Chereads / Boy in Denim Jacket / Chapter 89 - Relationship Advice from a Single

Chapter 89 - Relationship Advice from a Single

"Nag reply na mama mo?"

Tanong sakin ni Micah habang tinitignan na niya ako. Hindi ko pa sinasagot ung tanong sakin ni Micah kase hinihintay ko pa ung reply sakin ni mama.

"Pwede raw basta wag lang magpapagabi."

Sagot ko nung makapagreply na sakin si mama. Yes~! Pinayagan ako~!

"Gago malayo ung bahay na pupuntahan natin!"

Sabi naman sakin ni Lara dahilan para mapatingin na ako sakaniya at makitang nakatingin na rin siya sakin.

"Ano bang paalam mo?"

Tanong naman sakin ni Chin habang tinitignan niya na rin ako. Tinignan ko ulit ung phone ko for assurance at saka ibinalik ko na sakaniya ung tingin ko.

"Malapit lang dito sa school ung bahay nila Jasben."

Seryosong sagot ko sa tanong sakin ni Chin sabay lock na ng phone ko.

"Gago ka! AHAHHAHAHAHAHAHHAHAHA!"

Sabi ni Micah habang tumatawa na siya, tumawa na rin sila Lara at Chin dahil sa sinagot ko.

"Di ako papayagan pag sinabi kong malayo bahay nila Jasben!"

Pagdadahilan ko naman sakanila na parang isang batang hindi bibilhan ng laruan na gusto niya.

"Okay na kayo?"

Tanong samin ni Jasben habang tinitignan na niya kaming apat nila Lara, Chin at Micah.

"Pinayagan na si Yvonne ng mama niya."

"Pero ung paalam malapit lang dito sa school ung bahay mo."

"AHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHA! Putangina!"

Natatawang sabi ni Ceejay ng marinig ang sinabi ni Lara, dahilan para matawa na rin ung iba pa naming mga kasamang naghihintay.

Ilang saglit pa ay naglakad na kami papunta sa elevator para makalabas na ng school namin at makapag byahe na papunta sa bahay nila Jasben. Tough ride though. Pahirapan sumakay ng jeep kasi unahan tapos trapik pa kaya kokonti rin ung jeep na nakikita naming papunta kila Jasben dahil inabutan na kami ng rush hour. Kabado ako pero at the same time excited din kasi ngayon lang nanaman ulit ako nainvite sa birthday celebration ng isang kaibigan. Yeah… corny ko. Sorry, ha. Ngayon na lang kasi ulit makakapunta sa birthday celebration ng hindi kasama pamilya o kamag-anak ko, eh.

So ayun, mahaba-haba ang byahe at nasa kani-kaniya kaming mga mundo. Habang nakatingin lang ako sa bintana ng jeep ay naisip ko ung convo namin ni Ashley last month bago siya makipag break kay Yohan.

Summarize ko na lang pagkukwento ko about dun kasi recap lang ang ikukwento ko sainyo. 'Di ko na gagawing detailed para na rin sakaniya. At heto nanaman ako nakikipag usap sa sarili ko sa utak ko, as if naman masusulat ko 'to at makabuo ng novel galing sa kwentong 'to.

Eto na nga! Dami kong satsat! So… nagchat sakin si Ashley last month, nangangamusta ganun. Bihira na lang din kasi kami magkita kahit na nasa parehong school kami. Mga busy sa kani-kaniyang mga school works and activities, eh. Tapos nagulat ako nung bigla siyang nanghingi sakin ng opinion tungkol sa dalawang taong nasa loob ng isang relasyon. Matagal na raw na sila, but then may nakilala daw itong si girl na lalaki. Ung saya at kilig na hindi na niya nararamdaman sa boyfriend niya ay naramdaman daw niya ulit, pero ung bagong guy ung nagparamdam sakaniya nun at hindi ung boyfriend niya.

Yeah… hindi pala 'to summary, parang mahaba pa 'to, eh. Mabalik tayo, tas tinanong ko saang part gusto niya hingin ung opinion ko about dun. Sabi naman niya ano raw, dun daw sa part na nagkakagusto na raw ung girl dun sa new guy tapos mutual daw ung feelings nila sa isa't isa. Ano raw gagawin kung napunta na sa part na ganun. Well, first of all, nagtataka ako bakit nagtanong sakin ng ganyan si Ashley kasi alam naman niyang hindi pa ako nakakapasok sa seryosong relationship. Pero shempre as her friend, binigay ko na lang din ung hinihingi niya.

Tinanong ko siya pabalik kung masaya pa ba ung girl sa relationship niya dun sa boyfriend niya, sagot naman ni Ashley hindi na raw. Tinanong ko kung masaya ba si girl dun sa new guy na nakilala, sagot naman niya oo raw, kaso in a relationship din daw ung new guy. Ayun lang. So sinabi ko na lang kay Ashley na kung di na happy si ate girl dun sa long-time boyfriend niya, shempre makipag break na. Mapapagod lang din sila pareho sa relasyon nilang hindi na healthy. Then tinanong ko kung napag usapan na ni girl at nung new guy kung ano gagawin ni new guy sa current relationship niya sa girlfriend niya, sagot ni Ashley oo raw.

Sinabi ko na lang kay Ashley na maghintay na lang siya kay new guy ganern. May part pa siya na kinuwento sakin pero ikikeep ko na lang un dahil pinagkatiwalaan niya ako sa information na un at ayokong masira ang tiwala at friendship namin dahil sakin. Then tinanong niya na what if daw kung siya ung ate girl na tinutukoy niya kanina ganern, sabi ko naman na susuportahan ko siya kasi happiness at mental health nila ni Yohan ung nasasacrifice sa relationship nila. Kaso natatakot daw na hiwalayan ni Ashley si Yohan dahil… pano ko ba 'to idedescribe? Hindi ganun ka-okay ung mental health ni Yohan. Yeah… sugar-coated. Hindi talaga okay ung mental health ni Yohan. Not sure since when though.

Take your time para makapag-ipon ng courage, sabi ko kay Ashley, sabi naman sakin ni Ashley na nagbabalak daw siyang hiwalayan na si Yohan sa katapusan ng February. Tapos sabi pa niya sakin na alagaan ko raw si Yohan since kuya-kuyahan ko naman siya, hindi naman na ako pumalag kasi un na lang din ung magagawa ko para kay Yohan as a friend din na parang bunsong kapatid na ang turing sakin. Wala lang, naalala ko lang kasi na may nasabi akong astig kay Ashley. Charot. AHAHAHHAHAHAHAHA!

Pero kwento naman niya sakin kahapon ata un, na nakipag break na siya kay Yohan at nag-iiyakan daw silang dalawa sa loob ng convenience store. Oo, masakit kasi bibitawan mo ung tao at bagay na pamilyar ka na within those three years, pero shempre importante rin ung happiness at mental health pagdating sa mga relationships, kasi baka nasasaktan niyo na ng sobra ung isa't isa tapos un pa ung maging dahilan kung bakit magkakadevelop pa kayo ng traumas or issues. Mahirap magheal sa mga ganung bagay. Believe me.

I'm happy for Ashley kasi shempre pinipili niya ung happiness niya kesa sa familiarity na nakakapanakit na sakanilang dalawa ni Yohan. Sana maging masaya silang dalawa kahit pa na naghiwalay na sila. Sana makahanap sila pareho ng taong magmamahal sakanila at ipaparamdam sakanila ang healthy relationship na deserve nila.