Chereads / Boy in Denim Jacket / Chapter 90 - Another Backstabber

Chapter 90 - Another Backstabber

"Ibon~!"

Tawag agad sakin ni Cess nung naglalakad na namin kami papunta sa bahay nila Jasben at nakita namin sila sa maliit na karinderya malapit kila Jasben.

"Cess~!"

Nakangiting tawag ko rin kay Cess at saka naglakad na papalapit sakaniya.

"Buti pinayagan ka ng mama mo Yvon."

Sabi naman sakin ni Shey nung nakatayo na siya sa tabi namin ni Cess.

"Malapit lang kasi ung pinaalam ko Shey, eh."

"Gago ka! AHAHAHHAHAHAHAHAHA!"

Natatawang sabi sakin ni Cess habang tumatawa na silang dalawa ni Shey. Natawa na lang din tuloy ako.

"Eh, sa hindi ako papayagan pag sinabi ko na malayo ung bahay nila Jasben!"

Pagdedepensa ko kay Cess habang tumatawa pa rin ako.

"Oo nga naman, Cess."

"Ay, narinig ko di ka na raw sumasama kila Violado."

"Oo."

"Baket?"

Tanong sakin ni Shey habang tinitignan na nila ako pareho ni Cess at hinihintay na ung isasagot ko sakanila.

"Nambabackstab kasi. Nakikisali siya sa pang babackstab kila Apo at Dexter nung kasama nila ung ex friends ni Apo."

"Putangina?!"

"Talaga? Ano sabi?"

Tanong sakin nila Cess at Shey habang nanlalaki na ung mga mata nila.

"Kesyo raw na nagbago na raw si Dexter."

"Gago ba siya!? Close ba silang dalawa ni Dex!? Putangina naman niya!"

Inis na sabi ni Cess.

"Ano un? Ano un?"

Tanong ni Dexter nung marinig niya ung pangalan niyang sinigaw ni Cess sa inis.

"Puta par nagbago ka na raw pala!"

"HAHAHHAHAHAHAHAHAHAHA! Gago ngayon ko nga lang din nalaman na nagbago na ako, eh!"

Natatawang sabi ni Dexter kay Cess habang tinitignan na niya 'to.

"Un lang ung dahilan kung bakit hindi ka na sumasama sakanila?"

Tanong sakin ni Shey dahilan para mapatingin ulit ako sakaniya.

"Ano, ginagawa lang nila akong pagkukuhanan ng resources tulad ng mga pagkain, tubig tapos si Violado lang din ung nakaka ubos ng charge ng power bank ko, kahit na sinasabi ko ayoko na siya paheramin ng power bank ko namimilit pa rin, eh. Tapos ung cellphone ko kala mo siya may-ari kasi kahit na Ayoko ipagamit sakaniya ung phone ko namimilit talaga tapos siya rin nakaka ubos ng data ko kakapanood ng mga kpop groups na hindi ko naman iniistan."

Mahabang sagot ko sa tanong sakin ni Shey habang tinitignan ko pa rin siya.

"Grabe naman un. Pinipilit talaga niya kahit sinasabi mo na ayaw mo talaga?"

Tanong ulit ni Shey sakin.

"Oo, kaya naiinis na rin ako sakaniya, eh."

Sagot ko ulit sa tanong ni Shey sakin at saktong tapos na lutuin ung binili nilang pagkain dito sa karinderya.

After makuha nila Shey at Cess ung binili nilang pagkain sa karinderya ay sabay-sabay na kaming naglakad papunta sa bahay nila Jasben habang masayang nag-uusap. Nung makarating na kami sa bahay nila Jasben ay busy na mag-ayos ng lamesa si Jasben pati na rin ung nanay niya at iba pang mga kaibigan nila. Inuman pala 'tong napuntahan kong birthday celebration, eh. OMG… hindi pa ako ready uminom…

"Umiinom ka Tagum?"

Tanong sakin ni Apo nung nagsi-upuan na kami. Agad akong napatingin kay Apo, ngumiti sakaniya awkwardly at saka umiling na bilang sagot sakaniyang tanong. Hoy… hindi pa ako ready guys…

Ilang saglit pa ay nagpunta na sila Lara, Micah, Jasben at Ceejay sa hiwalay na lamesa para haluin na nila ung gin ata or alak ng dalandan juice. Kinakabahan na ako… pareho sa alak at kay mama.

