Sjsnsjakalapwoejdndhdjdidkdkd ddjsjsjsnahwuwusjdjdjskaoasnsnsia
------------------
"Alam mo na pala ang lahat bakit ka pa nag pa-uto?" Nang aasar na sabi nung tao.
Oo hindi sya nakakatakot tingnan. Parang tao talaga sya pero nagdadalawang isip ako kung tao ba talaga sya.
'Ano ang gagawin ko?'
"Wala namang mawawala kung itatry diba?" matapang na sabi ko. Kailangan kong maging cool man lang kahit takot na takot na takot na takot akoooooo. Baka Gawin akong agahan no. May plato na, kutsara, Ta's kutsilyo pa.
Jusko po Jesus.
"Matapang ka" nakangisi nyang sabi.
Nasabi ko na bang pogi tong lalaking to??
Hindi agad ako nakakaappreciate ng kapogian pero now masasabi ko na pogi nga talaga sya.
"Mapansamantala ka, kayo rather." Matapang ko paring sabi kahit parang maiihi na ako sa sobrang takot. Sa buong buhay ko ngayon lang talaga ako nakaramdam ng sobrang takot!!!!!
'Wag kang mabulol, wag kang mabulol'
"Tingnan natin kung hanggang saan ka dadalhin ng tapang mo"
Tumango sya sakin?????????
"YAHHHHHHHHHHHHH"
napatingin ako sa likuran ko dahil dun nanggagaling yung sigaw.
Nanlaki ang Mata ko sa nakita KO.
Buti nalang nakaiwas agad ako.
Si kustsilyo may hawak hawak na ding kutsilyo at sasaksakin na Sana ako buti nakailag ako.
So Hindi pala ako ang tinangoan nya kundi yung nasa likuran ko pala.
Mahaba habang umaga to.
Panay iwas lang ako.
Buti nalang may konting kaalaman ako sa pag iwas. Kasi palagi akong binabato ng teacher ko ng marker kaya medyo may karanasan na ako sa pag ilag.
Pati yung ibang bagay gaya nina plato takuri ay may dala dalang kutsilyo na maliliit na kahit hindi ko alam kung tunay ba......
Napaatras ako at napatigil sa pag galaw.
Hinawakan ko ang pisngi ko.
Pagtingin ko sa kamay ko.
'DUGOOOOOOOOOOOOOO'
So totoo ang gamit nilang kutsilyo kahit maliit ito?
"Oh by the way I almost forgot totoo yang mga dala nilang kutsilyo. So you better watch out. hahahahaha"
Tiningnan ko ng masama yung lalaking yun bago tinoon ang atensyon ulit sa mga bagay na to.
Sino kaya ang may gawa ng kutsilyong yun???kahit .000000001% ang chance kapag nakaligtas ako dito hahanapin ko yun at ako ang papatay sa hinayupak na yun!!!!!!
Hindi kapani paniwala. Pero sheeeeeetssssssssss lang hindi ako mahihirapan ng ganito kung panaginip to.
Susugod na Sana ulit sina kutsilyo ng biglanggggggggg......
"BRGGGGGGGGGGGGGGGGGG" sa dami rami ng nangyari sakin ngayon. Sumabay pa talaga ang tiyan ko. Aissssssssssh.
Maging professional ka naman tyan!!!!!
Gusto ko ng maiyak!!!!!!!!
Ano nalang sasabihin nila???
Nabawasan na ang angas kooooooo!!!
Wow ha! Wow ha! Ezey sa dinami rami ng iisipin mo yan pa talaga ang prinoblema mo??? Isipin mo kaya kung pano makalayas ditooooo!!!?
Pero kahit na tumunog ang tiyan ko sinugod parin ako, nauuna si kutsilyo. May lihim talaga na galit sakin tong kustilyo na to.
Ilag ilag lang ako.
"Owwww. Kaya ka pala nila hindi niyaya nila kagabi na kumain at pati kanina ay para wala kang lakas. Pero bilib talaga ako sayo. Hanggang ngayon hindi ka parin sumusuko."
Naririnig kong sabi nung tao.
Nakatayo parin sya at parang nag eenjoy sa pinapanood nya. Yung parang nanonood sya ng action movie tas malapit ng mapatay ng bida ang kontra bida. Taeng pagmumukha yan!!!!!
Tae ka. Pag ako natapos dito ikaw ang kakainin ko este ikaw ang susunod na gugulpihin ko!!!!!
