Chereads / Boy in Denim Jacket / Chapter 88 - Backstabber

Chapter 88 - Backstabber

Nagkasabay kami ni Juliana sa pagpasok dito sa gate ng school namin kaya nagsabay na lang din kami maglakad papunta sana sa classroom namin kaso sabi niya nakapuwesto raw sila Violado malapit sa gazebo kaya sinama na rin niya ako para pumunta sakanila.

"Sino-sino raw mga andun?"

Tanong ko kay Juliana habang naglalakad na kami papunta sa kinaroroonan nila Violado.

"Sila Christina, ung ibang kagrupo nila sa research pati ung mga dating kaibigan ni Apo."

Sagot ni Juliana sa tanong ko sakaniya habang papalapit na kaming dalawa sa kinaroroonan nila Violado. Nung malapit na kaming dalawa ni Juliana at narinig ko sila na sinasabihan nila ng mga hindi magaganda patungkol kila Apo at Dexter.

"Simula nung naging sila, nagbago na si Dex."

Rinig kong sabi ni Violado ng makatayo na kaming dalawa ni Juliana sa tabi nila. Tama ba narinig ko? 'Nagbago na si Dex'? Excuse me? Sino ka the para magsabi ng ganyan patungkol sa tao? Ganun ba kayo kaclose? Anong papel mo sa buhay niya para magkaroon ka ng karapatan na magsabi ng ganyan patungkol sa taong di mo naman kaclose? Gago… biglang nag init dugo ko, ah. Oo, hindi ako ung binabackstab or tinotalkshit nila pero kung nagagawa pala nila un sa iba, pano pa kaya sakin diba, lalu na kung may mga lihim na sama ng loob sila sakin.

Hindi ko na pinakinggan ung ibang masasamang pinagsasasabi nila patungkol kila Apo at Dexter dahil nagtataginting na ako tenga ko sakanila. Hindi deserve nila Apo at Dexter ung mga pinagsasasabi ng mga ex friends ni Apo dahil lang naging sila. At tsaka sino ba sila para manlait ng relasyon ng iba kung wala naman silang karelasyon? Pinaka nagagagigil? Nakikisali sakanila si Violado. Oo, nagtotalkshit din si Christina about kila Apo pero research related since magkagrupo naman sila. Si Violado? Hindi ko alam kung pano 'to napasama sa mga ex friends ni Apo pero sa tuwing nasa classroom kami madalas ko 'tong makita si Violado na kausap si Apo tas tinutulungan sa ganito ganyan. Simula ngayong araw na 'to, nagbago na ung tingin ko kay Violado.

"Tagum, sama ka sa canteen?"

Tanong sakin ni Micah habang tinitignan na niya ako at sila Jasben, Ceejay, Angela, Lara at Chin at kinukuha na ung mga wallet nila sa kani-kaniyang mga bag nila. Nginitian ko na lang si Micah at saka tumango.

Ilang araw na ang lumipas matapos kong masaksihan ung pangyayaring un at ilang araw ko na rin iniiwasan sila Violado. Sa tuwing pagpasok ako at uupo sa tabi niya sa fourth row dahil dun ako palagi nakaupo ngayong second sem ay umuupo na ako sa third row katabi si Ceejay or Jasben or Angela. Depende kung sino uupo sa tabi ni Lara kasi sa left end ng row namin nakaupo si Chin, then sumunod si Micah, tas si Lara, empty seat at ako naman sa right end.

Naghihintay na kaming pito sa elevator at nagtatawanan lang, nagkekwentuhan hanggang sa bumukas na ung elevator at sumakay na kami. From 8th floor down to the 1st floor, mga tahimik lang kaming nagsisitawanan.

"Tagum, bakit pala hindi ka na sumasama kila Violado?"

Tanong sakin ni Jasben nung nagkasabay kami ng pace sa paglalakad habang papunta na kami sa kabilang building para puntahan ung canteen na may masasarap na foods.

"Nung nakaraang araw kasi nagsama sama sila Violado kasama sila ------ (ex-friends ni Apo) malapit dun sa gazebo tapos binabackstab nila sila Apo at Dexter, kesyo raw ganito ganyan. Tapos si Violado, nagulat na lang ako bigla niyang sinabi na nagbago na raw si Dexter simula nung naging sila ni Apo."

Kwento ko kay Jasben habang naglalakad pa rin kami.

"Sinabi niya un?"

"Oo."

"Ano sabi ni Violado?"

"Nagbago na raw si Dexter."

"AHAHHAHAHAHAHHAHA! Gago kaclose ba niya si Dexter?"

"Puta naging sila ba para magsabi siya ng ganyan?!"

"Tangina kung makapag sabi siya nyan kala mo ano, eh!"

"Diba!"

Ayan na lang ang nasabi ko sakanila ng lima matapos marinig ung pinag-uusapan namin ni Jasben. Yes, lima lang kasi walang sinabi si Chin.

At matapos ang pag-uusap naming anim ay lumipas ang mga araw na may times na wala ako sa mood sa loob ng classroom kaya magkukunwari akong tulog at may times naman na maharot na akala mo batang nakikipaglaro.

"Tagum, ba't di ka na sumasama kila Violado?"

Tanong sakin ni Apo habang naglalakad na kami dun sa field papunta sa gate ng school namin.

"Nung nakaraan kasi nagsama-sama sila Violado pati na rin sila ------ (ex-friends ni Apo) malapit dun sa gazebo tapos nagtotalkshit sila about sainyong dalawa ni Dexter. Eto naming si Violado biglang nagsabi ng nagbago na raw si Dexter Ganun- "

"Gago sino ba siya?"

Tanong ni Dexter.

"Tapos?"

Tanong naman ni Apo sakin habang tinitignan niya ako.

"Tapos simula nun di na ako sumasama sakanila. Ayoko sa mga taong backstabber, eh."

"Okay lang yan, andito naman kami para sayo Tagum."

Sabi sakin ni Apo sabay hawak na niya sa kamay ko habang nginingitian na niya ako. Aww~

"Samin ka na lang sumama."

"Sige."

Lumipas pa ang mga araw na madalas na akong sumasama kila Apo, Ceejay, Jasben, Angela, Micah, Lara at Chin. At alam niyo ba, sa buong grade 12 days ko ay ngayon lang ako nakakauwi ng mga alas nuwebe ng gabi ng hindi nagagalit si mama. Bakit? Kasi madalas ko na makwento sakaniya sila Micah, Chin, Lara, pati na rin sila Ceejay at sila Apo. Nakakatuwa lang din kasi nakakabili ako ng sweetcorn sa labas ng school namin dahil kasama ko silang anim na pinapayagan nila ate at kuyang guard na lumabas saglit ng campus. Marami akong mga first na hindi ko nagagawa nung sakanila Violado pa ako sumasama.

Buti na lang at napasama ako sa group of friends nila kahit na patapos na 'tong school year na 'to at gagraduate na kami sa April. Well, sana makagraduate kaming lahat. Sana.

First day ng finals namin at masasabi kong okay lang naman ang mga pinagsasasagot ko sa tests? Basta, as soon as possible move on agad. Ayoko na magpakastress.

"Tagum, sama ka sa birthday ni Jasben?"

Tanong sakin ni Micah habang nakatayo na kaming siyam sa vacant space katabi ng hagdan na kung saan kami pwede maghintay ng hindi nakakaharang sa daan.

"Kelan ba?"

"Ngayon."

"Ngayon?"

"Oo."

"Happy birthday Jasben~!"

"Thank you, Yvonne~!"

"Nasan na raw ba sila Cess?"

"Kaso di pa ko nagpapaalam, eh."