Chereads / Ezey Lost? / Chapter 8 - Anong Kailangan Nya Sakin?

Chapter 8 - Anong Kailangan Nya Sakin?

Ahabwvsnakqokakansbsusjsjsnssbss

---------------------------------------------

"Pano ka napunta dito?"

Derechang tanong nung humablot sakin kanina nung nakalayo na kami dun sa kung saan kami kanina.

Medyo nanginginig na ako ngayon.

Ngayon lang ata nag expire ang tapang tapangan ko.

Napaiwas ako bigla ng tingin kay Luna dahil sa tanong nya.

Oo si Luna ang humablot sakin kanina.

Hindi ako makasagot.

Ngayon ko lang na realize lahat lahat na napakasama pala ng ginawa ko. Napakachildish.

Pero ok na tama naman ata ang ginawa ko diba??

Ngayon ko lang naisip dapat maging masaya pa nga ako dahil wala na sila sa buhay mo. Ako ang bubuhay sa sarili ko at wala ng sila na mangingialam sakin.

Ayaw kong sabihin kung bakit ako napunta dito pero ano naman ngayon?

Paki nya naman siguro kung lumayas ako right?

"Lumayas ako saamin"casual na sabi ko.

"Tss" rinig ko ng nag TSS sya.

"Yan maglayas ka pa. Tas doon ka pa pumunta. Ang tibay mo. Hindi ka ba natatakot sa mga sabi sabi sa kagubatang to? Bilib talaga ako sayo." Napapailing na sabi nya.

"Kakalipat lang namin nung isang araw kaya hindi pa ako familiar sa lugar sa bayan na to." nakataas ang kilay na sabi ko.

"Tibay mo talaga. Naglayas agad kahit hindi mo pa alam ang lugar na to. Alam mo bang ang lugar na to ay maraming kababalaghan? Yung nasaksihan mo kanina ay isa lang yun sa marami. Pano ka nalang pala kanina kung hindi kita tinulongan? Eh di naging laroan ka nung Ken na yun?Tss." Hindi ko maintindihan kung galit ba sya o naiinis.

"Dapat na ba akong magpasalamat sayo?." tss. ang yabang. Nailigtas lang ako eh. Tss

Nakita ko na nagbago ang expression nya sa mukha.

"What?!" nakataas parin ang kilay na tanong ko.

Napapailing nalang sya bigla.

Problema nya??

.

"Tao nga naman." napapailing ulit sya habang sinasabi yun.

Anong ibig nyang sabihin??

"BLAGGGGGGGGGGGG!!!"

Napaubo ako bigla dahil sa usok na lumabas. Parang yung usok kanina yung tinulongan nya ako.

"Luna?" tanong ko pero walang nasagot.

Ubo parin ako ng ubo hanggang sa mawala ang usok.

Napatingin ako sa taong nasa harapan ko ngayon.

Hindi sya si Luna. Hindi rin sya si yung taong nasa bahay kanina. Alam ko na kanina pa nung tumayakbo kami ni Luna may nakasunod saamin.

Isang babae na nakasuot ng isang napaka sexing damit. Kahit sa panaginip hindi ko pinangarap na magsuot ng ganyang damit.

Yung parang halos kita na ang kaluluwa mo.

Parang masusuka ako.🤢🤢🤢

Tinitigan nya ako ng nanlilisik ang mata.

Ewan pero parang alam ko na nababasa ni Luna ang isipan ko. ewan pero parang ganon talaga ang feeling ko. kaya Nagtry ako, bigla kong iniba yung nasa isipan ko at nagtagumpay nga ang plano ko dahil umalis sya. Or nagkataon lang?? Pero bahala na ang mahalaga umalis na sya.

Alam ko na kaya nya akong ipagtanggol ngayon gaya ng nangyari kanina pero ako ang pakay ng babaeng to. Sakin lang nakapokus ang attensyon nya habang tumayakbo kami. At sa tingin ko kaya ko naman sya. Hindi ako nagmamayabang pero ayaw ko lang na madamay nanaman dito si Luna. Ok na yung unang beses nya akong tinulungan.

"anong kailangan mo." hindi patanong ang pagsasalita ko kundi punong puno ito ng awtoridad na sagotin nya ang tanong ko.

"Ikaw ang kailangan ko." malanding sabi nito.

Bakit nya ako kailangan???

Napaisip ako bigla.

Ano nanaman kaya ang kaya nyang gawin??? Itong kagubatan na ito ay hindi pangkariwan ang nasa loob nito.

