Dale's Pov
"Kami ang Wanna luv." Napanganga naman ako sa sinabi nila hindi pala sa sinabi nila kundi sa magandang view ang abs.
I beat my lower lip, yay! This is the beautiful view that i can't see before. Nakikita ko lang ito sa sa Facebook o kaya sa Youtube ngayon nasa harapan ko na at walang cut or delete scene kundi nasa reyalidad ako nakikita ko sila habang nag feflex ng katawan.
"So? Anong gagawin ko?" Pagmamataray na saad ko sa kanila.
Di porque pinakitaan niyo na ako ng abs feeling niyo magkakagusto na ako sa isa sa inyo. Anong bang pinag-iisip ko?
"Just tell us-" naputol ang sinabi nila nang may hawak na baseball bat si Caspian.
"May practice a, Mag damit nga kayo, hindi na kayo nahiya may babae sa harapan niyo?" Saka pinang papalo sa pwetan ang mga lalake pero mahihina lang iyon.
"Aigoo!" Angal ng ilan
Kahit pala masungit si Caspian mabait din pala siya gentleman at may concern sa babae. Isa-isa naman silang nagdamit kaya nawala ang magandang view i mean abs! Hahaha si Kade Omg! The hottest among them kung ako ang papipiliin si Kade na ang Sexy dude grabe anggulat ko nga e. Yun pala ang pinagtitilian ng mga babae ang Wanna Luv diko sila pinansin noon dahil alam kong popular sila a private person eh ako lower class lang! A hottest guy in High Flame an Heatrob sino ba naman ang hindi maiinlab sa kanila? Kung sa ibang babae baka naluwa na ang mga nito o baka nahulog na ang panti sa sobrang kilig. Posible din kayang maghubad sa harapan ko si Caspian? Ano kayang meron siya na wala ang iba? May abs kaya si Caspian? O baka naman wala. Ano bang pinag iisip ko? Tama na nga ang pagpapatasya Dale mas mabuti pang maglampaso ka na lang ng sahig o di kaya'y magluto ka na lang.
Ansakit ng katawan ko dahil ngayon ko lang nagawa ang lahat ng pag lilinis na hindi ko nagawa noon. Pero masasanay rin ako rito, kaya ko ito gagawin ko ang lahat para hindi ako matanggal sa Flame. Sana nga dati pa tumulong na ako kay kuya sa paglilinis. Nakakaramdam narin ako ng pawis marami akong mali pero itinatama naman 'yon ni Auntie. Sa unnag tingin akala mo mataray siya suplada o kung anumang tawag niyo dun pero sobrang bait niya. Mahigit isang buwan na akong nasa bahay ng mga Heritage actually normal naman lahat-lahat mabait na si Caspian sa akin hindi naman pala siya masungit tulad ng inaasahan ko. Ang funny niya nga e, pero sumasama ang timpla niya kapag umaaligid sa akin ang Wanna luv. Bakit nagkakaganoon siya anong problema niya sa Wanna?
Agad kong hinanap si Auntie Teresa. Nakita ko siya na may dalang tray na wine glass para kay Ate Hazel ang ate ni Caspian.
"Auntie Teresa bakit wala po si Caspian sa kwarto niya?" Tanong ko kay Auntie Teresa nagulat ako ng naihulog ang tray ng wine at nabasag ang tray ng wine. Agad na dumating ang ate ni caspian
"What's happening here?" Tanong ni Ate Hazel kay auntie tumungo agad si Auntie tanda ng pag galang
"M-maam Hazel nawawala po si Caspian di papo siya umuuwi." Saad ni Auntie Teresa.
"W-what?" Medyo natatarantang sabi nito, pumalapak siya ng dalawang beses mabilis na nagtakbuhan ang mga katulong at humilera.
"Halughugin ang buong bahay! Ang iba ay tumawag sa pulis." Natatarantang saad nito saka pumalakpak ng dalawa at mabilis nilang sinunod ito.
Napatingin sa akin si Ate Hazel.
"Dale come here mag usap tayo sa kwarto." Saka tumango at sumunod sa kaniya.
Ano kayang pag uusapan namin ni Ate Hazel? Medyo kaya ako na mismo ang bumasag ng katahimikan.
" Bakit po?" Nabasag ang katahimikan ng dahil sakin. Napalingon siya saka ngumiti sa akin.
"Salamat sayo kasi binago mo siya, dimo alam mahilig yan sa away,gulo also Frats i guest so, pero nung dumating ka sa buhay niya nagbago lahat, alam ko heartrob siya sa school niyo pinagkakaguluhan dahil nasa kaniya na lahat." Saka hinawakan ang kamay ko ng mahigpit.
