!" Nakangiwing kong sagot takte matutunaw ako wag mokong titigan.

"Simple lang!" Saka ngumiti ito

Anong ibig niyang sabihin?

"Naghahanap si Mama ng katulong at ikaw ang napili ko pagsisilbihan moko." Bigla namang napataas ang kilay ko.

"Ano ka bata para alagaan, tyaka di ako nag aalaga ng Señior High tsk!?"

Tinanggal ko ang kamay niya malapit sa akin. Pero hindi na isang kamay ang itinukod niya kundi dalawa na, wala na akong takas dito.

"Tetriplihin mo ang bayad o tatanggalin kita sa High flame University." Saka ngumiti

Ano? Tetriplihin? Eh baon ko nayun ng isang linggo?

"Pag iisipan ko muna."

***

"Answer the phone Yolo.." saka itinapat sa tenga ko ang cellphone ko.

"Oh bakit?anong kailangan?" Sagot ng nasa linya antinis ng boses niya kaya nailayo ko agad sa tenga ko. At ibinalik kona sa tenga ko

Punyemas ka Kuya!

"Nyeta ka! Masisira Eardrum ko sayo eh!" Nakangiwing saad ko.

"Masanay kana! Miss mo na agad ako haha!" Saka tumawa siya at ako naman ay napairap.

"Yuck! Btw, Kuya may isa kasing Guy sa Campus na Hambog at mayabang na feeling pogi..eh ano kasi eh! May utang ako sa kaniya sa taxi kanina lang pero may bayad.." Saka nginatngat ko ang kuko ko sa daliri.

"Tapos?!"

"Ang bayad ay magiging katulong niya daw ako o papaalisin ako sa High flame.."malungkot na saad ko sa kaniya.

"Bakit hindi mo na lang tanggapin yung offer niya?" Tanong niya at napahiga naman ako sa kama ko at pinatay ko ang cellphone ko.

At tinakpan ko ang mukha ko ng unan. Kinuha ko ulit ang cellphone ko at tinawagan siya ulit.

"Bakit? Nanaman?"angal nito

"Ba bye!" Saka tumawa ako at pinatay ang cellphone ko.

Nakita ko ang bag ko medyo nakabukas ang Zipper nito kaya naengganyo akong buksan ito.

"Magic!"sigaw ko ng makita ko ang Wallet ko. Saka binato ko ang bag ko.