Kaya dapat ndi na ako mag expect na may normal na tao dito na kagaya ko.

"I like your eyes. Hahahahahahhahaha" malanding tawa nanaman nito .

Baliw pala to eh. Kung gusto nya akong landiin wala yang effect kung yung tao pa sana kanina sa bahay ang pinarinig nya ng tawa nya baka nainlab pa yun agad sakanya.

Habang nag iisip nanlaki nalang bigla ang mata ko ng makitang mga nasa 12inches nalang ang layo ng kamay nya sakin.

Bigla syang lumipad at sumugod sakin. Nauuna ang kamay nya na parang may gustong kunin.

Dahil sa adrenaline rush. Napaiwas agad ako. Adrenalin rush ba talaga yun???

Umilag agad ako sa gilid at dumerecho sya sa paglipad dahil hindi nya inaasahan na makakaiwas ako.

Bumagsak sya ng pasweet sa lupa.

Tae tong babaeng to.

Mapapasana all nalang talaga sa hinaharap nya. Sad to say hindi ako biniyayaan eh. Bakit sa ganitong babae pa ang biyaya napunta?? Tss.

Yung tumatawa kaninang babae ngayon nakatingin na sakanya ng nanlilisik ang mata.

Tumayo ng maayos ang babae at hindi parin nito inaalis ang tingin sakanya. Nanlilisik parin ito. Titig na titig talaga sya sa mata ko.

Bakit?? May muta pa ba ako??? Kinapa ko ang mata ko baka meron nga pero wala naman.

Ano kayang kaabnormalan tong babaeng to? At anong kaabnormalan ang gusto nito saakin??

Tinitigan ko din sya. Parang may kung anong humihila sakin.

Parang isang force na hindi ko maexplain.

Bigla syang ngumisi.

Sumugod ulit sya sakin and this time hindi agad ako nakaiwas sa biglaang pagsugod nya kaya nahuli nya ako.

Nakahiga ngayon ako sa damohan.

Habang sya nakapatong sakin.

Nasusuka na ako ngayon!!!!!!

Ang lapit lapit pa ng mukha nya.

YUCKSSSSSS!!! EWWWWWW!!!

OO NAGING MASAMANG BATA, ANAK, TAO, NILALANG AKO PERO WAG NAMAN SANA AKONG PAPARUSAHAN NG GANITO!!!!!!!!!!

Habang nagsisigaw ako sa isip ko. Nanlaki ang mata ko ng dahan dahan nyang nilapit ang kamay nya at parang may kukunin.

Nagpumiglas ako ng nagpumiglas

"HAHAHAHAHAHAHAHHAHA" ayan nanaman ang malanding tawa nya. Nakakaduwa.

Papalapit ng papalapit ang kamay nya sa mukha ko. Yung kuko nyang matutulis malapit na sa pagmumukha ko.

Hindi parin tumitigil ang pagtawa nya kahit naka slow motion ang kamay nya na papunta sa mata ko?????

Dito papunta sa mata ko eh. Sure ako. Dito nakaderecho.

NOOOOOOOOOOOOOOO!!

Nagpumiglas ako lalo. Oo aaminin ko malakas sya pero hindi ako papatalo. Ano pa't nagyabang ako na kaya ko sya kaya ko pinaalis si Luna kanina.

Hindi ko rin maexplain ang nangyayari sakin simula kaninang umaga pero go with the flow nalang ako.

Sa pagpupumiglas ko ulit natabig ko sya pakaliwa ko. Dahil medyo na out balance sya. Dali dali akong tumakas sa pagkakadagan nya sakin kanina.

Tinignan nya nanaman ako ng nanlilisik ang mata.

"EYES!!!!!EYES!!!!!EYESSSSS!" nanlilisik at galit na sigaw ng babae.

Medyo naging nakakatakot sya now.

Hmmmmm???

So i therefore conclude na yung mata ko ang gusto nyang kunin saakin?? Kaya ba palagi syang nakatitig sa mata ko kanina?? Malamang sa mata naman talaga titig yung tao diba??

"EYESSSSSSSSSSSSSS!!!!" susugod na ulit sana sya pero biglang....

"AWOHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH" pagkarinig na pagkarinig ko nun.

Parang hindi maganda ang pakiramdam ko dun.

Napabuntong hininga ako.

Mahaba habang umaga pa talaga to!!!!!!!!

-----------