Sinipa ko yung cabinet na nasa likuran ko.
Muntikan na yun ah. Buti napansin ko na paparating na pala sya.
Akala ko masisira yung cabinet dahil napalakas ang sipa ko dito at tumama sa puno pero nagkamali ako. Parang walang nangyari dito at sumugod nanaman sakin.
"Hindi pala sila nasisira or nababasag. Haha hahaha. Ma's mabuti pang sumuko ka nalang wala ka nanamang magagawa eh. Hahaha hahaha" tuwang tuwa na sabi nya.
'Oo wala akong panlaban kung hindi nasisira o di kaya nababasag tong mga bagay na to. Pero ayaw kong sumuko ng hindi lumalaban. Gusto ko pang umuwi. Namimiss ko na si mama, si papa.
Napahinto ako bigla sa naalala ko.
Sina mama at papa nga pala. Baka hindi sila nakatulog kagabi dahil hindi ako umuwi.
Napabalik ako sa realidad ng mutikan na pala akong matamaan ni kutsilyo.
Really!?? Sya ba talaga papatay sakin????
Pilit parin akong umiilag at kung may pagkakataon sinisipa at sinusuntok ang mga bagay na kaya kong tamaan.
"ARGGGGGGGGGGGHHHHHHHH" napadaing ako sa ng bumagsak ako sa sahig.
Kahit hindi ko tiningnan. Alam ko na pinapalibotan na nila ako.
Hingal na hingal na ako.
Pinunasan ko ang pawis sa noo ko.
'Kataposan ko na ba talaga??'
' Ma Pa, sorry, Sana hindi kayo mag alala na hindi na ako makakauwi. Sorry dahil ang salbahe ko'
Pinikit ko nalang ang aking mata at hinihintay ang kataposan ko.
Siguro oras na, na hindi na ako lumaban at sumuko na.
Kahit maliliit na kutsilyo yun alam kong kayang kaya akong patayin nun. Sa dami ba naman nila. Sigurado akong ubos ang dugo ko.
Hindi na ata matutupad ang kahilingan ko na sana busog ako pag mamamatay na ako.
"HAHAHAHA. So hanggang dito lang pala ang kaya mo. Hindi ko inaasahang aabot ka hanggang ngayon. Hindi na rin masama. Hahahaha"
"Ezey! Ezey! Tara kain na anak."
"Ang bilis mong matotong mag drive anak..Chen tingnan mo si Ezey marunong na!!"
"Ang galing mo naman anak."
Kinuyom ko ang kamao ko.
"NOOOOOOO!!!!
Ramdam ko na may parang paparating kaya umiwas agad ako at hinarap sila.
"Sumuko agad? Wala ata yan sa vocabulary ko." Seryosong sambit ko.
'Hindi ako pwedeng sumuko nalang. Kailangan ko pang umuwi. Kailangan kong humingi ng tawad kina mama at papa.'
"Haha hahaha hah. Interesting. Haha hah haha" susugurin na sana ulit nila ako ng may biglang humarang?????
Isang nakahood. Yung parang mahabang tila na hanggang sa sahig na may hood?? Ewan anong tawag nito pero Basta ganon.
"Anong ginagawa mo dito?" Naiinis na sabi nung tao kanina.
"Hanggang ngayon ba naman? Piangtritripan mo ang mga taong naliligaw sa gubat na to?" Sabi nung kakarating at base sa boses nya. Babae ito.
"Wag kang makialam dito Luna. Teritoryo ko to kaya pwede kong gawin ang gusto kong gawin." Halata parin sa boses nya ang inis.
"Sorry pero hindi ako nakikinig kung ano man ang sabihin mo." so luna pala pangalan nya.
"Pabayaan mo tong batang to." May pagbabanta sa boses nya.
Lord?? Ito po ba ay anghel na pinadala nyo para sakin??
Ibig sabihin po ba nito?? Pwede pa po akong magbago pag nakauwi ako sa bahay namin????
"SA TINGIN MO PAPAYAG AKO?" Inis na sigaw nung lalaki.
"Hindi." Simpleng sagot ni Luna.
"ATAKIHIN SILA!!!!" Utos nya sa mga bagay at agad namang kumilos yung mga bagay......
"BLAGGGGGGGGGGG!!!!"
May bumagsak galing sa lupa.
Napuno ng usok ang buong paligid.
Wala akong makita puro usok lang ng biglang may humablot ng aking kamay.
'akala ko tapos na. Hindi pa pala!!!!!'