"Yvonne."

Tawag sakin ni Chin sabay abot na ng tsitsirya na kinakain na niya. Makakain na nga lang rin… pano ba magkaroon ng 'I don't care' attitude? Ay… wag na lang pala… baka mapalayas pa ako ng wala sa oras. Oo, ikain ko na lang 'tong kaba. Enjoyin na rin habang hindi pa gaano nakakatakot ung mga text ni mama… hahaha…

Nagsi-inuman na sila ng alak, clockwise ung ikot tas tig-iisang baso. Maya-maya pa ay dumating na sila Carl.

"Ba't ngayon lang kayo pre?!"

"Gago pre! Niligaw kami nung taxi!"

"Puta! HAHAHHAHA!"

"Oh, dali! Shot na!"

"Gara niyo naman! Hindi niyo man lang kami hinintay bago kayo magsimula!"

"Wag ka na mag-inarte dyan at maupo ka na lang!"

"Tangina tagal kasi neto, eh!"

"Gago ako pa nasisi!"

"Umuwi ka pa kasi sa bahay niyo, eh!"

"Nakanino na ung baso?"

"Arat na! Inuman na!"

"Happy birthday Jasben!"

"Jasben! Happy birthday raw!"

"Ha? Salamat~!"

At nagsi-inuman na ulit sila. Ako naman heto… tahimik na naglalaro sa phone ko katabi si Chin at kumakain ng tsitsirya.

"Andito pala si Tagum, eh!"

Agad akong napatingin nung narinig ko ung apelyido ko. Shookt lang? Sino ba ung tumawag sakin?

"Ay, gago?! Si Tagum pala un!?"

Hindi makapaniwala 'tong si Arvin, ah. Sabagay… kung ako rin hindi rin ako makapaniwala.

"Umiinom ka Tagum?"

Tanong sakin ni Carl habang tinitignan niya pa rin ako.

"Hindi."

"Tikim ka dali! Hoy patikimin niyo nga si Tagum!"

Sabi ni Carl kila Micah na katabi lang din ni Chin. Ritwal na ba 'to pag may bagong salta tapos inuman ung birthday celebration? So ayun na nga, naglalagay na ng alak si Micah sa plastic cup.

"Huy onti lang!"

Sabi ko kay Micah habang tinitignan ko na siya.

"Wala na, nadamihan ko na~"

"Hala!"

"Charot lang~ Eto Tagum, oh."

Sabi ni Micah sabay abot na niya sakin ng plastic cup na sinalinan niya. Kinakabahan ako na naeexcite na ewan.

"Iinom na yan! Iinom na yan!"

Sabay-sabay na sabi nila sakin. Heto na… tinikman ko na ung alak tas… AAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH! Naubo ako dahil sa tapang!

"Gago! HAHAHAHAHAHHHAHA!"

"Ang init sa lalamunan…"

Ayan na lang ang nasabi ko sabay lapag na ng plastic cup sa lamesa. Nagtawanan na lang sila habang ako naman ay lumalagok na ng tubig. Tumikim din si Chin pero parang wala lang sakaniya. Sana all.

"First time mo lang ba uminom Tagum?"

Tanong sakin ni Micah matapos niyang tumawa.

"Oo. Di ako pinapainom ng tropa ko pag nag-iinuman sila tas kasama ako, eh."

"Ba't naman?"

Tanong naman sakin ng boyfie ni Micah.

"Ako kasi ung pinakabata saming magkakaibigan, eh."

"Mababait na kaibigan naman pala tropa mo, eh!"

Sabi naman ni Chin sabay hawak na sa balikat ko habang nakangiti. Tapos ayun… tuloy-tuloy pa rin ung kwentuhan at inuman nila habang ako naman kinukulit na si Lara na sabay kami umuwi kasi nakaka kaba na ung mga text ni mama sakin. Ang ending? Kasabay ko umuwi sila Cess, Chin at ung isa pang kaibigang babae ni Jasben na kapareho lang namin tatlo ng municipality na tinitirhan.

Alam niyo ba… mas bata sakin si Cess ng isang taon pero mas marami na ung alam niya about sa mga ganito ganyan. Nakakatuwa lang at nakakaproud kasi kaibigan ko siya. Si Cess rin pala ung nag-antay na makasakay ako ng tricycle pauwi samin. Kaya idol ko yan, eh.