"Pero—" naputol ang sasabihin ko ng senyasan niya ako.
"Shhss! Ako muna ang magsasalita, okey?" Saka hinaplos niya ang buhok ko at ngumiti bago magsalita. "Bakit ka niya naging katulong? Dahil gusto ka talaga ni Caspian matagal na dahil nung bata pa siya iniligtas mo siya kinid-nap siya. siguro kung di ka pumunta doon patay na si Caspian. Akala namin nina mommy patay nasi Caspian kasi hindi siya nagising ng dalawang araw! Pag laki ni Caspian lagi siyang may pasa may sugat sa mukha pero nung dumating ka nagbago lahat." Mahabang kwento ni Ate Hazel napaisip ako bigla
"So may gusto talaga sa akin si Caspian matagal na?at oo natatandaan ko rin na may bata na iniligtas ko sa pagawaan ng bomba, hinahanap niya ako matagal na?" Mahina kong saad pero paano niya ako nakilala for almost 10 years?
"Paano niya ako nakilala?" Tanong ko kay ate hazel pero ngumiti siya.
"Bakit hindi mo siya tanungin?" Saka lumabas si Ate Hazel at nagpahangin sa labas at ako ang naiwan na nakaupo sa kama niya na nakanganga at maraming iniisip.
***
Pinuluputan ko ng tuwalya ang basa kong buhok. Ansarap maligo! Sinuklay ko ang mahabang buhok ko. Saka nag lip balm ayan fresh name na ako. Lumabas ako ng C.R at tumambad sa akin ang mukha ni Caspian na nakangiti, kaya ngumiti narin ako, pero iba ang ngiti niya parang lasing siya. Mapunghay ang mga mata nito.
"Amoy alak ka!" Singhal ko kaya tumawa siya ng bahagya,tawa na may halong lungkot sa kaniyang mata.
"Dale *hik* wala na kami ng *hik* Wanna sira na ang Wanna sirang sirang na-"
nagulat ako ng natumba siya sa balikat ko kaya na out of balance kaming dalawa. Nagulat ako ng nadampian ako ng halik ni Caspian. Punyemas lasing pa! Sobrang lakas ng kabog ng puso ko bakit ganito ang nararamdaman ko?
Itinulak ko agad siya baka kasi maramdaman niya ang pagkabog ng puso ko. Naramdaman niya kaya?
First kissed with lasing...
Nagulat ako ng hinawakan niya ang kamay ko at malakas niya akong hinatak ulit kaya nahawakan ko ang dibdib niya.
"Ako ang pilipiin mo Dale, alam kong gagawin nila ang lahat para maagaw ka sa akin at hindi ako papayag na maagaw ka sa akin-"pinutol ko ang sinabi niya.
" A-ano bang pinagsasabi mo Caspian lasing ka lang e, alam mo ipagluluto na lang kita ng mainit na soup kukuha narin ako ng bimpo para mahimasmasa-"nagulat ako ng sinenyasan niya ako at tinapat ang hintuturo niya sa labi ko. Nakaramdam agad ako ng kuryente sa katawan.
"Shss.. I don't need your explanation, ako muna pwede." Saka hinaplos ang mukha ko hindi na ako naka angal kasi hindi siya mahihindian.
"Hindi ako lasing, totoo ang sinasabi ko, Listen! alam mo ba na hinanap kita ng sampung taon? ikaw ang batang nagligtas sa akin 10 years ago from accident. Ngayong nahanap na kita aagawin ka pa nila sa akin, hindi ako papayag hinding-hindi." Saka seryoso niya akong tiningnan.
Hindi makapagsalita hinanap ko din ang taong iniligtas ko 10 years ago. Nasa harapan ko pala ang batang iniligtas ko, walang iba kundi si Caspian Heritage ang Heartrob at tinitilian ng mga babae sa buong University. Pero paano niya ako nakilala?
"Looked this is my Necklace i'll give you before, akala ko nasa tabi kita pero hindi pala...nasa hospital pa ako dahil inoperahan ako sa puso. Akala ko mamatay na ako pero hindi. Nabuhay ako ng may kulang, hinanap kita binalikan ko yung kinid-nap tayo dati pero wala ka doon araw-araw akong pumupunta roon pabalik-balik nagbabaka-sakali na nandoon ka. Pero kailanman hindi ako sumuko."
Nag init naman ang sulok ng mga mata ko kaya tumingala ako para pigilan ko yun pero hindi napipigilan ang luha. Ilang segundo pa ay tumulo ang mga luha ko. Ano bang pwede kpng sabihin sa kaniya na ako rin ang batang iniligtas niya? 10 years ago..
"Because I'm Nothing Without You, Ms. Saviena Nothing more, Nothing less.."